NAGISING si Arjun na maayos-ayos na ang pakiramdam kaysa noong huli niyang matandaang nagkamalay siya. Hindi niya alam kung dahil ba iyon sa naging maganda ang panaginip niya o dahil pakiramdam niya ay nagkaroon siya nang matagal na pahinga niya na sa lumipas na araw ay parang pinagkaitan siya. Nang imulat niya ang mata ay hindi na siya nagtaka na nasa ospital nga siya. Kahit nanlalabo ang paningin niya sa huli niyang alaala, may hinala siya na nag-breakdown siya sa sobrang pagod at lungkot sa mga nangyari sa nakalipas na araw.
Una niyang hinanap ang tao sa panaginip niya, nagbabakasakaling baka hindi lang panaginip na nasa tabi niya ito at inaalagaan siya. Para kasing totoo ang naging panaginip niya dahil nasa parehong lugar lang kung nasaan siya ngayon iyon. At ang taong gustong-gusto niya pang makasama ang nandoon. Pero nakaramdam siya nang paninibugho nang hindi si Callie ang nakahawak sa kamay niya. It was his mother.
“Anak, salamat at gising ka na!” ani ng kanyang Mama nang makita ang kalagayan niya.
He cleared his throat. “Ilang oras akong nakatulog, Mama?”
“Almost 24 hours. Alalang-alala ako sa `yo, Anak. Mabuti na lang at sa bahay nangyari `yun sa `yo kundi, baka mas malala pa ang nangyari sa `yo. Wala ka bang nararamdamang kakaiba sa `yo? May masakit ba? Ano?”
Umiling siya. “I feel fine,” inilibot niya ang paningin muli sa kuwarto. “S-si Callie ba, pumunta rito?”
Naglihis ito ng tingin sa kanya habang nagsasalita. “Oo. Pero sandali lang. Kinamusta ka lang niya at umalis na siya,”
Nalungkot siya. Ibig sabihin lang noon ay hindi totoo ang naging panaginip niya. “Galit pa rin siguro siya sa akin,”
Alam ng kanyang Mama ang problema niya kay Callie. Hindi siya naglilihim rito, lalo na sa mga problema niya.
“`Wag mo na munang alalahanin `yun,” payo nito sa kanya.
Pero hindi niya pa rin maiwasang hindi iyon alalahanin. “Wala na ba siyang sinabi pa bukod sa pagkakamusta sa akin? `Di niyo ba tinanong kung bakit siya galit sa akin? Kailan daw niya ako kakausapin ulit? Babalik pa rin ba daw siya?”
“Hindi ko alam, Anak. Ayaw niya akong sagutin noong tinanong ko siya,” sagot ng kanyang ina. “Naguguluhan rin ako sa kung ano ang nararamdaman niya sa `yo. Pero sa pagpunta niya rito, nakita kong hindi naman siya galit sa `yo. Napansin ko ngang alalang-alala pa siya sa `yo. May pinagdadaanan lang siguro siya kaya siya ganoon. Intindihin mo na lang muna siya ngayon. Darating din ang oras na kakausapin ka niya. Ang mahalaga sa ngayon ay magpagaling ka muna,”
Bumuntong-hininga siya. Marami siyang tanong na gustong masagot kagaya na lamang ng kailan darating ang oras na kakausapin siya nito? Miss na miss na niya ito. Pero pinipilit niyang sundin ang payo ng mga tao sa paligid niya. Gusto niyang magalit kay Callie dahil sa hindi niya maintindihang ginagawa nito sa kanya. Pero hindi rin naman niya maggawa. Hindi niya alam kung dahil ba iyon sa maintindihin lang siyang tao o dahil hindi niya talaga kayang magalit rito sa kabila ng lahat kahit siya na ang lubos na nasasaktan. Alam rin kasi niyang marami siyang naging pagkukulang rito at marami pa rin siyang hindi napapatunayan. Kaya siguro iyon ang mga naging karma niya sa lahat ng pagkukulang niya.
Ilang sandali pa ang lumipas ay bumukas ang pinto ng kuwarto niya. Pumasok roon ang kanyang ama. Kagaya nang huli niyang natandaan ay nakita niya ang bakas ng pag-aalala sa mukha nito nang tinignan siya. At sa pangalawang beses ay pinagtataka na naman niya iyon.
“Okay ka na?” tanong nito sa kanya at dinaluhan pa siya.
Tumango lamang siya.
“Mabuti naman. Pinag-alala mo ako, Anak,” kahit maraming taon rin itong nawala sa Pilipinas ay marunong pa rin ito ng wikang Tagalog. Medyo slang nga lang iyon.
Tumingin siya sa kanyang Mama na may pagtataka. Mukhang nahulaan naman nito ang ibig sabihin niya. “Nagbabago na ulit siya, Arjun. Alam kong mahirap ito sa `yo sa pagkakataong ito pero sana pagbigyan mo muli ang iyong ama,”
Umismid siya. Yes, he was an understanding person. Pero putol na ang pisi niya kapag ama na niya ang usapan. He already caused a lot of damages to his being. Para sa kanya ay napakahirap na nitong patawarin.
“Puwede mo ba kaming iwanan sandali?” wika ng kanyang ama sa kanyang ina.
“Ney!” pagtanggi niya.
“I want to talk to you,” mahinahong wika ng kanyang ama.
“Mabuti ngang mag-usap kayo, Anak.”
“Mama...”
“Kripya,” his father said please.
Tumango ang kanyang ina saka lumabas ng kuwarto. Wala na siyang naggawa pa kundi kausapin ito.
“What do you want?” naiinip na tanong niya.
“I want to say sorry for all I’ve done, Beta,”
He snapped. “Puwede bang tigilan mo ako sa pagsabi ng term na `yan? I feel like I am not your son!”
“Galit na galit ka talaga sa akin, ano?” malungkot na malungkot ang mata nito.
“Who would be? You’ve caused a lot of damages to me. You ruin me, not just when you dropped that drug issue and also when you left us when I was still a baby!
“Alam mo ba kung gaano kasakit matawag nang mga kaklase ko noon na bastardo ako dahil hindi mo kami pinanagutan ni Mama noon? Kung gaano kahirap naghirap si Mama para lang maitaguyod ako dahil wala ka para gawin iyon?! But I forgave you because you are my father and Mama loves you even if you’re like that! Pinagbigyan kita para sa kanya, umaasa na magkakaroon rin ako na maayos na pamilya. You did give me, but just for a few years! When I rise as a star, you also rise being the demon as you are again! Pinagkatiwalaan kita sa mga pera ko dahil akala ko ay nagbago ka na. Na hindi ka na iyong Tatay ko na pinabayaan kami noon. Pero nagkamali ako. Pinabayaan mo ulit ako nang dahil sa pagkaadik mo,
“I trust you most of my money and just save for my own. Pero pati iyon ay kinuha mo. Did you know that I am trying to save that for my future? For me not to repeat the reason why you left me and my Mom. I want to be financially capable for me to give everything for my love, for Callie. Ang tagal kong pinag-ipunan iyon dahil susi ko iyon para sa wakas ay masabi ko na ang nararamdaman ko sa kanya. Pero nawala rin iyon. Kung hindi mo lang sana---“
“But you did anyway, right? You two became a couple even if you are not achieving that,”
Hindi siya nakaimik sa sinabi nito. Alam niyang may mali siya sa ginawa niyang iyon pero hindi na niya napigilan ang sarili niya. Isa pa ay naging masaya naman ang nangyari sa kanya pagkatapos kaya hindi na niya naisip pa iyon.
Napayuko siya nang may pumasok sa isipan niya. Isa sa mga dahilan niya kung bakit ayaw niya pang ligawan si Callie nang hindi nakakaipon ay dahil sa kanyang ama. He doesn’t want to repeat the history. Ayaw niyang dumating ang araw na maggawa niyang iwanan si Callie dahil hindi niya kayang buhayin ito kagaya na lamang ng ginawa ng kanyang ama. He wanted to be ready in the future before he finally confesses everything to her. Pero hindi siya nagtagumpay sa plano niya.
He became weak just like his father. Naging sila ni Callie kahit hindi niya pa talaga kayang panindigan ito.
“Ayaw kong maging kagaya mo pero—“
“Hindi naman talaga kita kagaya, Anak,”
Umiling siya. “I am. May choice ako na pigilan ang nararamdaman ko kay Callie pero hindi ko ginawa. Hindi ko pa siya kayang buhayin kagaya ng pinangako kong gagawin sa kanyang ama.”
“Being in a relationship doesn’t mean you always have to be financially capable. You should just be responsible for everything. And that was my mistake then,”
Tumingin siya rito.
“Alam kong mali na iniwan ko kayo ng Mommy mo noon. Bata pa ako noon at masyadong nabulag sa pag-ibig. Hindi ko naisip ang consequence ng puwede kong gawin sa buhay pati na rin sa Mommy mo. Naniniwala ako sa fantasy at hindi tumingin sa realidad. Hindi ko inisip na estudyante lang ako noon at hindi ko pa kayang buhayin ang Mama mo. Natakot rin ako na itakwil ako ng mga magulang ko kapag nalaman nilang nabuntis ko ang Mama mo.
“Sa India, maraming pamilya ang itinatakwil ng society dahil sa pagkakaroon ng love marriage. Puro arranged marriage ang nandoon, even my own parents are. Natakot akong kapag nalaman nila na na-in love ako sa isang foreigner ay itakwil rin nila ako. I am such a coward, lalo na at magulo ang isip ko noon. So I choose the easy path---at iyon ay ang iwan ka at ang Mommy mo.”
“Pero hindi iyon naging mali sa akin. Palagi ko kayong naalala at guilty ako na iniwan ko kayo. Sinikap kong maging matatag at magtagumpay sa buhay. Naging mailap sa akin ang suwerte at naging matagal bago ko nasabi sa sarili ko na karapat-dapat ako na maging ama mo. Hindi na rin ako takot sa mga magulang ko dahil may napatunayan na ako. Pumunta ako sa Pilipinas para kuhanin ulit kayo ng Mama mo. Masayang-masaya ako noon na pinatawad niya ako at pati na rin ikaw ay binigyan ako ng pagkakataon,
“But you lost it again,” he bitterly said.
Tumango ito. “Hindi ko ginustong maging ganoon, Arjun. Nang dinala ko kayo sa India, napansin mo bang inilayo ko kayo sa pamilya ko? Iyon ay dahil sa kabila ng akala ko ay may napatunayan na ako para ipagmalaki na kaya ko kayong buhayin, hindi pa rin nila kayo tanggap. Nang maging sikat ka sa India, akala ko ay iyon na ang pagkakataon na matatanggap nila kayo. Pero hindi. Na-depress ako nang dahil doon at iyon ang naging rason kung bakit ako sumubok na mag-drugs pati na rin mag-adik sa Casino.Naging isang pagkakamali sa akin na hindi ko sa inyo sinabi ng Mama mo ang nangyari at naisipan na ang bagay na iyon ang makakapagpagaling sa kalungkutang nararamdaman ko. Kayo ang pamilya ko pero iba ang naisip kong puntahan para sa kalungkutang nararamdaman ko.
“Napakarami kong kailangang ihingi ng patawad hindi lang sa Mommy mo kundi pati na rin sa `yo. Ngayon, hindi kita pinipilit na patawarin ako. I’m just explaining my side. Pero hindi ako titigil na umasa na balang araw, sana ay muli mo rin akong intindihin. Alam kong mahirap pero alam ko rin na iba ka sa karamihan ng tao. You’re so undersding that after all I’ve done to you, hindi mo pa rin ako pinabayaan. Hindi ka kagaya ko. Responsable ka at sigurado akong hindi ka magiging kagaya ko. Kahit hindi mo pa kayang ibigay ang lahat kay Callie, ang pinakamahalaga naman sa lahat ay naging matapang ka para mahalin siya. Tama lang naman na sinusunod mo ang bilin sa `yo ng kanyang ama noon. Pero minsan talaga ay hindi nakakapaghintay ang pag-ibig. Hindi naman palaging mali iyon. Kailangan lang talaga nating maging responsable sa mga ginagawa natin. At sa lagay mo ngayon, hindi naman malayo na magtagumpay ka muli sa matagal mo ng plano. You’re an actor and money would just be easy if you handle it with care. You’ll soon be the right guy for her, kaya bakit mo pa pipigilan ang nararamdaman mo? Bakit ka pa nag-aalala?”
Ngayon lang muli pagkatapos ng isang taon siya nakaramdam ng ginhawa pagkatapos makausap ang kanyang ama. Tama nga ang desisyon niya na sa kabila ng lahat ay hindi niya pa rin pinabayaan ito. He still have role in his life and with his words, he feel better.
And almost everything feels all right in place now. Parang nawala lahat ng pag-aalinlangan niya sa lahat ng dahil sa mga sinabi nito. Ang tanging problema na nga lamang niya ay kung saan niya muling hahagilapin si Callie. Ngayon niya naalala na sa kabila ng pag-amin niya rito ng pag-ibig niya ay hindi niya pa pala nasasabi rito ang lahat-lahat tungkol roon. Kung paano iyon nagsimula at kung gaano niya ito katagal lihim na minamahal...
One bright light pops in his mind: Could it be their problem?
ANG BUONG akala ni Callie ay ang pagbabakasyon ang magiging solusyon para maging maayos ang pakiramdam niya simula nang marinig ang usapan ng kanyang Kuya at ni Arjun mahigit isang linggo na ang nakalilipas. Iyon ang naging paraan niya dahil gusto muna niyang mag-isip nang ayos bago niya kausapin ito. Natatakot kasi siya sa maari niyang maging reaksyon oras na malaman niya muli ang lahat, lalo na kapag nanggaling pa rito ang katotohanan. Gusto niyang maging handa sa oras na kokomprontahin niya ito kaya nagbakasyon muna siya nang hindi sinasabi rito ang dahilan kung bakit.
Pero hindi nakatulong ang ginawa niya para sa sarili. Pakiramdam nga niya ay nakagulo pa iyon lalo sa nararamdaman niya. Nasaktan siya sa kaalamanang niloko lamang siya nito pero mas masakit pala ang malayo rito kahit ilang araw lamang iyon. Missed na missed na niya ito at iniisip pa lamang niya na maari silang maghiwalay dahil sa kanyang nalaman ay nadudurog na ang puso niya. Pero hindi naman niya kayang mabuhay sa pag-ibig nitong hindi totoo, na gawa-gawa lamang nito para maging masaya siya. He was her best friend and maybe he felt like he has the responsibility of making her happy despite everything. Isa rin artista si Arjun at malamang ang lahat ng mga aksyon na ginawa nito sa kanya ay arte lamang. Para lamang matupad nito ang utos ng Kuya niya. Para mawala sa isip niya ang kalungkutan sa nalalapit na pagpapakasal nito.
But eventhough she tried her best to hate him, still she couldn’t. There’s always a part of him that love him and unfortunately, that part was the biggest than any hate that she could feel for him. Nakakatawang isipin na nahawa na yata siya sa mga heroines sa romance pocketbooks na madalas na binabasa niya---nagpapakatanga sa pag-ibig. Kahit rinig na rinig na niya ang katotohanang niloko lamang siya nito at ng sarili niyang kapatid, still, mahal pa rin niya ito.
Nang araw na nalaman niyang ma-ospital ito ay halos sabihan na niya ang driver ng bus na sinasakyan niya na paliparin iyon para mapuntahan na niya ito. Nag-alala siya nang husto rito nang mabalitaan na nag-breakdown ito. Na-guilty rin siya nang malamang isa siya sa mga dahilan kung bakit nagkaganoon ito...
“Callie, mabuti naman at dumating ka. Ilang araw ka ng gustong makausap ni Arjun...”bungad sa kanya nang Mama nito pagdating niya.
Mangiyak-ngiyak na tinignan niya ang nobyo na natutulog sa hospital bed nito.
“G-gusto ko lang sana siyang kumustahin, Tita,” sabi niya pero hindi mapigilang hawakan ang kamay ng nobyo.
“Ang sabi ng doctor ay okay naman siya. Masyado lang siyang napagod physically and emotinally nitong mga nakaraang araw kaya nag-break down siya. Kailangan lang niya ng pahinga,”
“Isa po ba ako sa mga dahilan kung bakit---“
“Alam mo na naman siguro iyon sa ngayon. Kinuwento niya sa akin na halos hindi mo sinasagot ang mga tawag at text niya. Nag-aalala siya sa `yo, Callie. Ano ba ang nangyari?”
Bumuntong-hininga siya saka sandaling nag-isip. Tama bang sabihin niya ang problema niya rito? Sa tingin niya ay hindi dahil problema nila iyong dalawa ni Arjun. Ayaw na niyang isama pa ang mga taong nakapaligid sa kanila. “I don’t want to talk about it, Tita. P-pero puwede po bang ako muna ang mag-alaga kay Arjun hangga’t hindi pa siya nagigising?”
“Matagal pa raw siguro bago magising si Arjun. Pero nag-aalala ako sa `yo, Hija. Ikaw ba ang may problema? May dapat ba kaming ipag-alala sa `yo---“
“Okay lang po ako, Tita. `Wag po kayong mag-alala sa akin,”
Matamang tinitigan siya nito saka bumuntong-hininga. “Sigurado ka ba?”
Tumango siya. “Gusto ko lang po sanang alagaan siya bago siya maggising. Para kahit papaano naman po ay makabawi ako sa ginawa ko. Pero sana po ay `wag po makarating kay Arjun na nagtagal ako rito. Aalis rin po ako agad kapag naramdaman kong malapit na siyang maggising,”
“Hindi ko alam kung ano ang gusto mong palabasin o kung anuman ang nasa isip mo, Hija. Pero kung anuman iyon ay irerespeto ko iyon sa ngayon. Sana nga lamang ay huwag na tayong dumating pa sa mas higit pa rito...”
Tumango siya. Binantayan niya si Arjun hanggang sa maramdaman niya na umuungol na ito, tanda na malapit na itong maggising. Gusto niyang manatili pa pero hindi pa rin siya handang makausap.
“I still love you beyond everything. Just let me be ready for the truth. Hanggang ngayon kasi, kahit narinig ko na iyon ay hindi ko pa iyon kayang marinig mula sa `yo... Mula sa labi mo...” bulong niya rito bago tuluyang umalis.
Ilang araw na simula nang mangyari iyon at nalaman niyang nakalabas na rin si Arjun mula sa ospital. Pero hanggang ngayon ay wala pa rin siyang lakas para ayusin ang lahat sa kanila, para komprontahin ito. At iisang lugar na lamang ang naisip niyang puntahan para makapag-isip: ang puntod ng kanyang ama at ina.
Sa tuwing may problema siya ay pumupunta siya roon lalo na kapag wala si Arjun at ang Kuya niya para makinig sa kanya. Matagal-tagal na rin simula nang dumalaw siya sa magulang niya. May kalayuan kasi iyon sa main road at kung wala kang sariling sasakyan ay kakailanganin mong maglakad nang malayo para makapasok. Hindi naman siya marunong mag-drive kaya naglakad na lang siya papasok.
Medyo hinihingal siya bago siya nakalapit sa puntod ng magulang niya. Pero pakiramdam niya ay mas hiningal siya nang makita ang taong nandoon. She saw Arjun.
Kahit nakatalikod ito sa kanya, he still gave butterflies in her stomach. And for the second time, she can’t help but eavesdrop when she heard him talking into her dad’s tomb.
“Good Morning Tito. Ang tagal na rin pala simula nang makapunta ako rito. Kumusta na po kayo diyan? Sana ay okay lang kayo at sana ay tanggap niyo pa rin ako sa kabila ng ginawa ko.
“Sorry Tito dahil hindi ko pa natutupad ang pangako ko sa inyo ay umamin na ako kay Callie. Pero pangako, Tito, `di ko naman siya pababayaan eh. I will strive to be the man you want me to be. I’ll promise you, I’ll soon be that guy for Callie. Mahal na mahal ko po siya Tito at hindi ko na po kayang pigilan ang nararamdaman ko. Alam niyo naman po na highschool pa lang kami ay mahal ko na siya, eh. Hindi ko lang masabi sa kanya dahil gusto kong irespeto ang pinangako ko sa inyo, Tito. Pero ang tagal-tagal na po at hindi pa rin ako ang taong iyon. I’m almost there but due to fortuitous events, I still failed. I also failed in fulfilling my promise to you. But worst of all, I failed on making her happy.
“Hindi ko alam kung karma ko ba dahil sa hindi ko pagtupad sa pangako sa inyo ang dahilan ng mga ito. Pero I promise, Tito, I won’t give up on her. Simula nang dumating `yung oras na nasabi ko na ang lahat sa kanya, na naparamdam ko na kung gaano ko siya kamahal nang hindi nag-aalinlangan, pakiramdam ko ay hindi ko na kayang pakawalan muli ang pagkakataong iyon. Kaya nandito po ako para mag-sorry at humingi ulit ng blessing kahit alam kong may mali, kahit alam kong---“
“Hindi mo na naman kailangang humingi ng blessing kay Daddy, eh.” Hindi na niya napigilan na hindi magsalita sa kabila ng mga narinig rito. Hearing what he said on his father’s tomb, touches her heart. At unti-unti rin gumaan ang pakiramdam niya nang magkahinalang mukhang hindi naman totoo ang problemang iniinda niya.
Lumingon sa kanya si Arjun. She clearly saw in his eyes how he missed her. And this time, she had no doubt that it was all fake. Lalo na nang mahigpit na yakapin siya nito. “Callie!”
Naramdaman niya pang may tumulong luha sa balikat niya nang yakapin siya nito. It melted her heart more. Ngayong araw, pagkatapos ng narinig at maramdaman ang yakap nito, all her doubts seems to fade away.
“I missed you so much. Those days without you were like a living hell,” nanginginig pa ang boses nito dahil sa sobrang galak sa pagkakita sa kanya. “Kumusta ka na ba? Okay ka lang ba? Galit ka ba sa akin? I’m so sorry if I hurt you, Callie. I never intended to do it.”
“You don’t have to say sorry. I think I should be the one who should after hearing all you have said to my Dad. I’m so sorry, Arjun. Naduwag ako na kausapin ka dahil natatakot ako na malaman ang katotohanan mula sa bibig mo pagkatapos kong marinig ang pinag-usapan niyo ni Kuya the last time you were at our house...”
Ikinuwento niya rito ang mga narinig niya at ang dahilan kung bakit siya lumayo.
“I was hurt I decided to leave to think. Pakiramdam ko kasi ay niloko niyo ako ni Kuya. Pinaglaruan. Hindi ko kayang humarap sa inyo o makausap man lang dahil doon. Pero kahit anong gawin ko, hindi pa rin kita malimutan. Hindi nakatulong sa akin ang pagbabakasyon, sa relasyon natin at pati na rin sa `yo. I felt like it was all my fault and I feel guilty. I am the one who should say sorry, Arjun.”
He held her cheek. “I will admit we talked about it. Pero hindi iyon ang dahilan ng lahat, Callie. I love you since then. Narinig mo na naman siguro ang dahilan ko kung bakit hindi ko maggawa noon na ipakita ang mga iyon sa `yo. The first time I set my eyes on you, I tried so hard to appear calm and composed but I knew that my heart was pacing like a maniac, as soon as you came and stood next to me. And as the day I accidentally kissed you on the stage, I knew that there is something between you that I can’t ignore. But I also can’t ignore the fact that we are still young then and what I am compare to you. At nang makausap ko ang Daddy mo noon at nalaman niya na may gusto ako sa `yo, he made me promise one thing,”
Ikinuwento nito sa kanya ang pag-uusap nito at ng Daddy niya.
“Alam ko na marami akong pagkukulang sa `yo, Callie. Kahit alam kong kailangan mo ako nang mga panahong umalis ako, pinili ko pa rin na umalis dahil alam kong mas magkakaroon ako ng kinabukasan sa India kaysa dito sa Pilipinas. Ginusto ko iyon dahil inisip ko ang pangako ko sa Daddy mo, ang maaring kinabukasan natin kung sakaling mas naging matagumpay ako dahil may kasiguraduhan ang pag-aaral ko roon. Pinili kong tahimik kang minamahal dahil alam kong hindi pa iyon ang tamang oras. Kahit minsan ay natutukso na akong magtapat, pinigil ko iyon dahil gusto kong irespeto ang pangako ko sa Daddy mo. Alam kong mahirap intindihin ang lahat ng ito, pero ginawa ko ang lahat ng iyon para rin sa `yo, Callie. Ayaw ko kasing dumating ang araw na mahalin mo nga ako pero kapag nalaman mong hindi kita kayang buhayin ay kamuhian mo ako,”
Tinitigan niya ito nang mataman. “Bakit? Sa tingin mo ba, ganoon akong tao?”
“No. Pero alam ko ang mga pinagdaanan mo, Callie. Alam ko kung gaano ka nasaktan nang mamatay ang Daddy mo. Ramdam ko ang naging hirap mo nang mawala sa `yo ang buhay na mayroon ka noon. Tanda mo ba noong nag-reunion tayo? I saw how you’ve been hurt knowing that they didn’t recall you because you are not the same rich Callie they knew before. Isa iyon sa mga dahilan kung bakit gusto kong magsumikap.”
“Maybe I feel like that. Pero may mga pagkakataon talaga na hindi ko mapigilan na hindi masaktan. But having a simple life, I managed to have it. To enjoy it. Kung gusto kong mamuhay muli ng kagaya ng dati, it would be easy. Alam kong kaya akong suportahan ni Kuya pero hindi ko iyon ginawa dahil natutunan ko sa pagkawala ng magulang ko ay masarap pala ang pakiramdam na ikaw ang bumubuhay sa sarili mo. Maybe Kuya John helped me but still, I am the one who managed it, grow it. At kahit maraming nagsasabing puwede pa raw akong mag-expand, I feel like I’m contented with it. Like I am contented being with you even if you are the same old Arjun. For me, nothing could matter as much you are loving me.”
“Maybe that is our problem. Kontento ka na nasa tabi mo lang ako pero ako ang hindi. Oo, masaya ako na kasama ka. But I also want to be realistic, too. Fantasy speaking, having a relationship is so easy. Reality speaking, its hard. And where do we live? We live in reality. Having a relationship means we should be mentally, physically and financially matured because having that is soon to the word marriage. At alam kong hindi pa ako ganoon,”
Matagal bago siya nakapagsalita sa sinabi nito. Arjun thinks too much of the future and he had a point. Bigla tuloy siyang naasar sa naging line of thinking niya dahil sa mga pinagsasabi nito. Natauhan siya na mali ang mga pinag-iisip niya. How can he be that so mature and smart?
“You see, Callie, I’ve also been abandoned by my own father because he is still not financially capable. Ayaw kong maulit iyon sa akin kaya bago ako gumawa ng isang bagay, lalo na kapag kalakip ang damdamin ko sa `yo, kailangang mag-isip muna ako. Pero napag-alaman ko na napakahirap pala na kalabanin ng selos. The jealousy thing with Ron, that was the main reason why I push to tell you all my feelings for you, not because your brother said so. Noong una, kahit selos ako ay hindi ko pa rin inaamin dahil kahit mahirap ay kino-consider ko pa rin ang lahat ng bagay na sinabi ko sa `yo kanina, pero nang makita kong hinawakan niya ang kamay mo, para akong bulkan na sumabog. I can’t bear the thought of other man holding you,
“At nang maging tayo, hindi ko na rin kaya pang mag-isip. The feeling being free of telling what I feel for you is incomparable. Nawala na sa isip ko ang mga pangako, ang mga takot. Hindi ko alam kung tama iyon pero nang makausap ko si Dad ay naging maliwanag para sa akin ang lahat,”
“You talked to your Dad?” alam niya ang problema nito sa ama at kung gaano ito nasaktan sa mga naging kasalanan nito.
“Yes. We are okay now,”
Ngumiti siya. “That’s good,”
“Yeah. Ikaw na lang talaga ang problema ko,” nilapitan siya nito at muling niyakap. “I miss you so much, Callie.”
“And I miss you more,” she hugged back. “Pero handa ka na ba talagang makipagrelasyon muli sa akin? Wala ka na bang dapat i-consider?”
Umiling ito. “Dad said I should just be responsible for everything,”
“You are always responsible, Arjun. Hindi mo na dapat iyon pinoproblema. Pero ako ba, wala ka na bang dapat i-consider sa akin? Kagaya nang nakakaasar ako dahil may pagka-demanding ako? Na hindi kasing matured ng utak ko ang utak mo?”
“You are perfect to me, Callie. And all your flaws, I can embrace that as long as you are with me. As long as you are loving me. Huwag mo lang pagdududahan muli ang pagmamahal ko sa `yo at hindi tayo magkakagulo,”
Tumango siya. Now that she had known the truth, how can she doubt everything to him? “At isama mo na rin na `wag kitang pilitin na magpakasal habang hindi pa tama ang panahon?”
Tumawa ito. “That too. I want to give everything to you so hindi muna ako magsasalita ng “will you marry me,”. Instead, can you please wait for me to marry you?”
“You don’t have to ask that. I can always wait for you even until forever ends. That’s how much I love you,” she said and kissed him.