Chapter 80
''Bantayan nyong mabuti yan! huwag ninyong hayaan na makawala.''Narinig kong malakas na sigaw ni Kira, sa mga tauhan niya. Sabay namang tumango ang tatlo at agad na tinali ang mga kamay at paa ni Angelo, at nilagyan din nila ng tape ang bibig nito upang hindi makasigaw.
Nilapitan ko naman yung tatlo at sinabing wag diinan ang pagkakatali nila sa kanya dahil baka magkapasa ito at magkasugat '' Wag nyo lang masyadong diinan ang pagtali nyo sa kanya, dahil baka magka pasa at mag kasugat yan. Lagot talaga tayo kay Kath, kapag nagkataon.
Tumingkad naman ang dalawang tenga ni Kira, saka inis itong napatingin sa akin ''Don't tell me that you're scared of that Bitch?''
Umiiling naman ako sa kanya bilang pagtanggi''Hindi ah! bakit naman ako matatakot sa babaeng iyon. Ang akin lang naman ay baka masaktan natin siya di ba kikidnapin lang naman natin siya at itatago para hindi na sila muling magkita na dalawa at yun ang magiging dahilan upang lalo natin siyang masaktan.
''You're right. And I have an idea kung paano natin siya mas lalong masasaktan.''Sabay tawa na malakas nito sa harapan ko. Na curious naman ako kaya tinanong ko agad kung anong ang idea na sinasabi niya.
''Anong idea naman yan? baka sumablay na naman tayo dahil dyan. I'm sure sa presento na talaga tayo pupulitin niyan. Alalahanin mo Kira, I have a son, kaya ayaw kong makulong dahil baka yun pa ang maging dahilan para hindi ko makasama ang mag-ama ko.''Kako at naupo muna sandali habang nakatuon ang atensyon ko kay Angelo at sa tatlong nakabantay sa kanya.
“Don't worry dahil siguraduhin ko na talaga na sa gagawin natin na ito ay hindi na tayo sasablay. Kaya relax ka lang okay? And make sure to keep this as a secret.”Aniya pagkatapos ay lumabas na ito para sagutin ang taong tumatawag sa cellphone nito.
“Nasaan ka?”Bungad na tanong ko kay Kira, kasi gusto ko na siyang umuwi sa bahay kaya ang ginawa ko na lang na rason ay ang anak namin. Para kasi akong nagdududa na may kinalaman siya kaya hindi na tuloy ang kasal ni Kath at ni Angelo. Alam ko na dapat maging masaya ako dahil sa nangyari pero ayaw ko rin naman na gawin niya ulit ang ginawa niya kay Kath, noon. Alam ko rin na hindi niya ako mapapatawad kapag nalaman niya na may alam ako sa pagkawala ng isang kambal na anak niya. Pero kahit ganun pa man ay tatanggapin ko ang lahat ng galit niya hanggang sa mapatawad niya ako.
“May pinuntahan lang kaming dalawa ni Kassandra. Bakit ka pala tumawag?”Pabalik na tanong naman niya sa akin.
“Tumawag ako para sabihin sayo na umuwi kana. Dahil kanina ka pa hinahanap ng anak natin. At may kailangan din akong i’tanong sayo.”
"Sige, sige uuwi na kami ni Kassandra."
"Mag coffee ka muna, pansin ko kasi na kanina pa malalim ang iniisip mo e. Anyways you can talk to me. And I'm sorry about what happened dahil wala man lang akong nagawa para matulungan si Angelo. Kung sana sinamahan na lang namin siya kanina sa sasakyan siguro hindi siya nakidnap at masaya sana kayong dalawa na kinakasal ngayon."Dama ko ang lungkot sa boses ni Tristan, habang sinasabi niya yun.
Tipid akong ngumiti sa kanya saka tumingala sa taas kung saan tanaw ko ang makulimlim na kalangitan na tila ba sumasabay din ito sa nararamdaman ko ngayon. I miss Angelo so much at sana ligtas siya kung nasaan man siya ngayon. Dahil hindi ko alam anong gagawin ko kapag may nangyaring masama sa kanya. "Thank you for the coffee Tris. And please lang wag kang mag sorry kasi wala ka namang kasalanan sa nangyari e."
"Ayaw ko na kasi na nakikita kang nasasaktan. Pero alam ko na pagsubok lang ang lahat ng ito para sa inyo. Kaya tatagan mo lang ang sarili mo dahil alam kung kakayanin mo ang lahat ng ito."Ani Tristan pagkatapos ay sabay naming ininom ang coffee namin.
"Don't worry dahil kakayanin ko ang lahat ng ito para sa anak ko at kay Angelo at sa inyong lahat na hanggang ngayon ay hindi ako iniiwan."
“Ganyan nga Kath, kaya laban lang okay? Dahil nandito lang kami na handang tumulong sayo.”Ani Tristan.
“Maiwan na muna kita dito ha? Nag text na kasi si Summer at sinabing bumalik na daw ako sa kwarto namin. I'm sure mababatokan na naman ako ng babaeng yun kapag hindi ako sumunod sa gusto niya.”Sabay malakas na tawa nito na maypa kamot pa sa kanyang ulo halatang nahihiya kasi pagdating talaga kay Summer ay takot siya. Kaya ayaw niya itong pinaghihintay ng matagal.
"Sige na bilis munang puntahan si Summer, dahil iba pa naman yun kapag nagalit kasi ng babatok." Kako at tumayo narin para pumasok sa loob ng bahay. At doon nga ay nakita ko si Manang at si Mrs Ferrer na nag-uusap habang si Sebastian naman ay nakita kong mahimbing ng natutulog sa sofa.
"Hindi ka rin ba makatulog?"Tanong ni Mrs Ferrer
Tumango naman ako sa kanya "Yes, po e."
"Tibayan mo lang ang loob mo dahil may awa ang nasa itaas. Kaya kayanin mo lang itong lahat ng pagsubok na naranasan mo ngayon."Ani Ms Ferrer saka niyakap ako at marahang hinihimas ang likod ko para pakalmahin ako.
"Titibayan ko po ang loob ko para sa anak ko at sa inyong lahat na nagmamahal sa akin. Lalo na rin po sa fiance ko na si Angelo."Seryoso kong sabi at pagkatapos ay kumalas na sa pagyakap kay Ms Ferrer.
"Basta naa rami ni Mrs Ferrer nga andam mo tabang sa imoha."Ani Manang at talagang nag angat pa ito ng kanyang kamao na ikanatawa naman naming tatlo.
"Mabuti pa Kath ay dalhin mo na ito si Seb sa kwarto niya at matulog ka na rin dahil alam kung pagod ka. Kaya sige na umakyat ka na." Tumango naman ako at dahan-dahan na binuhat ang anak ko paakyat sa taas.
"Saan ka galing bakit ang tagal mo naman yatang bumalik?"Narinig kong sigaw ni Summer kay Tristan pag akyat ko sa taas dahil magkalapit lang kasi ang kwarto namin sa guest rooms. Hay naku Tristan talaga ang dali lang naman sanang sabihin na nag-usap kaming dalawa kaya matagal siyang nakabalik sa kwarto nila ni Summer.
"Mahal naman galit agad. Wag mo naman akong sigawan I'm sorry na okay?"
"Sagutin mo kasi ang tanong ko. Saan ka galing bakit ngayon lang kasi?"
"Nag-usap lang kami ni Kath sa may garden. I just want to make sure na okay lang siya at para sabihin sa kanya na kakayanin niya ang lahat ng pagsubok na nangyayari sa buhay niya ngayon."Malungkot na sabi nito. Kaya hindi ko maiwasan ang pagpatak ng mga luha ko sa mga mata. I'm so blessed to have them as my friend. Pero hindi lang kaibigan ang turingan naming lahat kundi parang isang pamilya. Na kailangan man hindi ko naranasan kay mom kasi sa mga panahon na kailangan ko siya ay itinakwil niya ako bilang anak niya.
"Mom, are you crying?"Seb ask sabay punas nito sa magkabilang pisngi ko.
"No anak. Napuwing lang ako kaya ako napaluha. Haid na kita sa room mo."Tinangoan naman ako ni Seb ng may pag aalinlangan.
“Don't lie to me mom, because I know your hurting just have fate in him.” Napangiti na lang ako sa naging tugon ng anak ko.