Chapter 54

Alex face lit up when he finally found Shelly and Pat.Bago siya nag-park tinignan muna niya kung saan bumaba and pupunta ang dalawa.Sakto sa isang pizza parlor sa gilid ng mall sila pumasok. Since alam niya na hindi hahayaan ni Jake na makita niya si Shelly,he took his chances by following Jake's car.Buti na lang hindi masyadong tinted ang sasakyan nito so napansin niya that he wasn't alone inside .So tama ang hinala niya.Isasama nito si Shelly sa opisina. Totoo nga na pag matiyaga may nilaga.He waited at a 711 store na malapit sa entrance ng building.He called Pat kanina after niyang magpark ng kotse niya sa harapan ng convenience store.

(Flashback)

"Patricia." He greeted Pat on the phone.

"Baby Alex!" tila gulat na sagot nito.

"Busy ka ba?Pwede ba tayong magkita?" he asked.

"Ahh..ehhh.." tila nagiisip ito ng sasabihin.

"Susunduin kita sa inyo then kain tayo sa labas."

"N-naku hindi pwede baby Alex.May lakad ako.Sa ibang araw na lang."

"TABA! Bilisan mo na! Ma-traffic sa Makati baka ako naman ang ma-late sa appointment ko nyan!" said a male voice.

Alam ni Alex na tinakpan ni Pat ang receiver ng phone nito dahil humina ang boses nito.Pero dinig pa din naman niya ang sinabi ng dalaga.

"Sandali lang kuya! Ngayon nga lang ako sasabay magrereklamo ka pa!" sabi nito sa kapatid.

So naisip ni Alex na magkikita si Pat at Shelly.Nasa Makati ang opisina ni Jake.

"Baby Alex, ibababa ko na ha? Kailangan ko ng umalis." Paalam nito.

"O sige Patricia.Next time na lang.Tawagan na lang kita ulit." He said.

Nangiti siya Alex after niyang ibinaba ang telepono.

After more than an hour,nakita niyang dumaan si Shelly and Pat.Sulit na sulit naman ang paghihintay na ginawa niya. Madali niyang nasundan ang taxi na sinasakyan ng dalawa.

(End of flashback)

He felt his heart skipped a bit when he saw Shelly sa pizza parlor na nakaupo.Ang ganda -ganda lalo ng dalaga sa suot at ayos nito.

"Shit!" he mumbled.Hindi na niya papalampasin ang pagkakataong ito.

Shelly is also watching Alex as he goes to their direction.He looks so good! Naka-maong ito as usual.Tinernuhan ito ng gray v -neck shirt na may nakasulat na "I'm Your Man" sa harap and he has loafers on. Dahil sa suot nito ,lalong na-emphasize ang magandang katawan ng binata.Nakangiti pa ito ng malapad kaya litaw na litaw ang dimples na lalong nagpa-guwapo dito.

OMG! Makalaglag panga ang hitsura nito! Shelly has to look away from him.Baka mahalata na medyo napanga-nga siya habang nakatingin dito. She turned to Pat ,only to see na mas malala pala ang reaction nito.Mas grabe ang pagkaka-nganga nito and halos lumuwa na ang mga mata.

"PAT!!" sinipa niya ang paa ng kaibigan.

"Bestie!" tila natauhang sabi nito.

Naramdaman ni Shelly na nasa likod na niya si Alex dahil nagka-goose bumps siya bigla.Basta bukod kay Jake,kay Alex lang siya nagkaka-goose bumps.

"Hi!" masiglang bati nito sa kanila.

Shelly looked up."Alex?Bakit andito ka?"

Susme naman talaga! Mas guwapo ito sa malapitan.Ang bango-bango nito and mukhang ang sarap papakin. Kahit magkaiba sila ng brand ng pabango ni Jake,sarap din ng amoy ni Alex.Ang galing-galing din nga nitong humalik .Ayyyy!! Erase!!! Ano ba ang iniisip niya?

"Pwedeng umupo?" paalam nito."Hi Patricia." sabay tingin kay Pat na tumango lang.

"S-Sure.Sige upo ka." mahinang sagot ni Shelly.

Pagkaupo he said,while looking intently at her ,"May kausap akong supplier kanina malapit dito tapos parang nakita ko kayo ni Pat so pumasok ako dito."

"Patricia,order ka pa.My treat! Ano pa gusto mo?" lumingon ito kay Pat.

Shelly is looking at Pat.Mukhang nagulat din ito.So malamang totoo ang sinabi nito na wala siyang kinalaman sa pagdating ni Alex.

"Ah..eh..actually nag-didiet ako baby Alex." sabi nito.

"Sure ka?" tanong ni Alex na nakangiti na nagpalitaw na naman ng dimples nito.

Tila nag-isip ang dalaga."O sige na nga baby Alex! Bukas na ako mag-didiet.Nakakahiya naman sayo he he he."

Nailing na lang si Shelly.

"Ikaw love,ano pa ang gusto mo?Mukhang hindi ka kumakain.Okay ka lang?" tanong nito kay Shelly.He has a worried look on his face.

Nagulat si Pat sa narinig.

Kumunot ang noo ni Shelly."Alex! Don't call me that!" she said in a terse tone.

He just smiled and itinaas ang kamay nito to call a waiter.

"Patricia,give your order.Ikaw na din umorder para sa bestie mo.Mukhang wala sa mood." he joked.

Pat's eyes twinkled and checked the menu again.

"Pati ba naman yung endearment ko para sayo bawal din?I just want to call you that kasi kahit hindi tayo at least kahit papaano na-eexpress ko ang nararamdaman ko sayo."Alex said sounding gloomy.

Pat pretended not to hear. Habang sinasabi niya sa waiter ang order niya,dinig na dinig niya ang sinabi ng binata .Magaling kaya siyang mag-multitask.Pero hindi yata kaya ng powers niya ang narinig niya.Hirap lang hindi siya maka-react. Pero kating-kati na siyang kiligin to the bones! NAMAN!!

Shelly is just sitting there and glaring at Alex while Pat cleared her throat.Kailangan na niyang i-release ang kilig niya sa katawan.

"Baby Alex,bestie..banyo lang ako ha?" paalam nito.

The two just nodded.Tumayo si Alex when Pat stood up and pag-alis ni Pat umupo ulit ito.

"Love please,kahit lang sa endearment hayaan mo na ako.Huwag ka ng magalit." He looks as if he wants to hold Shelly's hands pero mukhang nagdadalawang isip ito.

Bago pa nito mahawakan ang kamay ng dalaga,ibinaba ni Shelly sa lap niya ang mga ito.

"Alex please.Hindi ba nagkausap na tayo na si Jake ang mahal ko kaya magpapakasal ako sa kanya?"Shelly said.

Medyo nalukot ang mukha ng binata,pero saglit lang yun.Then while smiling he said,"Alam ko.Kaya nga kahit tawagin na lang kita ng love masaya na ako."

Shelly sighed.

"Kahit kaibigan lang hindi ba pwede?" tanong nito.He sounds hopeful.

Kinagat ni Shelly ang lower lip niya. "Ewan ko Alex.Kilala mo naman si Jake di ba? I am sure na hindi niya magugustuhan na maging kaibigan kita."

"Hindi naman niya kailangang malaman." he said gently.

"Alex,para ko na ding pinagtataksilan si Jake nun." naiiling na sabi ng dalaga.

Sa banyo,tinakpan ni Pat ang bibig niya ng dalawang kamay ,sabay tili.Buti na lang walang ibang tao. Nang makuntento sa ginawa, nag-retouch siya ng make-up niya. She is thinking na grabe ang haba ng hair ng bestie niya.Dalawang papalicious and may gusto dito.Sarap siguro nun.Kaso naisip din niya na mahirap din kayang pumili sa dalawa.Halos equal sa lahat ng bagay.Ngayon lang niya na-realize na dami din ngang problema pag masydo kang maalindog.Kaya nga siya wala siyang paki if lumobo siya. Kung magugustihan siya ng lalake, eh di wow! Kung hindi,eh di okay din lang.Hindi naman niya pinangarap na maging kasing-ganda at kasing sexy ng bestie niya.Kita mo nga ang laki ng problema nito ngayon? May saksakan ng guwapo na nagkakagusto ditto kaso meron na iotng nuknukan ng yummy na boyfriend na numero unong seloso.

Sinipat-sipat niya ang hitsura sa salamin.Sabi ng mama niya if medyo pumayat lang siya ng konti,hawig niya daw si Glaiza de Castro na may pagka Angel Locsin.Pero wala pa sa isip niya ang magpapayat eh.Sarap kayang kumain.Magda-diet na lang siya pag hindi na siya busy sa pag-lafang.

"Kain na love" malambing na sabi ni Alex.Nagsalin ito ng pizza at salad sa plato ng dalaga.

Shelly gave up.Kahit ano namang gawin niya hindi titigil si Alex sa pagiging malambing nito.Basta importante sabi nito okay na siya bilang kaibigan niya.Tutal hindi na mauulit ito.Kahit naman gusto niyang bawian si Jake,hindi naman niya pinlano na makasama niya si Alex ngayon.Ang gusto lang niya ma-badtrip ang lecheng boyfriend niya dahil hindi nito alam kung nasaan na siya.

"PUTANGNA!" galit na galit si Jake.

Kanina pa niya tinatawagan ang nobya pati si Pat pero parehong naka-off ang mga telepono nila.Hindi na nga siya nag-attend ng meeting dahil pagkasabi ni Thomas na nakita niya ang dalawa na sumakay ng taxi,he excused himself from the meeting.

Thomas and Kim came inside his office.Nakita ng mag-asawa that he is fuming.

"Jake!Ano ba ang nangyayari sayo?You know na kailangan ka kanina sa meeting bakit hindi ka na bumalik?" Thomas is also very angry.

"Andun naman ang secretarya ko.She took the minutes of the meeting.Pag-aaralan ko na lang mamaya." Jake said.His tone is very annoyed.

"Ano ba ang problema Jake?" Kim asked with furrowed brows.

Pagalit na tumayo si Jake sa swivel chair niya,"I have been trying to fucking contact Shelly and Pat pero unattended ang mga telepono nila,DAMMIT!" sabay hagis ng naabot nitong pen holder.

"For Pete's sake Jake! Get a grip on yourself! You act as if your fiancee did something immoral! Bakit hindi mo siya pabayaan? Kasama naman niya ang kaibigan niya.At hindi naman masamang babae si Shelly para gumawa ng ikakasira niya at ng relasyon niyo." Thomas tried to make Jake think sensibly.

"You are really too hard on her Jake." Kim said.

Sinuklay ni Jake ang buhok niya with his hand. "Alam niyo ba kung bakit ko sinama si Shelly dito sa opisina?" he suddenly asked them.His voice sounds stressed.

He looked at the couple na nakatingin lang sa kanya. "Dahil ang aga-aga nasa building ng condo si Alex Llamarez!" he said gritting his teeth.

Kim gasped.Of course she remembers Alex. Pero hindi dapat malaman ni Jake that she knows him and nagkita na sila.

Thomas is frowning." Sino ang Alex Llamarez na yun?"

Jake looked at Kim's odd expression.

He narrowed his eyes."Kim?" tawag niya sa hipag."Is something wrong?"

Thomas looked at his wife.Mukhang namumutla ito.Kim just shook her head from side to side.Jake straightened,but he still looks unconvinced.He feels na may tinatago ang hipag niya.He will find out later.

"Alex Llamarez is the brother of Annie Llamarez."he said.

Kim's face became paler.Why didn't she recognize the surname? Oh goodness! Kapatid ni Alex yung babaeng na-obsess kay Jake!

Nakilala ni Annie si Jake sa coffee shop ng babae.He was meeting her and one of their clients there.Pag nakauwi na ng condo niya si Jake, he rarely wants to go out.But all of a sudden, last minute may kliyenteng tumawag and they need his signature.The latter suggested they meet at the coffee shop inside the lobby of the building where his unit is.At dun na nag-umpisa lahat.

Maganda ang babae but Jake felt that there is something about her that he finds a little off .She stalked him.She found ways to be always present sa mga events na dinadaluhan ni Jake.Nagpupunta ito sa opisina .Kim saw her once.Nagpunta ito sa opisina bringing some sweets.Unfortunately, Jake was busy or pretending to be busy.Nanahimik ito ng makipag-date na si Jake sa isang dating model na naging beauty queen.But after a few days Annie Llamarez made a scene.

She was with Thomas,Will,Sandra and Jake that time and they were going out of a restaurant when the woman attacked Jake.Pinagbabayo nito ang dibdib ni Jake and she was shouting nasty words to him. Kim was so shocked. Nilayo ito ni William and Thomas. She was screaming like a madwoman.Puro gasgas ang mukha ni Jake dahil pinagkakalmot ito ng babae.Then the next day,nabalitaan na lang nila na nagtry itong magpakamatay. She'd taken a massive overdose of sleeping pills.The last thing they heard,bumalik na daw ito ng America.

"So you see kung bakit ako nagkaka-ganito ngayon? Baka sinundan ng gagong Llamarez na yun si Shelly.Alam ko na intresado siya sa asawa ko!" galit na sabi ni Jake.

Ngayon na nalaman ni Kim na magkapatid pala si Alex at Annie,maybe she has to tell Jake about what happened.If na-obsess ang kapatid nito kay Jake,may chance din na ganito din ang nararamdaman ni Alex kay Shelly.She has seen the way he was looking at her.

"Jake," tawag ni Kim,"You need to know something..."

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.