Chapter 83

"Nommppp!" piglas ni Stacey. Lalo pang hinapit ni Nick ito sa kanya.

The phone rang pero parang walang naririnig si Nick. He coaxed her lips to open.

Stacey frowned a little. Looks like he has been drinking. His breath smells of alcohol. Humina ng humina ang pagpupumiglas niya. Her man is unstoppable anyway. She promised herself na isang minuto lang. Then he better explain kung bakit amoy alak ito.

Her boyfriend really knows how to do French kiss. The sound of their wet tongues lapping and their moans filled the room.

Then they heard a loud knock.

Nick was reluctant to let his woman go but he knows magagalit lalo ito pag may nakakita sa kanila na naghahalikan sa loob ng opisina nito.

Halos kakahiwalay pa lang ng labi nila ng sumilip si Cherry bago pumasok then closed the door.

"Ay..sir..nandito na po si Mr.Borromeo. I tried calling you sa line 1 po but you didn't answer." nahihiyang sabi nito.

Kung hindi lang kasi pinagbilin ng PNMK na boss nito na kailangan nitong makausap si Mr.Borromeo as soon as possible hindi nito iistorbohin ang dalawa. Naisip nito na nag-lalabing-labing kaya hindi sinasagot ang telepono.

Hindi inalis ni Nick ang mga kamay sa mukha ni Stacey but nilingon nito ang sekretarya.

"Sabihin mo bumalik na lang siya." he said to Cherry.

"No! Talk to him now. Lalabas na ako." Stacey said sabay alis ng mga kamay nito sa mukha niya.

"NO! Mag-uusap pa tayo!" lumingon ulit ito sa kanya.

"Alam mong hindi mo dapat pinaghihintay ang kliyente mo." sabi niya as she turned away from him. Nakaka-dalawang hakbang pa lang siya when he grabbed her forearm.

"Dammit honey! We'll talk!" galit na sabi nito.

Cherry looked uncomfortable pero hindi naman ito pwedeng lumabas ng hindi pa sure if papaalisin si Mr.Borromeo or not. Kung saan-saan na nga ito tumitingin para lang iiwas ang mga mata sa boss at kay Stacey. Mukhang may LQ ang dalawa.

"Hindi naman talk ang ginagawa mo eh! At wala na tayong dapat pag-usapan! Sandali pala! Bakit amoy alak ka?" galit na tanong ni Stacey kay Nick.

Naiinis kasi siya dahil nagpadala na naman siya sa damdamin niya. Hayan tuloy nakahalik sa kanya ang mabilis pa sa palos na perv niyang nobyo .Hindi na siya mahihiya kay Cherry tutal alam naman nito na mag-boyfriend na sila.

Nick cursed kaya napangiwi si Cherry.

Ngayon lang nito narinig magmura ang boss nito.

Easy Alcantara..easy.Nick advised himself.

Konting-konti na lang he will blow his top dahil wala pa itong tulog. Dahil hindi pa ito kumain. Puro alak ang laman ng tiyan nito mula pa kagabi and uminom din ito kanina bago umalis. Dahil ayaw na ayaw nito na hindi niya kasama sa condo ang nobya since last night. At ang pinakamatindi is because he is sexually frustrated.

"Ang aga-aga nakainom ka na? Ano na lang ang sasabihin ng mga empleyado mo?" nilingon ni Stacey si Cherry."Please Cherry,atin-atin na lang to ha?" pakiusap niya.

Tumango naman ito.

"I am not drunk! Alam ko ang ginagawa ko! " galit na sabi ni Nick.

"Bakit ka ba kasi uminom? Alam mong papasok ka ngayon!" inis na sabi niya.

"Dahil hindi kita katabing natulog! I wanted to make love to you the whole fucking night but you chose to stay at your friend's unit! Dammit!!" he said through gritted teeth.

Stacey gasped. How can he say all those ng may ibang taong nakakarinig? Nilingon niya si Cherry na nakangaga sa gulat because of what she heard.

Mula kaninang nag-walk out siya sa opisina ni Nick, hindi pa siya bumalik. Natapos na ang meeting nito with his client pero hindi pa din pumasok si Stacey sa opisina nito .Pinakuha niya lang kay Cherry ang gamit niya and pinasabi kay Nick na dito muna siya.

She chose to do some works sa lamesa ng isang absent na empleyada. Mukhang nagpapalipas din ng init ng ulo ang nobyo dahil hindi naman siya sinabihan to go back inside his office.

Mas safe siya if dito siya sa labas. She was focused on the laptop's monitor ng bumukas ang pintuan ni Nick.

She automatically looked at him pero ni hindi man lang siya nito tinignan.

"Miss Mendez, pag may naghanap sa akin tell them na sa Lunes na lang bumalik .Kunin mo na lang lahat ng pinirmahan ko sa lamesa." he said bago lumabas.

"Opo sir." sabi ni Cherry .

Nick's secretary looked at her but just chose to keep quiet .Nagtinginan na lang din ang tatlong pang empleyada na nasa loob.

Naningkit ang mata ni Stacey. She looked at the time, 11:45 AM. He totally ignored her. Imposible na hindi siya nakita nito. The table she is at is near his door. Hindi na nga siya nito niyayang mag-lunch, hindi pa ito nagpaalam sa kanya.

At saan naman pupunta ang magaling na lalaki na yun? Inis na tanong niya sa sarili.

She tried to go back to her work pero maya't-maya tumitingin siya sa relo niya. Pinipigilan niya ang sarili niya na itext or tawagan ito. Hindi na nga siya nag-lunch dahil bad trip siya. .Kung ano-ano na ang pumapasok sa utak niya. Baka may ibang babae na kasama ito kasi hindi naka-iskor sa kanya kagabi. Konting-konti na lang tatawagan na niya ang walanghiyang nobyo niya.

Past 4 PM na hindi man lang ito nagtext o tumawag. At sineryoso yata talaga nito ang sinabi niya na ex na niya ito. Lalo siyang nabwisit thinking na gustong-gusto siguro nito na break na sila. Nagpapanggap pa na kunwari ayaw ng break .Oo nga naman, makatikim na naman ito ng ibang babae pag wala na sila.

"Ahh..ehhh...Stace..." tawag ni Cherry.

Nilingon niya ang sekretarya. Ininguso nito ang mga papel sa lamesa niya. She isn’t aware na nalamukos niya ang mga designs na kanina pa niya ginagawa.

Para hindi mapahiya, sabi na lang niya," Napapangitan ako. Gagawa ako ulit."

Tumango na lang si Cherry.

Nun naman pumasok ang driver ni Nick.

"Stacey." tawag nito sa kanya.

Buti naman pinapasundo yata ako. Hindi rin nakatiis.She smiled to herself.

"Kuya Norman?" tanong niya bago tumayo para salubungin ito.

"Susi ng kotse mo. Nasa parking space ni sir Nick." sabi nito sabay abot ng susi sa kanya.

She tried hard not to show her disappointment. "Thank you kuya." sabi na lang niya na bahagyang nakangiti.

***

(Nick)

Laking pasalamat niya na naging busy siya. At least he was able to take his mind off his woman kahit papano. That stopped him from calling and texting her too.

He had to meet his father and his kuya Alfred para makita ang site ng bagong business na bubuksan nila. They also talked to some people that will be a part of their team.

Ngayon kasama naman niya si Billy sa bar na tambayan nila. Gusto niyang tawagan ang nobya but Billy said. "Hayaan mo muna mate! Palamigin mo muna. Pakita mo na kaya mong gawin ang gusto niya. Dagdag pogi points yun sa mga babae mate!"

He told him na nag-away sila ni Stacey but of course he didn't give all the details. Tama na ang pamilya na lang niya ang may alam sa kung ano talaga ang nangyari.

"Samahan kitang uminom tutal bukas wala namang pasok." sabi pa nito.

Tumango lang si Nick bago tumungga ng alak. He looked at his phone.

Nasa vicinity ng condo building ni Eve ang kotse ni Stacey.

Good! He thought.

Mabuti naman this time walang problema ang nilagay na tracking device sa kotse ng girlfriend niya.

He raised his glass at Billy bago uminom ulit. Balak niyang magpakalasing. He doesn't want to go home sober at his lonely condo. Lalo lang niyang mamimiss ang nobya.

He's hoping na bukas magbago na ang isip nito at alisin na ang mga rules because he is really pissed already.

***

"Grabe girlfriend! Ang bongga ng kotse mo! Dapat binibinyagan yan! Tara gimik tayo! " aya ni Eve.

"Saan naman tayo pupunta?" she asked habang kumakain ng cup noodles.

Tamad silang magluto and gutom na si Stacey dahil hindi nga nagtanghalian ito kanina.

"Basta! Sama ka na lang. Di ba cool off naman kayo ni Nick? Hindi naman siguro magagalit yun if lalabas tayo." Eve said.

The mention of his name made her frown. Nainis na naman siya. As in kahit blanko na text message wala siyang natanggap from him mula ng umalis ito ng opisina.

"Wala nang pakialam sa akin yun .Sige labas tayo." she agreed.

No use staying home. Tutal Sabado naman so bukas walang pasok.

"Whoaa girlfriend! Sizzling hot ka naman!" Eve complimented Stacey paglabas nito ng kwarto matapos magbihis.

"Ano ka ba?Ang simple nga lang ng suot ko." she said.

"Yun na nga eh.Ang simple pero hoott! " nakangiting sabi ni Eve.

Sumaglit siya kanina sa condo ni Nick to get some of her stuff. She is wearing a loose gray top and low faded jeans na hapit na hapit sa katawan niya .She is wearing a black bra dahil its straps compliment the color of her top. Dahil sa maluwang ang neckline ng top, one of her bra straps is exposed. Style, kumbaga .Naka-wedge siya na itim. She has minimal make-up as usual. And nilugay lang niya ang buhok niya.

"Party-party here we come!!" tili ni Eve.

Pagdating sa bar andun na ang ibang kaibigan ni Eve.

"Sige just for tonight, hahayaan kitang uminom. Baka bukas okay na naman kayo ni Nick, hindi ka na makakalabas ng ganito." bulong ni Eve.

Stacey nodded. She will enjoy herself tonight.

Nagkakatuksuhan naman sa bar kung nasaan sila Nick. Dumating ang iba nilang kaibigan.So for a while Nick just chose to chill. Mahaba pa naman ang gabi. Mamaya na ito magpapakalasing ng todo.

"Naku malamang sa sala ka na naman niya matutulog!" biro ni Billy sa isa nilang barkada.

"Okay lang kay John yan pare. Sanay na!" sabi naman ni Liam.

Tawanan naman ang iba .Nailing na nakitawa din si Nick. Dun naman nito naalala na icheck ang telepono. His eyes narrowed. Nasa medyo hindi kalayuan ang kotse ni Stacey. He knows this place like the back of his hand. Bars ang halos nakapaligid dito.

He cursed.

Napatingin dito ang mga kaibigan.

"I have to go!" galit na sabi nito.

"Oh my gosh Stacey! You drink like a fish!" sabi ni Becka.

Stacey just giggled.

"Girlfriend! Palapit dito yung cute na guy na kanina ka pa tinitignan." sabi ni Eve na medyo malakas.

The music is a little loud. May mga sumayasaw sa gitna. Medyo mapungay ang mata na tumingin si Stacey kung saan nakatingin si Eve. Kahit medyo madilim,kita niya ang lalaking palapit sa kanila. He said something to Eve first. Nasa dulo kasi siya ng upuan malapit sa pader.

"Girlfriend! James here wants to dance with you daw." she told Stacey.

She looked at the cute guy. Ang tamis ng ngiti nito sa kanya. Umiling si Stacey dahil parang nahihilo na siya.

Becka nudged her side. "Go girl! He's cute! Just one dance!" bulong nito.

She glanced at James again. He held his hand to her. She sighed then stood up.

Sayaw lang naman! She told herself.

She swayed a little. Tumayo si Eve para padaanin at alalayan siya.

"Kaya ba?" she asked.

Stacey nodded. James got her hand and led her to the dance floor. Hiyawan naman ang mga kaibigan ni Eve.

Saktong palabas ng banyo si Eve at Becka ng mag-ring ang phone ng una.

"O baka malaglag mo!" hagikgik ni Becka.

Mga lasing na kaya kanina pa sila naghahagikgikan.

"Shhhh!" saway ni Eve sa kaibigan ng makita na si Nick ang tumatawag.

"Huwag kang maingay! Dyowa ni Stacey." sabay lagay ng hintuturo sa mga labi.

Humahagikgik na tumango lang si Becka.

"Asan kayo?!" galit na tanong ni Nick.

"S-Sa bahay.." slurred Eve then giggled.

"Don't play with me Eve! Where's Stacey? Hindi niya sinasagot ang phone niya!" he rasped.

Nasa tapat si Nick sa isa ding kilalang bar. Andito ang kotse ni Stacey. Sinilip nito ang loob ng kotse through the window while he talks to Eve.

"Let me talk to him!" sabi ng isa pang babaeng boses.

Nick's eyes narrowed. Mukhang mga nakainom na ang mga ito. Huwag lang nitong malalaman na lasing din ang nobya, he will really punish her pag nagkataon.

"Hello dyowa ni Stacey..hayaan mo muna ang gf mo .Pahiram mo muna kay James. Sayaw lang naman. Nag-eenjoy pa sila. Bawal ang kj!" hagikhik ni Becka.

Nagdilim ang paningin ni Nick sa narinig.

"FUCKING HELL!" mura nito as he headed towards the bar's entrance.

"You look and dance so hot!" medyo malakas na sabi ni James kay Stacey. Hinapit nito ang bewang ng dalaga. But Stacey pushed him a little far from her as she dances with her eyes closed.

Pero nakita lahat ni Nick ang nangyari.

Madilim na madilim ang mukha nito as he angrily walks towards the dance floor.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.