MALAPAD ang ngiti ni Beatrice habang naglalakad papunta sa cluster 3 sa Earth Cove. Pagkapasok sa lobby ay lumapit siya sa receptionist para itanong kung hindi pa ba nakakalabas ng cluster si Quelvin kahit pa alam niyang masasalubong naman niya ang binata kung lumabas na ito. Hindi pumayag si Quelvin na hindi sila mamamasyal man lang sa Enchanted Walled garden na nasa kaduluhan ng Earth Cove. Maaari naman raw na bukas nalang ng umaga silang sabay na bumalik sa Maynila. Sasakay nalang sila sa chopper ng Costa Galaxia. Siyempre pa ay pumayag naman siya. Gusto niya pang makasama si Quelvin. It’s her third day in Costa Galaxia but it feels like she’d been there for such a long time. She’d been here with Quelvin for time uncounted.
Napangiti siya ng makita ang sariling repleksyon sa salamin roon sa reception area. Her eyes were twinkling. Kahit sa kanyang sarili ay hindi niya kayang itanggi ang kakaibang saya na nararamdaman niya. Parang isang panaginip ang lahat.
Bigla ang pagpasok ng magandang alaala na pinagsaluhan nila kanina.
PATALIKOD na si Beatrice para pumasok sa kanyang hotel room nang muling magsalita si Quelvin. “Trix, wait!”
Inihatid siya ni Quelvin sa hotel room niya para magpalit sana ng damit galing sa pagzu-zumba.
“Bakit?” Bumaling siya rito.
Subalit sa pagbaling niyang iyon, hindi niya akalain na malapit na malapit lamang pala ito sa kanya. Halos mapasubsob pa siya sa matipuno at napakabango nitong dibdib. Kumabog ng napakalakas ang kanyang dibdib at hindi niya malaman kung paano iyon pakakalmahin. Ang pagtingala niya kay Quelvin ay wrong move rin pala dahil nakatunghay naman ito sa kanya. Naging ga-dali nalang ang pagitan ng mga labi nila at pakiwari niya’y may matinding pangangapos ng oxygen ang sistema niya. At ang tanging oxygen na tatanggapin noon ay ang galing kay Quelvin.
Naramdaman niya ang unti-unting pagbaba ng mukha nito sa kanya na tila ba gustong pagbigyan ang piping daing ng kanyang puso.
She doesn’t knew what hits her. If it was love, in that sudden time of healing a freshly broken heart, then let it be. Sino siya para sumalungat sa plano ni Mr. Kupido? Isa lang siyang ulirang tagasunod at wala siyang balak na sumalungat. Because it was the most delicious feeling she’d ever felt. To be a good follower of her own heart.
Bigla niyang naramdaman ang pag-angat ng mga paa niya mula sa sahig. Ang muli niyang naramdaman ay ang malambot na kama sa kanyang likod. Nakapasok na pala sila ni Quelvin sa loob ng hotel room niya ng di niya namamalayan. Ni hindi niya rin nalaman kung paano nitong naisara ang pinto dahil hindi naman humihiwalay ang mga labi nito sa kanya. Siguro ay itinulak ng paa nito kanina.
Patuloy lamang sa paghalik si Quelvin at patuloy rin lamang siya sa pagnamnam sa masarap na labi nito. Habang lumalaon ay tumitindi ang pangangailangan niya rito.
Dalawang taon ang relasyon nila ni Kirk pero ni minsan ay hindi niya naramdaman ang matinding damdamin at pangangailangan na ipinapadanas sa kanya ni Quelvin ngayon. At hindi rin naman niya maramdaman ang pag-aalinlangan o takot sa anumang pwedeng maganap sa mga sandaling iyon. She would gladly offer and give her whole heart and soul to him.
Si Quelvin de Luna na pinagpapantasyahan ng napakaraming babae ay kasama niya kanina sa kanyang kama at paulit-ulit na naging pag-aari nila ang isa’t-isa. Ano pa bang mas makakapagpasaya sa kanya bukod sa bagay na iyon? Wala siyang ibang naramdaman sa buong sandali ng pag-iisa nila kundi kaligayahan habang paulit-ulit na naririnig ang pangalan niya na sinasambit ng mga labi nito. Naging mabilis siguro ang lahat, pero binibigyang katwiran ng puso niya ang mga nangyari sa pagitan nila. Mahal niya ito!
Matapos kumpirmahin ng receptionist ang itinatanong niya ay sumakay na siya ng elevator papuntang fifth floor. Hindi alam ni Quelvin na pupuntahan niya ito sa unit nito. Ang usapan nila ay magbibihis lang ito at susunduin siya sa hotel room niya para pumunta sa Enchanted Walled Garden ngunit nainip siyang maghintay. Sa totoo lamang ay ayaw niyang lumilipas ang mga sandali na hindi ito kasama.
Magpapalit lang raw ito ng damit dahil iyon pa ang suot nila matapos mag-zumba. Natuyo na iyon sa katawan nila habang naglalakad sa dalampasigan. Siya man ay nagbihis muna.
Excited na lumabas si Beatrice ng elevator matapos bumakas sa ikalimang palapag ng cluster. Hahanapin nalang niya ang unit ni Quelvin ng may mamataan sa isang bahagi. Wala sana siyang balak pansinin ang kung sinong naglalampungan ng biglang matigilan. Pamilyar sa kanya ang bulto ng lalaki maski naka-side view iyon at nakikipag-sparring ang mga labi sa isang babae.
Si Quelvin!
Bahagyang lumayo ito sa matangkad na babaeng nakalingkis ang mga braso sa leeg nito.
“Wait, Macey. Binigla mo ak—” Muli na namang sumalakay ang bibig ng babae at itinulak si Quelvin papasok sa loob ng silid saka sumarado ang pinto.
Nanlaki ang ulo ni Beatrice sa nakita at narinig.
“Macey?”
Iyon si Macey? Nagbalik na ito. At sa palagay niya’y balak nitong bawiin ang dating pag-aari nito. Tapos na ba ito sa pag-abot nito ng mga pangarap kaya’t nagbabalik na naman?
At ang walanghiyang si Quelvin! Ni hindi man lang ito tumanggi sa ginawang pananalakay ng babaeng iyon. O baka naman wala itong balak tumanggi. Palagay nga niya ay gustong-gusto nito ang mga nangyayari!
‘I don’t want to live in the past…’
‘…give me a chance to prove that I deserve your heart.’
Bwisit talaga! Bumalik lang ang Macey nito ay nakalimutan na siya at ang mga sinabi sa kaniya! At… at pati ba naman ang nangyari sa kanila?
Bumaling siya sa nakasaradong pinto na pinasukan ng dalawa. Gusto niyang lumapit at kalabugin ang pintuan. Pero natakot siya. Natakot siyang sa sandaling gawin niya iyon ay siya lang ang mapahiya. Sa palagay ba niya ay siya ang pipiliin nito kesa kay Macey na matagal nitong minahal at iningatan sa puso nito? Kaya nga hindi ito nakipagrelasyon ay dahil kay Macey. At ngayong gusto naman nitong sumubok ay bumalik na ang pinakahihintay nito.
“Bwisit!”
Nagdadabog na naghanap siya ng elevator na pababa na sa ground floor. Ayaw na niyang magtagal pa roon. Bakit pa? Sasaktan niya lang ang sarili. Ayaw na niya! Baka hindi na niya kayanin ang panibagong sakit. Ilang beses ba siyang magpapakatanga sa mga lalaki bago niya lubusang tanggapin na pare-pareho ang mga ito? They just came and go!
Wala na yatang matinong lalaki na ipinanganak para sa kanya.
Mabilis na tinakbo ni Beatrice ang exit ng cluster 3 upang makalayo na kaagad roon. Gusto na niyang umuwi. For sure, nakalimutan na rin ni Quelvin ang usapan nilang sabay silang babalik ng Maynila. Maigi nang sigurado, uuwi na siya ngayon at nang maharap niya ang trabaho at pag-aaral niya bukas. Malapit na ang finals nila.
NAG-IISIP pa si Beatrice ng mga bagong plano para ituloy ang natural na daloy ng buhay niya para pigilan ang pagpatak ng luha at pagkahabag sa sarili nang may kung sinong bumangga sa balikat niya. O baka siya ang nakabangga.
“Hey, wala ka yata sa sarili, Trix. Nasaan ang gwardiya civil mo?”
Nang mag-angat ng mukha si Beatrice ay natunghayan niya si Kirk. Alanganin ang ngiti nito at tila napilitan lang na batiin siya. Umiwas siya sa pagkakaharang nito para makadaan pero muli na naman itong humarang.
“Pwede bang padaanin mo ako?” nayayamot na saad niya. Huwag itong magpahara-hara sa harapan niya. Kapag ganoong wala siya sa tamang timpla, baka ang mukha nito ang matimpla niya.
“Let’s talk.” Anito na hindi umalis sa kinatatayuan.
“Sa ibang araw nalang. Wala ako sa mood.”
“I just want to make some clearings.”
“Padaanin mo ako!” sigaw niya rito.
Magtagal pa niya itong makaharap at siguradong bubulalas siya ng iyak. Hindi na niya maunawaan ang pakiramdam sa mga sandaling iyon! Akala niya, nagamot na ni Quelvin ang winasak ni Kirk na puso niya. Pero bakit parang mas malala pa ang ginawa ni Quelvin sa kanya ngayon? Parang sampong ulit na nadurog ang puso niya dahil sa nakitang eksena nina Macey at Quelvin! To think that they made love a while ago, also! Darn!
Ibinigay niya ng walang pag-aalinlangan ang sarili kay Quelvin, para ano? Para tumikim ito ng iba pang putahe? Nang paborito at mas gusto nitong putahe!
“Bakit ikaw pa diyan ang nagagalit eh ikaw na nga ang unang nagloko sa ating dalawa?” puno ng hinanakit na saad nito.
She eyed him. Ang kapal ng mukha nitong sabihin sa kanya iyon!
“Bakit? Hindi ba? Pinagsasabay mo kami ni Mr. de Luna! Ano ako, stand by boyfriend mo?” sagot nito sa hindi maisatinig na tanong ng kanyang isip.
“Excuse me? Huwag mo akong pagsalitaan na parang wala kang kasalanan! Ikaw ang nauna! Plinano mo pang itago sa akin ang tungkol sa inyo ng Brenda na iyon! At ano? Nagawa mo akong itanggi sa kanya? How dare you!” pinagsusuntok niya ang dibdib ni Kirk.
Ang lahat ng sama ng loob niya para kay Quelvin na kanina pa niyang tinitimping pakawalan at maalala ang kasalanan nito sa kanya ay nagsama-sama na at dito niya naibuhos ang lahat. Pinigilan siya ni Kirk sa pagsuntok sa dibdib nito. Marahil nasasaktan na ito sa ginagawa niya. At dahil wala siyang magawa sa lakas nito upang pakawalan ang hindi magagandang damdamin ay napahagulhol siya ng iyak.
Napakatanga niya! Bakit ba siya nagpapaniwala sa lalaking kailan lang naman niya nakilala? Kung ito ngang si Kirk na matagal niyang nakarelasyon ay nagawa siyang lokohin, si Quelvin pa kaya na hindi naman niya gaanong kilala?
But my heart knew him!
Hindi. Baliw lang ang puso niya kaya’t nagawa noong papaniwalain ang isip niya na sa sandaling panahon ay nagawa niyang makita at makilala ang totoong Quelvin de Luna.
Naramdaman ni Beatrice ang marahang pagkabig ni Kirk sa kanya payakap rito. Ganoon din ang banayad na paghagod nito sa kanyang likod. But none of those comforts her. Nasasaktan pa din siya at tila paulit-ulit na nakikinita ang eksena nina Macey at Quelvin.
“I’m sorry, Trix. I’m really sorry.” Narinig niyang samo ni Kirk. “I believe I love you, but… Brenda needs me.”
Napatingala siya kay Kirk habang yakap pa rin siya nito at hinahagod ang likod dala ng kanyang pag-iyak.
“Actually, we need each other.” Amyenda ni Kirk sa sinasabi.
“Hindi ko maintindihan.” Aniya.
“Ang tanging paraan para makuha ko ang loob ng Papa ko ay ang alagaan at pakisamahan si Brenda. She’s my brat childhood friend na kakauwi lang galing France. Anak ng bestfriend ni Papa. Nag-su-suffer siya ngayon dahil sa pagkawala ng parents niya. He needs someone to rely on; someone who will care for her. And I knew Papa will be happy knowing I’m on my way of taking care of Brenda.”
Alam niya ang kwento ni Kirk. Buong buhay nito, wala na itong ginawa kundi patunayan ang sarili sa ama. Pero maski ba naman sa pakikipagrelasyon ay masasagasaan ito ng ambisyong maging malapit sa ama? Mas mahalaga pa rito ang matanggap at maipagmalaki ito ng ama kesa ipaglaban ang pag-ibig sa kanya?
Somehow, she knew Kirk loved her. He loved her in his own way. Pero hanggang doon nalang iyon. Hindi na pwedeng lumagpas. And she doesn’t wants to have a love with limitations. Hindi siya kailanman nagsukat ng pagmamahal pero hindi niya rin kayang tanggapin ang pag-ibig na may limitasyon. At ang pag-ibig ni Kirk sa kanya ay hindi lalagpas sa paghahangad nitong mapalapit sa ama.
“I can’t tell you about Brenda because I don’t want to hurt you.” Dugsong pa ni Kirk.
“Do you think I’m not hurting now?”
Nasasaktan pa din siya. Pero hindi na siya sigurado kung ang nasasaktan niyang damdamin ay dahil pa din sa ginawa ni Kirk o dahil sa ibang tao.
“Alam kong walang magandang paraan para ipaalam sayo ang tungkol sa desisyon kong alagaan at damayan si Brenda. Kinulang lang talaga ako sa panahon, Trix. Ang pagkakamali ko ay pinatagal ko pa at ikaw pa mismo ang nakatuklas. Pero mahigit isang linggo pa lang naman ang nakakaraan nang pumasok si Brenda sa eksena. Hindi pa sapat na panahon iyon para magkalakas ako ng loob na magtapat sayo ng mga nangyayari.”
“Gusto kong malaman.” Sambit niya. “May plano ka bang ipaalam sa akin na mas pinili mo ang pagnanais na mapalapit ang loob sa Papa mo o balak mong itago at pagsabayin nalang kami ni Brenda?”
Huminga ito ng malalim. “Ayokong saktan ka, Trix. Hindi ko nalang nagawang iwasan ang bagay na hindi ko gustong gawin.” Paiwas na tugon nito. Siguro ay tama siya sa pangalawang naisip. Plinano rin nito na pagsabayin nalang sila.
Dahil mas pinili mo ang iba kesa sa akin. Hindi mo ako ganoon kamahal, Kirk.
“I… I care for you. Alam mo iyan.”
Kita mo? Hindi mo na magawang banggitin na mahal mo ako!
Nagpasya siyang huwag nalang magsalita. At nagulat pa siya sa sarili na hindi niya matagpuang nababasag ang puso niya sa mga natutuklasan. Unlike how she felt when she saw Macey kissing Quelvin and that they continue love making in his bed. Shit!
Alam naman ni Beatrice mahalaga siya para kay Kirk. Mahalaga dahil mahaba-haba rin naman ang pinagsamahan nila. Pero iba ang mahalaga sa mahal. Hindi na siya nito ganoon kamahal. Hindi man nito aminin ngunit nararamdaman niyang may malaki ng nabago sa damdamin nito para sa kanya.
“I’m sorry, Beatrice. I’m really sorry.” Puno ng sensiridad na paumanhin nito.
Naramdaman niya ang mga labi ni Kirk sa noo niya. Iyon na siguro ang paraan nito ng pamamaalam sa kanya. Umiiyak na ngumiti si Beatrice kay Kirk.
“I forgive you. From now on, malaya ka na.”
Niyakap siyang muli ni Kirk tanda ng pasasalamat. Mahal siya ni Kirk. Nararamdaman niya, pero hindi na katulad ng dati. Hindi na kasing sidhi ng dati.