Chapter 36

Medyo tago ang coffee shop na sinasabi ni Lorie.Gusto ni Shelly dun kasi mas peaceful ang ambience.Hindi masyadong matao lalo pag ganitong oras.Mga past 5 PM dumadami ang customer nila.Shelly looked around but didn't see Lorie.Pang apat lang siya sa mga customers na nandun.Lahat busy sa pagtipa ng laptop or ng cellphone. So she decided to choose the table na nasa pinaka-likod para if ano man ang pag-usapan nila ni Lorie walang makakarinig.

The waiter approached her.She just asked for a cappuccino and a slice of cheesecake.She checked her watch.10:40 AM.Okay na din para ma-relax naman siya bago dumating ang maldita niyang stepsister.Hindi na siya worried sag alit ng madrasta niya,curious lang siya sa sasabihin ng stepsister niya.

Hindi pa niya nakakalahati ang kape niya when she saw Marco entering the coffee shop.He's grinning from ear to ear.Lalakeng-lalake ang dating nito.Pamatay din ang katawan at mukha.No wonder ang dami ding babae ang handang ibigay ang sarili sa ex niya.Naisip niya na parang si Jake lang di ba?Kaibahan lang si Marco nabuko na niya,si Jake hindi pa.

"Hi hon." Nakangiting bati nito.

Shelly frowned."I am not your girlfriend,Marco. So please stop calling me hon.Anong ginagawa mo dito? Asan si Lorie? She texted me na magkikita kami dito." Tanong ng dalaga habang masama ang tingin sa binata.

Marco shrugged his shoulders and sat opposite her.Akmang tatayo si Shelly ng hawakan siya nito sa kamay para pigilan.

"Hey! Don't go.Padating na si Lorie.Nauna lang ako.Chill ka lang hon." Sabi nito while looking at her lips.

"So totoo pala na kayo na?" she asked.Shelly got her hand back.

Marco waved to call the waiter.Binigay nito ang order then tinignan ang dalaga ng malagkit habang nakangisi.

"Nagseselos ka ba hon?" pilit nitong kinuha ang kamay niya.

Binawi ni Shelly ang kamay niya.Surprisingly binitawan naman nito.

"Don't flatter yourself Marco.Tapos na tayo so kahit anong gawin mo sa buhay mo wala na akong pakialam." She hissed..

Biglang nag-iba ang mukha nito.Parang sumeryoso.He leaned a little towards her.

Sa mababang boses,"Hon,please.I am really sorry sa nangyari.Tao lang ako.I promise hindi na mauulit yun.If gusto mo kahit ngayon pakasal na tayo para mapatunayan ko sayo na mahal na mahal pa din kita.Gagawin ko ang lahat bumalik ka lang sa akin,please hon."

Nagulat si Shelly sa sinabi ng dating nobyo.Pero wala na talaga siyang nararamdaman kay Marco.

"Marco,napatawad na kita pero hanggang dun na lang yun.Hindi na tayo pwede." she said honestly.

Parang nabagsakan ng langit at lupa ang lalake.

"Please kahit isang chance na lang."pakiusap nito.

Umiling si Shelly."I am sorry Marco.Hindi na talaga pwede.Sana tanggapin mo na lang."

Biglang dumilim ang mukha nito.

"NO! Hindi ako papayag na hindi maging tayo ulit." Seryosong sabi nito before grabbing her hand.

"Marco let go!" She tried to get her hand back.

"May problema ba dito?" a pissed male voice came out of nowhere.

Shelly looked up and saw Alex's angry face.Ang sama ng tingin nito kay Marco.The latter’s face turned red..

Sa nang-uuyam na boses,Marco looked at Alex and asked"At sino ka naman para makialam sa pag-uusap naming ng girlfriend ko?"

Nakita ni Shelly na lalong dumilim ang mukha ni Alex.Ewan ng dalaga, but somehow she wants to immediately reassure him na hindi totoo ang sinabi ni Marco.

"He's not my boyfriend!" She told him while looking him straight in the eye.

She then turned to her ex,"Let go of my hand!"

Pero matigas ito.Lalo pa nitong hinigpitan ang hawak sa kamay niya.

"Didn't you hear what she said? Bitawan mo ang kamay niya!" Alex said in a low but chilly voice.

"What if ayaw ko?" mayabang na sagot ni Marco while he's looking up at Alex.

Natakot si Shelly sa nakita niyang reaction ni Alex.Huminga ang binata ng malalim and pumihit ito pakanan.Akala ni Shelly tatalikod na ito pero kumuha lang pala ng bwelo.Gulat na gulat siya ng kinwelyuhan ni Alex si Marco.His face looks menacing.

Gigil na gigil ito habang sinasabi,"Kung gusto mo ng gulo.Game ako! Pero dun tayo sa labas!"hamon nito kay Marco.

Tumayo na din si Shelly.

"Please Alex.Tama na." she pleaded.

Tumingin ang dalaga kay Marco." Umalis ka na Marco!"

The two men are glaring at each other.

Hinawakan ni Marco ang mga kamay ni Alex na nasa collar ng damit nito sabay tanggal ng marahas.

Dinuro nito si Alex " May araw ka ding pakialamero ka!"

Susuntukin sana ito ni Alex pero hinawakan ni Shelly ang braso ng binata para awatin.

"Please Alex,Hayaan na natin siyang umalis." Pagmamaka-awa ng dalaga.

Medyo nakahinga siya ng maluwag ng lumabas na si Marco.Buti na lang walang masyadong tao sa café.Nung tignan ni Shelly ang mga nasa loob, they pretended not to have witnessed the scene.

Napaupo siya and Alex sat opposite her.

"Okay ka lang?" concerned na tanong nito.

She nodded.Her face is still a little pale.

"Jun!" tawag ni Alex sa isang waiter."Pahingi ng tubig."

He covered Shelly's hands with his.Malamig na malamig ang palad ng dalaga.

"It's okay.You can calm down now." He said in a soothing voice.

The waiter handed Alex a glass of water and mabilis na inoffer nito kay Shelly.

"Here drink this." Sabi nito habang nilalapit niya ang baso sa bibig ng dalaga.

"Salamat Alex" Shelly said after a while.

Tumango lang ang binata.

"Sino ba kasi ang gagong yun?" he asked.

"Ex ko."

Sumandal si Alex sa upuan and let out a sigh.

"I get the picture.Gusto niyang makipag-balikan di ba?" nakakunot ang noong tanong nito.

Naikuyom niya ang palad.Hindi lang pala si Herrera ang karibal niya.

"Mag-iingat ka sa gagong yun." He warned Shelly.

"Ang stepsister ko ang dapat kikitain ko.Ewan ko bat siya ang nagpunta dito.Bakit ka nga pala andito?" tanong niya .

She thought na ang swerte din ng babaeng magiging nobya ni Alex.Kahit may bahid ng inis ang mukha ng binata,hindi nakakabawas sa appeal nito.Gentleman din ito and any woman would feel safe with this hunk.

"Kasosyo ako sa coffee shop na ito.Kami ng barkada ko sa college ang may ari.Sakto ngayon ang punta ko dito.Buti na lang pala. Kung hindi ako dumating baka ano na ang nangyari." May lakip na inis ang boses ng binata.

"Sorry, muntik ka ng mapaaway dahil sa akin." She said apologetically.

His face became serious.

"I will just be here in case you need me,Shelly."

She looked away.May nakikita siyang ibang emosyon sa mga mata ng binata.Without looking at him,she felt him bent a little to be closer to her.

"Shelly," he said almost like a whisper."Look at me."

May kabang naramdaman ang dalaga as she tried to meet his gaze.

"I have been waiting for this chance to tell you what I feel.I'm sure ramdam mo naman na may gusto ako sayo di ba?" malumanay na sabi nito.

She couldn't react.She was just staring at him.

"Hindi lang kita gusto...gustong-gusto kita.." Alex stressed the last words while intensely looking at her.

She was speechless for a few moments.

"Alex, I don't know what to say." Shelly finally murmured.

"You don't have to say anything.Hayaan mo lang ako na mahalin kita."

"Unfair naman sa'yo yun Alex.Please huwag na lang ako.Alam mo naman na yung sa amin ni Jake ." Puno ng emosyon ang boses ng dalaga.

Of course she knows na may gusto sa kanya si Alex.Even Pat said that.Pero hindi naman niya inexpect na magiging vocal ang binata about his feelings.Ayaw man niyang saktan si Alex pero wala siyang magagawa.Kahit meron siyang hindi maipaliwanag na nararamdaman para dito,hindi niya kayang paasahin ito.Naguguluhan man siya sa sitwasyon nila ngayon ni Jake,mahal niya ang nobyo.Hinayaan lang ng dalaga na kunin ni Alex ang mga kamay niya.

"Shelly...kapag sinaktan ka ng hayup na Herrera na yun,andito lang ako." He said sincerely.

-------------------------

"Where is she?DAMMIT!!" mura ni Jake.

Kanina niya pa tinatawagan ang nobya pero walang sumasagot.Tumawag siya sa landline and nalaman niya kay manang Celia na wala na daw si Shelly ng bumalik ang matanda galing sa palengke.

Nataranta siya.Pinakiusapan niya ang matanda na i-check ang gamit ni Shelly.Nag-alala siya na iniwan na siya nito.Ang lakas ng kabog ng dibdib niya habang hinihintay si manang Celia.

Nakahinga lang siya ng maluwag ng sinabi nito na kumpleto naman ang mga gamit ng dalaga. Naiwan nga lang daw ang cellphone nito sa kama.

He called Kim and he asked her if alam niya ang number ni Pat na kaibigan ng nobya.Pero wala daw itong number nito.He will definitely ask Shelly for Pat's number later.

He looked at his watch.2:00 PM.He made a decision to cancel all his appointments and go home.Hindi rin naman siya mapakali.

-------------

Naka-uwi si Shelly na parang lutang pa din.Parang unti-unti pa lang talagang nagsi-sink in sa kanya lahat ng sinabi ni Alex.Nagpumilit ang binata na ihatid siya kahit ayaw niya.Baka daw sundan siya ni Marco.Naisip ng dalaga na maaga pa naman. For sure wala pa si Jake.Pagpasok niya ng condo,sinalubong siya ni manang Celia na mukhang alalang-alala sa kanya.

"Naku bata ka san ka ba nanggaling?Kanina pa tumatawag sayo si Jake.Nakalimutan mo pala ang telepono mo.Alalang-alala siya sayo." Sabi ng matanda.

"Manang magkikita po sana kami ng stepsister ko.Kaso ewan ko po bakit hindi siya dumating." Paliwanag niya.

"Naku sige na tawagan mo muna si Jake para alam niya na nakauwi ka na."suhestiyon ng matanda.

"Sige po manang.Pasensya na po kayo kung pati kayo naabala." Hinging paumanhin niya.

Pagpasok ng dalaga sa kwarto, nakita niya na tumatawag si Lorie.Tatanungin sana niya ito kung bakit hindi siya sumipot pero inunahan siya nito.

"Talagang napaka-suwapang mo sa mga lalake.May Jake ka na pati ba naman si Marco gusto mo pa din?" galit na galit ang boses nito.

"Ano bang pinagsasabi mo?" litong tanong ni Shelly.

"Di ba binalaan na kita na wag kang makikipagkita kay Marco pero nakipagkita ka pa din!" sigaw nito.

"Hindi ba ikaw ang nagtext sa akin na magkikita tayo? Kaya nga ako pumunta dun sa coffee shop eh."

"Sinungaling ka!Imposibleng hindi siya nagpakilala sayo kahit telepono ko ang ginamit niya! Nabasa ko pa ang text mo na huwag ka na niyang itext! Para hindi kayo mabuko no? Sa sobrang taranta yata niya na makipagkita sayo nakalimutan niyang idelete.Malandi ka talaga!"

"Stop it!Hindi ako malandi! How the hell would I know na hindi ikaw ang nagtext?Naka-register ang number mo sa akin kaya paano ko naman iisipin na si Marco yun?Unless magkasama na kayo sa bahay? At kung ginamit man niya ang cp mo and pretended to be you just to make me come to that place then it's your fault! Bakit kung saan- saan mo iniiwan ang telepono mo?Di ba sabi ko talian mo siya kung kayo na?" gigil na sabi ni Shelly.

"Ano kaya ang sasabihin ni Jake pag nalaman niyang nakipagkita ka kay Marco?" tanong ni Lorie.

Shelly could just imagine that her stepsister is sneering while she said that.

"Don't you dare tell him! Hindi ko gusto na magkita kami.Di ba nga iniiwasan ko na siya?" Shelly tried to speak calmy to hide her nervousness.

Anak ng tofu! Hindi niya alam kung ano ang gagawin ni Jake kapag nalaman niya na nagkita sila ni Marco.Kahit ipaliwanag niya ang panloloko sa kanya ni Marco just to see her,for sure magwawala si Jake.She needs to think fast.Alam niya kating-kati na si Lorie na magsumbong sa nobyo niya para makaganti sa kanya.

"Jake is just a phone call away." Pananakot nito.

Silence.

"Okay.Call Jake.Pag nagsumbong ka sa kanya,for sure mag-aaway kami.Malamang din mag-break kami.Ngayon nga na may boyfriend na ako naghahabol pa rin si Marco.Lalo na pag naghiwalay kami ni Jake.Sigurado ako na lalo yung magpupursige na maging kami ulit.Ikaw din.Lalo ka ng walang pag-asa sa kanya." She tried to sound sarcastic .

She was hoping na kagatin ni Lorie ang sinabi niya.If not, alam niya malaking gulo ang mangyayari.

"BITCH!" sigaw ni Lorie then hung up.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.