Chapter Chapter:63

"Akala ko magtatagal ka pa dun? bakit parang nagmamadali ka yata umuwi. How's work?"Tanong ko pero bat ganun ang lapad naman yata ng mga ngiti niya habang pinagmamasdan ako. Pero infairness pina kilig niya ako today.

Kinuha ni Angelo ang isang kamay ko at kaagad na lumuhod, sa harapan ko. Na nagpabilis naman ng kaba sa dibdib ko.

"Marry me Kath. I promise to love you until we grow old."

"Wait, are you serious? Tell me is this a prank or am I dreaming?"

"I know you're scared, dahil ilang beses kanang nasaktan at iniwan

. Pero trust me hindi ko gagawin yung ginawa nila sayo."

"I'm speechless."

"Then silence means yes?"He chuckled so I raised my brows.

"Well...I guess then. I love you."

Kath pov...

Angelo and I are now engaged. I hope siya na talaga ang huling lalaking aalokin ako ng kasal, at hindi ako sasaktan. He save my life at utang ko sa kanya 'yung buhay ko ngayon.

And I'm also thankful, dahil tinuring niya talaga si Sebastian na totoong anak niya. Unlike Max na hindi man lang nagpaka ama sa anak ko.

End of pov...

"Congrats, you deserve a better man like Angelo."

Tila ba nakakaramdam ako ng saya sa sinabing yun ni Tristan. Kaya napaupo ako sa tabi niya at malawak na ngitian ito."Thank you Tris, those words means a lot to me. Sana nga siya nang huli kong mamahalin. Nakakapagod na rin, masaktan ng paulit-ulit."

Austin pov...

Kararating lang namin ni Kassandra galing states. At isang buwan na lang manganganak na siya. Bigla ko nalang naramdaman na mahal ko na pala siya. kaya nakabuo kami ng isang supling.

At ngayon nga ay magkasama kaming dalawa ni Max sa isang bar just to sip some Vodka, pang pa antok lang naman. We have driver waiting for us at the car. Mahirap kasi mag drive kapag lasing ka. Anyways naging close ko na rin si Max.

And about Kath, ay wala na akong naging balita sa kanya. She disappeared after the wedding. Malaki yung naging kasalanan ko sa kanya at sobrang akong nagsisisi sa ginawa kung yun.

End of pov...

News alert...

Isang sikat na Fashion designer na si Katharine Gossen, at Businessman na si Angelo Suarez ay engage na, ngunit wala pang exact date kung kailan gaganapin ang kasal. Tiara Abellar nagbabalita.

Halos malalag yung basong hawak naming dalawa ni Max. Dahil sa balitang nakita namin."Kath..."

"Call Ziggy and tell him to come here! we need to talk to him about this."I told Max. Kaagad naman nitong sinunod yung sinabi ko para tawagan si Ziggy.

"Bro I need to ask you something. So you better come here."Bungad na sabi ni Max. Kailan pa siya dumating ng pilipinas? we're still friends despite of everything, pero mas pabor pa rin ako kay Kath. Hindi dahil kaibigan siya ng asawa kong si Elana. Kundi dahil alam kung mabait siya at walang kasalanan. Thankful naman ako sa asawa ko dahil naiintindihan niya. Na hindi kailangan kaaway ko rin ang kaaway niya.

"I need to meet them. Is it okay?"I ask Elana mahirap na kasi kapag siya yung nagalit.

"Sure, pero dapat magtira ka para pauwi. Nakakapagod kayang mag taxi para sunduin ka at ipagdrive ka pauwi ng bahay ang ingay-ingay mo pa naman."Pumayag nga ang dami namang sermon.

"Galit ka ba? kasi kung galit ka. Hindi na lang ako aalis."Pinipilit kung tumulo yung luha ko, para naman makonsensya siya, pero shit! Ang hirap pala umiyak lalo na't hindi ka artista noh?

"Stop your acting in front of me Ziggy! hindi bagay kung wala namang tumutulong luha dyan sa mga mata mo. Tsaka hindi ako galit I'm just reminding you, ganyan kita ka mahal."

Ayie! Kinilig naman ako sa sinabi niyang yun. Kaya hindi ko maiwasang yakapin at bigyan ito ng matatamis na halik bago ako umalis."I love you Wife! alis mo na si Husband mo ha? don't worry pagbalik ko gagawa agad tayo ng baby. Para naman may maglalaro na dito sa bahay."

Muntik ko ng mabuga sa bibig ko ang iniinom kong gatas dahil sa sinabing yun ni Ziggy. Kung sa bagay anong oras ba ng makapag handa ako? Shit! napakagat nalang ako ng labi ko sa naisip kung yun. Naku landi layuan mo ako ha!

"Gago! umalis ka na nga! Kinikilabutan ako dyan sa mga pinagsasabi mo eh."Inis na si Elana nyan. Kaya mabilis na akong tumakbo palabas ng bahay namin.

"Shane, you see the news. Kath is back."I ask my wife.

"I know. Ako nang bahala, mabuti narin yun. ikakasal narin naman si Austin, at buntis na rin si Kassandra. Kaya hindi niya na magugulo ang anak natin."Sagot ko kay Noah.

"You're right, and she's engage to a rich businessman now."Ani Noah at pagkatapos ay nilagay na sa plato yung popcorn mag movie marathon kasi kami ngayon. Dahil bukas ng gabi flight na naman namin papuntang Bangkok for a business meeting.

"Nandito na ako. Ano yung itatanong niyo sakin?"Tanong ni Ziggy pagdating kaagad nito sa bar.

"Bakit di mo sinabi, na dumating na siya at ikakasal na pala siya?"Nakataas kilay na tanong ni Austin. Kaya napa buntong hininga nalang muna ako. Ng bigla namang nagtanong din itong si Max. Pakialam ba nila? eh puro taken narin naman sila at pareho nilang sinayang si Kath.

"And kailangan yung kasal. At sino yung Angelo na yun, saan sila nagkakilala?"Ani Max.

"Isa-isang tanong lang okay? Nakakaloka kayo. Last week lang siya dumating. Si Angelo naman ay kanina lang din dumating, at nag proposed sa kanya. Pero 2 years narin yung naging relationship nila at siya narin ang kinikilalang ama ni Sebastian ngayon."

"Wait...How is he?"

Napataas ako ng kilay sa tanong ni Max. Si Angelo kaya yung kinakamusta niya?"He's okay, Angelo is okay sobrang mahal niya si Kath,. Mabait, mabait din sya."Para tuloy kaming nasa isang talk show ngayon, at ako ang nasa hotseat.

"Gago! I'm asking you about my son."Halos makita na yung ugat ni Max sa bulyaw niyang yun.

''Sorry na, makasigaw naman ito galit agad, ayosin mo kasi yung tanong mo?''

''Alangan namang tumawa ako Ziggy. Eh di para na akong tanga non?''

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.