"No!!!" cried Trish.
Nagpunta si Sandra sa bahay ni Trish.Kakasabi lang sa kanya ni Sandra about Jake and his new woman.She is not going to take this sitting down.She has to do something! She wants Jake for herself.Hindi siya papayag na basta ganun ganun na lang.Pipitsuging modelo lang ang bagong babae nito.Mas sikat siya dito.
"I couldn't wait to tell you kaya I had to excuse myself sabi ko may emergency.Buti di na ako hinatid ni William.Ano ngayon ang balak mo?" Sandra curiously asked.
"I'll think of something! Of course I need your help in this.You have to give me updates as often as you can." Sabi nito sa bugnot na boses.
"What's in it for me? Medyo mahirap yang pinapagawa mo.Pag hindi ako nag-ingat baka kami ni Will ang magka-problema.Of course ako ang pagbibintangan na nagli-leak ng information about their family thingy." Maarteng sabi ni Sandra.
"Hmm..di ba like mong makasama sa isang project ng Daena Films? I could talk to someone to give you a part in their latest movie."
Sobrang tuwa ni Sandra when she heard that.Trish has friends in high places,so that wouldn't be hard for her to do.
"That'll be great! Thanks.And no worries, I'll do everything to keep you updated.Kesedohang makipag-plastikan pa ako sa mga Herreras.I just feel that Will is such a good catch.Hirap din magpanggap na prim and proper ako.I am tired of being a goody-two-shoes!"
--------
Nagulat si Lorie ng makita sa Facebook ni Pat ang picture ni Shelly with the hottie Jake Herrera.May caption pa sa ibaba ng litrato na kaka-upload lang a few hours ago.
#With my bestie and her yummy bf#
"Maaaa!" hiyaw niya sa ina na nasa kusina.
Maya-maya nagmamadaling lumabas ang mama niya na may apron pa.Nagba-bake ito ng cookies for her socialite friends.
"Napano kang bata ka?" may halong nerbiyos na tanong nito.
Tinapat ni Lorie sa mukha ng ina ang tablet niya."Look!"
"Ang malanding Shelly ito ah! At sino naman ang kasama niyang lalake?Artista ba ito?Mukhang mayaman!" Nanlalaking ang mata na sabi ng mama niya.
"Si Jake Herrera yan ma! Isa sa eligible bachelors sa Pilipinas!Mayaman talaga yan.Papa niya si Ernesto Herrera ang mama niya yung dating beauty queen, si Divina Orenze."padabog na umupo ito ulit sa sofa.
"Aba akalain mo nakabingwit ng matabang isda ang haliparot na yon at napakagwapo pa!"parang kinilig pa na sabi nito.
"Eowww ma! HIndi bagay sa'yo ang reaction mo.You're too old for that! " nakairap na sabi niya sa ina.
" Excuse me! I am not old! Tsaka tama naman ako ang guwapo kaya! Naka- jackpot ang gaga!Don't tell me na hahayaan mo na lang ang babaing yon na magpaka-sarap?" nakataas ang kilay na tanong mama niya.
"Of course not! Kailangan gumawa ako ng paraan para masira ang babaeng yun kay Jake.Lahat na lang sa kanya napupunta! Hindi ko makakalimutan ang pang-aagaw niya sa akin kay Marco! Lintik lang ang walang ganti!" nang-gagalaiting sabi niya.
------------
Day-off ni Manang Celia kaya kahit puyat si Shelly maaga siyang nagising.Nakapatong ang braso ni Jake sa tiyan niya habang tulog na tulog ito.Masuyong pinagmasdan niya ang gwapong mukha ng nobyo.Hindi na niya mapaglabanan ang nararandaman niya.Kahit itanggi man niya iba talaga ang charisma ng lalaking ito.Dahan-dahan niyang tinanggal ang braso nito.Umungol ito at binalik ang braso na ngayon ay mas mahigpit ang yakap sa kanya.
"J-Jake..Maghahanda ako ng almusal kasi day off ni manang Celia."sabi niya sa mahinang boses.
Nakangiting dumilat ito.
"Good morning babe." Malambing na sabi nito,sabay halik sa leeg niya papunta sa mukha niya.
"Jake ano ba? Hindi ka ba napapagod?Halos hindi na tayo natulog kagabi."kunwaring reklamo niya.
Lalong itong naging mapusok sa sinabi niya.Tinanggal nito ang kumot na nakatakip sa dibdib niya at and started to fondle her breasts.
"I can't get enough of you,"sabi nito sa tila paos na boses.
Wala ng nagawa si Shelly dahil nadadarang na naman siya.Kung alam lang niya na ganito pala yung pakiramdam na kasama si Jake, hindi na sana siya nagpakipot.Hindi lang ito ang grabe ang pagnanasa sa kanya.The feeling is mutual.Hindi nga niya inakala na magiging masaya siya sa piling ni Jake.Contrary to what she thought,hindi naman mayabang ang binata.Sweet ito at masarap kausap kaya madami palang na-iinlab dito. Okay naman sila basta huwag lang itong magselos. She knows na wala naman talagang perfect.Si Jake almost perfect.
May isang buwan na din pala silang magkasama sa unit nito.Sa mga panahong iyon, hindi lang siya ang napalapit sa pamilya ng bf niya kundi pati ang lola at mga tita niya. Naisama na din nila ang mga ito sa mga Herrera..Okay na okay ang lahat.Nahiling ni Shelly na sana walang magbago.
----------------------
Kakatapos ng pictorial ni Trish Valdez sa isang kilalang Men's Magazine and nasa loob ito ng dressing room. According to her assistant may babaeng gusto daw makipagusap sa kanya about Jake's new girlfriend.
Tinignan nito ang kaharap.Hindi naman mukhang bisexual.Petite ito at may hitsura.But who knows di ba?
"Ang sabi ng PA ko may importante ka daw sadya sa akin? I am sure you are not one of my fans.Unless you prefer to date women?" mataray na sabi ni Trish sa kausap.
"Good evening Miss Gonzales.I am a 100% woman,don't worry. Nagpunta ako dito dahil I am sure na magiging intresado ka sa sasabihin ko." The woman explained in a polite voice.
"I don't have much time.Go straight to the point." The model said impatiently.
"By the way, I am Lorena Francisco.I am Shelly's stepsister."
Medyo nagliwanag ang mukha ni Trish sa narinig.
"Yoji,iwan mo muna kami." Utos nito sa alalay.
Mukhang napukaw na talaga ni Lorie ang interest ng ex ni Jake.Tama lang ang taong naisip niya na makakatulong niya para masira ang relasyon ng dalawa.Who is the best woman to ask for such help? Of course,the bitter ex-girlfriend.
-----------------------------
Shelly and Jake are having dinner in a Japanese restaurant.Isa yun sa ginagawa ni Jake na talagang gustong-gusto ni Shelly.He wants to date her as often as he can.She though na flavor of the week lang siya.Pero habang tumatagal lalo pa ngang nagiging parang gigil na gigil sa kanya ang binata.Hindi ito nagsasawa sa kanya.She feels she got addicted to his lovemaking too.Just the thought of their nights together makes her wet.
"Babe,I have a surprise for you." He said with a grin on his handsome face.
"What is it?" she excitedly asked.
"Before I give it to you, I want to say something." He cleared his throat.Para itong nagpractice para sa sasabihin niya.Napatawa si Shelly sa isiping iyon.
"I know I blackmailed you into living with me.I may have said a lot of things I didn't mean." He is holding her hand while he directly looks into her eyes.
"Alin dun ang hindi totoo? Na you want me? " biro ni Shelly.
Jake laughed quietly."Do you still doubt that?" ganting biro nito sabay halik sa kamay niya which sent electricity through her body.
"Babe,I know how important the Little Angels Orphanage is to you.So I am giving you this one.It's from me hindi galing kay mama.You can give this to them.And monthly magpi-pledge ako ng certain amount for them."seryosong sabi nito.
She was lost for words as he handed her a check.
She looked at it and gasped.
" Jake! This will help the orphanage a lot! Oh,babe!Thanks!" she happily said and squeezed his hand.
Kumunot ang noo ni Jake.
"What's that?" he asked.
"Ha? Ang alin? " litong tanong ni Shelly sa binata.
What? Did I say something wrong?—she asked herself.
"Did I just hear you call me babe?"paninigurado nito.
She then smiled timidly.Matagal na niyang gustong gamitin ang endearment na yun but nakahiyaan na lang niya.Sa sobrang tuwa niya sa binigay na tseke ni Jake for Little Angels Orphanage, hayan nadulas na tuloy siya.
Her yummy boyfriend is grinning from ear to ear."It's about time that you call me that." Sabi nito.
She was about to say something when the waiter interrupted them. May dala itong tray na may mga Japanese sweets and a stem of rose.
"Excuse me sir,ma'm." he said courteously.
"Yes?" Jake asked his eyes narrowing as he looks at the contents of the tray.
"Sir,may nagpapabigay po kay ma'm." sabay baba ng tray sa lamesa.
Anak ng tofu! Nag-iba na ang hitsura ni Jake.Sino ba naman kasing wala yatang takot sa katawan ang nagpapabigay nito? tanong ni Shelly sa sarili.
"B-babe.." medyo nanginginig na tawag niya sa binata.
She could sense that he is holding back his anger.In the first place disenteng lugar ito.And hindi magiging maganda sa imahe ng mga Herrera kung magwawala si Jake dito.
"Who gave this?" he asked in a flat voice na naniningkit ang mga mata.
"Sir kani-kanina po umalis. Basta sabi po niya iabot ko daw po kay mam paglabas niya." Sabi ng waiter .
Nagulat si Shelly ng biglang tumayo si Jake and went to the direction of the entrance door.
"Jake!" she tried to call him.She doesn't want to follow him because he looks so pissed.Susubukan siguro nito na habulin kung sino man ang nagbigay ng mga ito sa kanya.
"Please pakisundan mo naman ang nobyo ko.Baka kasi magpangabot sila nung nagbigay nito magkagulo."Pakiusap niya sa waiter.
"Sige po mam."dali-daling sumunod ito kay Jake.
Nagdasal siya na sana kung sino man yun,hindi ito maabutan ni Jake.She looked at the sweets and the flower.May nakita siyang maliit na papel na nakatupi.Hindi niya agad napansin ito dahil kakulay ng box ng mga tsokolate.May kaba sa dibdib na binuksan niya ito.Natutop niya ang bibig niya ng makita kung ano ang nasa papel.
Love..M.M.
OMG! It can't be! Pamilyar sa kanya ang penmanship na ito.At isa lang ang kilala niyang may initial na M.M.Pero nasa Dubai ito.Pano nangyari na nagpadala ito ng ganito? No! Hindi pwede!Okay na sila ni Jake.Hindi pwedeng bumalik ito para guluhin sila!
Madilim ang mukha ni Jake ng bumalik.Nilamukos ni Shelly ang papel sa ilalim ng lamesa and just dropped it on the floor.
"That bastard is lucky hindi ko na siya naabutan!" Galit na sabi nito.
He looked at her,his eyes narrrowing."Is something wrong?" he asked.
"H-Haa? Wala babe. .Hayaan muna." She said in a quit voice.
"Hayaan? Ginagago na nga ako ng harapan hahayaan ko lang?Magkasama na tayo magpapadala siya ng ganyan?Nakakalalake ang hayup na yun! SHIT! Baka naman pag hindi mo ako kasama kung sino-sino ang nagpapadala sayo ng kung ano-ano?" he asked through clenched teeth.
"Ano ka ba babe?" gulat na tanong niya.
Shit kung alam lang nito na meron ngang gnun kaso hindi niya tinatanggap.Ang mga make-up artists na lang ang nagpapakasasa.Patay siya pag nalaman ni Jake.
"Mabuti pa umuwi na tayo!" wala na sa mood na sabi nito.