Chapter 41

Taas ang mga kilay at naglalaro ang pekeng ngiti sa mga labi na sinalubong ko si Trisha. Nakahinga ako nang maluwag nang makitang nasa maayos itong kondisyon. In fact, she got a lot better than I remembered her years ago. Mukhang alagang-alaga nga ito ni Lagma dahil hindi maipagkakamali ang maganda nitong kutis, buhok, at mamahaling suot.

Sino ang mag-aakalang kinidnap ito? Para nga lang itong kababalik lang mula sa isang out of the country vacation.

Tiningnan niya ako nang matalim nang huminto ako sa harap niya.

"I see that you look well," ani ko at pinasadahan ito ng tingin mula ulo hanggang paa.

Gumanti ito ng paghagod sa kabuuan ko. "Bakit ngayon mo lang ako nailabas? Walong taon, Femella! Walong taon mo akong pinabayaan! Buti naman at naisip mo pang gumawa ng paraan. Akala ko mabubulok na ako sa loob," inis na saad nito.

I crossed my arms and gave her a bored look. "Hindi ka pa rin nagbabago. Try harder, Trisha. Act some more. Come on, kulang pa ang acting mo! Yakapin mo naman ako. Didn't you miss me? Aren't you thankful? Sino ba naman kasi ang maniniwalang pinabayaan ka ni Lagma? That man is so into you so I think and I presumed that he made your life in his cute little prison a paradise."

Bumalasik ang anyo nito. "At hindi ka pa rin nagbabago. Tulad ka pa rin ng dati na walang pakialam sa nararamdaman ng iba. Ang insensitive mo pa rin. Porke bat ganito ang suot ko ay wala na akong karapatang masaktan para sa walong taon na nasayang sa buhay ko?"

Naantig ako sa sinabi niya pero hindi ko ipinahalata. I have to keep this facade no matter what. "Sino ba ang nagsabing ikaw lang ang nagdusa? Both of us suffered, Trisha. Pareho lang tayo kaya wala kang karapatang sumbatan ako. Bakit ka pa kasi sumama kay Maverick nang gabing iyon eh di sana ako ang nakuha nila at hindi ikaw."

Napanganga ito at nangilid ang mga luha sa mga mata. "Talaga, Femella? Ako pa talaga ang may kasalanan? Bakit kasi ganiyan ang dugo mo?" balik nito sa akin.

"Wow!" I exclaimed. "This is going petty. Buti na lang talaga napakabait ko para magmakaawa at i-blackmail ang boyfriend mo na hindi ka na maalala na tulungan ako para makalaya ka kasi wala talagang balak ang letseng Lagma na iyan na bitawan ka."

Namula ang mukha nito at agad na rumehistro ang pangungulila. "Si Maverick? Saan siya? Kasama mo ba siya?" sunud-sunod na tanong nito.

Ikiniling ko ang ulo kung saan narororon ang binata. Sinundan ito ng tingin ni Trisha at bumakas ang pananabik sa mukha nito. Akmang tatakbo na ito sa direksiyon ni Maverick pero bigla ko siyang pinigilan sa braso. Nagtatakang tiningnan niya ako.

Matagal kong tinitigan ang mukha ni Trisha. Hindi maipagkakamaling magkamukha kami maliban na lang sa iilang striking differences. Inosente ang mukha nito while mine is sophisticated. Bagay na madalas niyang kainggitan noon. She wanted to be me and to look like me. Marami ang nagsasabing gabi at umaga ang kaibahan namin. I say we're  not as different as they said. Mula noon hanggang ngayon, iisang tao ang pareho naming minamahal.

Ito ang pagkakapareho naming dalawa.

Right now I'm looking at a total stranger. Mas lumala pa ang gap namin kaysa noon dahil sa pagkakalayo namin. I don't see any hint that this is my sister. I feel  nothing at all while looking at her face.

Hinaplos ko ang kaniyang pisngi at binigyan ito ng tipid na ngiti.

"Tumatanggap ako ng pasasalamat kung di mo naitatanong. Pero kahit hindi mo ibigay sa akin iyon, masaya pa rin akong tuluyan ka nang nakalaya. Your freedom means my freedom too." Tinapik ko siya sa balikat. "As we go on our separate roads, live your life from now. Go, get your man."

Natigilan ito sa sinabi ko pero agad ding nakahuma at itinaas ang mukha sa akin. "Bakit ka lang ngayon humingi ng tulong mula sa kaniya. Bakit hindi pa noon? Alam kong gagawa si Maverick ng paraan kapag nalaman niya ang nangyari sa akin."

I smirked. Pinapamukha talaga niya sa akin ang relasyon nila. "You really wanna go there huh. Well, sister hindi ako santa. Tao lang din ako. Ang pagkawala mo ay isang magandang bagay para sa akin noon. Late ko lang na na-realize na trip ko pa lang magpaka-hero at sagipin ang distress princess that needs my saving."

Ilang segundo muna niya akong tinitigan para kumpirmahin kung seryoso ba ako sa mga pinagsasabi. "Salamat," banggit nito at tumakbo na papunta kay Maverick. Huminga ako nang malalim at itinaas ang tingin. Nagtama ang mga mata namin ni Lagma na nasa loob ng helicopter. He is wearing his mask again.

Nilingon ko ang magkayakap na pareha. Nahuli ni Maverick ang tingin kaya ibinalik ko uli ang tingin kay Lagma na nagpalipat-lipat ang tingin sa akin at sa pareha.

Nginisihan ko si Lagma bago tuluyang lumisan sa lugar na iyon. I can't for the human in me forgive the guy. I will forever curse him into pieces for ruining us.

Agad na pinaharurot palayo ni Dave ang sasakyan pagsakay ko. Hindi na ako nag-abalang lumingon pa.

This is the end of my eight-year suffering. Panahon na para pagtuunan ko naman ang buhay ko kesehodang parang napakaimposible nang bumalik pa sa dati ang lahat. Malubhang sugatan na ako sa laban. Kaunting tulak na lang, maghihingalo na ako.

Nabunutan na ako ng isang napakalaking tinik sa dibdib. Sa wakas natapos din. Ang hindi ko lang napaghandaan ay ang pagtubo ng isa pang tinik sa loob.

Masakit. Napakasakit. Parang pinipiga ang puso ko sa sobrang sakit. Parang may libo-libong karayom ang tumutusok sa puso ko ngayon. Seeing them together like they were meant for each other hits different. It reduces me into a mere intermediary, a spectator who has finally delivered the princess to her prince.

Ako iyong wicked twin sister na nahulog sa walang maalalang Prince Charming na nakalaang pakasalan ang princess. In the end, I have my redeeming factor and brought the two to their happy ever after.

Kinagat ko ang dila para pigilan ang pagtakas ng hagulhol pero hinayaan ko lang ang malalaking butil ng luha sa pagtulo.

I needed them to fall for me to rise from this horrible pain.

Masaya naman ako. Sobrang saya ko dahil napalaya ko na si Trisha. I fulfilled my promise to my parents. Hindi lang halata pero gustung-gusto ko siyang yakapin kanina pero pinigilan ko ang sarili nang makita ang pagkamuhi na nakabalatay sa mukha nito.

I thought it's better this way. Her thinking the worst in me. She can think all the bad things about me. Dahil ako iyong pinili nina mama, na ako ang nagtamasa nang maginhawang buhay, at na dapat ako ang nagdusa sa loob ng walong taon at hindi siya. Heck, she should add that I slept and fell in love with her boyfriend because that's true as hell.

Pero hindi niya malalaman na sa kabila ng lahat ng iyon ay ang katotohanang palagi lang akong nasa anino niya. Sa pagmamahal at atensiyon ng mga magulang namin at sa puso ni Maverick.

"Okay ka lang?"

Hindi ko pinansin ang tanong ni Dave at tumingin sa labas nang umaandar na sasakyan. Tumahimik naman ito at hindi na nagsalita.

Nang biglang nagpreno si Dave dahilan para muntik na akong sumubsob sa harap ng car seat. May nag-cut sa harapan namin na sasakyan. Lumabas ang may-ari nito at madilim ang mukhang kinatok ang salamin ng kotse. Pinunasan ko muna ang mukha bago bumaba ng kotse para harapin si Rowald.

Naniningkit ang mga mata nito sa galit. Nagbuga muna ito ng hangin bago pinameywangan ako.

"Duwag ka pa rin hanggang ngayon. Bakit hindi mo siya ipinaglaban? I thought time has toughened you?"

"Indeed. But so does it let me see the other side. Sometimes, it's better to keep it to myself." Sumandal ako sa kotse para balansehin ang sarili.

"It's never right, Femella. You're twisting everything. Sino ka ba para magdesisyon kay Maverick?"

"Really? Nanggaling pa talaga sa iyo, Rowald ano? Alam ko namang tinutulungan mo lang ako para magamit mo ako para makumbinsi mo si Maverick na kunin ang posisyon sa grupo. Obviously you failed and now Lagma has the leadership. Talo ka kaya hindi ko maintindihan kung bakit mo pa ako kinukumbinsi ngayon. Let's stop this. Do your part. Be with him all the time. I better go."

Binuksan ko ang pinto ng kotse.

"Hindi ako ang kailangan niya."

Napahigpit ang hawak ko sa pinto. "Wala akong pakialam."

"Running again?"

"No, not anymore," anas ko. "This time I'm here to stay... away from them."

Pumasok ako sa kotse at inutusan ni Dave na lumarga na. Humantong kami sa pad ni Vida. Isang doorbell  pa lang ay bumukas na ang pinto.

Niyakap ko agad si Vida at umiyak sa balikat nito. Nakakaunawang hinagod niya ako sa likod at inalalayan ako papasok sa sala. Umupo kami sa sofa at pinunasan niya ang luha ko. Si Dave ay nasa bungad ng pinto at nakatingin lang sa amin.

"Gusto mong pag-usapan?" mahina nitong untag sa pananahimik ko.

Umiling ako. "Hindi. Gusto kong mapag-isa."

Matagal muna bago niya ako sinagot. "Sure. May aasikasuhin din ako sa La Vida."

Tumayo ito at inakay palabas si Dave. Pagkapinid ng pinto ay muling bumuhos ang luha ko. Hindi ko na pinigil ang tinig at parang batang iniyakap ko ang braso sa sarili. Napahiga ako sa sofa habang sige ang pagluha.

Pumikit ako at hinayaan ang sariling alalahanin ang nakaraan sa huling pagkakataon bago ko tuluyang isara ang kabanatang ito ng buhay ko.

Tumutulo ang tubig mula sa buong katawan ko papunta sa sahig nang pumasok ako sa katamtamang laki na kwarto na pinagsasaluhan naming dalawa ni Trisha. Galing ako sa batis para maglunoy na naman. Simula nang payagan ako nila mama at papa na manatili muna dito sa Sta. Barbara sa pangangalaga ni Manay Letty ay araw-araw na akong nagpupunta sa batis para maligo.

Unang kita ko pa lang sa ilog ay nabighani na ako sa ganda nito. Walang panama ang Olympic size swimming pool namin sa mansion sa natural at napakaganda nitong view. It's like a place straight out from a jungle story. Literal itong nasa loob ng kagubatan na kasama sa property na binili nila mama. Ang tubig ay nagmumula sa talon na nasa di-kalayuan. Dito ko nahanap ang isa pang sanctuary ko. Ang isa ay nasa Monte Vega, ang lugar kung saan naghahari ang pamilya namin, ang Alcantara clan. May tago rin kaming lugar doon sa gubat na paborito naming magpipinsan.

Kumunot ang noo ko nang makita si Trisha na naghahalungkat sa mga dala kong maleta na nasa kama ko pa. I didn't have the time yet to transfer them into the closet.

"What are you doing?"

Napalingon ito sa akin sapo  ang dibdib at nanlalaki ang mga mata. Pagkuwan ay bumalik sa pagiging guarded ang expression nito.

"You want to borrow my clothes? You like my style? Sure, pumili ka lang diyan. Ang baduy din kasi ng mga binibili mong damit. I know mom's been sending you your allowance so why the hell are you buying those freakin horrible shirts and jeans?" Inabot ko ang tuwalya na nakasabit sa rack at tinuyo ang buhok.

"Kailangan mo ba talagang insultihin ako? Pwede mo namang sabihin sa maayos na paraan. Tingnan mo nga ang ginawa mo sa sahig. Kakatapos ko lang iyang linisan," sita niya sa akin. Bumalik ito sa pagkakalkal sa maleta.

Balewalang kumuha ako ng damit at nagtungo sa banyo para magbihis. Paglabas ko ay nasa harap na ng salamin si Trisha at isinusukat ang isang mini black dress ko. Umupo ako sa kama at kinuha ang skincare pouch ko.

"Where are you going? Is there like a party in a small town like this?" Isinaksak ko ang hair blower sa socket at sinimulang tuyuin ang mga buhok.

"Meron akong date with my boyfriend," sagot nito at umikot-ikot para sipatin ang sarili sa salamin.

Natigil ako sa ginagawa at ibinuhos dito ang atensiyon. "Boyfriend? Hello? We're still fifteen for Pete's sake Trisha. Hindi pa tayo pwedeng magkarelasyon. The clan forbids it, don't you know that? We're too young for that!"

Inirapan niya ako mula sa reflection nito. "Baka nakakalimutan mong hindi ako kasali sa pamilya niyo. Hindi ako parte ng mga Alcantara. Dala ko ang apelyido ni Nanang," tukoy nito kay Manay Letty. "Ibig sabihin, labas ako sa mga walang kuwenta niyong rules. Kung naaawa ka pa rin sa akin, eh di exchange tayo ng buhay."

"You know that's impossible. Who is he? How old is he? Baka pedophile iyan."

Hinubad nito ang suot at sunod na isinukat ang Valentino purple dress ko which I bought from Europe from the recent trip.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.