Chapter 14

LUMIPAS pa ang ang isang linggo at mas lalong tumindi ang paniniwala ni Joy na seryoso nga si Matteo. He still remains in contact---in close contact actually. Araw-araw siya nitong tinatawagan at madalas na pinapadalhan ng message kahit na ba minsan ay hindi niya nare-reply-an ito dahil na rin sa mga gawain niya sa buhay at sa time difference nila. Bukod rin sa pagpaparamdam nito sa kanya ni Matteo sa cell phone, kahit sa personal ay pinaparamdam rin nito sa kanya na talagang gusto siya nito.

Hindi alam ni Joy kung paano nagagawa ni Matteo na padalhan siya nito ng bulaklak sa kabila ng lugar kung nasaan ito. Pero simula nang iparamdam nito sa buong sambayanan na may namamagitan sa kanila sa pamamagitan ng twitter nito, palagi na siyang nakaka-receive ng bulaklak rito. Palaging sa office niya iyon bumabagsak kaya naman naging tampulan ng tukso si Joy. Alam na rin ng mga ka-opisina niya ang tungkol kay Matteo kaya naman ang tingin sa kanya ng mga tao roon ay Diyosa.

Naniniwala na rin doon si Joy. She felt really special. Ano nga bang mayroon sa kanya at nagkaganoon si Matteo? Pero hindi na niya gustong magtanong pa. Mas gusto na lang niya na makaramdam at huwag nang mag-isip pa ng masasamang bagay. Simula nang subukan niya ang mga ganoong gawain, wala ng naramdaman pa si Joy kung hindi sumaya. Tama lang naman siguro na pagbigyan niya talaga ang sarili niya, lalo na sa mga nangyari sa nakalipas sa kanya.

Lunch break ni Joy at nakatanggap si Joy ng message kay Matteo mula sa Facebook account nito. Pinadalhan siya nito ng selfie picture nito. Kung noong una ay ikinatataas niya ng kilay ang pagpapadala nito ng iba’t ibang larawan, ngayon ay sanay na siya roon.

Matteo Busby: Selfie after the photoshoot. I feel so groggy but still handsome as ever.

Joy Reyes: #Vain

Matteo Busby: Just being honest.

Hindi na gusto pang mag-react ni Joy dahil kahit inisin man niya si Matteo, hindi naman niya maitatanggi na guwapo talaga ito. Hindi rin niya mapigilan na hindi titigan ang pagmumukha nito sa screen ng laptop niya. Mukha ngang pagod na si Matteo. Alam niya na magdamag ginawa ang photoshoots na iyon dahil bukod sa marami, isiningit lang din ni Matteo ang project nito na iyon ngayong araw. Wala pang tulog si Matteo pero napakaguwapo pa rin nito. Halos kakasimula pa lamang tuloy ni Joy na kumain ay pakiramdam niya, busog na siya.

Palagi namang ganoon ang sitwasyon ni Joy. Paano kasi, para hindi nila maramdaman na malayo sila sa isa’t isa, ganoon ang ginagawa nila ni Matteo. Ito ang nag-isip noon, ang nagpasimuno. Pinapadalhan siya nito ng mga larawan kung saan ito pumupunta, kung ano ang ginagawa nito at kung sino rin ang mga kasama nito. Sa ginagawang iyon ni Matteo, pakiramdam niya ay nakakasama na rin niya ito. Isama pa na mas nakikilala dahil lahat ng tao sa group pictures na pinapadala nito ay pinapadala nito sa kanya. Iyon ang mga dahilan kung bakit tila hindi sila nauubusan ng pinag-uusapan ni Matteo.

Gusto niya iyon. Hindi niya tuloy nararamdaman na malayo sa kanya si Matteo dahil pinaglalapit sila ng mga ginagawa nito. Sinanay na rin niya ang sarili niya sa ganoon at minsan tuloy, kahit ang mga kinakain niya ay ipinapakita na rin niya rito upang may maipadala lang siya rito. Wala naman kasing ganoong interesante sa buhay niya dahil madalas na nasa opisina lang siya.

Habang nagla-lunch siya, pinagsabay niya ang pagkausap kay Matteo. Alam kasi niya na may schedules si Matteo sa oras na tapos na ang trabaho niya. Ibig sabihin lang noon, hindi sila makakapag-usap kapag siya naman ang may libre. Gustong mag-adjust ni Joy dahil madalas na nag-a-adjust si Matteo sa kanilang dalawa. Ayaw naman niya na maging unfair rito. Isama pa na mas nag-e-enjoy siyang kumain habang kausap ito.

Pagkatapos ng lunch ni Joy ay bumalik na siya sa trabaho at nagpaalam kay Matteo. Bahagya pa siyang nalungkot dahil gusto pa niyang makausap ito. Pero ganoon talaga ang buhay. Kahit nga gusto niyang makasama si Matteo, ang mahawakan iyon, imposible iyon.

Sa ngayon.

Pero pagkabalik ni Joy ng table niya at kausapin siya ng boss niya ay nawala ang lungkot niya sa balita nito. Ang pinasa nitong article niya para sa isang international journalism award ay napili bilang nominee.

“I-if that so, I’m going to London next week!”

Sa London ang event at bilang siya ang gumawa ng article, kailangan siyang pumunta roon kung sakali man na manalo ang kanyang ginawa. Pero sa halip na masabik dahil maaaring parangalan, iba ang naiisip ni Joy.

Si Matteo. Maaari silang magkita ni Matteo!

Pagkakuha ni Joy ng letter na nagkukumpirma tungkol roon, kinuhanan niya agad iyon ng larawan. Ipinadala niya agad iyon kay Matteo na suwerteng online pa rin ng mga sandaling iyon. Sa halip na mag-reply naman si Matteo kay Joy, tinawagan siya nito. Hindi na natiis na hindi sagutin ni Joy sa kabila ng oras niya ng trabaho.

Una muna siyang binati ni Matteo at nagpasalamat naman siya roon.

“See? Destiny even finds a way for us to be together again.” Sinabi ni Matteo pagkatapos.

And Joy couldn’t agree more. Tama nga na sinasanay ni Joy na ilagay sa positibong pananaw ang isip niya dahil positibong bagay rin ang nangyayari sa kanya.

PINAYAGAN si Joy ng boss niya na gamitin ang business trip dapat sa London bilang bakasyon na rin niya. Isang linggo siyang mamalagi sa London at dumating siya roon dalawang araw bago ang event. Isa sa mga dahilan kung bakit pinayagan siya ng boss niya na gawing bakasyon na rin ang pagpunta roon ay dahil na rin sa hindi na niya kailangang mag-hotel. Titira siya sa London ng isang linggo sa bahay ni Matteo.

Sinundo siya ni Matteo sa airport at mula roon ay dinala siya nito sa isang malaking bahay. Bahagya pang nagtaka si Joy. Bilang bachelor, inaasahan niya na sa isang condominium unit ito nakatira.

“Hindi ko inaasahan na mas gusto mong tumira sa isang malaking bahay. I mean, you’re a bachelor. Hindi ba dapat ay sa isang condo unit ka nakatira?”

Tumawa si Matteo. “You know I’m an only child, Joy. Kahit thirty years old na ako, baby pa rin akong ituring ng mga magulang ko. Lalo na ni Mommy. Hindi niya gustong bumili ako ng condo unit. I have pero bihira ko lang ginagamit. I’m required to stay with them.”

Nanuyo ang lalamunan ni Joy sa sinabi ni Matteo. “K-kung ganoon, I’m going to meet your parents?”

“Yes,”

Namutla si Joy. Hindi niya inaasahan iyon. Hindi siya handa. Hindi naman kasi masyadong ikinukuwento ni Matteo ang mga magulang nito kaya wala siyang kaalam-alam. Hindi pa siya nagkakaroon ng boyfriend habang buhay kaya hindi niya alam kung ano ang gagawin niya.

Kinakabahan si Joy. Seryoso ba talaga si Matteo sa sinasabi nito? Ipapakilala siya nito sa mga magulang nito? Nararamdaman naman niya na seryoso si Matteo sa kung anong relasyon nila pero...

Magugustuhan ba siya ng magulang ni Matteo? Sinabi nito na baby pa ito ng magulang nito. Hindi ba iyon makakahirap sa sitwasyon? Paniguradong magiging masuri ang mga magulang nito sa kung sino ang babae ng anak nito.

Nang mahalata naman ni Matteo ang nararamdaman ni Joy, hinawakan nito ang pisngi niya. “Don’t worry. They won’t bite. Plus my Mom is a Filipina. Paniguradong magugustuhan ka noon. Palagi kayang pinagmamalaki sa akin noon ang mga Filipina!”

Sinubukang magtiwala ni Joy kay Matteo. Pagdating nila sa bahay nila Matteo ay sinalubong siya ng mga magulang nito.

“Finally, I have met you, Hija. Ang dami ng kinuwento ni Matteo tungkol sa `yo sa akin,”

Tumingin siya kay Matteo. Kinukuwento siya ng lalaki sa ina nito? Binulungan naman siya nito. “Close kami ni Mommy. Lahat ng mga nangyayaring espesyal sa akin, ikinukuwento ko sa kanya.”

Sa ibinulong ni Matteo, lalong naging espesyal ang pakiramdam ni Joy. Kahit kinakabahan, malaking bagay rin naman sa kanya ang ginawa ni Matteo. Nagpapakita lang iyon na seryoso talaga ito sa kanya. Close ito sa mga magulang nito at siguro naman ay pipiliin talaga ni Matteo ang mga babaeng ipapakilala nito sa magulang nito.

Masuwerte si Joy na siya ang babaeng iyon.

Lalo pang naramdaman ni Joy na espesyal at masuwerte siya sa mga sumunod na sandali. Nagkatotoo nga ang sinabi ni Matteo. Nagustuhan siya ng mga magulang ni Matteo. Lalo na ng Mommy nito. Sa sobrang pagkagusto nito sa kanya ay halos ayaw na siyang layuan nito. Halatang miss na miss ng ina ni Matteo ang buhay sa Pilipinas. Iyon kasi ang palaging pinag-uusapan nila.

Gusto ni Joy ang nangyari. Sa pagkagiliw sa kanya ng ina ni Matteo, pakiramdam niya ay nakaramdam siya ng pagmamahal ng isang bagong ina. Parang pakiramdam iyon ng pagmamahal ni Tita Linda---ang ina ni Luc sa kanya. Parang mas higit pa nga. She felt extremely happy. Kagaya nito sa kanya, parang ayaw na rin layuan ni Joy si Mrs. Busby. Naging dahilan tuloy iyon upang magreklamo si Matteo.

“I like that you are having a good time with Joy, Mom. But Joy looks tired and---“

“Oh, I’m sorry, hija! Hindi ko naisip. Masyado lang akong nasabik na makasama itong nobya mo. Masyado lang rin ako na naging masaya na naggawa mo rin na magpakilala ng personal sa amin ng babae mo.”

“K-kung ganoon ay ako po ang una?”

Tumango ang Ginang. “Kilala mo na naman siguro ang anak ko `di ba? Alam na niya ang magiging reaksyon ko kapag ipinakilala niya sa akin ng personal ang mga dine-date niyang babae na---“ sumama ang mukha ng Ginang. Pero nang mapatingin sa kanya ay ngumiti muli. “Huwag na nating pag-usapan iyon. Ang mahalaga ay nasa buhay ka na ng anak ko ngayon. Gusto kita para kay Matteo, Joy.”

“Gusto ko rin po kayo, Tita.”

Ngumiti ang Ginang. “I’m glad. Very glad,”

Pagkatapos ng pag-uusap ay niyaya na siya ni Matteo na umakyat sa taas para magpahinga. Pero nang bigla siyang halikan ni Matteo, alam niya na nagsinungaling ito sa magulang.

“Aminin mo na hindi mo naman talaga intensyon na pagpahingahin ako,” nakataas ang kilay ngunit nakangiting sabi ni Joy.

Nagkamot ito ng ulo. “What can I do? I need to have you. Mukhang ayaw ka ng pakawalan ni Mommy. Nagseselos na nga ako, eh.”

Natawa siya. “What a guy. Pati Mommy niya, pinagseselosan.”

“Its because I missed you. How about you? Did you miss me, too?”

Sinagot na ng halik ni Joy ang tanong ni Matteo at malinaw naman na naintindihan nito iyon. Pinatunayan ni Matteo sa kanya na ganoon rin ang nararamdaman nito sa pagbalik nito ng halik sa kanya. Sa sobrang pananabik nila sa isa’t isa, namalayan na lang niya na naihiga na siya nito sa kama at nakapatong sa kanya.

“I missed everything about you...” ungol ni Matteo habang sinisimulang tanggalin ang kanyang damit.

And the feeling was mutual. Kapag kasama ni Joy si Matteo at kapag ginagawa nila ang mga ganoong bagay, ibang klase ang saya na nararamdaman niya. Tila nawawala siya sa mundo. Nahihirapan siyang kontrolin ang sarili niya. Pinaparamdam sa kanya ni Matteo na iba siya kaysa sa ibang babae. Higit pa siya sa espesyal. Gustong-gusto niya ang mga damdamin na iyon. At sa tingin niya, mahigit pa sa gusto ang nararamdaman niya kay Matteo.

In love na ba siya sa lalaki? Nararamdaman ni Joy na, oo. Magandang ideya ba iyon? Oo rin sabi ng puso niya. She was falling for Matteo and she can’t help it. Pero hindi naman siguro masama iyon. Nararamdaman rin naman niya na may kakaiba sa turing sa kanya ni Matteo at dahil doon, kaya niyang bigyang kahulugan na higit pa kaysa sa gusto ang nararamdaman nito.

Eh ano kung sandaling panahon pa lang na magkasama sila ni Matteo? Hindi naman basehan ang oras para malaman mo kung ano ang nararamdaman mo. Marami nga diyan na matagal ang relasyon pero sa huli ay nagkakahiwalay rin. At kagaya nga ng sabi sa kanya ni Luc, it was a whirlwind romance. Nangyayari naman talaga ang ganoon. Sa mga fairy tales nga na basehan ng nakararami sa pag-ibig, isang sulyap pa lang madalas ng prinsipe sa prinsesa ay in love na ang mga ito. And some are on the other way around.

Hindi na gustong magpapigil pa ni Joy sa kanyang nadarama. Nakilala na rin naman niya kahit papaano si Matteo. At bakit ba nga ba talaga siya nag-iinarte sa una pa lang? Fan siya ni Matteo. Crush niya ito. Hindi lang niya hinanay ang sarili niya sa isang hopeless fan na umaasang magkakaroon ng relasyon sa idol ng mga ito. Pero sa kabila ng lahat noon, masuwerte siya na ngayon ay higit lang sa nakakasama niya ang idol at crush niya.

If she was in love with Matteo, it wasn’t a bad thing after all.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.