"Mav." Pinigilan ko siya sa braso nang akma na itong bababa matapos buksan ng valet ang pinto ng limousine. Nasulyapan ko pa ang nakalatag na red carpet sa ibaba namin.
"Why? What's wrong?" Sinenyasan nito ang valet na isinarado uli ang pinto. He gave me his full attention. Kinuha nito ang nanlalamig kong kamay at ikiniskis sa kamay nito. "Hey, look at me. What's wrong."
Nilunok ko muna ang bara sa lalamunan at inayos ang perfectly made hair ko bago tumugon.
"I-I'm scared. Ikaw na lang kaya ang tumuloy? Para na akong masusuka sa kaba rito. Please?" pagsusumamo ko rito.
He gave me a reassuring smile that sends his message that he understands me. "Nonsense. Wala kang dapat ikabahala. Mabait ang pamilya ko lalung-lalo na si mama. They will love you like I do." He cupped my face while his fingers are caressing my cheek. "And besides, nandito ako buong gabi para sa iyo. Hindi kita iiwan. Hell, I will go with you even in the powder room."
Bumaba ang kamay nito patungo sa leeg ko at minasahe ang puno nito. "Relax. Hindi kita pababayaan. I'll be with you the whole night. You just have to trust me on this, okay? Hmmm?"
Yumakap ako rito at inihilig ang mukha sa balikat nito.
"I'm nervous. I mean, ito ang unang pagkakataon na makikita tayo sa iisang event na magkasama. The news will go out. Huhukayin nila kung sino ako, ang nakaraan ko. Ikaw rin ang mapapahiya sa huli."
Bumitaw ito sa yakap ko at muling ikinulong ang mukha ko sa kaniyang mga kamay. "We can never control the opinions of other people towards us but we can always choose to ignore it. You came from a great family, sweetheart. Nalaman ko kay mama na matalik na kaibigan ni papa ang angkan mo. She said something about Bernandino Alcantara being the best man during their wedding."
"He's my uncle."
He nodded and held my hand. "Yes. All I'm saying is there's nothing to be ashamed of. Money, power, and social status come and go. What is important is what we have. You get it?"
I stared hard at his eyes long enough to understand what he meant. Maverick is asking me to trust him on this so that he could trust me as well. Nag-init ang gilid ng mga mata ko sa na-realize.
"How did you become someone like this? Act like that arrogant guy again who is full of himself and who doesn't accept rejections. Come on, bring him back," nagbibiro kong pahayag at inalog pa ang ulo nito.
He caught my hands and pinched my nose. "I don't know that guy. Who's that, huh?"
I smiled.
"Ganiyan. Smile more often. Kanina ko pa iyan hinihintay. You look more beautiful when you smile."
Namula ako sa sinabi nito. "I won't say na binobola mo lang ako dahil alam kong maganda talaga ako."
Ngumisi si Maverick. "That's the Femella I know. How are you feeling now? Still cold and scared?"
I shook my head. "Not anymore. Just don't get me out of your sight tonight. Can you do that?"
"I've been doing that since our time in La Vida, Fem."
Lumabi ako. "Stalker." Inayos ko ang navy polo suit nito at pinaraanan ng kamay ang tumutubo na nitong balbas.
"You didn't shave. Makati na iyan."
Hinawakan nito ang baba. "You think so? I prefer it to grow some more before I cut them off." Dumako ang kamay nito sa hita ko at humaplos. "Did you shave for me?" tanong nito sa magaspang at nang-aakit na tinig.
Piningot ko ang kaniyang tenga at inirapan. Inalis ko rin ang kamay niya sa hita ko. "Ayan ka na naman. Baka kung saan na naman to mapunta. Bumaba na nga tayo. Tara na." Pinandilatan ko siya nang hindi pa rin ito tuminag. "Come on, let's go."
He chuckled. "Shall we, my lady in red?"
Sumungaw ang ngiti ko sa itinawag niya sa akin. Nakasuot na naman kasi ng kulay pula na gown. No skin this time. Long sleeve turtleneck ang design ng gown na gawa sa crepe material. Body fitting ang style na hanggang sakong ko ang haba. I looked taller with it with my four inch-heel.
Tumango ako. "Yes, Mav."
Naiwan pa rin ang malapad nitong ngiti hanggang sa pagbaba at paglalahad nito ng kamay sa akin. Inabot ko ito at tuluyan na akong bumaba. Sinalubong kaagad kami ng kislapan ng kamera. Nabigla pa ako. Why did I forget that it's a charity gathering? May media talagang involved pag ganito.
Bumaling ako kay Maverick na nakakaunawang pinisil ang kamay ko saka mahigpit na hinawakan ito habang naglalakad kami sa red carpet papunta sa convention hall. Idinikit niya ang labi sa akin at bumulong.
"Smile Fem. Hindi pa kita pinipikot, ano ka ba."
Napabungisngis ako sa paraan ng pagkakasabi nito. Tumatawang hinampas ko siya nang mahina sa balikat.
"Ganiyan nga. Saktan mo ako. Ipakita mo sa buong mundo na under mo ako."
I laughed some more. "Stop it. Sa ating dalawa, ikaw kaya itong napakadominante."
"Ah, I know what you mean."
He puts his hand on my back when we finally entered through the massive revolving door. The space is so huge. Carpeted floor covered the whole area while the guests are busy talking in their perfectly pleated and designed tables.
Kumikinang ang buong lugar dahil sa mga gowns at alahas na suot ng mga imbitado. Expensive chandeliers are dangling from the ceiling down the hall. Hindi rin naman papahuli ang suot kong diamond necklace courtesy of Maverick. Nagsasabog rin ito ng liwanag sa sino mang makakakita.
Now this brings back some good memories when our clans will held parties and soirees like this. Napahigpit ang hawak ko sa kamay ni Maverick nang matanaw ko ang kaniyang ina. His mom is elegantly garbed in a silver gown and a pair of red ruby earrings. Her fashion statement and the way she carries herself greatly remind me of my mom. Ipinilig ko ang ulo para mawala ang lungkot na nadama at naglagay ng ngiti sa mga labi.
"Let me warn you about mom, babe. She's a bit excited to meet you though she doesn't really know a thing about you yet. I just told her to be her best tonight because she's about to meet one of the best woman I know."
"I'm nowhere near your mom, Maverick. Comparing me to her is hyperbole."
He kissed the side of my ear. "Well, for me you are."
Pagtaas ko ng tingin ay sinalubong ako ng nakangiting mukha ng donya. A flash of recognition crossed her eyes when we were finally in front of her.
"Hi, darling," bati agad nito sa anak na humalik sa pisngi nito pero mas nakatuon sa akin ang pansin. "Care to introduce me to this lovely lady beside you?" ani nito habang kumikislap ang matang nakatingin sa akin.
"Right. Ina nga kita." Hinawakan ako sa bewang ni Maverick. "Ma, I want you to meet Femella Alcantara, my girlfriend. Babe, meet the number one nagger of my life, my mother, the great Isabella Fuentebella."
Kusang lumabas ang ngiti ko para sa ginang. Naaliw rin ako sa paraan ng pagpapakilala Maverick. Nawala ang medyo panlalamig ko.
Inilahad ko ang kamay sa mama nito. "Good evening po, ma'am. It's an honor to meet you."
Pero sa halip na abutin ang kamay ko ay bigla akong niyakap ng ginang at hinalikan sa pisngi. Tiningnan ko si Maverick na nakangiti ring nakatingin sa amin.
Bigla ay sumikip ang diddib ko dahil sa kakaibang bugso ng damdamin. It was such a motherly love and touch that I have never received for all of my life. Gumanti ako ng yakap dito. Nakangiti pa rin ang mama ni Maverick nang kumalas siya sa yakap at sinuyod ako ng tingin.
"Look what a beautiful woman you brought, Maverick. I can see that you're strong and bold, hija. Take it from a woman who has meet countless of people in her lifetime."
Kimi akong ngumiti. "So I have heard, ma'am. Thank you."
"Oh no! Don't call me ma'am. Call me tita instead. Ma'am is for oldies. I live like I'm still in my early twenties but with a beautiful grandchild," she beamed.
Nakakahawa ang kasiyahan at energy dito kaya mas lumapad pa ang ngiti ko. This is not as bad as I thought it will be.
"Noted tita. I'll keep that in mind. First in the checklist."
"What do we have here?"
Lumingon kaming lahat sa isang pares na magkahawak-kamay at papalapit sa amin. Gideon and Sheri are such a great pair with oozing appeal. Love is both in their eyes. Parang nasa honeymoon stage pa nga ang dalawa considering na dalawang taon na silang kasal.
"Your brother is finally bringing his girlfriend to meet us," sagot ni Tita Isabella at inakay ako para makaharap ang mag-asawa. "This is Femella. Fem, this is Gideon, my youngest son and his lovely wife, Sheri."
"Welcome to the family sis." Gideon shook my hand while grinning. Namula ako sa sinabi nito at nagpapatulong na nilingon si Maverick na nagkibit-balikat lang na para bang sinasabi nitong wala itong magagawa. I bet he's enjoying this.
"Hi, Femella. Nice to meet you. Masaya akong nakakita na ng katapat itong si kuya. Di ba, hon?" saad ni Sheri matapos makipag-beso sa akin.
"Right. Sa wakas makikita ko na rin kung paano ito paluluhurin. Naku, buti na lang talaga at tapos na ako sa phase na iyan, di ba sweetheart?"
"Ganun? Lagot ka sa akin mamaya. Outside de kulambo ka." Matalim itong inirapan ni Sheri.
Mabilis itong hinalikan sa pisngi ni Gideon. "Joke lang. Bati na tayo di ba? Kakatapos ko lang linisan ang buong bahay kanina gaya ng iniutos mo. Hindi ako nagpatulong kay Manang Linda, promise."
Naputol ang pag-uusap nila ng pagtawanan sila ni Tita Isabella. "Ganiyan na ganiyan rin kami noon ng ama ninyo. Para kaming aso at pusa kung mag-asaran. Anyway, you boys should take care of your respective business while we ladies will waltz the night away."
"Yes, ma. I saw Mrs. Divina Amor kanina. She asked me if you have a spare time," wika ni Sheri na hinawakan ako sa braso.
"Certainly," sagot ng ginang at hinawakan rin ako sa kabilang braso. "Come Femella. I will introduce you to our circle."
Nilingon ko si Maverick na nasa likod ko na agad.
"I'll go with you ladies," wika nito at hinapit ako sa bewang.
"Nonsense. It's a women's thing," tutol ng ina nito.
I smiled at Maverick to ease him. "It's okay, really. I would like to go with them."
"Sigurado ka? No, I'll stay with you."
My cheeks turned red when I caught their teasing stares at us.
"I'm sure, Mav. Sige na. Do your business."
Alumpihit pa rin itong iwan ako pero nang masigurong bukal talaga sa loob ko ang sinasabi ay pumayag na rin ito but not before whispering to my ear. "I'll always look at you."
Kakulay ko na ang makopa nang magawa akong akayin nila papunta sa grupo ng mga babaeng may hawak na champagne glass at nag-uusap. Narinig lang naman ng buong pamilya nito ang mga sinabi nito kaya naman palagi na lang nila akong pinupukol ng kinikilig na ngiti at tingin sa buong durasyon.
Ipinakilala nila ako sa mga kaibigan at business associates ng mga Fuentebella. Sa bawat pagbitiw ko sa apelyidong Alcantara tuwing nakikipagkamay ay sobra-sobra ang kaba ko na baka may magbanggit tungkol sa pamilya ko o di kaya naman ay may magtanong. So far ay wala naman kaya nag-relax na rin ako sa company nila Tita Isabella at Sheri.
They are so friendly and welcoming that I found myself getting along with them. Magiliw akong ipinapakilala ng mama nito bilang girlfriend ni Maverick sa lahat ng makakasalamuha namin. I also realized that I miss attending events like this without thinking about my plan or what but to just enjoy and mingle. Parang nabalik tuloy ako sa mga panahong namamayagpag pa kami bilang isa sa pinakamakapangyarihang angkan sa bansa.
I never thought I'll say it but I missed those times.
Nalaman ko ring ang charity gala palang ito ay inorganisa ng asawa ng isang pulitiko na adbokasiya ang pagtulong sa mga child in conflict with the law.
Sometime in our chat with a known fashion designer who is based in Dubai, pasimple kong iniikot ang tingin para hanapin si Maverick pero hindi ko na pala kailangan iyong gawin dahil nakatutok na ang mga mata niya sa akin. He is standing among a group of dignified men while holding a glass of wine on his hand. Hinuli nito ang tingin ko at kinindatan ako. I bit my lips as a response and then turned to the conversation again.
Hindi na nawala ang ngiti sa mukha ko hanggang sa magsimula ang program. Maverick went back to my side and assisted me into a seat in the same table his family is sitting.
"Are you okay?" he asked after twining our hands together on his lap.
I gave him a sweet smile. "Yeah, never been better. Akala ko nakakatakot pero hindi pala kapag nandoon ka na. Thanks to your mom and Sheri. Wala ring nagtanong, thank God."
"I'm glad." He kissed my hand and rested his arm on the back of my chair.
Nag-concentrate na kami sa pakikinig sa mga speakers. The dinner was served after and then came the dancing. Inaya niya akong sumayaw nang pumailanlang ang classic na kanta.
"So what do you think about my family?" he asked as we slowly move into the rhythm of the music.
"Hmm, let me think." I dragged my hands over his neck and caressed his nape. "Your mom is a revelation. She's so kind, warm-hearted and very fun to be with. I didn't expect that because I prepared for the woman I saw in TV and business section of the newspapers. Sheri reminds me of my cousins while Gideon is like the less-aggressive version of you. I like him. Pareho kayong mapagbiro pero malayo siya sa kaarogantehan mo."
He chuckled.
Ibinaon ko ang mukha sa dibdib nito at sinamyo ang fruity scent nito.
"Well, hindi ka na mahihirapang mag-adjust kung sakali." Hinalikan niya ako sa buhok at mas hinapit pa palapit dito.
Natigilan ako sa implikasyon ng kaniyang sinabi. Surely, he wasn't thinking about it.
Nang magpalit na naman ng kanta ay nagpaalam muna ako para mag-CR. Sasamahan sana niya ako kung hindi ko lang siya inawat. Paglabas ko ng powder room ay nagulat ako sa nakitang babae na naghihintay sa akin sa may pinto. Litaw na litaw ang kaputian nito sa suot na emerald gown. She looked up to me with a jealous expression on her face and then scanned my appearance.
Monica Santabella.
I stayed on my position and do the same to her.
"Girlfriend? Ikaw?" Sumimsim ito sa hawak na baso. "Kaya pala you look familiar the first time I saw you. I know you, Femella Alcantara. You're the only daughter of the eldest son of the patriarch of the Alcantaras. You are the heiress. Alam ko iyan dahil minsan na rin kaming naimbitahan sa lugar niyo noong buhay prinsesa ka pa." Lumapit ito sa akin at nanunuyang pinasadahan ako ng tingin.
"Kahit na damitan ka pa ng mamahalin at bigyan ng milyong alahas, maaamoy ko pa rin ang tunay na estado mo. As if being in a family who has been slapped with countless of lawsuits is not enough, you chose to go lower."
Nagtagis ang mga bagang ko sa narinig at kumuyom ang mga kamao. My family is my exposed scale anyone should never dare poke fun at.
I raised my brow and crossed my arms. "I know where you're heading. That I worked inside a club and sold my body. Well, guess what? Tama ka. Pero alam mo ang magandang nangyari dahil diyan? Binili lang naman ako nang pinakamamahal mo at ginawang girlfriend. And sweetheart, it felt heaven with Maverick. He loves me, protects me, and showers me with everything, something the likes of you cannot ever ever have with him. Tanggap niya ako kung sino ako ngayon pati na ang nakaraan ko."
Nakaramdam ako ng kasiyahan nang makita ang sakit na bumalatay sa mukha nito. Inubos nito ang laman ng baso at mahinahon akong tiningnan. Malumanay na ang boses nito nang magsalita.
"Katulad ka rin nilang lahat na hindi niya sineryoso. Sa huli, maghihiwalay rin kayong dalawa at babalik uli sa dating gawi si Maverick. I'll just let him be until he realized that the one he's looking for has been in his side all along."
"I pity you, Monica. Bilang babae ay nakikisimpatiya ako sa nararamdaman mo pero utang na loob, itigil mo na iyang katangahan mo. Suppose we broke up today, does that make you think he will love you? No, he won't. May darating uling kagaya ko na gugustuhin niya and that will never be you. Girl, stop obsessing about my man. Kaibigan lang ang turing niya sa iyo. I know better, okay?" Inamoy ko siya. "Ayusin mo ang sarili mo. Mukhang lasing ka na."
I turned my back and started walking away.
"Sasaktan mo lang siya."
My steps faltered. Nilapitan niya ako at hinarap. There's an unreadable emotion on her eyes.
"Your baggage will keep him from being happy. Kahit anong takbo ang gawin mo, hindi mo matatakasan ang kasalanan ng angkan mo, Femella. Don't be selfish. Let go of Maverick. I can see that you love him at kahit masakit mang aminin, nakikita ng lahat ng tao na narito na ganoon rin ang nararamdaman niya sa iyo. But what can you offer other than your love? Wala. Let him go and I swear, I'll take care of him."
Pagkatapos sabihin iyon ay pasuray-suray na pumasok ito sa CR. Naiwan akong higit ang hininga at nakatulala. May punto ang babae.
Inilibot ko ang tingin sa paligid pagkatapos ay yinuko ko ang sarili. My dress is expensive and so is my shoes, my jewelry and make-up but my life? It's far from being glamorous.
Suddenly, I felt so out of place. Tama si Monica. I don't belong in this world anymore. Matagal nang tapos ang era namin. Matagal na kaming natalo ng mga Asturia. Nalugmok na kami.
What can I offer for Maverick then?
Nothing.
I saw Maverick and his family having a warm conversation. They look so happy and contented.
Sino ba ako para guluhin ang katahimikan nila?
I felt somewhat better for a moment. Alam kong tama ang naging desisyon ko.
"But I'm two steps ahead, Monica. Always two steps ahead."
Kinalma ko ang sarili at nagpaskil ng ngiti sa mukha bago parang walang nangyari na naglakad papunta kay Maverick.