Chapter 60

"Leche kang babaero ka!" gigil na sabi ni Shelly.

Sa galit na nararamdaman niya parang gusto niyang ibuhos kay Jake ang tubig na nasa palanggana.Pero naisip niya sayang naman ang kutson ng kama,mababasa.

Jake grabbed her hand and she landed on top of him.

"Bitiwan mo ako!" sigaw niya while trying to be free from his embrace.

He took hold of her nape and sinubsob ang mukha niya to his.He is now kissing her on the mouth.

"Mmmpp!!" she protested but he is holding her tightly by her nape.

Sinabunutan niya ito so he would let her go.And he did just that.

"Aray! What the?!” Galit na sabi nito tapos pinilit na alisin ang kamay niya na nakasabunot sa buhok nito.

She quickly let go of his hair and she stood up from the bed.

Umupo si Jake and looked at her, "Babe!Why did you do that?" he slurred as he frowns heavily.

Dahil sa kalasingan, hindi man lang ito makaupo ng matagal.Bagsak ulit ito sa kama then dumapa.

"Argghh!!!" inis na inis si Shelly.Gusto na niyang komprontahin ang nobyo pero hindi pwede.Mukhang tuluyan ng natulog ito.Kung hindi lang sobrang disoras na ng gabi lalayasan niya talaga ito.

Naisipan niyang tawagan si William.Nahihiya siyang istorbohin pa sila Kim at Thomas.And besides,alam niyang hindi magsisinungaling si William sa kanya.She will ask him questions.Hindi na siya makaka-paghintay mamaya.

"Hello," sagot nito.

"William,si Shelly to."

"Shelly! May nangyari ba?Anong problema?" alalang tanong nito.

Huminga muna ng malalim ang dalaga,"Please be honest with me.Saan ba kayo talaga galing nila Jake kanina and sino ang kasama niyo pa?"

Silence.

PATAY!! Mukhang nakita na ni Shelly yung mga nasa leeg ni Jake. William thought.

Kanina pa lang na pinapunasan ni Kim ang lipstick ni Trish na nasa mukha ng kapatid, he already had noticed the hickeys on his brother’s neck but he kept quiet. Pero ng ihiga nila si Jake and tanggalin ang jacket nito,nakita din ni Thomas.Pareho na lang silang umiling.They both know na malalagot ang kapatid nila kay Shelly.

"Hello William,andiyan ka pa ba?" tanong ng dalaga.

"A..oo, andito pa.Kasi ano Shelly..basta nag-inuman lang kami sa paborito naming bar.Yun nga,nasobrahan si Jake..sorry talaga." tarantang sabi nito.

"Sino pa ang kasama niyo? Please William,sabihin mo na ang totoo.Hindi naman ako magagalit.Gusto ko lang malaman,sige na." pakiusap ni Shelly .

She bit her lip when she said na hindi siya magagalit.Alam naman niya kasi na malamang pagtakpan ni William ang kapatid.She just took her chances na baka naman umamin ito pag sinabi niya na hindi siya magagalit. Now she has her fingers crossed.Hoping na aamin nga ito.

Dahil na rin siguro sa may tama pa din siya ng alak , he told the truth after a few minutes.

"Nagulat nga din kami ni Thomas kung bakit andun si Trish."sabi nito.

"S-Sige William.Salamat." sagot ni Shelly sa mahinang boses.

"Shelly,mag-usap kayo ni Jake.Lasing na lasing lang siya kanina.Kung ano man ang nakita mo sana intindihin mo ang kapatid ko.Basta pag-usapan niyo. Remember na ikaw ang babaeng gusto niyang pakasalan."

Napaupo siya sa one-seater after their conversation. Selos na selos siya na malaman na ang ex ni Jake na according sa baklang hairstylist ay galit daw sa bra ang kasama nito kanina.Naiisip pa lang niya kung ano ang ginawa ng malanding babae na yun sa lasing na lasing na nobyo parang gusto na nitong kalbuhin ito.

Pero nagulat siya sa sinabi ni William.Ngayon lang nag-komento ito about sa relasyon nila ni Jake.Hindi ang tipo ni William ang magsasabi ng ganun.Sabagay may mali din naman siya.Kung hindi sa ginawa niya hindi naman maglalasing ang lecheng nobyo niya na pantasya ng kababaihan. Tinignan niya ito na himbing na himbing sa kama habang nakadapa. Kailangang turuan niya ng leksiyon ang manyak na lasenggong ito.Hindi pa din nito dapat hinayaan na papakin siya ng malanding ex nito. Sigurado siya na kahit lasing na lasing ito nasarapan sa malamang eh laplapan nila ng makati pa yata sa gabing Bicol na babae na yun!Maybe she needs Kim's help so she called Kim early in the morning.She told her about Jake's kiss marks.

(KIM)

Buti na lang hindi nagpadalos-dalos si Shelly ng desisiyon dahil sa galit.It's good na siya ang tinawagan nito to ask her help. Jake's beautiful fiancee is right,they need to teach his brother-in-law a lesson .Hindi pwede na pag may problema silang mag-nobyo maglalasing ito tapos kung sino-sinong malalandi ang didikit dito.Of course hindi niya sinabi kay Shelly na nahuli talaga nila sa akto si Jake and Trish making out.Anyway, nagawa naman ng bayaw yun dahil lasing na lasing ito.She knows that Jake is crazy about Shelly.Wala lang ito sa tamang huwisyo kaya nangyari yung kagabi.Naisip niya na bruha talaga ang Trish na yun.Talagang gagawin nito kahit ano magkagulo lang ang mag-nobyo.She also has a pretty good idea kung paano nalaman ni Trish na nasa bar na yun sila Jake.But she will deal with that later.Unahin muna niya ang misyon nila ni Shelly.

Nagpaalam siya sa asawa that she'll go to the gym that morning.Bago siya umalis ng bahay,Thomas told her that Shelly called Will.Of course alam na niya yun but hindi siya nagpa-halata. Nagusap sila ni Shelly na magkikita sila ngayon.Kahit alam niyang she can trust Thomas,maganda na din ang mag-ingat.Baka magsumbong pa ito about sa plano nila ni Shelly.Kapatid pa din nito si Jake.

Kunwa'y kumunot ang noo ni Kim, " I can just imagine Shelly's reaction.Kasalanan din ng kapatid mo yan.Magpapakalasing tapos he'll have heavy petting with his ex and what is worst ,may ebidensiya pa! Sa sobrang lasing ng kapatid mo kagabi malamang tulog pa yun ngayon.I wouldn't be surprised if lumayas si Shelly and will not be in their engagement party tonight.So do your brother a favor, call him baka paggising niya wala na ang fiancee niya." she said and kissed him before leaving.

Thomas knows that his wife is right.Hindi lang niya malubos maisip kung ano ang gagawin ni Jake if layasan ito ng tuluyan ni Shelly.Sabi na nga ba niya,lalala ang gulo dahil sa mga naiisip na kalokohan ni William.He then decided to call Jake.

"Jake!" tawag ni manang Celia.Niyuyugyog nito ang balikat ng binata.

Jake opened his eyes.

"Manang?" tawag nito sa matanda na tumuwid na ng tayo.

He looked down at what he's wearing.Nakatulog na pala siyang naka-pantalon pa din.He looked around the room.May basin sa side table.Ang leather jacket niya nakasampay ng one-seater.

"Manang , si Shelly? " tanong nito.He looked at his gold watch,.8:00AM.

"Hindi ko alam.Pinapagising ka ni Thomas,heto kakausapin ka daw." sabi ng matanda.

"Nasaan si Shelly manang? Hindi ba siya umuwi?" galit na tanong niya,hindi niya pinansin ang cordless phone na inaabot nito sa kanya.

PUTANGNA! Asan si Shelly? mura ng utak niya

"Jake ang kapatid mo kakausapin ka daw," inabot ulit ni manang Celia ang telepono sa kanya.

He got the phone from her. Pagkabigay sa telepono,kinuha ng matanda ang palanggana and lumabas na ito.

Umupo si Jake sa gilid ng kama."WHAT?!" tanong nito sa kapatid.

"Andiyan ba si Shelly?" Thomas asked.

"Why do you ask?" dudang tanong ni Jake.

Silence.

"May naaalala ka ba sa nangyari kagabi?" tanong ulit nito.

He tried to remember what happened.Pero wala siyang masyadong naalala.He remembers Trish talked to him.Then naalala niya that Kim was angry about something.

"Ano ba ang nangyari?And bakit mo tinatanong if andito si Shelly? What the hell is going on?!"

"Shelly called William a few hours ago."

Naguluhan lalo si Jake.His grip on the receiver tightened."Why did she call Will?!” Makitid na siya kung makitid but the idea of Shelly calling his brother doesn't appeal to him.

"Look at yourself in the mirror."

"What the fuck??"

"Just do it!" utos ni Thomas.

Tumayo si Jake and went to the bathroom.Binuksan niya ang ilaw.Then faced the mirror. SHIT!! Bakit may love bites siya sa leeg?

"Nakita mo na kung ano yang mga nasa leeg mo?Shelly saw those and she called William."

"SON OF A BITCH!" mura ni Jake.Nahilamos niya ang mukha niya with his hand.

In a flash,he got out of the bathroom and checked Shelly's closet. Nakahinga siya ng maluwag ng makita niyang andun pa din ang mga damit ng nobya.

"Jake,after Shelly saw those,palagay mo matutuloy pa mamaya ang engagement party niyo?" Thomas asked.

Thomas' question kicked Jake in the gut.Naiisip pa lang niya na hindi matutuloy ang engagement party nila ni Shelly mamaya parang gusto na niyang magwala at magbasag.He knows may karapatang magalit ang nobya.But wala talaga siyang masyadong maalala sa nangyari.Ano ba ang ginawa nila ni Trish?Ano ba ang ginawa nito sa kanya?SHIT!

Through gritted teeth,he said,"Walang makakapigil sa engagement party mamaya.Even if I have to drag her there,I will.Matuloy lang ang lahat."

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.