Chapter 56

"Bestie,be honest ha? Sino ang mas sweet si papa Jake or si baby Alex?" tanong ni Pat habang hinihintay nila si Alex na bumili ng lulutuin daw nito.

Nasa kotse silang magkaibigan.Hindi na sila pinababa ni Alex.Tinamad na silang mag Sky Ranch medyo mainit kasi ang sikat ng araw.May bahay ang pamilya ni Alex sa Alta Monte Subdivision so napagkasunduan nila na dun na lang sila tatambay tapos pagluluto pa sila ni Alex.

"Tantanan mo nga ako Pat! No comparison kasi hindi ko naman bf si Alex." Inis na sabi niya sa kaibigan..

"Sus! Aminin mo bestie! Hindi ka naman ba kinikilig kahit slight sa pagiging extra sweet sayo ni baby Alex? Biro mo pagluluto pa tayo.Ang sexy kaya ng lalakeng nagluluto."kinindatan pa siya ni Pat.

"PAT! Tumigil ka na nga! Hayan na si Alex!"saway ng dalaga.

Come to think of it kinikilig din naman siya sa ginagawa ni Alex.Kasi naman parang gf siya talaga nito kung ituring.Naguguilty na tuloy siya .Parang gusto na niyang i-on ang cp ni Jake.Pero sinabi niya kasi kay Pat na hanggang gabi sila.Baka naman sabihin ng mahadera niyang kaibigan na wala siyang isang salita.Sigurado pag nag on siya ng phone tatawagan siya ni Jake.Namimiss na niya ang nobyo kaya siguro may nararamdaman siyang kilig sa ginagawa ni Alex.Anak ng tofu! Mali na kiligin siya kasi baka pag nahalata ni Alex lalong kung ano-ano ang gawin nito.

Isinakay ng binata ang mga pinamili sa likod ng kotse.When he got in the car ,pasimple siya nitong tinignan. Naalala tuloy niya ang usapan dati nila ni Kim.Kung hindi sila ni Jake,malamang sila ni Alex ngayon.

"Ang dami mo naman yatang pinamili baby Alex." Komento ni Pat.

"Gusto ko maging memorable ang araw na ito .Kaya I want it to be special." He smiled.

"Love," tawag nito kay Shelly."Okay ka lang?"may pag-aalala sa boses nito.

Tumango lang si Shelly.Para ngang sumasakit ang ulo niya.Malamang sinusumpong na naman siya ng migraine.

"Aiiiyyyhhhh!" tukso ni Pat. "Tama na baby Alex.Super nakakainggit na kayo pramis!"

Tinignan lang ng masama ni Shelly ang kaibigan.

Sa buong biyahe papunta sa bahay nila Alex ,palaging sinusulyapan ng binata ang dalaga.Nag-uumpisa na namang ma-conscious si Shelly.

"Baby Alex,sino ang tao sa bahay niyo dito?" tanong ni Pat.

"Merong naglilinis three times a week pe ro hindi dun natutulog." sagot nito habang nag-rereverse ng sasakyan.

Tumango-tango si Pat."Mukhang hindi ka naman madalas dito baby Alex.Sayang naman ang bahay niyo."

"Dati ang ate ko ang madalas mag-stay dun.Palagi sila ng mga kaibigan niya.Medyo malayo din kasi kaya tinatamad akong pumunta. Besides may mas mga importanteng bagay akong gustong gawin sa Maynila." sabay tingin nito kay Shelly na nakatingin naman sa labas ng bintana.

"Asus!! Bagay ba yan o tao baby Alex?" tukso ni Pat sabay kalabit sa shoulder ni Shelly.

Tinapunan ng matalim na tingin ni Shelly si Pat. Nailing and natawa ng mahina si Alex.

Malaki and malinis ang bahay nila Alex sa Alta Monte Subdivision.Sabagay halos lahat ng mga bahay doon magaganda and may mga second floor.May malawak na garden sa labas ang kina Alex.May lanai din.Tatlo ang kuwarto nito sa taas.

"Grabe naman baby Alex.Sayang talaga ang bahay niyo.Ang ganda-ganda pero walang nakatira.Pati tanawin ang ganda.Sarap siguro gumising sa umaga na ganito ang view na makikita mo." nangangarap na sabi ni Pat.

Nasa balcony sila ng master's bedroom.Tanaw na tanaw ang paligid ng exclusive subdivision.Lumalamig na din ang simoy ng hangin. Shelly has a serious look on her face as she looks at the view.Naka-cross ang mga braso niya sa harapan niya.Nasa kaliwa niya si Pat and sa kabila si Alex.

"Are you cold love?What's wrong?" tanong ng binata.

"No.Okay lang ako." mahinang sagot ni Shelly.

She doesn't understand her feelings.Bakit parang ngayon lang na-realize niya na she likes being with Alex.Ano ba ang nangyayari sa kanya?

"Baka gutom ka na bestie.Wala kang masyadong kinain kanina eh." parinig ni Pat.

As usual, pagkain na naman ang nasa isip nito.Minsan naiisip ni Shelly na baka may alagang sawa ang kaibigan sa tiyan.

"Let's go inside.Magluluto na ako.Baka nga nagutom na kayo sa biyahe.Anyway meron akong biniling mga prutas at rice cake.Pwedeng yun muna ang kainin niyo while I cook." Alex said gently.He took hold of Shelly's elbow.

Malaki ang kusina nila Alex.Pinaupo sila ng binata sa kitchen stools na nasa kabilang side ng kitchen nook. Nasa harapan ng mga dalaga ang iba't -ibang prutas like senyorita na saging , lanzones at mga pinya.Meron ding iba-ibang klase ng kalamay at suman. Alex took one pineapple and dinala ito sa lababo para balatan.He looks so sexy wearing a blue apron.Nagpalit din ng sando ang binata and board shorts.Sa bawat kilos ng mga braso nito, kitang-kita ang katakam-takam na muscles nito.Nakatalikod ito sa kanila.Kinalabit si Shelly ni Pat.Tapos parang tanga na tinuro si Alex while nakakagat labi and may nakakatawang expression sa mukha.Kunway pinunasan pa nito ang imaginary laway na tumulo sa gilid ng bibig.

Kinurot ito sa tagiliran ni Shelly."Aray!" Pat cried.

Napalingon si Alex." Patricia? Napano ka?" worried na tanong nito.

"Oo nga bestie,napano ka?" kunwaring tanong ni Shelly.

Nang-pout si Pat," Wala,natusok ang kamay ko sa pinya!"

Shelly stiffled a laugh."Sobrang gutom mo na ba Pat na nakalimutan mo na binabalatan muna ang pinya bago kainin?" pang-aasar niya.

Alex chuckled." O heto na. Okay na to." He said tapos inilapag ang bandehado na may pineapple slices.Nilagyan nito ang mga plato nila.

"Thank you." Shelly said to Alex shyly.Their eyes met and for more than 10 seconds parang sila lang ang nasa kusina.They became unaware of their surroundings.

Natapos lang ang moment ng magsalita si Pat," Wow ang tamis naman niyan! Parang itong pinya lang!!" biro nito.

Shelly was the first one to break the stare. Parang napahiya siya sa nangyari.Anak ng tofu! Kailangan niya yatang alugin ang ulo niya. Alex on the other hand has a wide grin on his handsome face as he got ready to cook.

Napalingon si Shelly kay Pat na baliw-baliwan na naman ang expression ng mukha.Alam ng dalaga na katakot-takot na pang-aalaska ang aabutin niya mula sa kaibigan mamaya.Ewan ba niya.Bakit ba parang nahuhulog na din ang loob niya kay Alex?

WAIT A MINUTE KAPENG MAINIT!! HINDI PWEDE ITO! Please pakibura ng bonggang-bongga ang part na yun! She can't think and mean that! Kasalanang mortal kay Jake yun.Oh please! Dasal niya na bigyan pa siya ng lakas na ma-resist ang charm ni Alex.Mas maganda nga na bantayan nila ito sa pagluluto baka lagyan pa nito ng gayuma or orasyunan pa ang pagkain nila.Kasi ngayon pa lang nga parang may kakaiba na siyang nararamdaman.HUHUHUHU!

Alex feels very happy.Mukhang nagwowork lahat ng effort niya.He feels na lumalambot na ang dalaga sa kanya.Things are looking better.Siya na ang pinakamasayang tao pag naging sila ni Shelly.He will give everything to her.

"Baby Alex,ano ba nag lulutuin mo?" tanong ni Pat.

"Seafood paella and grilled salmon with dill.Okay lang ba sa inyo yun?" nakangiting tanong nito.

"Wow! Pang-mayaman!" sagot ni Pat.

"Okay sayo yun love?" Alex asked Shelly who seems to be in deep thought.

"Bestie!" bahagyang inalog ni Pat ang balikat ni Shelly na nakatingin lang sa pinya na nasa plato nito.

"H-Ha?" tila wala sa sarili na sagot ni Shelly.

"Tsk! Tsk! Tsk!" sabay iling ni Pat." Wala na...iba na to.." sabi nito bago sumubo ng pinya tapos kinindatan si Alex.

Lumapit ng bahagya si Alex kay Shelly.Nasa opposite side ito ng nook.He rested his elbows sa kitchen counter and leaned to look at her closely.Halos mga 10 inches lang ang layo ng mga mukha nila.

"Are you okay, love? May problema ba? Hindi mo ba gusto ang lulutuin ko?Ano ba ang gusto mo?" sunod-sunod na tanong nito sa mahinang boses.Bakas ang pag-aalala sa guwapong mukha.

Shelly straightened para medyo ilayo ang mukha niya sa binata.She feels uncomfortable.

"N-No.I am fine.Tsaka okay sa akin ang lulutuin mo.Kaso di ba mahirap lutuin yan? Gusto mo tulungan ka namin?" she asked trying to avoid his eyes.

Tumuwid ng tayo si Alex." Hindi okay lang.Ako na.Gusto ko kayong pagsilbihan so relax lang kayo diyan.I can handle this." nagpalabas na naman ng dimples ang binata.

Pat cleared her throat. "Kasama ba talaga ako dun sa sinabi mo baby Alex? " pabirong tanong nito.

"Oo naman Patricia." sabi ni Alex na naka-ngiti pa din.

Pat shrugged her shoulders." Sabagay kahit saling-pusa lang ako okay lang.Importante damay ako sa food,hehehe."

Thomas entered his brother's office just to see him drinking whiskey while sitting on his swivel chair.Halos wala ng laman ang bote.He looks stony.

"Jake! What the hell are you doing getting wasted at 4:00 PM?! Are you out of your mind?!" galit na tanong ni Thomas.

He got no reaction from him.Nagsalin na naman ng alak sa baso si Jake and guzzled the booze.

"Bakit kaya hindi mo na lang inumin straight from the bottle? Pareho lang naman! Nagpapaka-pagod ka pang magsalin." He said sarcastically.He sat on the chair in front of Jake's table.

Hindi pa din nagsasalita ang kapatid but Thomas knows that he is very angry.

"I guess hindi mo pa din ma-contact si Shelly no?"

Binagsak ni Jake ang baso sa lamesa.

"DAMN IT!! She is really going to get it from me this time!" Jake said ,sounding very pissed.

"At ano naman ang gagawin mo? Look Jake, we both know that you will never hit her physically.So if I were you, tigilan mo na yang pag-inom mo.You might really lose it pag umuwi kang lasing."he advised.

Then they heard one knock and the door opened.It's William. Thomas shook his head.Mukhang lalala ang problema nito.Dumating ang alaskador nilang kapatid.

"Bros! Musta?Namiss ko kayo!" sabay tapik sa balikat ni Thomas.

Umupo ito sa tapat ng inuupuan ni Thomas then looked at Jake.

"Bro! Anong meron?May LQ kayo ni Shelly?" birong sabi nito habang nakatingin sa tinutunggang alak ni Jake.

"Butt out Will!" supladong sagot ni Jake.

"Bro!Okay din yang paminsan-minsan may LQ.Pampatibay ng relasyon yan." Sabi ni William sa kapatid.Tumayo ito bigla para ilayo ang halos wala ng laman na bote ng alak kay Jake.

"Kung gusto niyo ganito,since gusto kong mag-unwind dahil sa stress na inabot ko sa bagong business ko,tara! Treat ko kayo! Inom tayo sa labas! Bro, " sabay tapik sa balikat ni Jake," Doon sa bar mo na lang ibuhos yang sama ng loob mo!" suggestion nito.

"I'm out!" sabi ni Thomas.

"Don't tell us na takot ka na namang ma-outside the kulambo ni Kim?" William joked.

"Sumama ka na.I will talk to Kim." Jake said.

"O hayan naman pala eh! Basta alam lang naman ni Kim kung saan tayo, papayag naman yun! So off-limits ka sa mga babae dun niyan ha ?Baka anytime sumulpot si Kim sa bar. "biro nito kay Thomas.

William looked at Jake and winked ," Since kami lang ni Jake ang binata pa,kami lang ang pwedeng mambabae mamaya di ba bro?" nakatawang sabi nito.

"Tssss,shut up Will! Sayo na lahat! Pass na ako diyan!Alak lang ang gusto ko." Jake said.

"Naks naman bro.Iba ka na talaga! Solid Shelly forever..woot!" pang -aasar nito.

Nag-ring bigla ang phone ni William.He looked at the caller."Shhh walang maingay bros!"Then he answered the call.

"Sands!...sorry bukas na lang.May lakad kami nila Jake....okay I will call you.Don't wait up for me...oo andito pa sa Herrera building.Mamayang konti aalis kami."he then ended the call.

"Okay I'll go with you but after 5 PM na.Hinihintay ko pa yung mga papeles na tinatapos ng secretary ko.Balikan ko kayo dito." paalam ni Thomas bago lumabas ng opisina ni Jake.

"Trish may maganda akong balita." sabi ni Sandra sa kausap sa telepono.

"Make sure it's really good Sandra." mataray na sabi ni Trish.

"Well....type mo bang maka-iskor kay Jake mamaya?" she asked the other woman.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.