Chapter 55

"WHAT??!!"

He looks incredulous and furious.

His breathing became shallow as he tried very hard to contain his anger.

"P-Please makinig ka muna.Don't be angry." Stacey pleaded.Her eyes wide with fear and worry.

Nahilamos ni Nick ang mukha niya with his hands bago matalim na tumingin ulit sa kanya.

"Your explanation had better be good honey. Because right now..I am ready to blow a fuse.." he said,his nostrils are flaring.

"I will be honest with you. I really like being with you pero may ipapakiusap lang ako." Stacey said.

Hindi niya mabasa ang expression ni Nick. Basta nakatingin lang ito sa kanya. He didn't even say anything to encourage her to go on.

Bumuntung-hininga na lang siya. "Please, can we just have a boss-employee relationship muna? Yung nangyari kanina sa inyo ni Mr.Enriquez, I am sure kalat na yun sa opisina. Lalo tayong pagtsitsismisan." paliwanag niya.

Hindi na niya sinabi na in two days time mag-uusap na sila ni Derick. She doesn't know if papayag itong magpakita na sa kanya. If he will let her see his face on Friday ,kahit mahal din niya si Nick, sasagutin na niya talaga ito. Mas mahihirapan sila ni Nick na putulin ang ugnayan nila pag ipinagpatuloy pa nila ngayon.

Parang wala siyang sinabi. He didn't say anything. Kinuha nito ang telepono and dialed.

"Nick? Narinig mo ba ang sinabi ko?" she asked sulkily but he ignored her.

"Billy? Dalhin mo ang kotse kina Stacey. Ask Eve for directions.Magkita na lang tayo dun." sabi nito sa kaibigan.

Pinaandar na nito ang sasakyan.

"Nick?!" inis na tawag niya.

Ni hindi siya tinapunan ng tingin nito.

"I heard you but as I've said before, wala akong pakialam sa sasabihin ng mga tao. I won't touch or kiss you in public yet dahil ayaw mo." he said casually.

"And what is that supposed to mean?!" Kung hindi lang umaandar ang kotse malamang bumaba na siya sa inis.

He shrugged while driving. "I said yet, dahil may inhibitions ka pa about that .But you are my woman and I like to touch, kiss and make love to you so malamang na hindi ko mapipigilan ang sarili ko not to be demonstrative kahit may ibang tao."

She gasped.

Did he just say that I am his woman? She asked herself.

"I am not your woman Nick! Stop saying that!" inis na sabi niya.

He sighed then glanced at her for a few seconds before focusing on his driving again.

"Don't waste your energy honey. That's a fact. I think I should be stricter dahil look at you, you are acting like a spoiled girlfriend .Hindi porke ikaw ang first girlfriend ko, I will always let you get your way." he said calmly.

"NICK!! This is not funny anymore!" Grabe na talaga ang inis niya.

Napakayabang talaga at sobrang kapal! Mahihiya ang adobe sa tigas ng guwapong mukha ng lalaking ito. She angrily thought.

"If you don't stop yelling honey, I will pull over and kiss you passionately until you calm down. You are almost hysterical." naiiling pa na sabi nito.

She knows that he will do what he said so inis na sumandal na lang siya habang nakahalukipkip.

He smiled secretly when he glanced at his woman.

Naisip nito na yun lang pala ang makakapagpa-kalma kay Stacey niya. Now he knows better.

"What did you eat for dinner honey?" he asked trying to have a small talk .

His question took her by surprise. Hindi pa din siya nasanay sa pagiging bipolar nito. But mas maganda na nga siguro to call a truce. Ayaw din naman niyang nag-aaway sila. Bigla niyang naisip na sana hindi pumayag si Derick na magpakita sa kanya para si Nick na ang maging boyfriend niya. When she realized what she thought, bigla siyang na-guilty.

Kasi naman after nung sinabi ni Nick kaninang umaga, she is now willing to give him a chance. Bahala na si Batman kung luluha man siya ng bato. Ganun naman talaga ang love. Sabi nga nila hindi ka pa talaga nagmahal pag hindi ka pa nasaktan.

Pero gusto niyang panindigan ang sinabi niya sa sarili na si Derick muna. Ito naman ang naka-devirginized sa kanya. She shook her head kasi she is starting to be very fickle .Para naman kasing roller coaster ang nangyayari sa kanya ngayon. Lahat mabilis. Kaya pati isip at emosyon niya hindi na din niya maintindihan.

"Honey?" Nakakunot ang noong tawag sa kanya ni Nick.

"Ewan ko anong luto yun." tipid na sagot niya.

Tumawa ng mahina si Nick. "Never eat something you don't know honey. That could be dangerous." biro nito.

Stacey looked out the window.

"Same with, never enter a relationship with someone you don't really know." tila wala sa loob na sabi niya but Nick heard her clearly.

"Remember what I told you before honey? I want you to get to know the real me." sagot naman nito.

"Ako na ang magpapasok ng kotse mo sa garahe honey." Nick said when they arrived at her house.

She frowned. She knows na nasa bahay na ang mama at kapatid niya. Nasa garahe na ang mga sasakyan ng mga ito.

She doesn't want Nick to meet her mother yet. Hindi pa nga sila nagkakausap ni Derick. Kung si Derick ang magiging nobyo niya, dapat ito ang unang makilala ng ina. Knowing Nick, malamang he'll tell her mother about his intentions.

"Huwag na. Ako na lang mamaya .Hintayin na lang natin si Billy dito." she suggested.

"Baka matagalan pa yun. Besides I want to meet your mother." sagot nito.

"H-Ha? Sa susunod na lang baka nagpapahinga na yun." pagsisinungaling niya.

Nick shrugged. "That's okay honey. Subukan lang natin. Maaga pa naman baka gising pa yun." nakangiting sabi nito.

"Why do you want to meet her?" she asked kahit alam na naman niya ang isasagot nito. She is holding her breath as he looks at her intently before answering.

Hinawakan nito ang kamay niya.

"Para makilala niya ang boyfriend mo." he said while grinning from ear to ear.

Bigla niyang binawi ang kamay niya.

"Tumigil ka na nga Nick! We both know na hindi kita boyfriend so don't tell my mother such a thing!" inis na sabi niya bago tumingin sa labas ng bintana. Naiinis siya sa sarili niya kasi kinilig na naman siya sa sinabi nito.

"Okay. Sasabihin ko na lang na liligawan kita kahit we both know that we are past that stage."

Hinablot siya nito towards him.

"Mmmppp!" protesta ni Stacey.

He kissed her again on the mouth. This time it's a romantic one .Hindi ito ang usual French kiss na ginagawa nila .Ito ang literal na lips to lips..which she actually likes. It's not that she's complaining with their wild kiss. Pero heto yung halik na mas nangingibabaw ang emosyon kesa pagnanasa.

Natural babae siya, mas madalas na gusto ng babae ang mga ganitong tipo ng halik. It expresses passion than lust .More often than not, mga lalake ang gustong -gusto ng French kiss.

There was a tap on the window. Gulat na itinulak ni Stacey palayo si Nick. Amy is standing outside the car.

Inayos ni Stacey ang sarili bago binuksan ang bintana.

"Amy? Bakit nasa labas ka?" tanong niya.

"Ate ganda! " Biglang nanlaki ang mata nito ng makita si Nick na nasa driver's seat.

Nag-beautiful eyes pa ito bago nagsalita ulit. "Ay kasama mo pala si sir pogi .Hi ! Good evening sir pogi." kaway nito kay Nick.

Nilingon ni Stacey si Nick na ngumiti naman kay Amy. Hinampas niya ito sa dibdib when he kissed her quickly on the lips .

"Ayyyyy!"' kilig naman na tili ng kasambahay ng makita ang ginawa ni Nick.

Magsasalita sana si Stacey when Nick said, "Amy pwedeng pakibuksan mo ang gate? Ipapasok ko lang ang kotse ng ate ganda mo?" nakangiting utos nito.

"Ay sure sir pogi! Basta ikaw! Nanginginig pa." sabi nito.

Akala ni Stacey bubuksan na nito ang gate pero bigla itong bumalik.

"Ay ate ganda ! Nga pala..kaya ako nasa labas kasi inutusan ako ng mama mo. Nakita niya kasi na kanina pa dito ang kotse mo pero hindi mo pinapasok." sabi nito bago umalis ulit.

She chewed the bottom of her lip.

"Well at least makakausap ko na ang mama mo about us." Nick said.

"Nick pwede ba na wala ka na munang sasabihin sa mama ko? Basta boss kita okay?" sabi niya.

Hindi siya nito sinagot. Iniatras nito ng kaunti ang kotse para maipasok ng maayos.

She just sighed.

Pagbukas ng gate nila,she gasped.

Nakatayo sa entrance door nila ang mama niya.

Katabi nito si Heather na nag-aapoy sa galit ang mga mata.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.