Chapter 54

"HINDI siya nagpasabi kung saan siya pupunta?"

"Hindi po talaga, dumaan po siya rito para lang saglit na laruin si Baby Reemo, umalis na rin po siya agad," tugon ni Abby sa kaniya.

"Sige, subukan ko na lang na tawagan at i-text ulit." Napabuntonghininga na lang siya na muling sinipat ang kaniyang relo. Malapit nang mag-alas tres ng hapon.

Siguro naman ay hindi nakalimutan ni Reema ang usapan nila ngayon. Siguro naman ay wala 'tong balak na hindi magpakita. Maraming beses niya 'tong tinanong at sumagot 'to na excited na rin daw.

Sabay kasi silang nagising kaninang umaga. Saka niya naalala na banggitin dito na ngayong araw na 'to ay pupunta sila kay Doña Matilde. Nag-okay naman 'to. In fact, kahit wala siyang naaalala na binanggit na niya rito ang tungkol do'n ay pinipilit pa nga nito na nasabi na niya, paulit-ulit daw siya.

Nang makalipat siya sa sariling bahay kaninang umaga na magising sila nang sabay ay nakatulog naman siya ulit. At nang magising nga siya ay hinahanap na niya 'to dahil may lakad nga sila. Tapos na rin kasi siyang gumayak, maging sina Abby at Baby Reemo.

Hindi sana siya dapat mainis ngayon dahil wala naman na siyang dapat ikainis kay Reema, she gave herself to him last night at virgin nga ito gaya nang ipinipilit sa kaniya no'ng una pa lamang, doon pa lang ay hindi na siya makaimik. Not that— sobrang halaga niyon sa kaniya ah, pero pagdating kasi kay Reema, nagbago na ang pananaw niya ro'n.

Why, basta dama niya na ang kailangan na lang nilang dalawa pagkatapos ng paghaharap nila kay Doña Matilde mamaya ay opisyal na pag-uusap sa tungkol sa kung ano ang mayroon sila at kung saan nila planong dalhin 'yon. Lalo at may balita na siya sa investigation about Baby Reemo's parents.

"Ay, mukhang 'ayan na ho, Sir Arkin," untag sa kaniya ni Abby.

Nang lingunin niya rin ang sinisipat nito sa bintana ay pareho silang namangha sa babaeng bumaba sa isang pedicab.

"Ay, ang ganda naman ni Madam Reema ngayon. Bagay po talaga kayo!" buska pa ng yaya bago siya makatalikod dito para salubungin niya si Reema.

Kaya pala nawala ng mahabang oras, nagpaganda pala!

"'Like it?" ani 'to, nakabuka ang mga braso na pinakita sa kaniya ang bagong itsura nito na malayo sa tinutukso niya ritong manang.

Hmn, hindi naman masyadong binago nito ang sarili to the point na lalayo na 'to sa dating ito pero pagbabago na nga rin talagang matatawag 'yon dahil halata ngang nagpaayos at may kolorete sa mukha na ngayon lang niya nakita rito. Nakasuot pa 'to ng dress na ang haba ay sa ibabaw ng tuhod at nakalitaw ang balikat. Mga klase ng damit na ngayon lang nito nasuot.

At ang buhok, binago rin. From nakarolyo lang palagi ang pagkakapusod ay hayun, nakalugay na 'yon at pinaiksian, humahalik lang ang haba sa ibabaw ng mga balikay nito. Pinaunat din.

"Wow, new look!" Nakangiting turan niya rito. Nang lumapit 'to sa kaniya para yumakap ay marahan siyang natawa. "Pero gano'n pa rin, sa akin pa rin naman yayakap."

Pinong kirot sa tagiliran niya ang sinagot nito. "Loko ka talaga!"

Pagak siyang natawa. Kung ganito ba naman ang magiging ina ng anak mo ay aayaw ka pa ba?

"Thank you," sinserong sambit niya rito nang tingalain siya nito. Dinampian niya 'to ng mabining halik sa labi.

"Dahil?"

"Dahil, look at you, nahihiya ka sa suot mo pero binago mo ang sarili mo para sa araw na 'to."

"Ah, you are welcome, mister. Hindi ko lang gusto na kantyawan ka na isang manang ang kasama mo. Saka na-realize ko na mas babagay ako sa 'yo kung ganito ako manamit."

"Na kung tutuusin ay hindi mo naman kailangan na gawin."

"Kailangan 'to, feeling mo lang ay hindi!" Lukot at ilong na turan nito sa kaniya.

He rolled his eyeballs. "Alam mo bang gusto kong hapitin ka ulit at ipasok sa loob ng bahay mo at ihagis sa kama mo—"

"Huy, salbahe mo talaga!" Hinampas siya nito sa dibdib niya.

"Kaya lang ay may lakad pa tayo."

Reema giggled. "Istorbong lakad naman 'yan."

Hagalpak siyang natawa. Alright, pagtatakhan niya pa ba 'yon? Kailan ba siya nalungkot na kasama 'to?

This woman is crazy and weird by so many ways but she's a woman one could easily falling in love with...

NAPAKALAKI ng bahay ng mga Hondradez. Sobrang ganda niyon sa labas pa lamang kaya pupusta si Reema na mas 'di hamak na sa loob.

Malayo pa lamang ang minamanehong pag-aaring kotse ni Arkin ay natanaw na niya ang mga nakahilerang katulong ng mansion na sa tingin niya ay humigit kumulang sa dalawampu katao, sadyang inaabangan ang pagdating nila.

"Are you nervous?" Tanong sa kaniya ni Arkin, kinuha ang isang palad niya at hinalikan ang likod niyon.

Binawi naman niya ang palad niya rito at pabirong hinampas 'to sa braso. "Hoy, kakapanood mo ng romantic movies 'yan!" buska niya rito pagkatapos.

Tumawa 'to. 'Yon ang tawa nito na nakaukit na sa isipan niya at kabisadong-kabisado na niya.

Wala e, hindi na niya kailangan na analisahin ang sarili, dahil kung hindi pa ba in love ang tawag sa gano'n na kabisado na niya maging ang tawa nito, e, ano?

"Wala e."

"Huh?" nagtatakang tanong niya rito.

"Wala e, tinamaan," wika nito, sabay kindat sa kaniya.

Kikiligin ba siya? Nah, of course, kinikilig na siya at hindi na niya kailangan na itanong 'yon sa sarili.

"Tinamaan ng magaling."

Napanganga siya nang mag-sink in sa kaniya ang ini-imply nito sa binitiwan na biro!

Sabay rin naman silang natawa dahil do'n. Sabay rin nilang pinagalitan ang bawat isa na mag-behave at may ibang tao— si Abby nga, na pasahero nila sa backseat ng kotse.

"Naku, okay lang po," ani Abby, tila naunawaan sila.

Natatawa man ay humingi siya ng paumanhin dito. "Maiba ako, may boyfriend ka na ba, Abby?"

"Ha? W—Wala po, Ms. Reema."

Hindi niya alam kung napuna ba nito na nautal 'to sa pagsagot, so, hindi na niya 'yon dapat na i-push kung gayon na parang naiilang 'to na pag-usapan. Nginitian na lamang niya 'to na gumanti naman ng ngiti sa salamin.

"Ang dami niyong katulong," hindi niya napigilan na masambit nang makalapit na sila sa entrada ng harapan ng mansion ng mga Hondradez at makumpirma niya ang hinala na humigit sa dalawampu nga ang mga naghihintay sa kanila ro'n.

"OC kasi 'yang si Granny," tugon ni Arkin sa kaniya, "kapirasong dumi, hindi raw makatulog. Hindi makahinga. Sinanay kasi ang sarili niyang gano'n."

"Mahirap matulog naman talaga na madumi ang paligid."

Arkin scoffed. "Hindi naman over na agiw lang e, kakapiraso."

"Ay, over nga."

"Saka hayaan mo 'yan, hindi naman tayo ang nagpapasahod sa mga 'yan," pabalewala nitong tugon habang pinapatay na ang makina ng kotse.

"Sabagay. E, sino naman ang nagpapasahod sa kanila?"

He chuckled. "'Kulit mo talaga."

"Kung walang mangungulit sa 'yo, ibig sabihin no'n, wala na 'ko sa buhay mo."

Nakita niya kung paano 'to natigilan. Tinitigan siya.

Assume-ra na ba siyang matatawag kung gano'n na ang puso niya ay parang naririnig na niya dahil nagririgodon 'yon ngayon na tinititigan siya ng lalaking 'to na hindi yata aware kung gaano kaganda ang mga mata?

Assume-ra ba siyang matatawag kung gano'n na iniisip niyang hahalikan siya nito? 'Yong halik sana na hindi lang dampi.

Ah, hindi nga siya assume-ra, mas akma kasing tawagin siyang talandi sa mga kasalukuyan niyang naiisip.

"Hindi ka na mawawala sa 'kin, okay?"

"Gaano ka ka-sure, mister?"

"So sure. Hundred and one percent."

"Bakit mo naman nasabi 'yan? Pakakasalan mo ba 'ko?"

Hindi mo kinaya, may na-hit siya sa babaerong 'to! Hayun at natigilan na naman 'to at titig na titig sa kaniya.

"Gusto mo ba?"

"Gusto ko, ikaw."

He chuckled. "Puro ka kalokohan."

"Basta ako lang ang maloko at hindi mo 'ko lolokohin."

Natatawang umiling-iling 'to. "Aware ka naman na kanina pa nasa loob sina Abby at Baby Reemo, 'no?"

"H—Huh?" Nang lingunin niya ang backseat ay wala na nga ro'n ang anak nila at ang yaya! "Huy, ba't hindi mo naman sinabi na nakababa na sila?!"

"Tsk, naghaharot ka pa po kasi. Pinagbibigyan lang kita at hindi naman bawal."

Tinaasan niya 'to ng kilay. "Anong hindi bawal?"

"Tinted windows naman 'tong mga salamin ng kotse ko..."

"T—Tinted?" Mulagat niyang tanong.

"Yep, tinted. Hindi nila tayo nakikita sa labas, tayo lang ang nakakakita sa kanila, you know..."

"At sa tingin mo ay hindi ko talaga alam ang ibig sabihin niyon?"

Arkin's forehead creased. "Ano ba? Ang gulo mo na naman kausap e. Ganyan ba talaga 'pag hindi na virgin?"

Aba! Binubuska pa siya nito gayong ito ang may kasalanan kung bakit hindi na siya virgin!

"Naalala ko, ang sabi mo ay ninakaw ko ang first kiss mo, na basa ang halik ko at ewwy, pero ikaw naman pala ang may kasalanan kaya naglaho na sa 'yo ang first kiss mo at hindi ako."

At talagang habang naroon sila sa kotse at sa tapat ng mansion ng lola nito siya tinutukso nito?

"First kiss? Sinabi ko ba 'yon?"

"Uh—huh."

"Ah, oo, totoo naman. 'Yong nauna kasi ay ako ang nagnakaw ng halik. Magkaiba 'yon sa ako ang nagnakaw ng halik sa ikaw ang nagnakaw ng halik."

"Ha?"

She giggled. Gulong-gulo kasi ang itsura ng kuya mo, Arkin Winters.

So, para hindi na maguluhan... nakawan niya na lang 'to ulit ng halik nga!

Tinted naman ang salamin, grab natin ang chance!

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.