Elana Pov…
Di ko mapigilan ang hindi ngumiti ng makita ko si Kath naka matching outfit with Angelo and Sebastian. They look like a happy family, sa bagay nakikita ko naman sa kilos at kung paano tratuhin ng tama ni Angelo ang best friend kong si Kath, na kailanman di ko nakitang ginawa sa kanya ni Max.
Ang lahat naman may rason kung bakit nangyayari ang mga bagay na 'to, minsan kapag mahal mo ang isang tao, hindi ka naman mahal nito. At kapag mahal mo namana ng taong 'yun, ay hindi ka naman mahal nito.
Kaya swertahan nalang talaga sa mundong ito, kapag mahal niyo ang isat-isa. Like me, maswerte ako dahil mahal ako ni Ziggy, kahit dati hindi niya ako gusto, ako pa nga ang nagpumilit sa kanya para magustuhan niya lang ako.
Pero tila nag-iba ang ihip ng hangin pag gising ko parang aso na si Ziggy na habol ng habol at naka buntot na sa akin. Nakakatawang mang sabihin pero 'yan ang totoo.
End of pov…
"I'm happy to see you two again."Ngiting sabi ko kay Kath.
"I'm so happy to see you also. Happy birthday."I said, I'm so happy to see Elana smiling. Akala ko dati walang forever para sa kanilang dalawa ni Ziggy, pero nagkamali ako kasi napaka solid ng relasyon nilang dalawa. Ako nga lang yata ang naging malas sa pag-ibig no'n, pero yung pagiging malas ko no'n ay napalitan naman ng tunay na pagmamahal.
"Siya nga pala this is my best friend Ethan and his girlfriend Belle, I'm sure you know her. Kahit ako nga at first nabigla din kasi ang liit lang talaga ng mundo."Sambit ko kay Elana, nakita ko rin ang pagkabigla sa mukha niya. Agad din naman siyang ngumiti, at nakipag kamay si Belle sa kanya.
"It's nice to see you again, And I'm sorry."Hinging patawad ko sa kanila, but I'm happy when they accept my sorry at sabay nila akong niyakap.
"Sorry accepted, happy ako na ikaw ang naging boyfriend ng kaibigan ni Kath, at masaya ako na makita kang masaya. Siguro ito na rin yung way ni God para mas lalo ka pa naming makilala. At maging kaibigan narin namin. Right?"
"Yes, your right asawa ko."Ani Ziggy at kaagad na niyakap si Elana.
"Hali na kayo kakain na tayo!"Sigaw ng ina ni Elana na si Ms Luciana at ng Mommy Daisy ni Ziggy. Habang nasa tabi naman nila sila Tito Xavier at Felix ang pogi at ang ganda pa rin nila, di halata sa edad nila na 50 years old na sila.
"We're here!"Sigaw ko kaya napalingon silang lahat.
"Uy! Max. Ikaw pala tamang-tama at kakain na."Ani Ziggy.
"Happy birthday."Bati ko kay Elana at agad na inabot ang gift ko sa kanya.
"Thanks, Max. Nag-abala ka pa."
"Hi, Seb. Ang laki muna, At ang gwapo pa."Nakangiting sabi ko sa anak ko, pero tumingin lang siya sa akin. Ang laki niya na at kahawig na kahawig ko talaga siya.
"Seb, let's go."
"Okay po Mommy!"
Ng makita naming suminyas na si Ziggy at Tristan sa amin ni Elana ay tumayo na kami agad." We're pregnant!"Sabay na sigaw namin ni Summer.
"Really?"Di makapaniwala na tanong ni Mrs Luciana sa kanila habang naluluha dahil sa kagalakan.
"It's true mom! You're going to be a grandma now."Ani Elana sa Mommy niya.
"Ma! Magiging lola ka na…"Ani Ziggy kay Mrs Daisy.
"Bakit Ziggy. Mukha na ba akong lola sa paningin mo?"Muntik ko nang maiboga ang juice sa bibig ko, sa sagot ni Mom. Iniinis ko lang naman siya. Pero sa totoo lang parang bagets parin si Mom at dad walang kupas ang ganda niya at ang kagwapuhan ni dad, pati narin ang parents ni Elana.
"Can we talk for a moment?"Napalingon ako bigla ng magsalita si Kira.
"About what?" I ask her, pagkatapos ay nauna na itong maglakad sa akin papunta sa swimming pool.
"Do you still love Max?"Sabay lagay ko ng phone sa bulsa ko.
"Ano bang klase ng tanong yan! Mag isip ka nga alam mo namang matagal na kaming hiwalay ni Max, at ikakasal narin ako kay Anglo. Kaya pwede ba tumigil ka na?"
"Nagtatanong lang ako kaya wag kang magalit. Basta ito tatandaan mo sa oras na agawin mo siya sa akin. Pagpasensyahan na lang tayo!"
"Bakit are you going to kill me again and my son? Akala mo ba di ko alam ang ginawa mo sa akin. Naging tahimik lang ako Kira. Pero hindi ako tanga na madaling mauto katulad ng dati. Tandaan mo yan! Kaya kitang saktan at ipakulong sa ginawa mo sa akin no'n, pero dahil ina ako at ina kana rin kaya pinalampas ko lahat ng yun. Pero sa oras na gawin mo ulit sa akin yun, mag kapatawaran na lang tayo. Dahil lalaban na ako sayo kahit patayan!" Yes alam kona lahat ng ginawa niya sa akin, pero isa nalang ang kailangan kung patunayan ko siya pa rin ba ang bumangga sa akin ng araw na magkikita sana kami ni Austin or baka kasabwat lang siya ni Kassandra no'n.
Hindi ako agad naka imik, at pinigilan ang sarili kong wag ipahalata sa kanya na takot ako."Ano naman ngayon? You deserve all of that! Kulang pa nga yun eh!"
"Paano mo nagawa sa akin 'yun? Kaibigan kita Kira!"
"Dahil deserve mo yun! Deserve mong mawala sa landas naming dalawa ni Max. Saka isa pa, kahit minsan hindi kita itinuturing na kaibigan. Dahil kahati kita kay Max! At nung sinabi mo sa kanya na buntis ka, pinagbataan niya ako na kapag sinaktan kita iiwan niya ako!"
Max Pov…
Napa hinto ako at nagtago ng nakita kong kausap ni Kira si Kath, narinig ko rin lahat ng pinag-usapan nila. At dahil sa takot ko na baka sabihin niya kay Kath, na kinukunsinti ko ang ginawa niyang yun, ay natakot ako at agad na tinawag si Kira.
Dahil hindi pa ito ang tamang panahon na malaman ni Kath yun. Dahil gusto kong ako ang magsabi sa kanya no'n para humingi ng tawad.
End of pov…
"Kira! Let's go. Kanina pa kita hinahanap nandito ka lang pala?"Pag-iiba ko ng usapan.
"Kath! Are you alright? Umiyak ka ba?"Tanong ni Angelo sa akin.
"I'm okay, let's go. Baka kasi hinahanap na tayo nila Elana at Summer."