Chapter 39

"So what do you think, Lagma? Tinatanggap mo ba ang proposal ko?"

Pinagmasdan niya lang ako mula sa pagkakasandal nito sa swivel chair. Tulad kanina nang mailahad ko na sa kaniya ang proposal ay nanatiling tikom ang bibig nito.

Finally he stood up, lit a cigarette and went back to his seat in his lavish office in a high-rise building.

"Uulitin ko lang ang sinabi mo kanina kasi baka nabingi na ako. Epekto siguro ito ng ilang araw kong paglalagi sa construction site." Humithit ito sa sigarilyo at ibinuga sa gilid. "Gusto mong pakawalan ko si Trisha kapalit mo. You want to take the place of your sister in exchange for her freedom, am I right?"

Nginitian ko siya at humalukipkip. "Tama. Nakuha mo rin. So? What do you think? Besides, ako naman talaga dapat ang puntirya niyo, di ba? Not Trisha."

Nagbuga uli ito ng usok, this time sa mukha ko na. Nagtakip ako ng ilong.

"Yup, it's a very good proposal, I must admit. Pero wala akong maipapalit sa iyo kasi wala naman sa akin si Trisha."

Bored akong naghikab. "Iyan na naman? Magdedeny ka na naman? Mr. Lagma Rey, who do you think I am? Nakalimutan mo na bang ako dapat ang papalit sa trono ni papa sa mga negosyo ng Alcantara? Sayang nga lamang at wala na akong kaharian na pagrereynahan ngayon. Anyway." Inilabas ko ang naka-sealed na envelope at pinunit ito sa harap niya.

"Please wag ka nang mag-deny pa na wala sa pangangalaga mo si Trisha. Here's the evidence." Tumayo ako at isa-isang inilapag ang mga litrato ng kakambal ko sa isang resort na kasama si Lagma. "Hey, she looks hot in here," turo ko sa picture na naka-bikini si Trisha. "Oh my, you guys looked good together! Why did I piece it just now?" Nakangising pinukol ko ng tingin ang walang ekspresyong mukha ni Lagma habang tinitingnan ang mga litrato. "Ano? Magde-deny ka pa rin?"

Pinindot nito ang intercom at galit na inutusan ang secretary nito. Maya-maya pa ay pumasok na sa office si Rowald.

"Ano ang ibig sabihin nito, Rowald?!" galit na angil nito sa lalaki.

Hindi natitinag na sinalubong ng tingin ni Rowald si Lagma.

"It's high time you return Trisha to her family, Rey. Tama na ang walong taon. Hindi naman talaga siya ang dapat na kukunin mo kaya nagtataka ako kung bakit hanggang ngayon ay hindi mo pa siya binibitawan," ani ni Rowald.

Mapakla akong ngumiti habang kinukuha ang isang picture nilang dalawa na nagngingitian sa isa't isa. "Idiot. I can answer that." I stared hard at Lagma while my brows are raised. "He has fallen in love with her. But..." I paused a while. "She can't seem to reciprocate the feelings because..." Pinaglipat-lipat ko ang tingin sa dalawang lalaki at ngumiti ng inosente. "She loves someone else."

Natahimik ang dalawa sa sinabi ko kaya sinamantala ko ang pagkakataon. "Pero kung mahal mo talaga siya, papakawalan mo na siya, Lagma. Take me as her replacement. Sa aming dalawa, mas may silbi ako sa iyo. Di ba ang dahilan mo naman kung bakit mo naisipang kidnapin ako ay para sa dugo ko? I'm an Rh negative and so as you. Given your condition hemophilia which means you have to take in blood transfusions, I could be of great use to you. Kaya ano pang hinihintay mo? Take me, Lagma. I'm all yours." Ibinuka ko ang mga bisig at tinawanan ito.

Biglang bumukas ang pinto kasunod ang mga yabag. And then a powerful but familiar voice echoed inside the room.

"Touch even a strand of her hair and I swear you'll never make it out of this room alive, Lagma."

Mariin akong pumikit nang marinig ang boses ni Maverick. How could he ruin such a perfect moment for me?

Naramdaman ko ang mahigpit na hawak nito sa braso ko. "Let's go, Femella."

Buong pwersa kong tinabig ang kamay nito palayo. "Wag kang makialam dito, Fuentebella. I'm still not yet done negotiating."

"Well I say you are! Come on!" Hinagilap uli niya ang kamay ko pero mabilis akong umatras at matalim itong tiningnan.

"Stop getting involved. Wala kang karapatan."

Pain and rejection crossed his but I pretended like I never saw them. Ibinalik ko ang pokus kay Lagma na nakaupo na ulit.

"Ano na? What do you say?" tanong ko rito.

"Femella!" sigaw ni Maverick pero hindi ko siya pinansin. Ibinuhos ko ang buong atensiyon kay Lagma.

"Call. Kailan ang gusto mong palitan?"

Nakahinga ako nang maluwag. "Bukas na bukas din."

Tumango si Lagma at kinuha ang cellphone. Pero bago pa nito iyon tuluyang mailapit sa tenga ay isang putok ng baril ang umalingawngaw sa lugar. The phone was shattered into pieces. Nanlalaki ang mga matang bumaling ako kay Maverick na napakadilim na ang mukha habang hawak ang umuusok pang baril.

"Do that and I'll give the last will and testament of my father to Butch," mapanganib na banta nito. "Surely you wouldn't want to be on my wrong side, right Lagma?"

Ibinigay nito ang baril kay Jex na agad na ibinigay naman sa isang tauhan na nasa likod nito.

"Matutuloy ang palitan bukas, Lagma Rey. The testament of my father and Femella's sister will be duly exchanged tomorrow."

Iyon lang at basta na lang niya akong hinila palabas. Nadaanan pa namin si Rowald na nakasandal sa pader at nakatuon ang tingin kay Jex.

Kahit gulat at takot pa dahil sa mga nangyari ay napansin ko pa rin kung gaano karaming tauhan ang dinala ni Maverick. The men were lined in the hallway like soldiers in an operation. Tuluy-tuloy na nilampasan namin sila hanggang sa marating namin ang elevator. Sa parking lot ay may ilang van pa ang nakaantabay.

Hindi ko magawang magsalita kahit na noong pwersahan niya akong isinakay sa likod ng sasakyan. He didn't drive. Si Jex ang nasa harap ng driver's seat.

I was reeling from the mishaps of today when the car stopped outside his hotel. Madilim ang mukha na binuksan ni Maverick ang pinto sa side ko at inilahad ang palad sa akin.

I swallowed my fear and accepted his hand. Muntik ko nang bawiin ang kamay dahil sa higpit nang pagkakahawak nito. We didn't ride the elevator. Dinala niya ako sa isang function room sa first floor ng hotel. After closing the door, he faced me with those fiery eyes again.

"Speak."

Sa halip na ipakita ang takot ko ay mas pinili kong magpanggap na matapang. Alam ko namang mangyayari ito kaya bakit ko pa patagagalin.

Waiting for abominable to happen is more ruthless than the abominable itself.

"May kailangan pa ba akong ipaliwanag? You heard all of them. Kailangan ko pa bang isa-isahin?" Nagtaas ako ng tingin dito kaya kitang-kita ko kung paano nagliyab ang mga mata nito sa sinabi ko.

"After everything Fem? Hindi mo pa rin ako mapagkakatiwalaan? If you want your sister back, you could have asked for my help! Bakit pa sa kaniya?"

"I've already asked you Maverick but you refused to help me."

"Just give me time! Hindi madali ang hinihingi mo. Alaala ng ama ko at katinuan ko ang nakasalalay dito. But even before this, I've started investigating. Why can't you wait for another weeks?" Hinarap siya nito nang may buong panghihinakit ang mukha.

"I can't wait for you anymore. Ayoko nang maghintay. Sawa na ako. This is it. Please, see the reason, Maverick," pagsusumamo ko rito.

Tumalikod ito at marahas na pinadaan ang kamay sa buhok. "I can't for fuck's sake see any reason about you trading yourself! Paano ako? Paano tayo? Didn't you feel the same way for me, Femella? Hindi mo man lang ba naisip iyon?"

"Sinasabi mo lang iyan dahil may mapagpipilian ka. Ako wala. All my life was dedicated to this." Napahikbi ako. "Napapagod rin ako, Maverick. Hindi ako nakakatulog gabi-gabi dahil palagi ko silang napapanaginipan. Araw-araw, kinakain ako ng konsensiya kasi ako dapat ang nasa posisyon ni Trisha ngayon. Ako dapat ang walang kalayaan ngayon. Parang wala akong karapatang maging masaya. Hindi dapat ako maging masaya kasi may isang taong nagdudusa para sa akin. Naiintindihan mo ba ako?"

Tumalikod ako at pinunasan ang mga luha.

"Hindi mo iyon kasalanan. Wala kayong kasalanan. It's all the fault of that fucking Lagma!"

"Pero wala tayong magagawa. Oo, kasalanan niya ang lahat ng ito. Kriminal siya, kidnapper. Oo iyon na siya't lahat lahat. But what can I do? Ordinaryo na lang akong tao. I can't do anything other than what I did earlier."

Hinawakan niya ako sa mga balikat para iharap dito. "That's why I'm helping you. I'm here for you. My men are already in the field. Kapag hindi tumupad bukas si Lagma sa usapan ay ako na ang makakalaban niya."

Pinalis ko ang kaniyang kamay at dumistansiya. Suddenly I felt so cold. "In expense for what? Ibibigay mo ang last will and testament sa mamamatay na taong iyon? That's against the will of your father. Masasayang ang legacy na pinaghirapan ng ama mo. You don't want that and certainly, your mother wouldn't want that. Pwede mo rin akong pakasalan then you assumed the leadership of the group and then get my sister back. Pero anong mangyayari pagkatapos? You will hate me. Because of helping me, you will become the person you hated so much. We'll part ways and then we will both become miserable. Hindi ko iyan gustong mangyari sa ating dalawa, Maverick. Our memories together are the most precious thing in my entire life. So let me be."

He smiled bitterly. "How about me? Do you think I'll be happy knowing that I lost the chance of being with you?"

"Madali lang akong kalimutan. It's not like we've been for years already. Time does heal everything."

"If time heals everything then why are you here? You're here because you're still hurting. That's a fact. Sometimes wounds are too deep, it never heals." Pumalatak ito at umupo sa gilid ng mesa. Iniiwas ko ang tingin para hindi ko makita ang sakit sa kaniyang mukha. "Wala ka talagang tiwala sa akin na magagawan ko 'to ng paraan? You do realized I just did right?"

"Nandito naman din tayo then let me tell you about your past. How yours was connected with mine. How that freaking accident you're talking about is the same accident Trisha is involved." Tumayo ito at itinaas ang isang palad sa akin para patigilin ako. I bit my lips to prevent a cry from escaping. "See? Hindi mo nga ako kayang pakinggan. How can you question my trust to you if you couldn't give it to me too?"

"Because you lied to me! All along you knew me. You even have the plan of using me. Siyempre magdududa talaga ako sa iyo."

Tuluyan na akong napaiyak.

"Then why would you help me?" sa mahinang tinig ay tanong ko rito. "Why would you still put up with me if you know I'm a liar?"

"Because I love you!" he erupted. "I care for you. Kahit minsan naiisip ko na binibilog mo lang ang ulo ko, still I keep on believing about us. I still believe there is still a future for us Femella. Kaya hindi ako makapaniwala sa ginawa mo kanina. Bakit parang kay dali lang sa iyo na itapon ang lahat nang pinagsamahan natin? Why does it feel like you'll leave me at any instant? Ako lang ba ang nagmamahal sa ating dalawa? Tell me."

Humagulhol na ako ng iyak. I never thought his confession would become as ugly as this. "Alam mo na ang sagot diyan, Maverick. But I can't let it blurred my mission. I c-can't love you."

Dinig ko ang marahas na paghinga nito na para bang nagpipigil lang itong mambalibag ng gamit. Matagal muna bago ito kumibo.

"Why?" he asked in a whisper as if  he's asking himself rather than asking me.

"Malalaman mo bukas ang sagot."

"I'm insulted at how little you think on what I can do, Femella. You put so little of your faith on someone who is willing to do everything for you."

Hindi na ako sumagot pa. Itinuon ko ang nanlalabong tingin sa marmol na sahig. Wala akong lakas ng loob na magtaas ng tingin.

"Paano ba tayo nakarating dito? We were so happy the last time," he muttered. "I never thought that happiness could be this volatile."

Pumikit ako at hinayaan ang mga luhang mag-unahan sa pagtulo. Hindi ako nagdilat kahit narinig ko ang pagbukas-sara ng pinto.

Unti-unting pinanawan ako ng lakas at parang nauupos na kandila na napaluhod ako sa sahig. Itinakip ko ang kamay sa bibig at pinawalan ang hagulhol.

"I'm sorry, Mav. I'm sorry."

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.