Chapter 27

Dahil nag iisa lang naman si Lenny na kaibigan ko, ibinigay ko ang garter sa kaniya na dapat sana ay sa lalaki.

While Janrick have six friends kaya siya ang nagtapon ng bouquet.  Habang ang mga baliw niyang kaibigan ay nag tutulakan para lang hindi nila masalo ang bulaklak. At ang kamalas malasang si Nico ang nakasalo kahit na labag sa loob niya.

"Estoy lista mi amor." Nico said, while he has a silly smile on his face.

"Bobo!" Sagot naman ni Lenny na isinuot ang garter sa ulo ni Nico at ibinaba hanggang sa leeg.

"Baby, gusto ko ng umuwi! Hindi na ko makapaghintay sa honeymoon natin." Bulong naman ni Janrick sa akin bago hinalikan ang leeg ko pababa sa balikat.

"Pinapaalala ko lang sa iyo na buntis na ako kaya manahimik ka!" Singhal ko naman sa kaniya.

"Speaking of pregnat, hindi ba malalaman sa pregnancy test kung babae o lalaki ang baby natin? I cant wait." Kulang na lang sikmuraan ko siya dahil sa pagiging tanga. Magkakaibigan nga talaga sila. Pare parehong kulang ang turnilyo sa mga utak.

"Kailan pa naging ultrasound ang pregnancy test bobo!" Iritang irita kong sagot sa kaniya habang pinandidilatan ng mata.

"Napakaganda ng asawa ko. Kamukha mo 'yong nasa wrong turn kapag pinandidilatan mo ako ng mata." At nang asar pa talaga ang hudas.

"No sex for you in one year!"

***

Ilang oras pa ang lumipas, hanggang sa nag desisyon si Janrick na pumunta sa hardin upang pumitas lang sana ng bulalak para sa kaniyang asawa.

"Hey," I didnt expect to see Pauline standing there in the garden with a red envelope in her hands. May malungkot na ngiti sa labi niya ng matitigan ko siya ng malapitan

"Hey, ahm its been a while since the last time I saw you. 4 years I think?"

I said, habang palinga linga sa likod at gilid namin.

"Five years to be exact." Sagot niya naman at bahagyang yumuko.

Pauline is one of my friend's ex girlfriend. Wala akong kahit na katiting na galit o sama ng loob sa kaniya simula ng umalis siya. Nasaksihan namin kung gaano naging misirable ang buhay ng isa sa kaibigan namin ng maghiwalay sila. Pero kahit ganoon pa man nakita rin namin kung paano niya minahal at inalagaan ang kaibigan namin noong sila pa.

"Can you do me a favor? Pwede mo ba itong ibigay sa kaniya? Alam kong kalabisan na humingi ako ng pabor sa kahit na sino sa inyo, but please just this once, and nothing more." She gave me the red envelope then leave after saying thank you.

I thought their love story has no ending, as I witness how they grow together and love each other. Pero mapaglaro rin talaga ang tadhana at sila ang napili na mag laro, nga lang ay natalo at kalaunan ay sumuko.

Ngunit imbes na kaawan, sila na rin yata ang taong masasabi kong matatapang. Matapang na hinarap ang bukas ng taas noo kahit na lumuluha ang kanilang mga puso. Matapang na nag lakad paabante kahit na ilang beses din nilang sinubok na huminto at bumalik paatras kung saan nasaktan sila ng husto.

Tinignan ko ang hawak kong envelope at binasa ang nakalagay doon. "Ang huling paalam." pabulong kong sambit sa aking sarili.

I went back inside the venue pero wala na si Justine.

"Where have you been love? Im tired and sleepy. Can we go home now?" I just nod and kiss the top of her head.

Nag paalam na kami sa mga kaibigan naming natira sa venue at pati na rin sa mga magulang namin. Plano kung surpresahin ang mahal kong asawa sa bagong bahay na binili ko sa pinsan ni Justine.

At nang makarating kami sa bahay ay piniringan ko siya, at inalalayan papunta sa harap ng bahay, nang makababa kami ng sasakyan. Inalalayan ko rin siya hanggang sa makapasok kami sa loob. At ng tanggalin niya ang piring niya...

"Home sweet home!" Sigaw ko. Bigla naman siyang naiyak at yumakap sa akin. Siguro ay dahil sa pinaghalong saya at gulat.

Niyakap ko rin siya ng sobrang higpit bago hinalikan sa ulo. We were not neighbors anymore as we create a complete and happy family from this day forward.

"You dont have to give me a new house. Dahil ikaw ag tahanan ko." She said that made me smile in so much joy.

"At ako lang ang dapat mong kasama hanggang sa dulo."

~Wakas~

Ayesha Mendez Del Rio

Janrick Del Rio

Is now signing off

+

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.