Kira Pov...
Dahil sa galit ko'y naisipan kung ilabas ang lahat ng sama ng loob ko sa isang bar, dito sa resort na tinutuluyan namin ni Max. Nakakainis lang talaga ang malaman na hanggang ngayon, ay mahal niya pa rin ang babaeng 'yun. Kahit paulit-ulit kunang ginawa na mawala sa landas namin ang babaeng yun. Pero hanggang ngayon nandito pa rin siya at hindi natitinag. Kaya sa susunod na may gagawin ako sa kanya sinisiguro ko talagang tuluyan na siyang mawawala sa landas naming dalawa ng asawa ko. Dahil akin lang si Max! Ako lang ang may karapatan na mahalin siya at hindi ang babaeng yun!
At dahil nga boring kapag mag-isa lang ako, ay dapat damay damay nato kaya mabilis kung kinuha ang phone ko sa bulsa at agad na tinawagan si Kassandra, para simulan ang mga magiging plano naming dalawa kay Kath.
Nagising ako dahil sa ingay ng phone ko, At ng tingnan ko ang caller I'd ay si Kira, ano na naman kaya ang kailangan niya sa akin?"Hello Kira? Do you know what time it is?"Walang ganang kung sabi.
"Of course I know! And listen. Gusto ko puntahan mo agad ako dito ngayon. Text ko na lang sayo kung nasaan ako."Kako kay Kassandra. And I'm sure sasabihan na naman niya na hindi siya makakapunta dahil takot siya na magalit sa kanya si Austin.
"I'm sorry pero bawal akong lumabas ngayon, pagod din ako. Alam mo naman na kakatapos lang ng kasal namin kanina diba? hayaan mo naman kaming makapag honeymoon."I said.
Napataas ako ng kilay dahil sa sagot ni Kassandra."Lahat naman tayo pagod eh, kahit nga ako pagod na pagod na din dahil sa babaeng yun. Di nyo narin naman kailangan mag honeymoon kasi gabi-gabi nyo namang ginagawa yan ni Austin kaya nga nagkaroon kayo ng isang Zian."
"Pero... Kira, ayaw ko kasing magising si Austin na wala ako sa tabi nila ni Baby Zian, dahil baka magalit siya at baka hanapin ako ng anak ko."
"Basta hihintayin kita dito!"Sabay off kung ng phone kay Kassandra. Sigh! Kung sana katulad lang din ni Austin si Max I'm sure wala na sana akong problema ngayon.
Kath Pov...
Ang sarap na sana ng tulog ko ngunit nagising ako dahil sa ingay ng anak ko at ng daddy Angelo niya, they're whispering, kung sino ang gigising sa akin, sa kanilang dalawa haha, laugh trip. Pero masaya ako kasi ang saya nilang pakinggan as in para siyang masayang tunog sa tenga ko.
Kailan man di ko inaasahan na may isang Angelo, na darating sa buhay ko't mamahalin ako, ng walang hinihinging kapalit. Mabait talaga ang Diyos, kasi kahit pangalawang beses na akong nasaktan ay totoo pala talagang may taong darating na para sayo kapag ipinagkaloob niya na ito. Kaya hindi ko pinagsisihan ang mga nangyari sa akin nun, kasi nagkaroon ako ng isang anak at yun ay si Sebastian, kahit man hindi kami nag tuluyan ng ama niya ay nandyan naman si Angelo para punan ang lahat ng pagkukulang ng ama niya sa anak ko.
"Wake her up dad. Go go!"Pag checheer ng anak ko sa kanya kulang na nga lang pom poms at banner eh.
"Bukas nalang kaya, ang himbing na kasi ng tulog ng mommy Kath mo."Sambit ni Angelo sa anak ko.
"Sayang naman yung surprise mo sa kanya dad."Ani Sebastian kaya tumayo na ako sa likod ni Angelo at suminyas sa anak ko na wag siyang maingay dahil gugulatin ko ang dad niya.
Gigising ko na sana si Kath ng biglang may yumakap sa likod ko kaya mabilis akong umikot para humarap sa kanya."You surprise me. And thank you sa mahigpit na yakap."
"Alam mo ba na kanina pa ako nagising dahil sa ingay niyong dalawa, And I heard may surprise ka sa akin. Di ba Seb?"I said at saka binalingan ng tingin ang anak ko.
"Yes mom! I helped him nga po e' di ba po dad?"
Napa kamot naman ng ulo si Angelo habang nakatingin sa aming dalawa ng anak ko."Oo, nakakahiya nga kay Sebastian eh."
"Umm... Para san ba ang surprise na ito? Don't tell me mag propropsed ka ulit di ba ikakasal na tayo next month?"
Hinawakan ni Angelo ang kabilang kamay ko, habang inaakay din nito si Sebastian pababa ng hagdan."Let's go downstairs muna."
"Kira... Bakit mo ba ako pinapunta dito?"
"Para pag-usapan ang tungkol sa plano natin kay Kath."Seryosong sabi ko kay Kassandra. Na kina bigla naman nito.
"Bakit ba hindi nalang tayo magbago? ikakasal na siya kay Angelo. Na sayo na din naman si Max, at masaya na din ako na minahal ako ni Austin, at may anak na rin kami. Kaya gusto ko nang magbago para sa mag-ama ko."
"Magbago! nahihibang ka na ba sa tingin mo mamahalin ka pa rin niya kapag nalaman nya ang ginawa mo Kath? Mag-isip ka nga! Wag puro puso ang pairalin mo Kassandra kundi Utak!"Mahinang pitik niya sa noo ni Kassandra.
Napaisip naman si Kassandra sa sinabing 'yun sa kanya ni Kira. Kaya kahit gustuhin niyang magbago at hindi tulungan si Kira ay hindi pwede. Dahil sa takot niya na baka mag sumbong ito kay Austin sa ginawa niya nuon kay Kath.
"Fine! Pero sana naman hindi tayo sumabit dahil dito."Seryosong sabi ko kay Kira. At agad na lumabas ng bar.
"Surprise!"Angelo said.
"Anong meron? Hindi ko naman birthday ngayon."Kako
"Nothing I just want to surprise my soon be wife. Dahil habang buhay kung ipaparananas sayo ang ganito. At never kitang paiiyakin. That's my promise to you, I love you so much, Wife."
Sa sinabing 'yun ni Angelo ay mabilis ko siyang niyakap ng mahigpit. I really love and appreciate this man from the begining. Up to now. My feelings for him has never change."I love you too, Thank you so much."
"Yehey!"Sabay naman kaming napalingon dahil sa pagsigaw at pagtatalon ni Sebastian dahil sa tuwa.
"Saan ka galing?"Pagpasok ko sa loob ay boses agad ni Austin ang bumungad sa'kin.
"Ah, ano dyan lang. Hindi kasi ako makatulog, nagising si Zian?"Pag-iiba ko ng usapan.
"Hindi naman, are you hungry?"Tanong ni Austin.
"Medyo, Tara kain tayo ulit."I said at pagkatapos ay sabay kaming nagpunta sa kusina to eat a ramen.