“Sir Alonzo, pwede na po kayong pumasok sabi ni Sir Nikos,” anang si Mandy. Tinanguan siya ni Alonzo saka pumasok. “Ang guwapo niya, no? Pare-pareho silang guwapo ng iba nilang kabarkada ni Sir Nikos?”
“Talaga?” tanong niya. Kunyari ay di pa niya nakikita ang iba.
“Kapag nagsama-sama silang anim sa isang lugar, maglalaway ka. At hindi mo alam kung sino sa kanila ang pipiliin dahil pare-pareho silang mga guwapo, galing sa sikat na pamilya at kilala sa international arena. Kung wala lang akong asawa, baka isa sa kanila ang pikutin ko.”
“At sino naman ang gusto mong pikutin?” tanong ni Simone.
“Good morning, Sim!” bati niya sa kaibigan.
“Pinagkukwentuhan lang namin ang tungkol sa barkada nila Sir Nikos. Sabi ko lahat sila guwapo. Nandiyan kasi si Sir Alonzo sa loob.”
Nanlaki ang mata ni Simone. “What? Nandiyan siya sa loob?”
“Kausap lang niya si Sir Nikos,” sagot naman niya.
Nanlaki ang mata ni Simone at nasapo ang pisngi. “Oh, gosh! He is here.” Hinaplos nito ang buhok. “May salamin ba kayo? Patingin naman kung maganda ako. What a bummer! I can’t face him if I look like a mess.”
“Ano bang nangyayari sa iyo?” natatawa niyang tanong dito.
Inabutan ito ni Mandy ng compact powder. “Ganyan siya kapag nandito si Sir Alonzo. Parang nahihibang at nawawala sa sarili.”
So she was in love with Alonzo. Walang nababanggit sa kanya ang kaibigan. Kaya pala di ito nakikipag-date sa iba dahil may gusto na ito.
“I always have to look beautiful. Baka sakaling yayain na niya akong mag-date kapag nakita niya na paganda ako nang paganda.”
“What if he doesn’t ask you out?” tanong niya.
“Sanay naman na si Simone sa rejection ni Sir Alonzo,” kantiyaw ni Mandy.
“Kaya ako na lang ang nagyayaya ng date sa kanya.”
Ngingiti-ngiti niyang ibinalik ang atensiyon sa trabaho. Habang si Simone ay maya’t maya ang sulyap sa salamin. Nakabantay ito malapit sa pinto na parang natatakot na matakasan ni Alonzo. Magla-lunch break na nang lumabas ng opisina sina Alonzo at Nikos.
“Hi, Al!” bati ni Simone at lumapit sa binata. “Mag-lunch naman tayo, please. Matagal na kasi kitang hindi nakikita.”
He looked at Simone wearily. “Sorry. Pero may meeting ako ng two o’clock. I have to go back to the office.”
Simone pouted her lips. Ikinawit din nito ang kamay sa braso ni Alonzo na parang tinitiyak na di makakatakbo ang binata. “Don’t tell me you won’t take a lunch break? Di naman ako naniniwala. Kahit machines may break time din.”
“Ako na lang ang yayain mo,” singit ni Nikos. “Sasama agad ako sa iyo.”
Inirapan ito ni Simone. “Kahapon lang kasama na kitang nag-lunch. Baka pagsawaan na natin ang mukha ng isa’t isa.”
Humalukipkip si Nikos at nagsalubong ang kilay. Parang hindi kasi ito sanay nang ini-etsa pwera ng babae.
“Sige na. Mag-lunch na tayo,” napipilitang wika ni Alonzo. “Isama mo na rin si Nikos. Pati si Miss Calderon at si Mandy.”
“What?” sabay na bulalas nina Nikos at Simone.
“No! Huwag na ako,” sabi ni Mandy at kinuha ang handbag. “May date kami ng mister ko. Saka mas okay kung kayong apat na lang. Para foursome.”
Pilit na ngumiti si Simone. Halata dito na mas gusto nitong magsolo ito at si Alonzo. “O, sige. Kami na lang.”
Bubuka pa lang ang bibig niya para magprotesta na hindi na rin siya sasama pero inalalayan na siya ni Nikos sa siko. “Let’s go, Miss Calderon,” he said in a cold voice. As if it was an ordeal that they would have lunch together.
Tumuloy sila sa Mediterranean restaurant ng hotel. “Al, ikaw na ang um-order para sa akin,” paglalambing ni Simone.
“Ako na,” agap ni Nikos. “Alam ko kung ano ang favorite mo.”
“Sabi ko nga si Al, di ba?” naniningkit ang matang pambabara ni Simone dito, saka nakangiting bumaling kay Al. “Sige na. Ipili mo na ako.”
“Arize, ako na ang o-order para sa iyo. Alam ko kung ano ang specialty dito,” sabi ni Nikos sa kanya. Pinabayaan niya ito. Then she felt the air sizzle. Obvious na nakikipagkumpitensiya ito kay Alonzo para sa atensiyon ni Simone. At dahil di ito nagtagumpay, sa kanya na lang nito ibinaling ang atensiyon. She felt like she was in a middle of crossfire.
“How long have you been working for Nikos?” tanong ni Alonzo sa kanya.
“For a week now.”
“Matagal na kasing naghahanap ng assistant si Nikos,” anang si Simone. “Nang dumating si Arize galing sa States, I recommended her.”
“I hope the two of you get along,” wika ni Alonzo.
Nakita niya ang naalarmang tingin ni Nikos sa kanya. Na parang natatakot na may I-comment siyang di maganda. Ngumiti siya. “Sir Nikos is very professional. Kung anuman ang problema namin dati, kinalimutan na namin. He is a very perceptive businessman. I think I will learn a lot for him.”
“Our friends Wyndham and Marcoe like you. They would be delighted to know that you are working with Nikos. Very delighted.”
“Please don’t tell them about Arize,” pakiusap ni Nikos.
“Why? They are bound to know about it anyway. Hindi mo naman siguro siya pwedeng itago tuwing dadating sila. What’s bugging you?”
Hindi rin niya maintindihan kung bakit kailangan siyang itago ni Nikos. It wasn’t like she had a contagious disease or a kept woman. Subalit katahimikan lang ang isinagot ni Nikos at ipinagpatuloy ang pagkain.
“Al, do you want to go to Palawan next month? Magbakasyon naman tayo,” ungot ni Simone dito.
“I don’t have time for a vacation,” he answered crisply.
“If you want to go to Palawan, I will borrow Andreas’ yacht and we can go together,” suhestiyon ni Nikos.
“Kung di lang din naman makakasama si Alonzo, huwag na lang.”
Lumakad ang tanghalian nang kinukuha ni Simone ang atensiyon ni Alonzo. He would reject her. Saka ito sasaluhin ni Nikos. And Simone would reject him. Nahihilo na siya sa paikot-ikot ng mga ito. At sa huli, lumalabas na si Nikos ang pinakatalunan sa lahat.