Chapter 25

Someone's POV

Kasasampa palamang ng mga paa ni rachell sa ikalawang palapag ng pabrikang kanina lamang ay tinitignan niya lamang at habang nakaharap pa din sa bintanang pinagmulan kung saan siya tahasan umagyat kahit na tila parang masisira ito sa bawat hakbang niya sa makalawang na hagdan na paniguradong isang maling hakbang niya lang ay maaari siyang mapahamak dito maliban sa mataas ito may mga basag pang salamin na naiwan sa bintanang kanyang pinasukan kaya napaka laki ng pag iingat niya habang ginagawa ang trabaho.

natigilan siya ng may maramdaman mula sa likod "Wag kang gagalaw!" Mahina ngunit may boses ng pag babanta saad ng tao mula sa likod niya. Naramdaman niya ang nguso ng baril nito na nakatutok sa tagiliran niya. Hindi siya gumalaw ng dahil sa takot na baka makalabit nito ng gatilyo ng baril at baka maputukan nito ng baril ang kangyang tagiliran.

Tila bigla siyang nawala sa sarili ng maramdaman ito. "Sh*t my baby." Sa isip isip na saad niya syaka dahan dahan napapikit taas kamay na pumikit siya ng napaka diin matapos ay muli niya itong dinilat at buong lakas niyang pinagana ang isip at lakas para makatakas at malihis niya ang nguso ng baril na nakatutok sa tagiliran niya hindi siya papayag na saktan nito ang anak niya o ang mapahamak ito.

Bumuntong hininga muna siya bago buong lakas na pumihit paharap dito "sabing wag kang gagalaw e!" Banta ng lalaki at mas lalo nitong itinutok ang baril sa kanya.

"Sino ka? Bakit andito ka? Anong pakay mo dito?" Sunod sunod na tanong nito habang nakatutok pa din saakin ang baril nito, napaka sama ng tingin na pinupukol nito saakin at ano mang oras nitong naisin ay maaari nitong kalabitin ang gatilyo ng baril na nakatutuk sa kanya.

Walang salitang nilapitan ko ito at inakit, pinaawa ko ang mukha ko at marahan kong hinawakan ang nguso ng baril pati na rin ang magaspang nitong mukha at tila bahagya itong nawala sa sarili at nanginginig ang kamay na binitawan nito ang baril at ibinigay saakin. Para itong asong ulol na umamo sa kanya at sa isang iglap lang ay napapasunod na niya ito.

Mas lalo ko pang nilapit ang sarili ko dito ng makita ko nakukuha ko na ang loob nito at siyaka bumulong sa tenga nito na tila nang aakit. " do you want me to..." nang aakit na Bulong ko dito habang dahan dahan hinahaplos haplos ko ang balikat at pisnge nito pababa. napalunok ito ng dumampi ng bahagya ang labi ko sa tenga nito.

Sayang may itsura sana kaso tanga. Ang mga lalaki talaga pag dating sa libog at desire nararamdaman nila para sa isang babae, napaka dali nilang matukso, iilan nalang ata ang lalaking matino.

Oh god forgive me sa mga pinag gagawa ko. Asa naman ang lalaking to na ibibigay ko ang sarili ko sa kanya. Iisang lalaki lang ang pag bibibigyan ko ng sarili ko at yun ang ama ng mga anak ko.

Inilapit din nito ang mukha sa tenga ko at bumulong " gustong gusto." Saad nito saakin tila namamadali ito at sobrang sabik na sabik " gustong gusto kitang patayin." Dagdag pa nito sabay hablot sa baril nito saakin at muling itinutok saakin. Yun ang akala ko " Anong akala mo saakin papaloko ako sa pang aakit mo miss? Hahaha ulol! at hindi ako ganun kahina para maakit sa mga pang aakit mo miss so sino ka? Anong pakay mo dito? anong purpose ng pagpunta mo dito?!"

Hindi ko alam kung nakakailang mura na ako sa sarili ko ng maagaw nito ang baril nito mula saakin at natuod nalang ako ng muli akong tutukan nito ng baril. Wala akong ibang iniisip kundi ang anak ko hindi ako pwedeng ma baril dito ng ganito kadali.

sasagutin ko sana ito sa pamamagitan ng pag sipa sa baril nito ng makarinig kami ng sunod sunod na putok ng baril maya maya na naging dahilan upang mawala ang atensyon nito saakin kinuha ko ang pag kakataon ito para malapitan ko ito, mabilis na siniko ko ang mukha nito at mabilis inagaw ko ang baril na hawak nito. matalas ang matang siniko kong muli ang mukha nito at tinuhod ko ang maselang parte ng katawan nito at mabilis kong binaril ang tuhod at pulso nito ng mag tangka itong may kukunin mula sa likod nito. Humiyaw ito sa sobrang sakit dahil sa tinamo nito mula saakin baliwalang iniwan ko ito at maingat na pumasok sa loob may mas importante pa akong kailangan gawin kesa ang sayangin ang oras ko sa lalaking ito.

Hindi pa ako nakakapasok ng tuluyan ay may taong pumigil muli saakin. Hinawakan nito ang balikat ko at akma akong susuntukin sa sikmura ng walang pag dadalawang isip na hinawakan ko ang kamay nito at pinilipit ang braso nito syaka ako humarap dito para sana sapakin ito pero natigilan ako ng makilala ko kung sino ang taong to.

"Kevin." Sa isip isip ko saad.

"F*ck pag babayaran mo ginawa mo saakin." Daing nito syaka nito mabilis na hinawakan ang kamay ko ng makakawala ang mga braso nito mula sa pag kakapilipit ko dito at mabilis na pinatalikod ako nito dito habang ang mga kamay ko ay hawak nito mula sa likod "sh*t" daing ko ng maramdaman ko ang sakit ng pagkapilipit ng braso ko sa likod sabayan pa ang pag sandal niya saakin sa pader at ang pag dagan nito saakin sa pader "sh*t pag may nagyari talaga sa baby ko dahil sa mga pinag gagawa niya sasapakin ko talaga siya sa mukha at hindi ako titigil hanggat di ko siya nakikitamg nag mamakaawa, nakakailang kasalanan na siya saakin bwisit!" Sa isip isip ko saad habang mariin ang pag kakapikit ng mga mata ko.

"Sino ka? Kasamahan mo ba ang mga babaeng yun!" Sigaw nito saakin habang tinutukoy ang mga babaeng kasamahan ko na kasalukuyang nakikipag laban sa mga kasamahan nito. Hindi ko din siya masisisi kung di niya ako makikilala talagang di niya ako makikila dahil bukod sa nakahood at nakasombrero ako naka maskara pa ako.

"Sagot!" Sigaw nito sabay diin muli saakin sa pader napadaing ako dahil sa ginawa nito. Sa sobrang inis at galit ko sa pinag gagawa niya saakin ngayon madiin At May galit kong inapakan ang mga paa nito dahilan para pakawalan niya ako.

"F*ck! you bitch!" Daing nito. " I'm." Taas kilay kong saad tila natigilan ito ng marinig ang boses ko.

Mabilis na tinuhod ko ito at sasapakin na sana ang mukha nito nang may panyong biglang nalang tumakip sa labi at ilong ko na may kakaibang amoy na tila hinihila ako upang makatulog. Nanlaban muna ako bago ako nawalan ng malay at bumagsak sa bisig ng taong nasa harap ko.

Kevin POV

"Okay ka lang ba bro?" Tanong ng kapatid niya matapos busalan ng panyo na may pampatulog ang babaeng kanina lamang ay kanyang nakasagupa. Para itong lalaki kung gumalaw.

"F*ck y*u mukha bang okay ako!"namimilipit sa sakit na saad niya. Hirap siyang gumalaw bukod sa masakit ang pagitan ng hita niya ay salo salo niya pa ang babaeng nawalan ng malay dahil sa ginawa ng kanyang kapatid.

"Bakit ba ngayon ka lang? Diba sinabi ko sayo na sundan mo ako agad agad?" Kunot noo pa din saad niya. Hirap sa pag galaw dahil sa Kirot na nararamdaman niya sa pagitan ng hita niya at sa babaeng buhat alalay niya.

"Sorry, ang daming nakaharang sa dadaanan ko e kaya ayun natalagan pasalamat ka nga naabutan pa kita at palagi akong may dalang pampatulog e kundi, di lang si manoy ang basag baka pati mukha mo basag na din." Saad nito sabay tawa.

"Sige tawa pa, mukha mo ang babasagin ko pag di ka pa tumigil sa kakatawa!" Kunot noong sigaw niya sa kapatid. Hindi natutuwa sa pag bibiro nito.

"To naman di mabiro." nang hahabang ngusong saad ng kapatid niya. “ akang susuntukin niya ito ng umilag ito “ Ano nanaman ba yun?” Reklamo nito na sinamaan niya lang ng tingin.

"Tulungan mo ko dito dali." Saad niya siyaka siya umakmang bubuhatin ang babae ngunit di niya magawa dahil sa sakit na nararamdaman niya sa pagitan ng hita niya.

Tumalima naman ito at tinulungan siyang buhatin ang babaeng napaka pamilyar ng amoy pati na ang tunog ng boses nito pinilit niyang iwaksi ito dahil alam niyang hindi papasok ang asawa sa ganitong trabaho. Kilala niya ang asawa niya matapang ito pero hindi nito nanaisin sumasok sa ganitong trabaho.

Sa sobrang pag ka curious niya dahan dahan niyang binaba ang hood nito at siyaka niya sinunod na tanggalin ang maskarang humararang sa mukha nito upang makilala niya kung sino ito bago nila ito buhatin upang dalhin sa kanilang hide out kung saan nila inilalagay ang lahat ng mga babaeng tauhan ng kanilang kalaban upang pilitin pag salitain at pahirapan.

Laking gulat nilang mag kapatid ng makilala kung sino ito.

"Rachell?" Gulat bulong niya habang kunot noong nakatitig sa maamong mukha ng asawa napaka himbing ng tulog mula sa naamoy nito.

"Sh*t" gulat na mura din saad ng kapatid ng makita at makilala kung sino ito.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.