Chapter 38

Walang ganang lumabas si Shelly.She called Pat para puntahan na lang siya nito.She is alone dahil nag-day off si manang Celia.Dadalawin daw nito ang pamangkin niya na may sakit.

Solo nila ng kaibigan ang condo kaya she can open up to her friend..Para kasing sasabog na ang dibdib niya.

Nasa kusina sila.They are sitting opposite each other.

"Bestie,may problema ba?" alalang tanong ni Pat.

"May nalaman ako about Jake." Malungkot na sabi ni Shelly.

"Ano?" balot ng curiosity ang boses ng kaibigan niya.

"Someone called and sabi niya si Jake may fiancée.Yung Cassie Montenegro."She said with pain in her voice.

"Bestie? Joke ba yan?" gulat na tanong nito.

Umiling si Shelly.

"Oh my God! Tinanong mo na ba si papa Jake?"

"No." maikling sagot ng dalaga.

"Bakit hindi mo tanungin? Reliable ba naman yung nagsabi sayo?Kilala mo ba?" sunod sunod na tanong ni Pat.

"Hindi ko kilala.Ayaw kong tanungin si Jake dahil natatakot ako sa pwede niyang isagot."Parang maiiyak na naman siya.She told herself na ayaw na niyang umiyak.Tumayo si Pat at yumuko para yakapin ang nakaupong kaibigan.They stayed like that for a few minutes.Hindi na napigilan ni Shelly ang mapaiyak.

After a while hinila ni Pat ang isang upuan to sit close to Shelly habang hinahagod niya ang likod nito.

"Anong balak mo bestie?"

"Ewan ko Pat.Naguguluhan ako."

Hindi malubos maisip ni Pat na kayang gawin ni Jake kay Shelly yun.Kahit naman minsan lang niyang nakitang mag-kasama ang dalawa,nahalata naman niya yung mga titig ni Jake sa kaibigan niya.Hindi lang simpleng pagka-gusto yun.Grabe ngang magselos eh.Tapos umabot pa sila ng mahigit dalawang buwan.Hindi pa ba something yun? Samantalang balita niya dati isang linggo lang ang pinaka-matagal na relasyon ni Jake.

"Alam mo bestie ito lang naman ang sa akin ha?Bakit hindi mo tanungin si papa Jake muna?Mahirap kasi yung maniniwala ka sa sabi-sabi.Isa pa sa dami ng mga babaeng nagkagusto at nagkakagusto pa kay papa Jake, hindi malayo na sinisiraan lang nun ang yummy mong dyowa.Tapos kung may fiancée nga talaga siya bakit welcome na welcome ka sa pamilya niya di ba?"

"Mababait lang talaga sila Pat.At tsaka siguro wala silang alam na may balak pa si Jake na ituloy ang naudlot na kasal nila ng Cassie na yun." Shelly said bitterly.

"Kung may balak si papa Jake na ganun bakit hanggang ngayon kayo pa din?"

"Kakauwi lang nung Cassie a few days ago galing America.Nandun pa nga ako ng magkita sila .Gulat na gulat pa kunwari si Jake na dumating na pala sa Pilipinas ang babaeng yun.Mukhang ang dahilan ng pag-alis nung babae dahil nagkalabuan sila.Hindi ko din alam if may communication pa sila kahit nung kami na ni Jake.Baka ngayon na bumalik na siya,aayusin na nila ang relasyon nila."

"Bestie,wait lang ha? Ano ba ang expression ni papa Jake ng una niyang makita ulit ang Cassie na yun?"

"Basta nagulat siya."

Tila nag-isip ng malalim si Pat habang hinihimas-himas ng hintuturo nito ang baba niya.

"Not unless magaling umarte si papa Jake palagay ko wala siyang alam na umuwi yung Cassie.Tsaka bestie,if may communication sila bakit hindi si papa Jake ang unang pinuntahan ng babae?Aksidente pa ang pagkikita nila."

"Dapat nga daw pupuntahan niya si Jake sa opisina eh.Kaso baka daw hindi siya papasukin."

"Hay bestie! Nabubulagan ka kasi ng selos mo eh.I-analyze natin ha?Kung yun ang sinabi ng babae na baka hindi siya papasukin ni papa Jake sa opisina nito,ibig sabihin wala silang communication and hindi sila ayos."

"Dati may tumawag sa bahay,fiancée daw ni Jake eh."

"Sus naman bestie! Kahit sino naman pwedeng magpanggap eh.Ang dali-dali lang namang sabihin yun." Nailing na sabi ni Pat.

"So anong dapat kong gawin?" mahinang tanong ni Shelly.

"Tanungin mo si papa Jake kung ano ang totoo.Kung ano man ang malaman mo dapat tanggapin mo.Sa gandang mong yan naman bestie, hindi mo naman dapat pinoproblema yan eh,tsk." umiling-iling pa ito.

"Pat,hindi naman nasusukat sa hitsura ang lahat ng bagay.Hindi porke maganda ka hindi ka na pwedeng masaktan.Madalas nga naiisip ko kung iba ba ang hitsura ko magugustuhan ba ako ni Marco, ni Alex o ni Jake?Mas masakit isipin na panlabas na hitsura lang ang gusto sayo." Malungkot na sabi niya.

"Bestie, iba ka naman eh.Hindi ka lang naman maganda sa panlabas pati kalooban mo maganda.Kung ganda lang naman ang habol sayo ni papa Jake eh di sana okay na siya sa pa-date date lang kayo.Pero tignan mo tinira ka niya sa condo niya.Nafi-feel ko nga na hindi magtatagal aayain ka na niyang pakasal eh."

"Paano nga mangyayari yun eh bumalik na si Cassie.Siya yung dapat napangasawa na niya."

"Bestie! Matutuyuan na ako ng dugo sa pag-eesplika sayo! Kung naudlot ang kasal ibig sabihin may problema sa isa sa kanila or sa kanilang dalawa mismo.And if may balak si papa Jake na muling ibalik ang kung ano man ang meron sila nung Cassie na yun,di sana hindi ka na tinira ni papa Jake dito.Sa yummy at yaman ng dyowa mo bestie kahit ilang babae pwede niyang pagsabayin at hindi niya kailangang ibahay.Kita mo nga nung naging kayo, wala na siyang naging iba.Tsaka malalalaman mo naman if may iba na si papa Jake eh.Wala ng ganang makipag-sex sayo."

"Pat,kung sa sex lang naman hindi naman nagbago si Jake eh.Masusukat ba yun sa ganun?" She asked na naka-kunot ang noo.

"Oo naman! Yun ang sabi ng mama ko.Pag wala ng gana ang lalake sa babae.Ibig sabihin nananawa na ito at malamang na may iba na. Kaya ganito na lang bestie,kung ayaw mong tanungin si papa Jake,gawin mo kung ganyan na naghihinala ka na nagsisinungaling siya sayo at may relasyon pa sila nung Cassie,try mong mahuli sa akto.Gusto mo tulungan pa kita."nakangising sabi ni Pat.

Nag-isip si Shelly.Pwede nga yung sinasabi ni Pat.Lalo na ngayon magkasama sa opisina si Jake at Cassie.

"Basta obserbahan mo muna si papa Jake ng ilang araw.Tapos sabihan mo lang ako kung kelan tayo manghuhuli." Kindat nito sa kaibigan.

"Sige Pat,planuhin natin yan." Shelly agreed.

"Eh bestie,may sasabihin ako sayo." Sabi ni Pat tapos lumingon ito sa kaliwa at kanan pati ilalim ng lamesa tinignan.

"Ano ba ang ginagawa mo Pat?" nakakunot ang noon a tanong niya.

"Eh baka kasi pina-tap ni papa Jake ang condo niya para ma-monitor ka kahit dito." Pabulong na sabi nito.

"Tsss..puro ka talaga kalokohan!" inis na sabi ng dalaga.

"Eh bestie...di ba bukas na ang anniversary ng mama at papa ko?"

Tumango si Shelly.

"Siyempre hindi ka mawawala dun di ba?Kahit sa bahay lang namin gagawin dapat naman andun ka."

"Oo naman Pat." Shelly smiled.

"Bestie..kasi.." biglang yumuko si Pat and nagkamot ng ulo.

"Ano ba yun?May problema ba?" takang tanong niya.

"Bestie, pwedeng mag-request?" tila nahihiyang tanong nito sa kaibigan.

"Anong request?"

"Pwedeng huwag mo ng isama si papa Jake?" mahinang tanong nito.

"Bakit naman?Baka hindi ako payagan nun pag hindi siya kasama.Lalo sa gabi pa." Mas kumunot ang noon a tanong niya.

Pat sighed.

"Basta magdahilan ka na lang."pakiusap nito.

"Bakit ba ayaw mong isama ko si Jake?" medyo nagdududang ng tanong ni Shelly.

Pat hesitated a little then said," Basta promise wag ka muna agad magagalit ha?Makinig ka munang mabuti." Pat said and Shelly nodded.

"Nakiusap kasi sa akin si baby Alex na magkita kayo sa bahay.OPSS!! Huwag ka munang sumabat!" Sabi nito nung makitang bubukas ang bibig niya to say something.

Umiling-iling na lang si Shelly habang isinandal ang likod sa upuan.

"Nasabi ko syempre ang date ng anniversary nila mama tapos nakakahiya naman na hindi ko imbitahin.Kasi bestie,naawa ako sa tao dahil ukhang miss na miss ka na niya.Ang hirap kaya ng andiyan lang siya palagi sa coffee shop niya sa baba and ikaw andito ka lang tapos ni hindi ka man lang niya pwedeng makita or makausap."

"Pat! Alam ni Alex may nobyo na ako.And nagkausap na kami.Hindi niya dapat ako ma-miss kasi wala naman kaming relasyon.Kahit maging mag-kaibigan lang hindi magandang tignan lalo nagtapat na siya sa akin about his feelings." Mahabang paliwanag ni Shelly.

Ewan ng dalaga pero may konting kurot siyang naramdaman ng sinabi nya yun.Pero yun naman ang tama eh.May boyfriend na siya na saksakan ng seloso,so it'll be a recipe for disaster kung hahayaan niyang magkalapit sila ni Alex.

"Pero bestie, hindi naman kasalanan ni baby Alex na magka- gusto siya sayo." Reklamo ni Pat.

"Pat please.Ang gulo na ng isip ko ngayon so wag na nating dagdagan okay?'pakiusap ni Shelly.

"Baka naman natatakot ka na magka-gusto ka din kay baby Alex kahit mahal mo si papa Jake?" panunukso ni Pat na ikinanlaki ng mga mata niya.

"Kasi naman bestie, isang gabi lang please! Tsaka birthday niya pala bukas eh."Pat revealed.

"Pat ewan ko." Mahinang sabi ni Shelly.Strange as it may seems,namimiss niya din si Alex.Siguro dahil mabait ito sa kanya and gentleman ang binata.

"Hmmm,bestie! Yang mga pananahimik mo na ganyan mukhang may ibig sabihin." Panunukso nito."Type mo din si baby Alex no?"

Tinignan lang ng masama ni Shelly ang makulit na kaibigan.

"Napaka-malisyosa mo talaga Pat!"

"Kasi naman katakam-takam din si baby Alex.Kahit ako ang nasa kalagayan mo mahihirapan ako."

"Ano na naman ang pinagsasabi mo Pat?Hindi ako kailangan mahirapan kasi in the first place si Jake ang boyfriend ko.At wala akong balak na mag dalawang nobyo." Shel said defensively.

"Naku bestie! Dapat lang kasi siguradong patay ka kay papa Jake pag nangyari yun!" pananakot nito.

"Alam ko yun and kung sakali man na hindi seloso si Jake , hindi ko pa din gagawin yun."

"Pero bestie,sarap ng feeling na may yummy kang papa tas may nagkakagusto din sayo na equally yummy din no?" Pat asked dreamily.

"Ewan ko sayo Pat!"asar na sabi ni Shelly.

"Isipin mo na lang bestie,pag sabihin na natin na nagkagulo kayo ni papa Jake dahil sa Cassie na yan, may Alex na naghihintay sayo! NAMAN BESTIE! Ikaw na talaga! " kilig na sabi nito.

Shelly fell silent.Should she entertain Pat's thought?At the back of her mind, naiisip niya na posibleng bang mangyari yun?Ano ba ang nararamdaman niya talaga for Alex?

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.