Chapter 12

SA KABILA ng masakit ang likod at iba pang parte ng katawan ni Matteo nang maggising, ang una muna niyang inalala ay si Joy. Bumangon siya mula sa hinagaan na mahabang upuan para tignan ang lagay nito. Muntik na siyang mapamura nang makitang wala roon si Joy sa kabila ng mga naiwan nitong gamit.

“Pinapatunayan sa akin ng babaeng ito na pasaway siya,” nagtatagis ang bagang na sabi ni Matteo. Napatingin siya sa kanyang relo. Alas sais pa lang ng umaga. Anong ginagawa ng babaeng iyon at umalis ito ng ganoong kaaga?

Nag-isip si Matteo nang maaaring gawin ni Joy. Malamang ay nagdya-jogging ito. Ganoon naman ang ginagawa ng mga taong gumigising nang maaga `di ba? Nasa bakasyon ito, inamin na nito iyon sa kanya kahapon. Wala itong trabaho para umalis na lamang sa cottage nito. Isama pa na naiwan nito ang gamit nito roon. Lalong nainis si Matteo sa naisip. Hindi ba iniisip ni Joy ang sarili nito? May mga sugat na tinamo ito kahapon. Dapat ay nagpapahinga ito. Kung pinipilit nito ang sarili sa ilang mga physical activities, maaaring makasama iyon sa sugat nito.

Bago umalis si Matteo sa cottage para hanapin si Joy, kinuha niya muna ang ilang first aid kit para sa paghahanda kung may mangyari man na masama sa sugat nito.

Nagkatotoo naman ang hinala ni Matteo. Nakita nga niya si Joy na tumatakbo sa beach shore. Sinigawan niya agad ito para tumigil.

“You witch,” hindi na naitago ni Matteo ang galit. Nag-aalala siya rito. Gusto niya na matawa kung bakit ganoon ang nararamdaman niya sa babaeng pasaway na ito. Klaro naman sa kanya na hindi nito gustong sumagal sa isang kagaya niya pero gusto niya pa rin na pilitin ito. To think na mas maraming nagagandahang babae ang humahabol sa kanya na hindi na niya kailangan pang pilitin.

“Ano bang mayroon sa akin at gustong-gusto mo akong sundan?”

Sapat na ba ang sagot na gusto lang niya si Joy? Parang hindi pa. Mahilig siya sa babae at maraming beses na rin niyang dinidiretsa ang mga ito sa mga nararamdaman para sa mga ito. Pero ang kay Joy, kakaiba iyon. Bukod sa kanyang ina, pakiramdam niya ay noon lang nakaramdam ng ganoong pag-aalala si Matteo sa buong buhay niya.

Playboy siya at aminado naman siya roon. Sa klase ng pamumuhay na mayroon si Matteo, mahirap iwasan iyon. Hinahabol siya ng mga babae at sino ba naman siya para tumanggi sa mga ito? Alam niya na mali ang ginagawa niyang pakikipaglaro sa mga babae at kapag nagsawa na siya ay iiwan na lang niya. Pero siya rin naman ang tipo ng lalaking hindi nangangako sa mga ito ng kahit ano. At masuwerte siya na game naman ang mga babae sa gusto niya para lang makasama siya.

“Bakit ba hindi ka na lang matuwa sa mga ginagawa ko sa `yo?” wika ni Matteo at tinignan ang kamay nito. Nagtiim-bagang nang makita niyang may pula na sa benda noon. Nagdugo ang sugat nito. “Tignan mo ang consequence ng pagkapasaway mo!”

Napatingin rin si Joy sa sugat nito at mukhang noon lang nito napansin iyon. Pinaupo niya ito sa buhanginan at sinimulang linisin ang sugat nito.

“Sigurado ka bang marunong ka?” paninigurado ni Joy. “Kaya ko naman na linisin ang sarili kong sugat.”

“Kaya ko. Ano bang akala mo sa akin, pagmomodelo lamang ang alam?”

“Hindi naman. Alam ko rin naman na hindi lang iyon ang pinagkakaabalahan mo. I’ve heard you are also a major stockholder in a big clothing company in London. Bukod sa pagmomodelo, masasabi na businessman ka rin. Pero ang paglilinis ng sugat---“

Ngumisi si Matteo. “Fan talaga kita,”

Totoo ang mga sinabi ni Joy tungkol kay Matteo. Sa kabila ng gusto niya ang pagiging modelo, alam niyang hindi praktikal na mananatili na lang siya sa ganoon. So he invested on a business. Leading sa London ang clothing company na iyon na sa ngayon ay may mga branches na rin sa iba’t ibang bansa.

“But that doesn’t mean na gusto pa rin kitang patulan,”

Hindi dahil gusto mo, makukuha mo. Saan nga ba narinig ni Matteo ang linyang iyon? Alam niya na sa isang pelikulang Pilipino. Napakahilig ng Mommy niya sa panonood noon kahit na ba simula nang magpakasal ang mga ito ng kanyang ama mahigit tatlumpung taon na ang nakakaraan ay sa London na tumira ito kasama sila ng Daddy niya. Hindi pa rin gustong iwanan ng kanyang Mommy ang bansa nito kaya palagi itong nanonood ng mga TV shows at pelikulang gawa ng bansa. Dahil nag-iisang anak nito, madalas naman siyang naiimpluwensyahan ng Pilipinang ina.

Ganoon si Joy. Gusto niya ito pero hindi niya maggawang makuha ito. He found it frustrating yet amusing at the same time. Nagagawa pa rin kasi niyang magtiyaga pagkatapos ng lahat.

Pero hindi ibig sabihin noon ay magtitiyaga na lang si Matteo sa ganoon pang-habang buhay. Ano pang silbi ng pagiging isang supermodel niya at habulin ng mga babae kung ang isang babaeng kagaya lang ni Joy ay hindi niya mapaamo?

Hindi nagsalita si Matteo sa sinabi ni Joy. Tinapos niya ang paglilinis ng sugat nito at pagkatapos ay tinitigan ito. Napansin niyang nailang si Joy sa ginagawa niya pero hindi niya tinigilan ito hanggang sa magreklamo ito.

“A-anong ginagawa mo?”

Ngumisi si Matteo. “Hindi mo ako papatulan pero hindi mo naman maitago na naapektuhan ka sa akin?”

“Natural lang naman siguro iyon sa isang fan,”

“Sigurado ka ba talaga na hanggang fan na lang ang gusto mo na maging katayuan sa buhay ko?” unti-unting nilapit ni Matteo ang mukha kay Joy. Gusto niyang tuksuin si Joy at ramdam niya na tila nawawala ito sa sarili nito kapag nagkakalapit sila nang husto. Katulad na lamang ng kanina nang tinignan nito.

If Matteo would done something intimate, Joy might indulge.

Ang layunin ni Matteo ay ang tuksuin si Joy pero pakiramdam niya sa dulo ay siya yata ang natukso. Nang mapatingin siya sa labi ni Joy, may iba pa siyang gustong gawin kaysa ang lokohin ito.

Tinignan niya si Joy. Ramdam niya ang tensyon nito pero nakita niya sa mga ito na tila kagaya niya, may iba pa itong gustong gawin. At sino siya para hindi pagbigyan ito at pati na rin ang sarili niya sa bagay na iyon?

Ang panunukso ay napunta sa totoo. Tinawid ni Matteo ang distansya sa pagitan nila ni Joy.

Hinalikan niya si Joy.

Pero mukhang mali ng iniisip si Matteo na kagaya ni Joy, ay pareho sila ng gustong gawin. Hindi pa nagtatagal ng sampung segundo ang paghalik niya rito ay itinulak siya nito.

“A-anong ginawa mo?” makikita ang pagkabigla sa mukha ni Joy.

Hindi ko rin alam, sagot ni Matteo sa isip niya. At kagaya ng sagot niya, hindi rin niya palam kung bakit nagkaroon ng malaking udyok roon na kahit alam niyang mali, gusto niyang magkaroon pa ng maraming pagkakataon na tikman ang kakaibang sarap ng pakiramdam na dulot ng labi ni Joy.

“MERIENDA time, Joy!”

Sa kabila ng masigla na boses ni Matteo ay hindi maggawang mahawa ni Joy. Kasalukuyan siyang nagkukulang sa sariling cottage niya. Hindi niya gustong lumabas dahil ayaw niyang makita si Matteo. Pagkatapos ng nangyari kanina, nahihirapan siya na pakisamahan ito.

Gusto ni Joy na alisin si Matteo sa isip niya, lalong-lalo na sa sistema niya kahit na ba mahirap iyon. Hindi pa rin siya pinapabayaan ng modelo at nasa labas lamang ito ng cottage niya. Pero ginusto niyang huwag labasin ito sa kabila ng mga pamumulit nito. Tuwing nangungulit lang itong kumain siya ay saka lang niya ito nilalabas. Hindi kasi ito tumitigil sa pangungulit dahil na rin daw sa kalagayan niya.

At ngayon ay oras na naman na kailangan niyang harapin ito. Alas kuwatro ng hapon pero kahit ganoon, busog pa siya. Kaya lang, kung magmamatigas siya kay Matteo, mabubuwisit lang siya sa pangungulit nito.

Nilabas na ni Joy si Matteo. Ang plano niya ay kukuhanin lang ang pagkain rito at hindi na makikipag-usap pa para lang tigilan siya pero wala naman itong dalang pagkain.

“Niloloko mo ba ako?”

Umiling ito. “I intend to have our merienda in the restaurant.”

“Wala akong ganang kumain,”

“Para sa akin may sakit ka pa rin kaya kailangan mong sumama sa akin.”

“Ayaw ko. `Wag mo na nga akong kulitin, Matteo. Gusto kong matulog muli.” Kahit alam niya na hindi niya magagawa. Kahit maghapon siya sa cottage ay hindi niya maggawang magpahinga. Inookupa ni Matteo ang isip niya.

Si Matteo at ang halik nito.

“Alam ko na ibinilin sa `yo ng Doctor na magpahinga dahil sa mga nangyari pero mahirap rin ang over sleeping. Kaya `wag mo ng sayangin ang bakasyon mo, okay? Tara na sa restaurant.”

Hinawakan ni Matteo ang kamay ni Joy. Nakaramdam siya ng kuryente mula roon. Nainis si Joy. Ano itong nararamdaman niya? It seems new. Nababasa niya ang mga iyon sa mga romance novels. Pero ayaw niyang isipin na may kinalaman iyon sa romance. Paano kung epekto lang iyon ng halik nito kanina?

Nag-sorry naman si Matteo sa kapangahasan na ginawa nito. But the damage has been done. Tinanggap rin naman niya iyon dahil sa ginawa nitong pag-sorry. Isama pa na pakiramdam ni Joy, nag-benefit rin siya sa nangyari. Nagustuhan niya ang halik ni Matteo kahit sandali lamang iyon. Pero hindi niya gustong i-entertain iyon. Hindi niya gustong isipin. Naguguluhan si Joy sa kanyang damdamin. Kaya pinili na lang niyang layuan si Matteo.

“M-my hand. Hindi mo na kailangang hawakan `yan.”

Tinitigan siya ni Matteo. “Bakit, Joy? Hindi mo ba talaga nagugustuhan na kasama ako?”

“Natatakot ako.”

Tinaasan lang siya ng kilay ni Matteo.

Huminga nang malalim si Joy. “Ayaw kong mapalapit sa `yo, Matteo. Alam kong kapag nahulog ako sa `yo, hindi mo kayang ibalik ang nararamdaman ko.”

Sandaling hindi nakapagsalita si Matteo. “B-but Joy, you’re different.”

“Different? In what way?”

“Hindi ko rin alam. Pero ang tanging sigurado ko ay gusto ko na palagi kang nasa tabi ko. Hindi ko gustong nasasaktan ka. Hindi ko gustong pakawalan ka. Kahit na ba paulit-ulit mong sinasabi na hindi mo ako papatulan sa kabila ng sitwasyon, gusto pa rin kita. At mali ako ng humingi ako ng patawad na hinalikan kita. Dahil gusto ko ang nangyari, Joy. Sa tingin ko ay lalo pang tumindi ang pagkagusto ko sa `yo dahil sa halik na iyon...”

Hindi nakapagsalita si Joy. Nakatitig lamang siya sa mga mata nito. Ramdam at nakikita niya mula roon ang mga sinseridad sa sinasabi nito. Hawak pa rin ni Matteo ang kamay niya at nang higpitan nito iyon, lalo lamang siyang nakumbinsi na totoo at seryoso si Matteo sa mga sinasabi nito.

Kailangan pa ba ni Joy na mag-isip? Naguguluhan na siya sa buhay niya. Naguguluhan na rin siya sa damdamin niya kay Matteo. Kung susubukan niya ang nararamdaman niyang iyon, marami iyong magiging benepisyo. Hindi na siya magugulo, hindi siya magkakaroon ng regrets dahil sinubukan niya, hindi na rin siya kukulitin pa ni Matteo at higit sa lahat, mararanasan niya ang saya.

Sa pagpisil ni Matteo ng kamay niya, nakumbinsi siya nito na gugulin ang natitira pang maghapon kasama ito.

Nag-merienda sila sa restaurant at pagkatapos noon ay niyaya siya nito na mag-try ng ilang water activities sa beach. Napili ni Matteo ang mag-jetski.

“Hindi ako marunong niyan,” wika niya rito.

“No need. Marunong ako. Aangkas ka naman sa likod ko, eh.”

Tinitigan niya si Matteo bilang sagot. Alam niyang kung gagawin niya iyon, mas mapapalapit siya kay Matteo. Bahagyang naguguluhan pa rin siya kung tama ba ang desisyon na sumama rito maghapon pero malaking bahagi ng isip niya ang gustong gawin talaga iyon.

“Make yourself like your name, Joy. Make yourself happy, fill yourself with “joy”. Make me happy, too.” Pangungumbinsi sa kanya ni Matteo.

Pumayag si Joy. Ini-angkas siya ni Matteo sa likod ng jetski. Mabilis ang pagpapatakbo nito kaya naman kahit hindi niya sana gustong yumakap rito dahil nahihiya siya, naggawa rin niya upang masigurado na hindi siya mahuhulog mula roon.

Naramdaman ni Joy na nanigas si Matteo sa kanyang naggawa. “I-is it okay?”

Sandaling tumingin sa kanya si Matteo at ngumiti. “Its nice. I feel nice.”

And its feel the same to me. Hinigpitan pa ni Joy ang yakap kay Matteo. At doon niya napagtanto na dapat lang talaga ay pinagbibigyan ang sarili paminsan-minsan...

HANGGANG gabi ay pinagbibigyan pa rin ni Joy si Matteo. Pinagbibigyan pa rin niya ang sarili niya na maging masaya at huwag munang isipin ang hinaharap para sa kanilang dalawa. And she was having the best time of her life. Kung kanina ay naiilang pa siya kapag nagkakalapit sila, ilang oras lamang ang nakalipas ay ramdam niyang komportableng-komportable na siya rito.

Gusto ni Joy ang pakiramdam sa piling ni Matteo. Gusto niya ang mainit na kamay nito na hinahawakan rin ang kamay niya. Pagkatapos nilang mag-jetski ay magkahawak kamay na nilakad nila ang beach shore. Hindi na siya nag-inarte. Hindi na niya tinanggihan si Matteo. Hinayaan niyang maging masaya na lang ang sarili sa piling nito.

“Kumusta ang kamay mo?” tanong sa kanya ni Matteo habang nakahiga sila sa labas ng cottage. Naglatag sila roon ng tela at doon ay nahiga habang magkatabing pinapanood ang mga bituin sa langit. Kinuha nito ang kamay niyang nasugatan sa pagwawala niya.

“Sa tingin ko ay malapit ng gumaling. Salamat sa `yo,”

Nginitian ni Joy si Matteo at ibinalik rin nito iyon sa kanya. “No problem. Hindi mo na kailangan pang magpasalamat sa akin.”

“Pero gusto ko. Ikaw lamang ang lalaking nag-alala sa akin ng ganoon bukod kay Luc.”

“At gusto mo bang masanay sa ganoon, Joy?”

Tumaas ang isang kilay ni Joy. “Anong pinupunto mo? Huwag mong sabihin na gusto mong patagalin pa itong mga ginagawa natin?”

“May tatlong araw pa akong bakasyon.”

“At pagkatapos noon ay tapos na ang lahat. Huwag mo akong paasahin, Matteo.”

Tinitigan siya ni Matteo. “May pakiramdam ako na hindi kita pinapaasa, Joy. Hindi ko talaga alam kung ano itong nararamdaman ko. Pero gusto ko ito. Gustong-gusto ko. Gustong-gusto kita. Kahit sandali pa lamang tayong nagkakasama, may pakiramdam ako na hindi ko iyon gustong matapos.”

Parang ang corny sa pandinig ng mga sinabi ni Matteo pero tumaba ang puso ni Joy sa mga iyon. Napalunok rin siya dahil tila natuyo yata ang lalamunan niya. “G-ganoon mo talaga ako kagusto?”

Tumango ito. “At gusto mo ba na malaman kung bakit naging ganoon na lang kalaki ang kagustuhan ko?”

“B-bakit?”

Tumingin si Matteo sa kanyang labi saka hinawakan iyon. “Hindi ko malimutan ang pakiramdam ng labi mo na nakalapat sa labi ko. At kung hahayaan mo ako, I want to taste it again.”

Lumakas ang kabog ng puso ni Joy. Sandaling pinakiramdaman niya ba kung ano iyon. Natatakot ba siya o nanabik? Pero nang mapatingin siya kay Matteo, particular sa labi nito, alam na niyang ang huli iyon.

Pareho sila ng nararamdaman ni Matteo. Gusto rin niyang maulit ang halik. Sa kabila ng alam niyang mali, gusto rin niyang punan ang kuryosidad niya kung anong pakiramdam kung tumagal pa iyon at lumalim.

Kaya nang unti-unting lumapit ang mukha ni Matteo sa kanya, hindi na niya pinatagal pa iyon. Sinalubong niya ang labi nito.

Bukod sa malakas na tibok ng puso ni Joy, naramdaman rin niya na tila may mga paru-paro na naglaro sa tiyan niya. Naging matindi pa ang mga iyon nang nagtagal at lumalim ang halik ni Matteo. Pakiramdam niya, kagaya noong nag-break down siya, nawalan siya ng kontrol sa sarili.

At ganoon rin si Matteo.

“God, I think I can kiss you forever, Joy...” ungol pa ni Matteo.

“Then do,” dala ng matinding nararamdaman, nasabi iyon ni Joy.

Mula sa labi, bumaba ang mga halik ni Matteo. He kissed her neck and the other parts lower in it. Dapat ay matakot si Joy dahil tila dinadala siya ni Matteo sa ibang mundo. Pero malayo roon ang nararamdaman ni Joy. Kinakain siya ng kuryosidad niya. Gusto niyang malaman kung ano pa ang kayang ibigay ni Matteo at tila ba kaya niyang ipagpalit ang lahat para lang ma-satisfy iyon.

Natagpuan ni Joy na kinakalas na ni Matteo ang butones ng suot niyang polo. Hindi pa rin siya makapagreklamo. Hindi niya maggawa. Gusto niya ang ginagawa nito. Nang paglaruan nito ang puno ng kanyang dibdib, tanging ungol lamang ang naggawa niya. Ungol na tila nagsasabing ituloy lang ni Matteo ang ginagawa niya.

“I want you so badly, Joy...” sandaling tumigil si Matteo at sinabi iyon.

“I-I want you, too, Matteo.”

Tinitigan siya nito. “Sigurado ka ba? Kung anong gagawin natin ngayong gabi ay maaaring maging malaki ang epekto sa `yo.”

“H-hindi mo naman ako sasaktan `di ba?”

Ngumisi si Matteo. “Just trust me into this, Joy...” wika ni Matteo at saka itinuloy ang paghalik kay Joy.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.