Chapter 53

She decided to finish her designs for the presentation tomorrow inside Nick's office. Gusto muna niyang iwasan na makausap si Cherry. She knows that Nick's secretary will interrogate her.

After umalis ni Nick, she cried for a few minutes. She is at fault pero hindi naman niya kasi masisi ang sarili. Nick Alcantara is too good to be true. Parang ang hirap talagang mag-sink in na gustong talaga siya nitong maging nobya at hindi lang pang one-night stand.

She was chewing at the tip of her pen ng nakarinig siya ng mahinang katok. Biglang sumilip si Cherry.

"Stace!" bati nito bago pumasok.

She sighed but smiled. Wala na siyang ligtas dito.

"Bigay ng driver ni sir. Bakit nasa kanya ang susi ng kotse mo?Ikaw ha?" tukso nito habang iniiabot ang car keys niya.

Mabilis nag-isip ng idadahilan si Stacey.

"Ikaw talaga. Wala. Kahapon kasi di ba hindi na ako nakabalik? Actually wala kasi diyan sa malapit nung bibilhin ko. So nag-kotse na ako. Kaso ng pabalik na ako, ayaw mag-start. Tinawagan ko si sir. Tapos siya ang nagsabi na ipapakuha na lang sa driver niya para mapaayos. Kaya nag-taxi na lang akong pauwi. Sumakit din kasi ang ulo ko kaya nakiusap ako na hindi na din bumalik dito .Kinuha ni mang Norman kahapon ang susi sa akin. "mahabang palusot niya. She was crossing her fingers under her table na sana maniwala si Cherry.

"Ah..kaya pala!" tila sang-ayon nito. "Eh pano mo naman maipapaliwanag yung kanina? As in grabe! Nakakatakot palang magalit si sir! Pero ang galing talaga! Lalong nakaka-inlab!" kilig na sabi nito na yakap pa ang sarili. Napabuntunghininga na lang si Stacey.

Tumingin ulit ito sa kanya na nakataas pa ang kilay. "Sige nga! Explain that to me.""nakangising sabi nito.

Tumayo siya to look out the window. Tumingin din siya sa relo niya. May dalawang oras na palang wala si Nick. Natanong niya tuloy ang sarili if babalik pa ito sa opisina. Na-sad na naman siya ng maisip na baka hindi na.

"Bastos kasi talaga si Mr.Enriquez. Kahit nung una ko siyang makita sa dating company where ako nagwowork before, nasampal ko na din yan."she admitted.

Lumapit ito sa tabi niya at dumungaw din sa bintana.

"Sabagay Stace! May mga balita nga dati na manyakis yang si sir Jim. Buti na lang hindi ako type .Eh ikaw naman kasi ang ganda-ganda mo! Yan ang disadvantage pag maganda, lapitin ng manyak." sabi nito sabay tawa.

Nailing na lang si Stacey.

"Lahi pala talaga kayo ng magaganda no? Yun pala ang kapatid mo? Ang ganda din kaso mukhang hindi kagandahan ang ugali." komento nito.

"Spoiled kasi yun. Pasensiya ka na if natarayan ka. "hinging paumanhin niya bago bumalik sa lamesa.

"Pero mahirap yan Stace." sabi ni Cherry.

Kunot-noo siyang tumingin sa sekretarya. "Mahirap ang alin?" she asked.

"Mukhang gustong-gusto ng kapatid mo si sir Nick. Malamang mag-away pa kayo niyan dahil sa isang lalaki." she said.

Hanggang sa umalis siya ng opisina ng 5 PM, ni anino ni Nick hindi na niya nakita. Nagdesisyon siya na pumunta sa bar nila Eve at Blake. Lalo lang siyang malulungkot sa bahay. When she got in her car, inilabas niya ang cp.

No missed call kahit message man lang either from Nick or Derick. She sighed. Nainis na naman siya sa sarili niya. Namimiss niya ang dalawa. Kahit sino man lang sana sa kanila makausap niya. Sa Biyernes pa niya pwedeng makasama si Derick. Wednesday pa lang ngayon.

But aminin man niya o hindi, mas gusto sana niyang makausap si Nick. Kasi may kasalanan siya dito

Bahala na! Bulong niya sa sarili.

She will send her boss a message.

To: Nick

Sorry... =(

Kagat ang ibabang labi, sinend niya ito. Then tinry niyang idial ang number ni Derick. Napasimangot siya kasi unattended. Parang kahapon hindi din niya ito nakausap.Wala din itong text. Naiiling na lang na inilabas niya ang kotse sa parking space.

***

"Mate! Sure ka na dito lang tayo? Ayaw mo talagang lumabas?" tanong ni Billy.

Nag-undertime ito sa trabaho dahil tumawag si Nick kanina sa kanya at gusto daw nitong tumambay sa pad niya. Minsan lang mag-aya ng ganun ang kaibigan. Usually sa unit nito sila naglalagi. Sinabi nito sa kanya ang ginawa ni Jim kay Stacey kaya nito nabugbog ang kaibigan nila. Tama lang naman yun lalo't si Stacey pa ang binastos ng manyak nilang kaibigan. Billy knows na hindi papalampasin ni Nick ang nangyari. Pasalamat nga si Jim hindi pa siya nilumpo nito.

"Dito na lang." he said. Masamang-masama pa din ang loob nito sa nangyari kanina. Wala pa din talagang tiwala sa kanya si Stacey.

Umupo ulit si Billy opposite him. Nasa sala sila .Ibinaba nito ang anim pa na chilled beer in can.

"Sensya na mate! Beer lang talaga ang stock ko ngayon." he said.

Tumango lang si Nick.

"Ibang klase talaga si Jim! Grabeng paninira pala ang ginawa sayo sa Stacey mo." palatak ni Billy.

"I think I need to do more effort, if that's possible, to show Stacey na hinding-hindi ko magagawa sa kanya yun." Nick said bago tumungga ulit ng beer.

Kulang na nga lang bugbugin nito lahat ng lalake na titingin sa dalaga so paano naman nitong gagawin ang sinabi ni Jim?

"Basta mate, pag nakabawi ka na sa kanya, yung pinag-usapan natin ha? Pa-miss ka naman!" natatawang sabi ni Billy.

Nick chuckled." I'll try." he said.

Nailing na lang si Billy. Dun naman nito naisip na icheck ang phone niya. May message pala si Stacey more than an hour ago.

He smiled.His woman said sorry.

With satisfaction , he gulped down the remaining beer before calling her. Yun lang ang gusto nitong sabihin ni Stacey..that she's sorry. Okay na okay na si Nick dun. At least narealize na ng dalaga that Jim lied.

"Dang mate! Mukhang nagtext si Stacey mo! Hindi ka man lang ba mag-papamis?" biro ni Billy.

"Fuck off Billy!" natatawang sabi nito as he dials his woman's number.

"Wooot!! Nick Alcantara is in-love!!" hiyaw ni Billy bago lumagok ng beer.

Binato ito ni Nick ng empty beer can. Natatawang sinalo ito ni Billy.

"Hello." Stacey's husky voice answered.

Nick felt his dick reacted.

He really misses her. Balak talaga nitong puntahan ang dalaga ngayon. Anyway he's not drunk and he can still drive.

Kumunot ang noo nito when he heard that there's music on the background and he can hear people talking.

Napatayo ito na ikinagulat ni Billy.

"Where are you?" he asked her tersely.

Uh-oh…he sounds pissed.. sabi ni Stacey sa sarili.

Natuwa pa naman siya na tumawag ito but mukhang galit pa din ito. Lalo itong magagalit pag nalaman na nasa bar siya nila Eve. Sabi pa naman nito bawal ang nightlife pag weekdays. Tapos pinapaiwas pa siya kay Blake. Patay talaga siya.

"STACEY!" galit na tawag ni Nick.

She pouted. Hindi honey ang tawag sa kanya! Lagot na talaga.

She was about to answer nang sumulpot sa likod niya si Blake.

"Miss Hotness, kain muna tayo." he leaned forward. He laid his palms on the table kaya she is in between his muscular arms with tattoos.

"I don't want you getting hungry." biro pa nito as he stares at the right side of her face. Magkalapit ang mukha nila.

Nick felt blood went up his head.

FUCKING HELL! What is she doing with that asshole?!

"Asan ka?!” gigil na gigil na tanong niya habang kunot-noong nakatingin dito si Billy.

Bago sinagot ni Stacey si Nick,s he looked at Blake.

"Sige na susunod na lang ako."sabi niya then itinuro ang phone niya.

Tumaas ang kaliwang kilay ni Blake as if asking who she is talking to. She mouthed, my boss.

Medyo umasim ang mukha nito but nakabawi din agad.

Nakahinga ng maluwag si Stacey when he straightened up.

Sasagutin na sana ni Stacey si Nick but nagulat siya ng biglang yumuko ulit si Blake and said, "Okay babe...don't be too long." before playfully ruffling her hair.

Stacey's eyes widened sa gulat.

"What the fuck..? Babe?!!” Nick rasped.

"N-Nick..he was..." she was about to tell him na nagbibiro lang si Blake.

"Don't you dare leave that fucking place with that asshole! I'll be there!" Nick angrily said before hanging up.

Para siyang tanga na hawak pa din ang telepono niya kahit wala na ang kausap niya.

She angily stood up. Lagot sa kanya si Blake. Sinadya nito talagang galitin si Nick.

"Mate! Saan ka pupunta?" tanong ni Billy when he saw na pagalit na tumayo ang kaibigan at medyo namumula ang mukha at tenga.

"Sa bar!" halos pasigaw na sagot ni Nick as he heads to the door.

"Sama ako!" mabilis na sabi ni Billy.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.