Chapter 50

"Hey chubi! (bitch)" bati sa kanya ni Heather paglabas niya ng kusina. She is stirring something in a pot.

"Wow! I didn't know witches do their potion early in the morning. It's barely 7 AM." inis na sabi ni Stacey.

Natawa ang kasambahay nilang si Amy habang nagliligpit ng ibang kalat ni Heather.

"AMY!" saway nito.

Stacey just shook her head. Inunahan na niya ang kapatid sa pagiging sarcastic. Wala siya sa mood dahil halos hindi siya nakatulog sa kakaisip sa sitwasyon nila ni Nick.

He said that he will pick her up at 7 AM. Kahit kung ano-ano ang sinabi niya dito kagabi, she wants to be with him today. She made sure that she looks presentable .Kailangan niyang mag-lagay ng concealer under her eyes to hide the dark circles under them.

"Hmm..I guess you are the queen of the witches cause you look as if you couldn't sleep a wink last night. Too busy doing tons of love potion for Nick?" ganti nito.

Before she can retort, umeksena si Amy.

"Naku mam Heather! Hindi kailangan ni ate ganda ang gayuma. Type na type kaya siya ni sir pogi. Bagay na bagay sila!" kinikilig na sabi pa nito habang nagpupunas ng kamay.

"Shut up! My mom should really fire you! You always butt in which is so damn rude and annoying! Make yourself useful! Go and wash my car!" sigaw ni Heather .

"Mam Heather! Naintindihan ko yung fire! Hindi ako sisisantihin ni mam Sofia dahil walang tumagal na maid niyo dahil sayo! It's just me and me only!" sabi nito.

Nang makita na parang susugurin ito ni Heather, "Okay fine mam! Lilinisin ko na ang kotse mo." She said sabay takas nito.

"Didn't I tell you not to flirt with Nick? Ano yung nakita ko kagabi?" galit na tanong ng half-sister niya. She turned off the stove and faced her.

Stacey drank her juice first before answering her. Hind na siya nag-abalang umupo man lang and eat breakfast .She doesn't want to have indigestion cause of her sister's bitchiness.

"Maybe you heard that I apologized to him? Nag-undertime ako without informing him. Kaya huwag mong lakipan ng malisya ang nakita mo." she said.

She has to tell white lies kahit ayaw naman niya sanang magpaliwanag dito. She knows Heather, hindi ito mapipigilan sa pagdada if hahayaan niya lang.

"Talagang sa gitna pa kayo ng kalsada? And bakit hinatid ka pa niya? And why were you wearing his jacket?" sunod-sunod na tanong nito.

"Ano ba yan mga anak? Ang aga-aga naman niyan." biglang pumasok ang mama nila.

She looked at Stacey. "Anak? What is your sister saying?"

"Siya na lang siguro ang tanunging niyo Ma. Mukha namang as usual, she made a big deal out of nothing. Wala din naman nang kwenta ang explanation ko." sabi na lang niya.

"Ate gandaaaaa!" tili ni Amy.

Lihim na nagpasalamat si Stacey sa pagdating ng kasambahay. She doesn't want any of this conversation with her mother and sister. Explaining her side is just going to be a waste of time.

"Andiyan na po ang sundo niyo. Nasa labas."

Biglang kumabog ang dibdib niya.

"Sundo? Asan ang kotse mo anak?" tanong ng mama niya.

She grabbed her bag on the table without looking at Heather. Humalik siya sa ina.

"Naiwan po kina Eve. Mamaya ko na kukunin. Sige po." dali-dali siyang lumabas. Ayaw niyang paghintayin ng matagal si Nick.

"Ate ganda! Sosyal naman ng kotse na susundo sayo! Tapos naka-uniform pa ang driver!" sabi ni Amy bago buksan ang gate.

Nakatayo ang driver sa tabi ng sasakyan.

"Good morning mam Stacey." bati nito.

"Kuya Norman, di po ba sabi ko Stacey na lang?" she reminded him in a friendly tone.

Tumango ang driver. Bago nito binuksan ang kotse nagsalita ulit ito.

"Salamat Stacey, natatandaan mo pa ang pangalan ko."sinabi nito habang nakangiti.

She also smiled. Binuksan nito ang backseat and she was bitterly disappointed ng mapansin na it's empty.

Asan si Nick? Tanong niya sa sarili.

Malungkot siyang sumakay. Akala niya ang boss niya ang susundo sa kanya.

She pouted her lips ng maisip na baka tuluyan na itong nagalit at nawalan ng gana sa sinabi niya.

Pagsakay ng driver, pasimple siyang nagtanong.

"Kuya, si sir Nick po? Hindi ba siya papasok?" she asked in a casual tone.

"Naku ewan ko lang. Basta pinasabi lang sa isa sa mga kasambahay na sunduin daw kita. Before lunch ihahatid ko ang kotse mo sa opisina."sabi nito.

Nagpasalamat na lang siya dito. Nalungkot talaga siya. She was expecting him to pick her up. Gusto pa naman niya itong makausap sana.

***

"Mate! Hindi ka aatend ng meeting niyo? Anong oras na? Pinatawagan ka ni Jim. May tampo pa din sayo pare dahil sa paglipat mo sa kanya ng branch." bungad ni Billy sa telepono.

The latter is still in bed. Wala pa itong tulog. He had been drinking the whole night tapos nilang mag-usap ni Stacey. Buti na lang naalala nito na he is supposed to pick her up this morning. Ibinilin na lang nito kay manang Caring na ang driver na lang ang sumundo.

"Tatawagan ko na lang si Cherry para i-reschedule ang meeting. Sandali lang. I’ll call her now. Huwag mong bababa. I'll put you on hold." he said.

"May problema no? Huhulaaan ko. It's your beautiful graphic designer." commented Billy matapos makausap ni Nick ang sekretarya nito.

He sat on the edge of his bed. He combed his hair with his hand.

"Dammit! I can't understand her! We were okay tapos biglang sasabihin niya that she is having second thoughts!" gigil sa sabi nito.

He hasn't opened up to any of his friends like this. Lalo na never siyang namroblema sa babae before. Ngayon lang.

Billy chuckled. "Dang mate! Yan na nga ba ang sinasabi ko eh! Mukhang masama talaga ang tama mo kay Stacey Ledesma! Sa malas naman kung kelan mukhang na-bull's eye ka parang mababasted ka pa yata! Unbelievable! Nick Alcantara manliligaw tapos mababasted?" he joked.

"Shut up Billy!!" he rasped.

"Mate, cool ka lang .Isipin mo na lang na nakahanap ka na din ng katapat mo .Welcome to the real world Nick Alcantara! Sa mundong ito, normal sa lalake ang mabasted! Maranasan mo man lang kahit minsan!" pang-aalaska pa nito.

"Are you done making fun of my situation?" Nick asked through gritted teeth.

Billy cleared his throat. He felt that his friend sounds annoyed already.

"Kidding aside mate...huwag mong masyadong seryosohin muna ang sinabi ni Stacey. Sa ganda naman kasi niya may karapatan siyang magpakipot. Yun ang mga tipong sinusuyo mate! Dang! Nasaan na ang Nick Alcantara na best buddy ko? Yung habulin ng babae? Masyado ka namang pinanghihinaan ng loob! Sige tuturuan kita kung ano ang gagawin mo.Tignan ko if hindi ka sagutin agad ni Stacey." he said.

***

Stacey chose to work outside Nick's office dahil lalo lang niyang namimiss ito pag nakikita niya ang opisina nito. Naki-share siya ng lamesa kay Cherry. She looked up when the phone on Cherry's table rang. Bumilis ang tibok ng puso niya. She is hoping na si Nick ang tumatawag.

She pretended to be busy sketching habang pasimpleng nakikinig siya sa sinasabi ng sekretarya. Hindi niya masiguro if ito nga ang kausap ni Cherry dahil halos puro yes sir lang ang sagot nito.

Pagkababa nito ng receiver, pinigilan niya ang sarili na magtanong dahil alam naman niya na hindi din ito makakatiis na hindi magsalita.

The secretary made some calls pagkababa ng telepono. Pagkatapos nitong tawagan ang mga aatend sana ng meeting ,nagpangalumbaba muna ito bago nagsalita.

"Napano kaya si sir? Ngayon lang nag-reschedule ng morning meeting eh. May sakit kaya?" kunot noong tanong nito.

Biglang nag-alala si Stacey. "As in ngayon lang? Ano ba ang boses niya? Wala bang sinabi kung papasok? Palagi ba siyang umaabsent? " sunod-sunod na tanong niya.

Parang napahiya siya ng makita na may sumilay na ngiti sa mga labi ni Cherry.

"Wait lang Stace ha?! " itinaas pa nito ang kaliwang kamay to motion her to stop. "Mahina ang kalaban. Isa-isa lang." biro nito.

Yumuko siya and nagumpisang mag-sketch ulit.

"Ikaw ha!" sabi ng sekretarya, sabay hampas ng bahagya sa balikat niya. "Mukhang concern na concern ka kay sir."

Stacey looked at her then tipid na ngumiti.

Ano ba ang sasabihin niya di ba? Kung bakit naman kasi hindi niya napigilan ang sarili na magtanong ng sunod-sunod. She got worried and super miss na talaga niya si Nick.

"Pero sasagutin ko lahat ng tanong mo. Para sa ikakatahimik ng loob mo." biro na naman nito.

Stacey sighed then said, "Please Cherry, huwag mong bigyan ng kulay ang mga tanong ko. Since bago lang ako kaya curious lang talaga ako. Para naman alam ko kung paano ako mag-aadjust kay sir." she tried to make up an excuse.

"Asus! May adjust-adjust ka pang sinasabi! Oo na! Sige na kahit hindi ako kumbinsido, kunwari naniniwala na ako sayo. Pero yung pagpapalipat ni sir sa lamesa mo sa office niya nag-isip na talaga ako ng bonggang-bongga! Kung mali man ang hula ko dati na gf ka ni sir na nagpapanggap lang na empleyada to spy on us, papapatutol ko ang daliri ko pag hindi naging kayo ni sir sooner or later!" tumatango pang sabi nito.

Natutop ni Stacey ang noo. Malamang talagang kumalat ang tsismis sa kanila ni Nick via Cherry. Okay sana ito kaso she is a great gossip.

"Cherry may boyfriend na ako di ba? Tsaka hindi ako tipo ni sir. Gusto lang niya talagang matutukan ang trabaho ko kaya ipinapasok niya ang lamesa ko sa loob." she tried to make Cherry believe her. The last thing she wants is people gossiping about her and Nick Alcantara.

"O sha, sha! Oo na! " ngumiti ito na malapad.

Stacey knows that she is not convinced. Nailing na lang siya. At least she tried.

"So sa sagot sa mga tanong mo, oo, ngayon lang nag-cancel si sir ng meeting sa umaga. Ang boses naman as usual bedroom voice." kinikilig na sabi pa nito. "Wala namang sinabi if papasok o hindi. At hindi na-lalate si sir lalo na nag-aabsent. Kaya nga naninibago ako ngayon." nagbuga pa ito ng hangin habang naiiling. Stacey just pouted.Pero hindi na siya nag-comment.

"Stace! May lakad ka ba?Kanina ka pa tingin ng tingin sa relo mo." tanong ni Cherry habang may hinahanap sa filing cabinet.

She chewed the bottom of her lip. Alas-onse na wala pa si Nick. Hindi naman na tumawag ulit ito. Ayaw naman niyang tawagan ito dala ng hiya.

"Kung gutom ka na sige mauna ka ng kumain. Tapusin ko lang itong mga reply sa email." sabi pa nito bago umupo ulit sa lamesa at hinarap ang computer.

"Hindi na. Busog pa naman ako." mahinang sabi niya.

Ayaw niyang umalis dahil gusto niya pagdating ni Nick, madatnan siya nito. Umaasa siya na papasok pa din ang binata.

"Okay." maiksing sabi ni Cherry .

They continued doing their tasks ng biglang bumukas ang pintuan. Si Cherry ang unang nakakita sa pumasok cause she's facing the door.

Stacey frowned when she saw the secretary's mouth formed an O sound with her eyes wide.

She turned around para tignan kung sino ang dumating. Her heart skipped a beat when she saw the newcomers.

Parang sawang nakapulupot ang mga braso ng kapatid niya sa kanang braso ni Nick. She has a malicious smile on her pretty face while Nick is poker-faced.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.