Chapter Nikos, TEGP: 14

“Nag-rally ang mga tao sa tine-take over naming hotel sa Greece. I had to go there to settle the problem. Dapat babalik ako sa US para puntahan ka. But when I called your cousin, she told me that you are already home in Manila. Di agad kita nakausap pagbalik ko dito dahil marami akong meeting. The next thing I know, you were pouring wine over me.”

“Well, you can’t blame me if I did. I am under a lot of stress right now. My mom is in the hospital. At nalaman ko rin na wala na sa amin ang lahat ng pinaghirapan ko sa loob ng limang taon.” Pinagsalikop niya ang kamay para makontrol ang pag-iyak niya. Di siya magpapakita ng kahinaan dito. “Then you’ll march in back in my life. Lalo mo lang ipinaalala sa akin ang lahat ng kamalasan ko. Nang makita kita, di na ako nag-isip. Gusto ko lang na makaganti.”

Bahagyang tumalim ang mata nito. “Masaya ka na ba ngayon?”

“Oh, I feel great. Parang naalis ang mabigat ba bato sa dibdib ko. Mas mabuti iyon kaysa bayaran mo ako kapalit ng di ko pagsasampa ng kaso.”

“You are one cruel woman!” he hissed.

She rolled her eyes. “Now I am cruel. Siguro naging inconsiderate ako dahil di na kita hinintay na makipag-ayos sa akin. Pero dapat nga matuwa ka rin dahil di nabawasan ang kayamanan mo.”

Isa pa, parang di rin naman niya kayang tumanggap ng pera dito bilang areglo. Mas gusto pa nga niya ang pakiramdam nang buhusan niya ito ng alak.

“Sana kinasuhan mo na lang ako. At least I defended my self.”

“Ikaw nga itong ayaw magpasampa ng kaso, hindi ba?” Inirapan niya ito. “And please spare me the drama. I already had enough. Saka nandito ako para sa interview. It was cancelled and I am just waiting for Simone. So please, leave me alone. Wala naman na tayong pag-uusapan.”

“It is not yet over,” mariin nitong wika. “Because I got news for you. Handa akong patunayan na hindi ako ang nagbuhos ng wine sa iyo.”

Inilahad niya ang palad. “Nasaan ang ebidensiya mo?”

May inilabas itong camcorder. “Watch this.”

Magkasalubong ang kilay niyang pinanood ang video. She saw Nikos standing beside the pool while she was lounging at his back. Isang lalaki na blonde ang lumapit sa kanya at nagbuhos ng alak sa kanya. Kinulbit nito si Nikos at saka kumaripas ng takbo pabalik sa mga kasamahan nito. Kung ganoon ay inosente nga ito. Dito lang naibintang ang kalokohan ng iba.

Napangiwi siya nang suntukin niya ito at tadyakan hanggang humagis ito sa pool. Nakayuko niyang ibinalik ang ang camcorder dito. “Paano mo ito nakuha?”

“Ipinadala ito sa office ko ng cruise company. It was surrendered by one of the guests. Ex-girlfriend siya ng lalaki na nagbuhos ng wine sa iyo. Katuwaan daw iyon ng grupo ng boyfriend niya. But at the end of the cruise, her boyfriend dumped her. Ito ang ganti niya. Kung gusto mong magsampa ng kaso, alam mo na kung sino ang sasampahan mo ng kaso. Or kung sino ang bubuhusan mo ng wine.”

Nakagat niya ang labi. “I am sorry.” Saka niya naisip ang mga masasamang nasabi niya dito. Pati na rin ang pananakit niya. He didn’t deserve those. Pasimple niya itong tiningnan. Wala itong kangiti-ngiting nakatitig sa kanya. “I know. Wala nang magagawa ang sorry ko. Pero sa ngayon, iyon lang talaga ang masasabi ko.”

“If you want to file a case against them, I can help you.”

“It’s okay, Mr. Theron. I already had enough problems. Mas marami akong problema kaysa isipin pa ang mga bastos na ‘yan.” Pinagsalikop niya ang kamay. “I sincerely apologize for everything wrong that I accused you off.”

“Apology accepted.” Tumayo ito. “I will expect you on time tomorrow. This time, I won’t give any consideration.”

Maang siyang napatingin dito. “Wait! What do you…you mean…”

He smiled formally. “I am the foreign development director for La Brissa. Good day, Miss Calderon.”

That smile sent chill to her spine. Napainom siya ng white hot choco. Ito ang magiging boss niya kung saka-sakali. Naipilig niya ang ulo. “No. Malamang di na ako pumasa sa kanya. Kinakailangan ko nang maghanap ng ibang maa-apply-an.”

MAAGA pa lang ay nasa La Brissa Hotel na si Arizona. She looked cool and professional outside but she was shaking inside. Ayaw na sana niyang pumunta sa interview na iyon. Pakiramdam kasi niya ay wala siyang mapapala.

Pero gusto niyang subukan. Nakakahiya kay Simone. Kaibigan niya ito at gustong makatulong. Mag-a-apply sa ibang hotel pagkatapos. Nag-job hunt siya sa internet nang nakaraang araw. Doon siya tutuloy kapag di siya natanggap.

Malakas ang kaba sa dibdib niya nang papasukin siya ng sekretarya ni Nikos na si Mandy. Pasimple muna siyang sumilip sa opisina nito bago dahan-dahang pumasok. Para pwede pa siyang tumakbo kung sakali.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.