Chapter 24

Nagising si Ayesha sa magandang balita. Buntis siya at normal lang daw ang pag susuka at pag babago ng panlasa at kaniyang pang amoy. Pero ang hindi niya maintindihan ay kung bakit nasa katabi niyang hospital bed si Janrick habang ang mga hayop niyang kaibigan ay nakapaligid sa kaniya.

Tumayo ako upang tignan kung ano ang pinagkukumpulan nilang anim kasama na rin si Lenny at daig pa nilang may meeting di abanse.

Ngunit ganoon na lang ang pagkunot ng noo ko ng makita ang hawak hawak ni Steve. Tarpaulin na may mukha ni Janrick na parang lumulutang sa kalangitan.

"Ala-ala ng aming hinimatay na kaibigan ng malamang buntis ang kaniyang kasintahan."

Iyon ang nakasulat na makikita sa taas ng larawan niya na may mga ulap pa.

"List of ninongs"

Nico awesome

Daryl d' great

Steve jumbo

Mateo macho man

Lucas handsome

Justine cute

"Congratulations katchupoy! Hindi ka baog!"

Hindi ko maiwasang matawa sa mga kalokohan ng mga kaibigan ni Janrick, at pati ang gagang si Lenny nakisali pa!

After a couple of hours I saw Janrick open his eyes only to get shocked when he saw the tarpaulin. Hawak iyon ni Steve at Nico.

"Congratulations!" Sabay pang bati ng mga baliw niyang kaibigan sa kaniya.

"What the fuck was that? What the hell happen?" Nanlalaki ang matang tanong ni Janrick sa mga kaibigan niya habang binabato ng mansanas sina Nico at Steve.

"Pre, ilang taon na akong nabubuhay sa mundo pero ngayon lang ako nakakita ng lalaking hinimatay ng malamang buntis ang girlfriend nya, at kaibigan ko pa nga! Im so proud of you." Nico said.

"Idol na kita bro! anong masakit sayo bibi? Una nguso mo nang bumagsak ka sa lapag eh, pointed pa rin ba nose mo bibi ko?" Pang aasar naman ni Steve habang tumatawa na akala moy binabayaran.

"Magsilayas na nga kayo dito mga bobo kayo! Ayaw kong makita ni Ayesha ang mga pagmumukha n'yo at baka mapaglihian n'ya pa. Ang papangit n'yo pa naman!" Singhal ni janrick.

"Hey bitch! Now that youre pregnant ito na siguro ang panahon na eexit na ko sa pagiging assistant mo." Sa sinabing 'yon ni Lenny para akong nanigas sa kinauupuan ko.

Ni minsan hindi pumasok sa isip ko na iwan ang mundong pinaghirapan ko, at ni minsan hindi rin pumasok sa isip ko na maghihiwalay kami. Shes my best friend after all. Suddenly I wanted to cry and ask myself what have I done?

"Maiwan ko na muna kayo, Ayesha if you need anything just beep me up." Lenny hug me then left us.

"Ngayong buntis ka na, mag momodeling ka pa rin ba?" Tanong sa akin ni Janrick. At kahit ako sa sarili ko hindi ko rin alam kung ano ba ang gusto kong mangyari o kung ano ba ang dapat.

"Umuwi na muna tayo pwede?" I said then left the room without looking at him.

***

Janrick didn't bother Ayesha being quite on the way home and even in his unit.

Napagkasunduan naming sa unit ko titira habang hindi pa ayos ang bahay na pa sekreto kong pinagagawa. Inaayos na rin ng magulang ni Ayesha ang dual citizenship niya upang hindi magkaproblema.

Hanggang sa makarating kami sa condo ay tahimik pa rin siya. Kung kayat iniwan ko na muna siya para makapag isip. Kailangan ko ng mag sipag at kumayod ngayon para sa anak at maldita kong mahal.

"Hazel any updates?" I ask my secretary the moment I enter to my office at Del Rio Metal Works.

"Sir marami po kayong dapat permahan na papel ngayon at lahat ng iyon ay nasa table n'yo na."

Napatingin naman ako sa gabundok na papel sa mesa ko. Daig ko pang bibitayin sa trabahong nakikita ko. Pero para kay junjun walang hindi kakayanin!

Nasa ganoong pag iisip ako ng tumunog naman ang cellphone ko at nakita kong nag message ang pinakamamahal kong baby.

"Love, I want smoothie can you buy me one?" Parte siguro ng paglilihi ni Ayesha ang mga bagay na bigla niya na lang naiisip o nagugustuhan. Pero sa ngayon nasa trabaho ako at saan ako bibili ng smothie gayong mag aalas singko na?

"Baby, pwede bang mamaya na lang pag uwi ko? Igagawa kita ng pinakamasarap na smoothie." giit ko.

"Huwag ka ng umuwi bwisit ka!"

Oh fuck! Na iimagine ko palang ang itsura niya kinikilabutan na ako. Ilang minuto pa akong hindi mapakali sa ginagawa ko ng bigla naman pumasok sa isip ko si Daryl. Alam kong may maliit na milk tea shop sa tabi ng building niya kaya agad ko siyang tinawagan.

"Zup!" Daryl said on the other line.

"Can you do me a favor, buy Ayesha a smothie then give it to her. Shes in my unit and Im still working." Sunod sunod kong sabi sa kaniya.

"Parang ako walang trabaho ah! Bakit 'di na lang diyan sa maldita mong secretary ipabili?" At pati ang sekretarya kong nananahimik ay idadamay pa.

"Gagawin mo ba o hindi kita kukuning ninong ng anak ko?!" Pananakot ko sa kaniya, sana nga lang tumalab.

"Ito na nanginginig pa!" He said. Then after that I end the call.

***

Meanwhile, Ayesha was busy scrolling her phone to see a different foods that she like and wanted to eat when the door bell ring. I open the door only to find Daryl standing outside the door holding a three cups of smoothies in different flavors.

"Special delivery, galing sa bibi mo." Nakangiti pa ng nakakaloko ang hudyo ng iniabot niya sa akin ang smoothies.

"Salamat, pasok ka muna." Sumunod naman siya sa akin sa kitchen habang inililibot ang tingin sa loob ng unit na para bang may hinahanap.

"Bakit mag isa ka lang dito? Buntis ka pa naman?" Sa sinabi niyang 'yon bigla akong kinabahan. Paano kung may multo sa unit ni Janrick?

I sat on the counter top while sipping on my smoothie. Then suddenly an idea came into my mind. "Daryl can you do me a favor?" I ask Daryl then show him my puppy dog eyes.

"Pinapagod n'yo akong dalawa ng boyfriend mo huh!" He said pero hindi naman galit.

"Please." Pagmamakaawa ko sa kaniya.

"Ano ba 'yon, sabihin mo na gagawin ko?"

"Really? Anything?" I ask again then I put down my smoothie.

"Yup, para sa ekonomiya!"

"Pwede kabang mag rap sa harap ko please?" Nakangiting pakiusap ko.

"What the hell!" He said, at halos 'di na maipinta ang mukha dahil sa pabor na hinihingi ko. Ang masama pa niyan napamura pa ang gago. Para tuloy biglang sumama ang loob ko at gusto kong umiyak.

"Jesus! Okay I'll do it, just please dont cry!" I smiled widely as he said that then wait for him to start.

"Nang mainlove ako sa'yo kala koy pag-ibig mo ay tunay pero hindi nag tagal ay lumabas din ang tunay na kulay! Ang 'yong kilay ay mapag mataas at laging namimintas!"

Humagalpak naman ako ng tawa ng dirediretso siyang nag rap habang may pa beatbox pang nalalaman.

Hindi ko inaasahan na mag rarap talaga siya sa harap ko. At 'yong itsura niya para siyang manok na hindi mailabas labas ang itlog. Punyeta!

"Thats enough mahal ang talent fee ko! Im going now." He said while Im still laughing.

Hanggang sa makalabas siya ng unit, hindi pa rin ako humihinto sa katatawa. Kahit na nga ba naluha luha na ako sa sobrang pag tawa.

After an hour of laughing while enjoying my smoothie, I decided to bake a cookies. Nakita ko iyon sa youtube at mukha namang madali. Mabuti na lang din may mga sangkap si Janrick sa pag gawa ng cookies.

Gumawa ako ng heart shape, star at pati na rin ng moon. Sigurado akong makakalimutan ni Janrick ang pangalan niya pag natikman niya itong cookies ko. Nang isinalang ko na dumiretso na muna ako sa banyo para maligo habang hinihintay na maging okay ang isinalang kong cookies.

Being pregnant wasnt easy at all. Ultimo lasa ng toothpaste hindi ko magustuhan, at isinuka ko pa yata lahat ng ininom kong smoothie. Nag shower na rin ako at ng matapos ay lumabas na rin kaagad.

Tinignan ko kaagad ang ginawa kong cookies sa oven kung okay na ba. At ng makitang naging brown na ay hinango ko na kaagad. Inayos ko ang pag lalagay noon sa mesa upang makita at magustuhan ni Janrick. I watch some romance movies habang naghihintay sa pag dating ni Janrick. Ganito siguro ang pakiramdam kapag may hinihintay kang asawa na galing sa mag hapong trabaho.

***

Sa kabilang banda, nag madali namang umuwi si Janrick matapos niyang permahan ang lahat ng papel na ibinigay sa kaniya ng sekretarya niya.

When I enter in my unit agad kong hinanap si Ayesha na kampanteng nakaupo sa sofa habang nanunkod.

"Hi baby, Im home!" Ngumiti siya sa'kin nang pagkatamis tamis ng makita niya ko. Agad naman akong yumakap sa kaniya at hinalikan siya sa labi. Napakasarap umuwi kapag ganito lagi!

"I made a cookies." She said while smiling from ear to ear. Ayaw kong sirain ang maganda niyang mood kaya nag pahila na lang ako sa kaniya papuntang kusina to show me her baked cookies.

It looks good medyo napabrown lang ng konti. Napangiti pa ako ng makitang may ibat ibang shape pa. I picked the heart shape and take a big bite of it.

"Fucking shit!"

Ang matamis kong ngiti ay nauwi sa napakalaking ngiwi ng kinagat ko ang punyetang cookies ni Ayesha! Mukha naman maayos ang pagkakaluto maganda ang itsura at ayos din ang amoy at lasa. Pero peste daig ko pang kumagat ng bato sa sobrang tigas. Pakiramdam ko tuloy nagkabungi bungi ang ngipin ko ng dahil sa lintik na cookies na to.

"Baby next time 'wag ka ng makialam sa kusina pakiusap lang." Sumimangot siya at namula ang mukha.

"Pasalamat ka nga at iginawa pa kita ng cookies tapos ganyan ang sasabihin mo sa akin, napakawalang kwenta mo!"

"But baby, matigas pa sa bato 'yong cookies na ginawa mo. Kahit siguro iyong may pinakamatibay na ngipin ay mabubungi pag pinilit na kainin yan." Sa sinabi kong 'yon agad agad niya akong binato ng cookies at dahil sa pagkabigla koy hindi man lang ako nakaiwas. Para akong nakakita ng mga itik na nag ka-kwak kwak ng masapol ako ng mistulang buhay na batong cookies na gawa niya.

"Oh god Im so sorry!"

Lumapit siya sa'kin at tinignan ang noo kong pumutok yata ng masapol niya. Habang ako naman ay namamanghang napatingin sa gumugulong na cookies sa lapag at tumunog pa nga na parang nag karakrus ng tuluyan ng bumagsak.

"Im okay baby, I just need to take a bath dont worry about me." Pagkasabi ko non agad agad kong dinukot ang cellphone ko at nag kulong sa banyo. I chat my crazy friends about what happen kailangan kong kumalma.

Macho gwapitos:.

Janrick: I cant imagine na may coockies na kasing tigas ng bato tangina!

Isa isa namang nagsilabasan ang mga kaibigan ko sa group chat namin.

Nico: Are you in drugs bro?

Steve: Anyare bibi? Fuckk ahhhh Im comingg ohhhh!

Mateo: Goddammit Steve are having sex?

Daryl: I just want to remind you guys na 'wag kayong magpapakita kay Ayesha.

Kumunot ang kilay ko sa sinabing 'yon ni Daryl, at halos lahat kami ay sabay sabay na nagtanong ng why.

Daryl: She made me rap fuck!

Nico: Did you rap?

Daryl: Hell yes! Kahit labag sa loob ko punyeta. I cant imagine myself again na nag rarap ng putanginang stupid love sa harap ng ibang tao! Im not a singer lalo na ang raper demmwit!

Justine: Is it like "nang mainlove ako sayoy kala koy pag-ibig mo ay tunay?" Fuck bro! I wanted to hear that again from you.

Hindi ko rin lubos maisip na nag rap si Daryl sa harap ni Ayesha. Si Daryl pa naman ang pinakaseryoso sa aming lahat tapos nag rap? Fucking epic!

Janrick: Ako nga pinakain ng cookies na kasing tigas pa yata ng buhay na bato. Damn! Nabasag yata ang bagang ko.

Matapos kong mailabas ang saloobin ko at kumalma lumabas na rin ako ng banyo. Nagulat pa ko ng nasa labas ng pinto ng banyo si Ayesha habang kagat kagat ang daliri.

"Im sorry love, I didn't meant to hurt you." She snip and I can feel that shes crying while hugging me."Hindi ko alam na matigas pala 'yong cookies, promise hindi na mauulit."

She said again, still hugging me.

Hinawakan ko ang mukha niya at inangat ng bahagya upang mag tama ang aming mga mata.

"Its okay baby, hindi mo 'yon sinasadya and Im willing to eat those cookies kahit na mabungi pa ako kung 'yon ang ikasasaya mo because I love you."

Niyakap niya ako ulit ng mahigpit na ginantihan ko rin ng mas mahigpit pang yakap. Alam kong hindi lang ito ang mga pagsubok na dapat pa naming pagdaanan pero nakasisiguro akong hindi magiging madali ang  mga susunod pang araw na haharapin naming dalawa.

But one thing for sure, hindi masusukat ng kahit ano pa man sa mundo ang pagmamahal na mayroon ako para kay Ayesha. Kahit na nga ba ang pinakamatigas pa na cookies sa buong mundo ay hindi rin uubra.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.