Chapter 46

Shelly finally settled for a platinum ring with one carat emerald cut diamond. Ayaw na niyang isipin kung magkano ang binayad ng nobyo,sigurado siya na the ring cost a small fortune.Actually gusto pa nga ng binata na mas malaking bato but she refused. Hindi sa paboritong jeweler ni Jake sila nagpunta.Ang mama niito ang nagrekomenda ng jewelry shop na binilhan ng nobyo.Kaibigan kasi ng mama ni Jake ang may-ari.Okay na din yun kasi alam ni Shelly na binibili ni Jake ng parting gifts ang mga ex nito sa jeweler na paborito ng binata.

"Babe,hindi ba masyadong mahal ang singsing na to?" Shelly asked as she looks at the ring.They are inside the car. Jake glanced at her and took her hand.

While his eyes are on the road,he kissed her hand and said,"Money is no object basta para sayo.I told you I can give you everything you want and need.So huwag mo ng problemahin ang mga ganyang bagay okay?" he kissed her hand again.

"Sa Sunday may celebration sa bahay.Mga close friends and relatives ng pamilya namin ang mga dadalo.Ipapasundo ko ang lola at mga tita mo.If you want,you can invite your other friends beside Pat.We will officially announce our engagement."nakangiting sabi nito.Parang nalulula si Shelly sa mga pangyayari.Everything is happening so fast.

"Babe,hindi ba masyadong mabilis? What if huwag na muna nating i-announce ang engagement natin sa Sunday? Sa ibang okasyon and araw na lang" she asked quietly.

Jake stepped on the break abruptly ng mag-red light."What do you mean?!" galit na tanong nito.Mas humigpit ang hawak nito sa kamay niya and she winced.When the light turned green,Jake turned right. Itinabi nito ang kotse sa harap ng convenience store pero he didn't turn off the engine. She knows that he is pissed.Hindi ito nakatingin sa kanya but his breathing his ragged.Alam niya galit ito.

Babe,please don't get me wrong. Gusto kong pakasal sayo but naalala ko na sa contract ko sa agency, I have to stay single for at least a year." She explained.

Sa malamig na boses he said, "Kaya kong gawan ng paraan yun. Ako ng bahalang mag-ayos lahat.Actually after ng kasal natin,titigil ka na sa pagmomodelo."

Hindi na lang kumibo si Shelly.Ayaw niyang masira ang araw na ito.So she just kept quiet.

Nagluluto si Shelly at manang Celia ng hapunan ng mag-ring ang cellphone ng dalaga.She was expecting it to be Jake pero to her surprise,unregistered number ito.

"Manang,sagutin ko lang po ito sandali." Paalam niya sa matanda.

Nag hello ang dalaga."Hello." Bati ng boses ng lalaki.

Kinabahan si Shelly.Somehow kilala niya ang boses ."Alex?" pabulong na tanong niya.Pumasok siya sa kwarto baka marinig siya ni manang Celia.

"Kumusta ka na?" sabi nito sa tila paos na boses.

"Paano mo nalaman ang number ko?" Natutop ni Shelly ang noo niya.Anak ng tofu,malamang kay Pat!

"Miss na miss na kita Shelly." He said in a hoarse voice.

"Lasing ka ba?" tanong ng dalaga pero hindi nito sinagot ang tanong niya.

"Kailan tayo pwedeng magkita?"

Shelly sighed."Alex ano ba ang sinasabi mo?Hindi tayo pwedeng magkita." Madiin na sabi niya.

"And please naman Alex,huwag mo na akong tawagan please." Pakiusap ng dalaga.

Hindi nagsalita kaagad si Alex.Shelly could only hear him breathing heavily.

"Hindi ko kaya Shelly.Pilit kong pinaglalabanan ang nararamdaman ko sayo pero hindi ko talaga kaya." Sabi nito sa hirap na boses.

May kurot na nararamdaman si Shelly.Pero kailangan niyang sabihin sa binata ang totoo para tumigil na ito."Alex nagpropose na sa akin si Jake." Napapikit siya pagkasabi niya. Nagulat siya ng parang may narinig siyang nabasag before the line was cut. Anak ng tofu! Anong nangyari? Without thinking ,she dialed Alex's number.Nag-riring lang ito pero hindi sinasagot ng binata. Sobrang nag-aalala siya. Nakailang re-dial na siya pero hindi talaga sinasagot ni Alex. She decided to call Pat.

"Bestie!" masayang bati nito.

"PAT! Bakit mo binigay kay Alex ang number ko?" galit na tanong niya.

"Bestie sorry! Kasi nadulas ako dati na magkikita tayo.Gusto niyang pumunta kaso sabi ko hindi pwede.Tapos ewan ko pano ako napapayag na number mo na lang daw ang ibigay ko." Tarantang sabi ni Pat.

"Pat hindi pa tayo tapos mag-usap about this. Pero tawagan mo muna siya kasi kanina kausap ko.Nung sinabi ko na nagpropose na si Jake may narinig akong nabasag pero binaba na niya ang phone.Hindi ko alam napano na siya.Pakitawagan mo please." Nagaalalang pakiusap niya.

"Sige bestie,tawagan ko muna." Sagot ng kaibigan.

---

Naghahapunan na sila ni Jake pero hindi pa din tumatawag ulit si Pat.Nag-aalala pa din siya kay Alex.

"Babe pwedeng- pwede ka na talagang mag-asawa." Biro ni Jake and she just smiled.

"Magpapaturo pa ako sa mama mo nung chocolate cake na gustong-gusto mo." Malambing na sabi niya sa nobyo.Kinuha ni Jake ang kamay niya and squeezed it.

"I can't wait till you become my wife babe.Kim is really busy making the preparations for our engagement party sa Sunday.Even Thomas is stressed-out.Siya ang nabubuntunan ng stress ng asawa niya."nailing na sabi ng binata.

"Nakakahiya naman sa kanila babe.Mas maganda nga if simple celebration lang." Shelly said.

"Alam nila na I want this to be really special." Jake kissed her hand and Naisip niya na maganda siguro na bago ang engagement party nila sa Linggo,dapat tanungin na niya si ito about Cassie.

"Babe sa ikakatahimik ng loob ko,pwede bang sabihin mo sa akin kung ano ang nangyari sa inyo ni Cassie?" she asked in a quiet voice.Jake straightened on his chair.She told herself na hindi siya papayag na matapos ang gabi na ito na hindi sinasabi ni Jake ang lahat lahat about him and the other woman.

According to Jake,magkababata ang mama nito at ang mommy ni Cassie.Hanggang sa mag-asawa sila and lumipat ang pamilya ni Cassie sa America,hindi pa din naputol ang communication ng magkaibigan.Nagbakasyon sa Pilipinas ang pamilya ng babae at dun sila unang nagkita ni Jake.She was 14 and Jake was 22.From the very start, Jake has treated Cassie as a younger sister.But the latter was infatuated with him..Inisip ng dalaga na probably when she becomes older,Jake will finally see her as a woman.She asked her parents na sa Pilipinas na ipagapatuloy ang pag-aaral niya.And since mag-kaibigan ang mga ina nila,nakiusap si Mrs.Montenegro na kina Jake na tumira si Cassie dahil wala naman ng malapit na kamag-anak ang pamilya Montenegro sa Maynila.And malaki ang tiwala ng magulang ng dalaga sa mga Herrera.Pero hindi nila alam na unti-unti ng lumalalim ang pagkakagusto ni Cassie kay Jake.But his feelings for her didn't change. Pinlano ni Cassie na pikutin ito .It happened 4 years ago during her 18th birthday.Umuwi ang pamilya ni Cassie to celebrate her special day with their youngest daughter.She didn't want a grand celebration so sa bahay nila Jake ginawa ang party.Umulan ng pagkain at alak.Isinabay na din ang engagement party nila Kim at Thomas.Since sa bahay naman ang celebration,everyone was almost wasted dahil sa alak.Jake's mom was so shocked to see Cassie in Jake's bed the next morning..Pinandigan ni Jake na wala siyang naalala na may nangyari sa kanila but ininsist ng magulang ng dalaga that he should marry their daughter.Labag man sa kalooban ,Jake said yes dahil na din sa pakiusap ng mama niya.Two days before the wedding,Cassie ran out of luck.Due to her carelessness,nalaman ni Jake na she just planned everything.He heard her talking to her bestfriend on the phone. So he was right,walang nangyari sa kanila.He was too wasted to perform.And kapatid lang talaga ang turing niya sa dalaga.He called off the wedding at dun na nagkagulo ang pamilya ng mga Montenegro and Herrera.

"Hindi maganda ang huli naming pag-uusap ni Cassie babe.I was really furious.So siguro gusto lang niya na maayos kaming magusap." He said.

After hearing everything medyo napanatag ang loob ni Shelly.Pero hindi pa din 100% .Ramdam niya na may gusto pa din si Cassie kay Jake.

"Thank you for finally telling me babe." She stood up and so did Jake.Mahigpit nilang niyakap ang isat'-isa.

"So okay na babe? Do you believe me now na wala ka naman talagang dapat pagselosan?" Jake asked .Nakangiti ito sa nobya.

Umirap si Shelly."Mag-iingat ka pa din sa Cassie na yun babe.Feeling ko may gusto pa din siya sayo." Jake chukled then kissed her on the lips/

Shelly is thankful na okay na din yung isyu niya about Cassie.As a woman,she feels for Cassie.Mali man ang ginawa niya,nagawa lang niya yun dahil sa pagkakagusto niya kay Jake.Isa na lang ang problema ni Shelly sa ngayon..si Alex.Ano ang gagawin niya?Should she tell Jake?

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.