Chapter 41

Alex is just a few steps away from Jake and Shelly when a hand grabbed his forearm and tried to pull him away.He was about to shove whoever it is but to his surprise it's Pat.She has a very worried expression and her eyes are pleading.Hindi bato ang binata para hindi na lang sumama kay Pat.

--

Jake just finished texting Thomas so inangat na niya ang ulo ang looked at Shelly.She looks a little pale and she's staring at something behind him.With furrowed brows,lumingon siya sa likod to see what his girlfriend is looking at.But he saw nothing so he turned his gaze back at her.

"Babe,is something wrong?" he asked worriedly.

Umiling lang ito and didn’t say anything.Kinuha niya ulit ang mga kamay nito.

---------

"Baby Alex! Ano ba ng balak mong gawin? Gusto mo bang magkagulo?" Nerbiyos na tanong ni Pat ng makapasok sila ulit sa bahay.

Hindi sumagot si Alex. Napansin ni Pat na namumula ang leeg nito . Ganito ang hitsura ni Jake kanina ng dumating yung parang papatay ng tao sa galit. Kinabahan si Pat. Susme lagot na talaga! Parehong possessive at seloso ang mga lalaking may gusto sa bestie niya. Ano na kaya ang mangyayari nito?

"Buti na lang naabutan kita! Kung hindi magkakagulo at masisira ang anniversary nila mama." Tila medyo shocked pa din na sabi ni Pat.

Parang natauhan naman si Alex sa sinabi ni Pat. He looked at her and apologized, "Pasensiya ka na Patricia.Nagdilim kasi ang paningin ko kaninang makita ko silang magkasama." His voice is bitter.

"Baby Alex,alam mo naman na sila ni papa Jake. Hindi ka dapat padalos-dalos.Wala akong kinakampihan sa inyo ni papa Jake.Ang sa akin lang basta mahal ng bestie ko at mahal din siya okay sa akin. Pero siyempre tanggapin naman natin na sila ni papa Jake. Kung ikaw ang nasa kalagayan ni papa Jake tapos may nagkakagusto sa girlfriend mo,ano ang gagawin mo?" tanong nito.

Nakita ni Pat na Alex gritted his teeth and nalukot ng todo ang guwapo nitong mukha.

"Hindi niya deserve si Shelly! Pero putik naman eh! Napakaswerte pa rin ng gagong Herrera na yan dahil siya ang unang nakilala ni Shelly. Gagawin ko ang lahat para mapunta sa akin ang kaibigan mo." He said in a determined voice.

Kinabahan pa lalo si Pat.Naramdaman niya na matindi talaga ang tama ni Alex sa kaibigan niya.Ngayon naiisip niya na mahirap pala ang sobrang ganda.Mas madaming problema.

"Basta baby Alex huwag naman ngayon please .Gabi ng mga magulang ko eh." Pakiusap niya.

Tumango si Alex."Sorry Patricia sa muntik ng mangyari.Meron bang pwedeng daanan sa likod ng bahay niyo? Mas mabuti siguro na umalis na ako baka topakin na naman ako di ako makapag-pigil ,magpakita ako sa gagong Herrera na yun." Galit na sabi nito.

Tumango si Pat and dali-dali nitong sinamahan si Alex sa back gate.

----

"Babe gusto mo na bang umuwi?" tanong ni Jake kay Shelly.

"No,okay lang ako." Shelly answered.

"Babe,sino ba talaga ang kasama mong nag-dinner?"biglang tanong ni Shelly.

Kumunot ang noo ni Jake."Di ba sabi ko si Thomas and some clients?"

Shelly sighed. She guessed she just have to take his word for it. She promised herself hindi matatapos ang linggo na ito,she will walk into Jake's office unannounced.

"Kumusta naman ang training ni Cassie? Do you see her often?" hindi mapigilang tanong ng dalaga.

Jake released her hand and he straightened on his seat. "Ano na naman ba yan babe?" he asked sounding a little irritated.

"I'm just asking." She shrugged.

"Bestie,papa Jake!" tawag ni Pat habang palapit sa kanila while carrying two plates.

Jake stood up and got the plates from her.Pat just smiled sweetly. Shelly just shook her head. Kahit kailan talaga pa-cute ang kaibigan niya basta sa guwapo.Kanina kay Alex ngayon naman kay Jake.Pro Jake ba ito o pro Alex? Binaba ni Jake ang mga plato.Yung isa may mga finger food yung isa naman mga mini cupcakes and mini cheesecakes.

"Pat! Ang dami naman nito" gulat na sabi ni Shelly.

"Keri lang yan bestie,kakain din naman ako." Nakangising sabi nito so natawa na lang din siya.

"Buti naman papa Jake maaga ka.Kanina ka pa miss ni bestie."

Jake smiled, " Dapat nga kasama akong dumating ni Shelly kanina but kailangan kong tulungan ang kapatid ko to welcome our Malaysian clients."

Shelly is expressionless.Pilit niyang kinukumbinse ang sarili niya na totoo ang sinasabi ni Jake.Nahawa na nga yata siya sa nobyo.Nagiging sobrang selosa na niya.

Tumango-tango si Pat then kumuha ng cupcake,"Papa Jake,pwedeng magtanong?"

Natigilan na naman si Shelly.Anak ng tofu! Ano na naman kaya ang itatanong nito? Tumango naming si Jake.

"Kailan ka ba magpo-propose kay bestie?" walang kagatol-gatol na tanong ni Pat.

Sinipa ni Shelly ang kaibigan.

"Aw!" sigaw nito.

"Is something wrong?" Jake looked worriedly at Pat.

"W-Wala papa Jake .Kinagat lang ako ng lamok." Pat pretended to slap her arm.

"Babe, don't take Pat's question seriously." Shelly forced a laugh.Namumula ang mukha niya.

Jake took her left hand.And said to Pat while still looking at Shelly," In due time,I will pop the question." He said throatily na nagpaawang ng bibig niya.

Is Jake telling the truth? May balak itong pakasalan siya? Anak ng tofu! Kulang na lang magtatalon ang puso niya sa saya. Pati si Pat mukhang nagulat.Nanahimik ito.Sinusubukan lang naman niya kung ano ang isasagot ni Jake. So may balak talaga itong pakasalan ang kaibigan niya! YES!! Ang saya pero bigla niyang naalala si Alex. OH NO! Patay!

Just then little boy mga 7 years old siguro,came up to Shelly."Hello Miss Pretty," bibong sabi nito.

Napalingon silang tatlo sa cute na bata.

Shelly smiled at him," Hi cutie!"

Jake is just looking.He has his arms across his chest and is leaning on his seat.The boy is hiding something behind his back.He slowly showed it to her.It's a rose.Galing siguro sa hardin nila Pat.

Napangiti si Shelly."Oh is this for me?"

Tumango ang bata."For a beautiful girl like you." He smiled.He is grinning and the gap between his teeth somehow made him cuter.

Napatingin si Pat kay Jake.He looks a bit annoyed. OMG! Pat thinks that Jake is jealous of the cute little boy! Napakamot na lang ito ng ulo ang kaibigan ni Shelly .Paano pa kaya pag nalaman ni Jake yung kay Alex?

Nagpasalamat si Shelly and she gave the boy a peck on the cheek and hugged him .Jake cleared his throat kaya napalingon siya sa nobyo. Jake has a brooding expression.

"Naku ang cute cute naman talaga ng anak ng kumare ni mama," sabat ni Pat,she stood up and took the boy's hand. "Halika na Terrence.Ang bata bata mo pa lang marunong ka ng pumili ng maganda.Pero sa susunod pumili ka ng kasing-idad mo ha? Halika na babalik na kita sa mama mo.Baka hinahanap ka na." sabi nito sa bata.She then turned to Shelly and Jake and

511

said,"Excuse me lang ha?Babalik ko lang ang playboy na paslit na to sa nanay niya." Nakangiting sabi nito.

"Babe," Natatawang nilingon ni Shelly ang bf. Seryoso pa din ang mukha nito. "Babe,don't tell me pati sa bata nagseselos ka?"pabirong tanong niya pero tinitignan lang siya nito.

She felt uncomfortable.Hindi naman niya ineexpect na pati sa bata magseselos ang nobyo niya.She sighed.Then she heard his ring tone.Her man looked at the caller's name bfore stood up, " Sandali lang." he told her.

Malamang ang babaeng anaconda na naman ang tumawag. Punong-puno na talaga siya.Lagot sa kanya ang lecheng nobyo niya.Mag-uusap na talaga sila pero ailangan niya munang mag-paalam ng maayos sa pamilya ni Pat.

Hindi na talaga makatiis si Shelly so pagpasok ni Pat matapos silang ihatid sa labas,she asked Jake, " Sino ang tumawag?Si Cassie na naman no?"

Jake is walking alongside her.He stopped when he heard her question.He let out a heavy sigh.

"Babe hindi na ba matitigil ang isyu mo kay Cassie?" he asked as if exasperated.

"Paano matitigil kung ikaw mismo binibigyan mo ako ng dahilan para magduda?" galit na sabi niya.Buti na lang may music pa sa party kina Pat so she's sure na walang makakarinig sa kanila.

He looked at her with a serious expression." Sigurado ka na dito mo ito gustong pag-usapan?"

"Ke dito, sa kotse o sa condo, pareho lang naman eh! I can't contain my annoyance anymore! Palagi na lang para kang may tinatago. Pag tatawag siya palaging hindi ko dapat marinig! Are you two really talking about business?" dudang tanong ng dalaga.

Jake brushed his hair with his right hand. "Ilang beses ko na bang sinabi na wala kaming relasyon ni Cassie." He said in a tired voice.

"Pero dati meron di ba?" she asked him directly.

Silence.

"WHAT? BAKIT DI KA MAKASAGOT! " she asked again in a pissed voice.

Still no reaction from Jake.Nakatitig lang ito sa kanya.As usual poker face.

Napupuno na talaga siya so without thinking she said, " Simple lang naman ang gusto ko,maging honest ka lang. But if you can't tell me about her,mabuti pa siguro tapusin na natin ito Jake. Pagod na akong ma-paranoid kapag magka-usap kayo or magkasama kayo.I am breaking up with you." She said while looking at him.

Jake's face became thunderous..He looks so murderous.Shelly stepped back dahil sa takot.

"A-Aray Jake!" she protested as he roughly took hold of her left upper-arm.

"WHAT THE FUCK DID YOU SAY?!!" galit na galit na sigaw nito.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.