Chapter HOBH 15

MUGTO ang mga mata ni Verona nang lumabas ng sinehan. Halos lahat sa sinehan ay apektado dahil sa pa-traidor na pagpatay kay Heneral Luna. Kahit nga si Kirst ay narinig niyang ilang beses na nagalit dahil sa napanood. The movie was really an eye-opener. Kung dati ang mga tao ay nai-in love sa kwento dahil isang love story o tumawa dahil sa comedy film na karaniwang ipinapalabas sa mga sinehan, sa Heneral Luna naman ay parang may nabuksang malasakit para sa bayan at kasaysayan.

Pero magaan ang hakbang ng mga paa niya dahil ipinakita na ang teaser ng kwento ni Heneral Gregorio del Pilar para sa susunod na sequel ng pelikula. “Hindi lang sisenta porsiyento ng pag-ibig ko ang ibibigay ko sa iyo, Greggy. Isandaang porsiyento ng puso ko ang sa iyo,” usal niya habang naglalakad sila ni Kirst sa hallway papuntang elevator. “Excited na ako na makita ulit si Greggy ko. Nakaka-in love siya.”

“Bakit mo pa siya mamahalin kung mamamatay lang din naman siya?” tanong ni Kirst na kasabay niyang naglalakad.

“Ano?” bulalas niya at matalim itong tiningnan.

“Aanhin mo naman ang guwapo nga at ipaglalaban ka pero malamig nang bangkay. Hindi ka mapapasaya ng baeyani mo.”

Tumigil siya sa paglalakad at ipinamaywang ang isang kamay. “At sino naman sa palagay mo ang magpapasaya sa akin?”

Hinawakan nito ang kamay niya at inilapat sa dibdib nito. “Katulad ko. Buhay ako at humihinga. Feel my heartbeat? I am alive.”

Sinubukan niyang bawiin ang kamay pero pinigilan siya ng binata at naglaban ang mga mata niya. Yes. He was hot. He was alive. Matigas ang muscles sa dibdib nito pero damang-dama niya ang matatag na tibok ng puso nito. It was beating steadily.

At bumilis din ang tibok ng puso niya. Kahit kinikilig siya kanina kay Gregorio del Pilar ay di niya ito naramdaman. Kay Kirst lang niya ito nararamdaman.

Dali-dali niyang binawi ang kamay dito. “A-Aalis na ako. Salamat sa pagsama sa aking manood ng sine.”

“Don’t you want coffee before I take you home?” he asked in a flirty tone. “This night doesn’t have to end, you know. I want to get to know you better.”

“Get to know me better in a biblical sense, you know?”

“What?”

“Hoy! Di ako ipinanganak kahapon. Alam ko ang mga tipo mo. Porke’t guwapo kang lalaki, akala mo bibigay naman agad ako dahil tinapunan mo ako ng atensiyon at sinamahang manood ng sine. Tapos kapag nakuha mo na ang babae, tatakasan mo na at iiwang buntis.”

Itinaas nito ang mga kamay. “Whoa! Ganyan ka kaagad kabilis mag-isip?”

“Oo. Dahil for your information, hindi ako tanga. At hindi ikaw ang type ko. Ang kailangan ko ‘yung lalaking pangangatawanan ako at mananatili sa tabi ko. Hindi ‘yung tulad mo...”

“Sandali. Paano ka nakakasiguro kundi nga ako katulad ng lalaking sinasabi mo kung di mo muna ako kinilalang mabuti bago mo ako husgahan?” tanong nito. “You give me too much credit. Di dahil guwapo ang isang lalaki, manloloko na agad. Marami ding kaguwapuhan diyan pero di rin naman nagseseryoso.”

Huminga siya ng malalim. “Di na importante kung totoong matino ka o hindi. Let’s just end it here. Sigurado ako na makakahanap ka naman ng ibang babae na maa-appreciate ka. It is not just me.”

“Sinong gumawa niyan sa iyo? Bakit ka ganyan?” tanong ng binata.

Nagkibit-balikat siya. “Wala. I am just born this way. Our destiny end here, Kirst. Goodbye.”

Naglakad siya palayo at di na siya nito pinigilan. Ano ngayon kung mainis ito sa kanya? Sigurado siya na di na siya nito gugustuhing makita. Mabuti nga iyon para di na siya mahirapan na labanan ang atraksyon niya dito. She was safer now.

Subalit pagdating sa bahay ay mabigat pa rin ang dibdib niya. Ibinagsak niya ang sarili sa kama at nakatulala lang sa kisame. Tama naman ang desisyon ko na huwag nang pahabain pa ang pagkakakilala namin ni Kirst. He is nothing but trouble. Hindi ko na kilala ang sarili ko kapag kasama siya. At natatakot ako na magkamali ako.

Tama naman ang ginawa niya pero bakit malungkot siya? Her traitor heart wished she accepted his offer to spend more time with him, to get to know him better.

Kirst, anong ginawa mo sa akin?

“THIS is an injustice! This is unfair! Ako ang dapat na ka-date ni Kirst at hindi ang babaeng iyan. I am the first runner-up. Ako dapat ang makikipag-date kay Kirst kung hindi lang ninyo siya ipina-date sa babaeng iyan. Akin siya dapat!” nanlalaki ang matang sabi ni Yvonne nang sumugod sa opisina ng mga editors. Akala niya ay may irereklamo ito sa nobela nitong ipinasa pero iyon pala ay gusto lang nitong iprotesta ang nangyaring date sa kanila ni Kirst.

Nakayuko lang si Verona habang nagtatatalak ang babae. Totoo naman na mas deserving ito na maka-date ni Kirst. Baka nga siya ang pinaka-least na deserving maka-date ng binata.

“Wala ka kasi no’n, Yvonne. Nasa Boracay ka.”

“Sana hinintay ninyo akong bumalik.”

“Ganoon din naman. Kung ikaw ang hihintayin namin, e di si Sia na lang hihintayin namin tutal siya naman ang nanalo talaga,” depensa naman ng isa pa nilang editor na si Miss Bing.

“Saka Yvonne, kung hihintayin ka pa namin, kailangan ulit magbayad ng panibago ni Kirst. Mahal ang talent fee niya. Baka sa iyo pa i-charge,” pabulong na sabi ni Miss Agnes. “I-message mo na lang siya sa social media account niya para magkausap kayo. Mabait naman iyon. Nagre-reply sa message.”

“Fine. Yayayain ko na lang siyang mag-date.” Pinanlakihan siya ni Yvonne ng mata. “At huwag ka nang kontrabia. Sa akin lang si Kirst.”

“Okay. Sana magustuhan ka niya,” aniya at tipid na ngumiti.

Inirapan lang siya nito at umalis ng editorial room. Bumagsak ang balikat ni Verona. Pakiramdam niya ay galing siya sa isang matinding pakikibaka.

“Di ko alam na ganoon ka-beastmode pagdating sa lalaki si Yvonne. Muntik na akong atakihin sa puso,” sabi ni Miss Tere. “Okay ka lang ba, Verona?”

“Huwag mong pansinin iyon. Inggit lang iyon dahil ikaw ang naka-date ni Kirst,” nakangising sabi ni Miss Salve.

“Oo nga. Ang daming nagtatanong kung masusundan pa ang date ninyo,” sang-ayon naman ni Jeff.

“Naku! Nakakakilig talaga sila. Wala naman sa script ‘yung gusto pa siyang makilalang mabuti ni Kirst. Sabi lang namin magpasalamat sila. Niyaya pa siyang manood ng sine pagkatapos. Kung nandoon kayo, kikiligin din kayo,” anang si Miss Agnes na hanggang tainga ang ngiti.

“Ano nga palang nangyari sa panonood ninyo ng sine? Di ka man lang nagkukwento,” anang si Miss Tere at tinapik ang braso niya.

“Ayun! Namatay si Heneral Luna sa huli tapos sa sequel si Gregorio del Pilar naman ang bida at mamamatay din siya,” matamlay niyang sagot at bumuntong-hininga.

“Ano ka ba naman? Hindi iyon. Anong nangyari sa inyo ni Kirst?” tanong ni Miss Salve.

“Okay naman siya. Mabait naman siya,” matabang niyang sagot at pilit na ngumiti.

Ikiniling ni Miss Bing ang ulo. “E bakit parang hindi ka nag-enjoy sa date ninyo?”

Umasim ang mukha niya at sinapo ang didbib. “Ano... Masama kasi ang pakiramdam ko. Okay lang ba kung mag-half day ako? Iuuwi ko na lang ang trabaho ko.”

Tumango si Miss Agnes. “S-Sige. Magpagaling ka.”

Lulugo-lugo niyang kinuha ang bag at umuwi na ng bahay. Ilang araw nang masama ang pakiramdam niya mula nang huli silang magkita ni Kirst. Sa pagdaan ng mga araw ay mabigat ang loob niya lalo na binalikan ng alaala ang mga nangyari. Pinakisamahan siya ng binata ng maayos pero hindi naman niya ito pinahalagahan. Siguro nga ay masyado siyang harsh sa panghuhusga dito.

Aminado naman siya na di siya sanay makisama sa mga lalaki. Ilag siya sa mga ito. Unang beses pa lang niyang nakipag-date at ganoon pa kaguwapo kay Kirst. Noon lang niya naranasang manood ng sine kasama ang isang lalaki. At sa interes na ipinakita nito sa kanya, sino ba ang hindi maghihinala ng kakaiba?

Hindi na bago sa kanya ang kwento ng mga kababaihan na unang date pa lang ay inaasahan na ng mga lalaki na may mangyari sa mga ito. One-night stand. At ang alam niya ay mas uso iyon sa mundo ni Kirst. Hindi siya sopistikadang babae. She is too guarded when it comes to sex. Masisisi ba siya kung ayaw niyang mapahamak tulad ng ibang babae lalo na’t alam niya kung gaano siya kahina pagdating kay Kirst?

Di sa nagmamaganda siya. Alam niyang di naman siya tulad ng ibang babae na ubod ng ganda. Pero may ibang lalaki na talo-talo na lang pagdating sa sex. Basta willing ang babae, sige lang.

Pagdating niya sa bahay ay naabutan niya si Sia na naglalabas ng mga gamit sa maleta. “I am home!”

Nakasuot pa ito ng wool jacket, tweed skirt at knee-high boots na parang di mainit sa Pilipinas. Pero ganoon naman si Sia. Minsan kahit nasa bahay akala mo ay nagbabakasyon sa ibang bansa.

“O! Nakauwi ka na?” sabi niya at ibinaba ang bag sa sofa.

“Oo. Ang ganda sa Hong Kong tapos nag-Macau pa kami ni Loveydoods. Next time isasama kita doon. Di kami nag-Disneyland ni Loveydoods dahil gusto ko kasama kita. Di ba bata pa lang tayo pangarap na natin mag-Hong Kong?” Nagkalkal ulit ito sa maleta. Naku! Marami akong pasalubong para sa iyo. Sabi ko dapat ipamili ka niya ng damit at sapatos dahil kung wala ka, matagal ko na talaga siyang iniwan.”

“Salamat. Pero di mo na kailangang gawin ito. Nakakahiya kay Sir Mason,” sabi niya at pinagmasdan ang mga damit at sapatos na inilapag nito sa harap niya.

“Alam na sa office na kami kaya masaya na ako. Hindi na siya madidikitan basta-basta ng Rochel na iyon. Mamatay siya sa inggit. Bakit nga pala maaga kang umuwi?”

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.