Chapter Chapter: 78

“Congrats on your wedding, Kath. I'm so happy for you.”Nakangiting sabi ni Ms Ferrer. At pagkatapos at niyakap ko siya ng mahigpit, bilang pasasalamat ko sa kanya, at sa mga naitulong niya sa akin simula noon at hanggang ngayon. She never treated me na iba, instead ay itinuturing niya akong tunay niyang anak. Binuo niya ang mga pagkukulang ng mga magulang ko na hindi nila nagampanan. And right now seeing her genuinely happy with his lovey dovey ay wala na akong hihilingin pa. Kundi ang maging masaya kaming lahat.

“Thanks po.”I said.

“We're here!” Sabay na sigaw nina Ziggy at Tristan, habang inaalayan nila ang mga kaibigan ko na sina Summer at Elana dahil masilan kasi ang pagbubuntis nilang dalawa. Bigla din akong nilapitan ni Manang Anding at may mahina itong binulong sa tenga ko.

“Na'y nangita nimo sa gawas nga babaye.”Aniya at pagkatapos at umalis na si Manang dahil kailangan niya ng matapos ayosan ng tuxedo si Seb.

Mabilis din akong nagpunta sa garden para puntahan ang babaeng gusto akong kausapin at ng humarap na ito sa akin ay nakilala ko agad na siya si Kassandra. Kaya bigla sumagi sa isipan ko kung anong kailangan niya at kung bakit nagpunta siya dito sa bahay sa mismong araw pa talaga ng kasal namin Austin. “Kassandra?”

“Yes. It's me, Kath. I'm sorry kung nakakaistorbo ako sayo ngayon. But I just want to say to you, na mag ingat ka. I can't tell you all the details dahil malalagot ako kay Kira. At hindi na din kaya ng konsensya ko. Basta I came here to warn you. Dahil may masama siyang binabalak sayo and I need to help her. Kailangan na ipakita ko sa kanya na tinutulungan ko siya. Kasi kung hindi ko gagawin yun she will tell Austin, what I did to you five years ago. Ako ang bumangga sayo, Binagga kita Kath. Nung time na magkikita sana kayong dalawa sa Starbucks para magtanan and I'm sorry for that. I know Hindi mo pa ako mapapatawad sa ngayon at naiintindihan ko yun. Mahal na mahal ko lang talaga si Austin, kaya nagawa ko yun, kahit alam kung mali ang ginawa kung yun sayo dahil muntik ka nang mamatay nuon. Kaya for her not to tell him about this ay kailangan tulungan ko siya. Kasi gusto ko na ako magsabi kay Austin, tungkol sa ginawa ko sayo. At sana lang talaga ay mapatawad niya din ako. Kasi gusto ko na talagang mag bago at mamuhay ng masaya kasama si Austin at ang anak namin na si Zian.” Seryosong sambit ni Kira, habang nakatingin sa mga mata ko. So I also look straight into her eyes. At tipid din akong ngumiti sa kanya. I know mahirap magpatawad lalo na't grabi ang ginawa ng tao sayo. But for her to come here to tell me everything what she have done to me ay napaka bravo niya para sabihin ang lahat ng kasalanan niya. Kaya sino ba naman ako para hindi magpatawad di ba? And she also said ba kaya niya din ito ginawa ay dahil gusto niya ng magbago para kay Austin sa anak nila na si Zian. And I also hope Austin will forgive her also.

“I know it's hard to forgive you. But I forgive. Kasi inamin mo naman ang pagkakamali mong nagawa mo sa akin. At sana lang talaga magbago kana, at umiwas ka na sa mga gunong gusto ipagawa ni Kira, sayo. At wag mo din sayangin ang pagmamahal ni Austin sayo. And I hope he will forgive you. Hangad ko ang maging masaya ka kasama ang pamilya mo.”Sabi ko, at isang mahigpit na yakap ang ginawad namin namin sa isat-isa ni Kassandra bago siya umalis.

"Hey, kanina ka pa namin hinahanap sa loob, dahil aayosan ka na daw ng make artists mo."Ani Elana.

"Naka ready nadin ang wedding gown na susuotin mo. Congrats ha. Hanggad ko ang kaligayahan niyong dalawa ni Angelo."Sabay yakap naman ni Summer sa akin.

"Mabuti naman at pinayagan kayong maglakad na mag-isa ni Ziggy at Tristan."Kako at naglakad na kasama sila papasok sa loob ng bahay.

"Actually tumakas lang din kami ni Elana, sa mga asawa namin na mas sobrang strict pa sa parents namin. Todo bantay kasi, kulang na nga lang paligoan na nila kami eh."Ani Summer, at dun nga ay nakita kong sabay na tumatakbo sina Ziggy at Tristan sa direksyon naming tatlo.

"Mahal naman! Muntik na akong mabaliw sa kakahanap sayo, nandito ka lang pala? Alam mo naman na masilan ang pagbubuntis mo kaya nga kita sinasamahan at hindi hinahayaang maglakad ng mag-isa na hindi ako kasama."Nakita ko ang pagkainis sa mukha ni Tristan ng sabihin niya yun kay Summer. Ito namang si Summer patawa tawa lang kasi alam niyang under sa kanya si Tristan.

"Kaya ko naman ang sarili ko mahal, hindi naman ako makikipag habolan. Hinahanap na din kasi itong Kath ng make up artists niya. Kaya naisipan namin ni Elana na hanapin siya."Tumango-tango naman si Elana na kinainis ni Ziggy.

"Hay naku' dinamay mo pa talaga pati ang asawa ko. Alam mo naman bawal mapagod yan eh. At isa pa clumsy yan."Ani Ziggy kay Summer.

"Natural isasama ko yan, pinsan ko yan eh. Sino ba gusto mong isama ko? Itong si Tristan. Eh kung makahawak sa akin ay parang linta ayaw na akong bitawan. Nakakahiya kaya yun masyado niya akong binibaby."

"Tara na nga sa loob. Dahil baka ma late tayo sa wedding ko."Birong sabi ko sa kanila.

Pagpasok ko sa loob ay naupo na kaming tatlo sa vanity mirror. Patakbo namang lumapit sa akin si Seb para ibigay sa akin phone ko. Gusto daw kasi akong kausapin ng daddy Angelo niya.

"Hey, napatawag ka?"

"I just miss you. Can't wait to walk you in the aisle. I love you so much wife."

"I love you too, see you soon. And I can't wait also."

"Congras bro!" Sabay na sigaw nina Ziggy at Tristan.

"Tell them I said thank you."Ani Angelo at pagkatapos ay binaba na niya ang phone.

"Angelo, said thank you."

"Are you ready? Don't tell me nagbago na ang isip mo na tulungan ako umayos ka Kassandra. Kung ayaw mong sabihin ko kay Austin ang ginawa mo kay Kath nuon."Pananakot ni Kira.

"May sinabi ba akong nagbago ang isip ko wala naman di ba? Nagagalit ka naman agad may iniisip nga lang ako."

"Great! Mabuti na yung nagkakaintindihan tayong dalawa."

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.