“Babe..halika na kain na. Sakto naman masarap pa ang tulog ng anak mo kaya nakapagluto ako ng almusal mo. ” Malambing na sabi ni Shelly sa asawa. Inagahan niya talaga ang gising para kahit papaano makabawi siya dito.
“May meeting ako and I can’t be late.” Sabi lang nito matapos tignan ang nasa lamesa. He just got his cup with coffee then humigop ng kaunti.
“Kahit tikman mo lang babe.Sige na.Gusto mo subuan kita?” biro niya bago lumapit dito to touch his arm.Ang yummy naman talaga ng asawa niya.He smells so manly pa.Mukhang mas masarap pa sa almusal na niluto niya.
She pouted when he just gave her a quick kiss on the forehead (hindi man lang sa lips) . “ Sorry babe.Next time na lang. Sige na akyat na baka magising na si Ethan.” Malamig na sabi nito bago ibinaba ang tasa and lumakad para lumabas ng dining room.
Bago tuluyang makaalis ito he said na hindi man lang lumingon, “ Don’t wait up for me. Nag-aayang lumabas si Will.”
She knows na sobrang nagtatampo na talaga ito sa kanya. Paano ba naman ilang sunod-sunod na gabi ng namumuyat si Ethan kaya kapag nangangalabit ang asawa niya wala na siyang energy. She would rather sleep dahil sa pagod.Na-feel niya tuloy na napaka-inconsiderate na niya sa asawa.She wants to be a hands-on mom pero napapabayaan na niya ang asawa niya. Jake has been very patient but malamang ubos na ang pasensiya nito. Sa super hilig ba naman nito makakatiis pa ba ito ng walang sex ng halos dalawang linggo? She doesn’t want na lumala ang tampo nito so she made a decision.
Kinausap niya kanina ang biyenang babae na kung pwede iwanan muna niya si Ethan sa mga ito this morning unitl late in the afternoon.She told her na huwag na lang sasabihin kay Jake.She wants to surprise her husband.Dadalhan niya ito ng tanghalian.Matagal na din kasi niya itong hindi napagluluto.
She took extra care of her appearance.Naka-brown na one piece dress siya na hanggang tuhod.Naka itim na wedge shoes siya and she has no make-up on except for her favorite Tom Ford lipstick na Giacomo..Nag-spray din siya ng Body EDP Intense by Burberry.Buti na lang hindi sya masyadong nag-gain ng timbang when she was pregnant.And since she is breastfeeding, mablis bumalik ang katawan niya.Although minsan naisip niya na ang taba na niya because her boobs got bigger.
“Mang Eddie mauna na kayo.Sasabay na lang po akong uuwi kay Jake.” Sabi niya sa driver bago bumaba ng kotse bitbit ang paper bag with the food she prepared.Lahat paborito ng asawa niya.
May kare-kare, sweet and sour pork and chopsuey.Since hindi siya marunong mag-bake,she bought his favorite macaroons from a bakeshop near their village.
Buti na lang walang siyang masyadong nakasalubong.It has been more than a year nung una siyang pumunta sa opisina ni Jake.Dahil halos nasa bahay lang siya, she had gotten more conscious when she goes out. Lalo if nakatingin sa kanya ang mga tao.May mangilan-ngilan pa din who curiosly looked at her before she got in the lift. May dalawang babae na nagbubulungan ang pumasok din na hindi niya kilala.Mukhang sa iisang floor lang sila bababa.Shelly moved to the right to give them space.
“Hindi takot maeskandalo ang mga ganung babae.” Sabi ng babae na naka-ponytail.
“Sinabi mo pa! Kalandi talaga akala mo kung sinong mahinhin! Sus ginoo naman kasi ... sa guwapo at yaman ba naman ni sir..” hindi natuloy ng babae na naka-salamin ang sasabihin ng siniko ito ng katabi nang may biglang pumasok na isa pang babae na kilala ni Shelly.
Ngumiti ito sa kanya bago pinush ang button ng elevator.Biglang tumahimik ang 2 na mukhang bagong mga empleyada.
“Good morning mam.” Bati sa kanya ni Miss Toledo, Jake’s secretary.Tumango at ngumiti lang sa kanya si Shelly.
Curious na tumingin sa kanya ang 2 babae na nasa loob din.
“Alam po ba ni sir na darating kayo?” tanong nito sa kanya.
Shelly shook her head from left to right. With a little smile she said, “I want to surprise him.”
Kumunot ang noo ng sekretarya. ” Naku mam, wala pa po kasi siya.Umalis po bigla kanina eh.Pinapa-cancel nga po niya yung mga appointments niya ngayong umaga.”
It’s her turn to frown. At saan naman pumunta ang lalaking yun? She asked herself.
Napansin niya na nagbulungan ang dalawang babae.Nun naman biglang nag-open ang elevator sa floor nila so wala silang choice kundi lumabas lahat.Nauna ang dalawa na deretso sa kaliwang bahagi ng floor while still whispering to each other.
Tila nagtatanong ang mga mata ni Miss Toledo when she looked at her.
“Okay lang. Pwede naman siguro akong maghintay sa opisina niya?” she asked.
“Naku mam opo naman.Tara po samahan ko na kayo.” Sabi ng sekretarya.
Hindi siya mapakali. Ayaw man niyang isipin pero pilit pa ding sumisiksik sa utak niya ang usapan ng 2 empleyada kanina. Hindi naman niya pwedeng basta na lang tanungin ang mga ito..pero si Jake ba ang pinaguusapan ng mga ito? She told his secretary na huwag sasabihin na nandito siya sa opisina nito. Hindi din niya ito tinawagan. She just texted him to ask kung nasaan na ito and until now hindi pa din ito nagrereply. Kapag hindi pa ito sumagot in a few minutes, she will call him. Sumandal siya sa swivel chair nito after talking to her mother-in-law. Kinumusta niya si Ethan. Natutulog daw ito.Tinanong nga nito if nagkausap na silang mag-asawa.Sabi na lang niya she is waiting for Jake dahil may meeting ito.She checked the time. Past 2 PM na kaya pala she’s feeling hungry.She sighed then umalis siya sa pagkakasandal sa upuan ng asawa. She checked his drawers. Naka-lock ang malaki na nasa gitna.She tried the two small ones on the left pero ayaw din mabuksan.Ang nasa kanan naman ang sinubukan niya. Ang nasa taas ayaw buti naman ang nasa ibaba bumukas. Kumunot ang noo niya when she saw what’s inside.
Anak ng tofu! Mga Men’s Magazine! Cover pa sa isa si Trish Valdez!
She quickly got her phone on the table and dialed her husband’s number. Her hands are shaking from anger . Her heart is pounding too. Nakaka-ilang ring na ito pero wala.Puro voice mail lang ang sumasagot. Nag-try pa siyang minsan but wala pa din. She angrily took her bag and decided to go out to find the two women in th lift this morning.Kung hindi niya ma-contact ang lecheng asawa niya..she will ask them. Mas malakas ang kutob niya ngayon na si Jake ang pinag-uusapan ng mga ito.
Lintik talaga ang asawa niyang babaero at hayok sa sex..hindi makatiis kaya malamang pinatulan na ang malanding ex nito na hanggang ngayon handa pa ding bumukaka para sa manyak na asawa niya.
“Miss Toledo..sino yung mga nakasabay natin kanina sa elevator? Yung nakasalamin at yung naka ponytail.” Shelly asked the secretary paglabas niya sa office ni Jake. She is trying to sound normal kahit deep inside gusto na niyang tadtarin ang walanghiyang asawa niya at ang malanding kabit nito.
Kahit medyo nagulat with her question, sumagot naman ito, “ Si Lona at si Ethel po mam. Bakit po?”
“Halika samahan mo ako sa kanila.” Sabi lang niya sa sekretarya while still keeping her composure.Tumayo naman ito and walked towards the side where she saw the women headed this morning.May mga cubicle ang opisina but it’s easy to see the employees dahil mababa lang ang divider. Magkatabi pala ang lamesa ng dalawa. When Jake’s secretary call them, sabay na nag-angat ng tingin ang mga ito. Their eyes widened when they saw her behind the secretary.
“Gusto kayong makausap ng asawa ni sir Jake.” sabi nito sa dalawa na nagtinginan bago mukhang namutla pero sabay naming tumayo para tumango sa kanya.
“T-Tungkol po saan mam?” asked the one with the glasses.
“Can we talk somewhere else? Yung medyo pribado?” Shelly asked sa kalmado pa ding boses. Mukha na ngang ninenerbiyos ang dalawa and the least she could do is huwag ng dagdagan ang takot ng mga ito. Baka hindi pa magsalita at pagtakpan ang lecheng asawa niya.
“Shelly?” tawag ng boses ng lalake.
Lumingon siya and saw Thomas who is frowning heavily. “May problema ba? Buti andito ka? Does Jake know? “ sunod-sunod na tanong nito.
“ Gusto ko sana siyang sorpresahin pero ako ang mukhang masosorpresa.” She said in a honeyed tone.
“Go back to work girls.” Sabi nito sa tatlong babae matapos hawakan ang siko niya.Shelly saw the 2 female employees exchange glances.They looked relieved dahil ligtas na ang mga ito sa kanya.
“Dun tayo sa opisina ni Kim.” Sabi ng bayaw niya sa malumanay na boses.
(Inside Kim’s office)
“Are you and Jake having problems? Ilang araw ko na siyang napapansin na wala sa mood.Minsan late siya sa umaga and he leaves the office earlier than usual.”
Her brows knitted. “ Late? Gaano ka late?” Imposible kasi ang sinasabi nito dahil palagi namang maaga ang alam niyang alis ng asawa though hindi na niya inaabutan when she wakes up.”And how early does he get off work? “ tanong niya.
Halos sakto lang ang uwi nito sa gabi which is around 6:30. So saan nagpupunta ang magaling niyang asawa?
Kumunot ang noo ni Thomas.” Look Shelly, I don’t even know if tama na sinabi ko sayo yun.Ayaw ko na ako pa ang maging dahilan ng pag-aaway niyo.Maybe it will be better if you just talk to him.Pag-usapan niyo ng maayos if may problema nga. Jake doesn’t want to tell me what’s wrong which is strange.Dati naman nagsasabi yan. I hope kung ano man yan maayos niyo.Sayang nga sa makalawa pa ang dating ni Kim from Hong Kong sana pwede kang mag-open up sa kanya. I am sure my wife can give you a good advice. If you like tawagan mo na lang siya.” Sabi ni Thomas.
Shelly just nodded. Hindi niya pwedeng sabihin sa kuya ng asawa niya ang problema nila. Super awkward. Kahit papaano naman pala hindi din nagsabi si Jake dito. Nakakahiya kapag nalaman ng pamilya nito ang problema. Mas okay kapag ang bilas na lang ang kinausap niya but she can’t wait anymore. Ayaw naman niyang istorbohin ito by calling her on the phone lalo at business ang ipinunta nito sa ibang bansa.Nagpaalam na din lang siya kay Thomas dahil tinubuan na siya ng ugat kakahintay sa magaling niyang asawa.Hindi din naman yata alam nito kung nasaan ang kapatid.
She is on her way to the car kung saan naghihintay si mang Eddie when she thought of calling William dahil unattended ang sa asawa niya. Sabi kasi ni Jake na nagaaya itong lumabas later.She thought hindi sasagutin nito ang tawag pero matapos ang ilang ring..he finally took the call.
She stopped walking when she was almost near the entrance door of the building.Tumabi siya sandal sa gilid para kausapin ang bayaw.
“Shelly? Buti napatawag ka? Is something wrong? ” he asked in a surprised tone.
Well she can’t blame him.Last time na tinawagan niya ito ay nung tadtad ng lovebites si Jake dahil sa malanding ex nito. Her paranoid and overly possessive husband told her that he doesn’t like her talking on the phone with any man kahit na kapatid pa nito.Lalo na si William daw. Nag-iibang anyo daw kasi ito kapag lasing (which is napapadalas dahil ito ang pinakamahilig lumabas sa magkakapatid.Lalo ngayon na single ito) and he doesn’t want his brother to say inappropriate words to her at baka mabugbog pa daw nito ang sariling kapatid.
Super mega over di ba? Well that’s her husband babaerong manyak pero king of the pranings!
“Are you with Jake? Sabi niya inaaya mo siyang lumabas. Wala siya sa opisina niya. Don’t tell me napaaga ang labas niyo?” deretsahang tanong niya.
“Mamaya pa yun.” Sagot nito.Shelly frowned when she heard what seems like a woman’s moan.
“Well asan ang kapatid mo? For sure alam mo.” She asked again. This time definitely may kasamang babae ito. Narinig niya na may tumawag dito ng honey and mukhang pinindot nito ang mute button dahil for a few seconds wala siyang marinig.
“He is with Scarlett! Got to go..bye!” mabilis na sagot nito before he hang up. Napaawang ang bibig niya sa sinabi nito.
It took all the control she has in her body para maitago sa biyenan ang nararamdaman niya.Ayaw muna niyang sabihin dito ang sinabi ni William kanina.She has to be sure na kinakalantari nga ng lecheng asawa niya ang babae na yun. Kahit masakit at mahirap for her, she asked her mother-in-law kung pwede sa kanila muna matulog si Ethan mamayang gabi. Excited na nag-yes naman ang biyenan. Ito pa nga ang nagsabi na maganda daw idea yun para magka-alone time sila ng mas mahaba ng asawa niya. That saved her from fabricating more lies. At least kahit isang gabi lang kaya niyang isacrifice na hindi makasama ang anak para mabalatan ng buhay ..este para makausap ang lintik na ama nito. Pasimple niyang tinanong ang biyenan about the usual tambayan ng magkakapatid.Kung hindi niya nasorpresa ang asawa kanina sa dala niyang pagkain..pwes..surprise galore ang ibibigay niya dito.
Kung kanina wala siyang make-up..ngayon nag-make-up siya lalo at gabi.As usual naka-red lipstick ulit siya Berry ang kulay ng Sisley lipstick niya. And since malas yata ang pabango niya kanina na gift sa kanya ng babaerong asawa niya, she sprayed another one. Premiere by Gucci. Ewan niya lang if hindi pa siya mas seductive sa amoy niya. Tinernuhan niya ito ng silver colored body off shoulder dress which hugs her body like second skin.May advantage ang medyo paglaki ng boobs niya..kung kanina she felt she gained weight,mas confident siya ngayon na super sexy siya.She slid on a pair of silver stiletto. Nilugay lang niya ang buhok niya. Sa pangalan pa lang ng kasama ni Jake mukhang naiimagine na niya ang hitsura nito. Hindi naman siya papatalo dito.
(Jake)
He is glowering at his brother na may kalandian sa bar sa hindi kalayuan. Akala niya silang dalawa lang ang lalabas but last minute he soon discovered na balak pala nitong magsama ng babae. He really needs to talk to him seriously. Madami siyang hindi gusto sa ginagawa nito. Isa ito sa dahilan kung bakit he is almost always snapping at their employees. Ang unang dahilan talaga ay ang asawa niya.Miss na miss na niya ito but she is always too tired at night. Mali man na magselos siya sa anak nila…wala eh..he is jealous of Ethan. He has been always selfish pagdating sa asawa niya and adjusting to their new life now na may anak na sila is not that easy.Mahal niya ang anak nila syempre..ang gusto lang naman niya,kapag nasa bahay na siya, siya naman ang iprioritized ng asawa. Maghapon na nga itong busy kay Ethan.Yung ba namang gabi na dapat sa kanila…mabubulilyaso pa?
“Fuck!” he cursed quietly as he took another sip of his drink.
“I think your problem is serious. Kanina ka pa parang wala sa sarili. We have been together since this afternoon pero your mind is elsewhere. Maiinsulto na ba ako Jake? “ may himig birong tanong ni Scarlett.
He looked at the woman. She reminds her a little of his wife. Long dark brown wavy hair, fair skin and red lips. Mas makurba nga lang ang katawan ng asawa niya and of course mas maganda.He met Scarlett through William.Hindi niya alam kung sinadya ng baliw na kapatid niya na ito ang irekomenda sa kanya. Feeling niya inaasar talaga siya nito. Kay William siya accidentally nakapag-open up about his wife nung minsang nalasing silang pareho. “ Nakaikinig naman ako sayo and lahat ng napag-usapan natin klaro sa akin.” He told her na seryoso ang gwapong mukha.
“If you say so..” Scarlett said with a pretty smile on her lips. “Is this a date by the way? Did you tell Will to ask me to come here with you?” may himig panunukso ang boses nito.
Jake’s brows met. “Scarlett….” Natigil ang sasabihin niya when he spotted someone he knows very well near the door. Kakapasok nito sa bar at lahat yata ng lalake na nakakita dito hindi maalis ang mata.
“PUTANGNA!” mura niya before angrily standing up. Narinig pa niyang tinawag siya ni Scarlett but he ignored her.
(Shelly)
Grabe naman ang mga lalake na ito. Parang ngayon lang nakakita ng babae? She asked herself.
Parang gusto na niyang magsisi na pumunta pa siya dito.Mas okay yata na sa bahay na lang niya hinintay ang asawa.Isa pa ang makulit na nasa likod niya na kaninang papasok pa lang siya nakasunod na sa kanya. May hitsura naman pero mukhang manyak din. Parang asawa niya lang…mukhang mayaman na manyak.
“Miss..” naglakas loob na itong magsalita kaya nilingon niya then bago siya makasagot, she heard a familiar angry voice cursing and before she could react, napasandal na sa pader ang lalaking nasa likod niya. She gasped in horror as she saw her husband punching the man’s face repeatedly.
Nagkagulo na sa loob .T he bouncer and William tried to separate them.Mura ng mura ang asawa niya while he kicks the other man.Hawak ng bouncer ang asawa niya na patuloy pa din sa pagwawala.May mga tumulong naman na ilayo ang lalake. Kalaunan pati si William hinarangan na din si Jake.
Jake stopped the car at the park near their house.Maguusap muna silang mag-asawa. Mas okay na dito muna dahil baka sa pagkasabik nito kay Shelly hindi usap ang mangyari. His wife looks so fucking sexy and smells so delicious na kahit kanina sa bar, hindi niya mapaglabanan ang pagtayo ng alaga niya kahit na nagwala siya sa galit. He is looking at the dashboard at ang asawa naman niya nakayuko ng bahagya as she looks at her hands on her lap.
“ I’m sorry babe. Sige papayag na ako na kumuha ng yaya for Ethan para may makatulong ako sa pagaalaga sa kanya.” Mahinang sabi ni Shelly.
Jake frowned and he turned to look at her. “ Are you sure? “ he asked and she nodded. He heaved a sigh of relief.
“ And why do you still think na kaya kitang ipagpalit kahit na dyetang-dyeta na ako sayo?” kunot noo pa ding tanong niya.
How could his wife still doubt him? Nakagulpi na nga na naman siya kanina dahil sa selos tapos mag-iisip ito na kaya niyang mambabae? Hindi pa din yata alam ng asawa niya kung gaano siya kabaliw dito. Kulang pa ba yung halos hindi niya ito palalabasin ng bahay? Kahit may anak na sila, his possessiveness hasn’t waned. And now pagdududahan siya nito?
Binasa ni Shelly ang mga labi. “ I overheard your employees talking about a woman na involve sa boss nila na hindi takot sa eskandalo. Tapos may Men’s Magazine ka sa drawer mo and makating ex mo pa ang cover.”
Jake cursed under his breath. “ I am not supposed to tell you about this but they were talking about Will! May gusto sa kanya ang dating asawa ng isa sa mga supervisor sa kabilang opisina. Pinagsabihan ko na siya but you kno w my brother. Wala pa naman siyang official gf so he said he can do what he wants. Yung lecheng magazine naman na yun malamang kay William din! Tatamaan na talaga sa akin ang isang yun! “ Jake rasped.
Nakagat ni Shelly ang labi. “He said na kasama mo si Scarlett. Naisip ko na baka siya ang rason why you leave early in the morning and maaga ka ding umaalis sa opisina.”
Nahilamos ni Jake ang mukha with his hand.
“Babe! Maaga akong umaalis dahil tumatakbo ako sa circle malapit sa opisina to release my sexual frustration. Hindi naman ako talagang sobrang late. I take showers sa dati nating condo na malapit sa opisina. Kakaalis lang ng umuupa so I could use the bathroom anytime I want. Sa hapon I leave early dahil I meet Scarlett to talk about the pool na gusto ko para sa likod ng bahay natin dahil professional pool and landscape designer siya.I know that you really don’t like the pool we have now kaya gusto kong baguhin para sorpresahin ka. It will be my birthday gift for you..” Jake explained while trying to control his annoyance.
Lalo tuloy siyang naguilty. “S-She resembles me…” she said na halos pabulong.Napangiwi siya when her husband cursed.
“Blame Will! Anak ng……babe naman! May nobyo na si Scarlett and she is transsexual for Pete’s sake!”
“S-Sorry..” nasambit na lang niya. Nahalata na naman niya kanina na tama ang sinabi ng asawa niya.Medyo masculine pa din kasi ang boses ni Scarlett kahit babaeng-babae na ito.
“Halika nga dito..” Jake said in a hoarse voice bago siya ilapit sa mukha nito. “You know how much I love you babe hindi ba? Gago ako talaga sa ibang bagay pero pagdating sayo kung mas nagiging gago man ako yun ay dahil mahal na mahal kita. I love you and our son kaya lang dahil nga sa pagkabaliw ko sayo pati anak natin napagseselosan ko pa. I am sorry for being me babe. Hayaan mo, I will try to be more understanding…pero huwag naman yung totally hindi kita pwedeng maangkin ng ilang gabi…” he said sa tila hirap na boses.
Shelly let out a sexy smile. “ Sorry ulit babe. Promise mas magiging considerate na ako sayo.Anyway lumalaki na si Ethan..it will be really good na kahit si manang Celia ang minsan na papalit sa akin sa pag-aalaga kahit sa gabi lang. And pasensya ka na din dahil sa love ko sayo naiinsecure pa din ako kahit super ka na sa pagkaseloso.” She rolled her eyes and Jake chuckled. “Promise..I will really trust you this time.I love you very much,” Dagdag niya.
Jake smiled and kissed her lightly on the lips,.” Thank you babe.Sinisigurado ko sayo na ikaw lang. Mahal na mahal kita. Sabi mo nasa mga mama si Ethan…so tara na..uwi na tayo....sayang ang alone time natin.” Pilyong sabi nito.
Shelly looked at him seductively. “ Okay..pero babe…” she moaned when his lips came down the side of her neck..” I will trust you but pwedeng bawasan mo din ang pagkaseloso mo? Kahit 20% lang .”
“Hmmm….ask me that after 30 years..” Jake murmured against her skin.
Nanlaki ang mata niya,,” Babe!....hmmppp!” all her protests died when he claimed her lips.
--The End---