She felt her eyes became damp again as she remembers how her husband loved carrying Elliot nung binyag nito. Ang bunsong anak nila Heather at Blake.
Ramdam naman niya na gustong-gusto pang magka-anak ni Nick lalo at wala pa silang lalake. But sadly, after her surgery dahil nagka-uterine fibroid siya, mukhang malabo na siyang magbuntis ulit.. Ilang doctor na ang kinonsulta nila but wala. Her mother and mother-in-law said na okay lang yun. Ang importante may Amara na sila. They said na with or without another baby, kumpleto na ang pamilya nila.
But deep inside naiinggit siya sa kapatid. May kambal na ito ngayon naman nabiyayaan pa ng baby boy na ang guwapo-guwapo.
She has become paranoid mula ng tubuan siya ng insecurity sa katawan dahil natatakot siya na maghanap ng iba si Nick para magka-anak pa. Pasado alas diyes na wala pa ito. Sabi nito may dinner meeting daw ito pero he didn’t say until what time. Ilang beses nab a silang nagtalo dahil she is always interrogating him kahit sinabi na nito na business ang inatupag nito. Gusto sana niyang bawasan ang pagiging selosa niya but ang hirap. She just wished na hindi mapikon ng todo sa kanya ang asawa. Hindi niya namalayan na nakatulog na pala siya sa kakaiyak.
***
It was Nick’s father’s birthday. Imbitado din sila Heather, Blake at pati si Eve and Lance na bagong kasal.
Ang mga bata nasa playroom kasama ng mga yaya at ang biyenang babae ni Stacey. Since sinusumpong siya ng selos sa nakita niyang kasamang pinsan daw ni Billy, hindi siya mapakali. Grabe kasing makatingin ang babae sa asawa niya.
“Ate? Okay ka lang? “ asked Heather.
Nakaupo silang apat kasama si Vivien na asawa ni Alfred at si Eve sa isang lamesa na medyo malayo sa mga asawa nila.
“Hindi ba dapat sa atin nakiki-chika si Faye? Ano yun? One of the boys? O talaga lang medyo malandi? Can you see how she smiles? Parang nangaakit?” kunot ang noong tanong niya as she looks to where the men are with Billy’s cousin. Nakatayo ang mga ito pero naiinis siya dahil mula sa kinauupuan niya, she can clearly see kung paano parang magpacute ang bwisit na babaeng yun lalo sa asawa niya. At kung makatawa parang may halong kilig.
Nagtinginan ang tatlong babae she is with. Alam kasi ng mga ito that she has become more jealous. Hindi naman kaila sa mga ito ang pinagdadaanan niya. Ilang beses na ba siyang binigyan ng advice ng mga ito kagaya ng mama niya at biyenang babae?
Eve cleared her throat.
“Girlfriend.. baka nahihiya lang talaga yan sa atin, Hayaan mo na. Ikaw ba naman ang palibutan ng mga ganyang mga guwapong lalaki ewan ko lang if gugustuhin mong iwanan sila!” biro na lang nito.
“She is friendly naman sa lahat ng asawa natin. Stay cool. You are lovelier than her, ano ka ba?” makangiti sabi ni Vivien.
“I don’t like it! Kung sa inyo okay lang na landiin niya ang mga asawa niyo sa akin hindi!” inis na sabi niya bago kinuha ang cellphone niya. Kahit pwede naman niyang puntahan ang asawa kung gusto niya, she stopped herself. Sa selos na nararamdaman niya baka gumawa pa siya ng eksena. Nakakahiya dahil birthday ng biyenan niya.
She decided to text him.
If you don’t stop flirting with that woman, uuwi na ako!
Pagkasend, sumandal siya sa upuan as she waits for him to check his phone. Pero ilang minuto na ang nakalipas, tila wala itong balak tignan ang cp nito na nasa bulsa. Sure naman siya maririnig nito ang message alert tone. Lalo siyang nagngitngit. Mukhang busy sa pakikipagusap sa pinsan ni Billy kaya tila hindi pansin ang mobile phone nito. For some reasons, naging abala sila Blake at Billy nang may ipakita sa mga ito si Alfred sa hawak nitong cellphone. Kaya ang ending, ang asawa niya ang kausap ni Faye na ang lapad-lapad ng ngiti. Nakadagdag pa sa inis niya na nakatalikod sa kanya ang asawa. Mukhang sinadya talaga nito na hindi siya tignan dahil alam siguro nito na papatayin niyo ito sa tingin. He knows her well. Naging babaeng version na siya nito. Swerte lang ito na wala naman itong dahilan na magselos dahil hindi na siya halos naglalabas. As in nagkabaligtad na nga. Kinakausap siya nila Heather but para siyang walang naririnig. Her jealousy is at its peak. She counted one to ten bago tumayo siya matapos magpaalam sa tatlo. Heather called her but she didn’t look back. Kung gusto ni Nick na makipaglandian, bahala ito. Ang nangyari, nagpaalam siya sa mama ng asawa na mauuna na sa mag-ama dahil sumasakit ang ulo niya. Magpapahatid na lang siya sa driver na si mang Norman.
Hindi siya umuwi. She went to Lucille’s place at dun siya nagpalipas ng ilang oras. Paguwi niya, tulog na si Amara and Nick is waiting for her in their bedroom.
“Where the fuck have you been?” galit na tanong nito.
She ignored him. She unbuttoned her one piece dress and went straight to the bathroom. She will take a shower. Nakatulong ang paguusap nila ni Lucille para kumalma siya. Inulit lang nito ang palaging sinasabi ng iba sa kanya na Nick loves her so much at hindi siya kailangang mainsecure.
Pero ang mga lalaki ayaw sa nagger na asawa. Unfair man kung iisipin, pero madalas kapag ang lalaki ang super possessive, somehow natitiis ng babae. But kapag ang babae ang nagger at super selosa, madalas natuturete ang mga lalake. Ang ending..mababarkada or worst mambabae as a diversion. Ayaw na ni Stacey na mangyari yun so last na yung pagseselos niya kanina. Basta isipin na lang niya kung gaano siya kamahal ni Nick and it’s about time na tanggapin na lang niya na isa lang ang maibibigay niyang anak dito. At least meron at napakaganda pa.
Hinubad na niya ang mga damit and went straight in the shower na hindi pa din pinapansin ang asawa. Wala na siyang balak pagusapan ang kasama ni Billy na kausap nito kanina. She just wants to erase what happened and how she felt.
She was soaping her body when the shower door was violently opened.
Pinatay ni Nick ang shower at hinaklit ang braso niya.
“Ano ka ba?!” reklamo niya.
“Saan ka sabi galing? Basta ka na lang umalis! And what the fuck was that text for?!” he angrily asked. “ Nagseselos ka na naman?! Pati ba naman ang pinsan ni Billy?!”
“Aray! Let me go! At ikaw pa ngayon ang galit? Sino ba ang gustong-gustong nakikipaglandian? Did you enjoy flirting with her?” tanong niya. Tila nawala na ang pagtitimpi niya. Nakakainis lang na ito pa ang may ganang mag-gaganito. Sa huli siya pa ang parang may kasalanan.
“She is only 18 for fuck’s sake honey! At pinsan siya ni Billy! She was just asking something about my business dahil may management ang kurso niya!”
“Wow 18! Eh dim as okay di ba? Mas mabibigyan ka ng isang dosenang anak hindi kagaya ko!” sigaw niya.
Bigla siyang binitwan ni Nick and lumabas ito ng shower cubicle matapos magmura ng malutong.
Tila naman natauhan siya sa sinabi niya. She is really too much. If she won’t stop this, siya mismo ang magiging dahilan kung sakaling magulo na talaga ang pagsasama nila. She rinsed her body quickly. She will talk to her husband and say sorry.
Nick is in the living room. May hawak itong kopita. Nagpalit na ito ng damit dahil nabasa ang suot nito kanina ng pasukin siya sa shower. He is in a white shirt and his pajamas.
Ni hindi siya nito tinignan when she approached him. He seems to be deep in thought. He is on the sofa at nakasandal ito.
She wrapped her arms around him from behind. Isinubsob niya ang mukha sa gilid ng leeg nito.
“Honey I’m sorry. I didn’t mean that. Promise last time na yung kanina. Ayaw ko ng nagaaway tayo dahil sa insecurities ko. I love you,”
He sighed then kinuha nito ang kamay niya and he stood up. Now he is cupping her face as he looks at her.
“ Tama na sa akin that you are mine. Ikaw lang ang kailangan ko. I was obsessed with you then eventually I fell hard and when you became my wife..ramdam ko kontentong kontento na ako. Then you gave me Amara. Can you even imagine how gratified I was when you told me na buntis ka sa kanya? Ikaw lang ang pinangarap ko but our beautiful daughter is a very big blessing. Wala na akong mahihiling pa. I don’t need another child para sumaya ako. You and Amara are my life.” Nick said emotionally.
“Honey.. mahal na mahal din kita. Kung hindi man kita mapasalamatan sa pagmamahal na binibigay mo sa amin ng anak mo…sorry. Nilamon ako ng insecurities ko. But never again. Thank you for loving us and providing everything we need. “ she said na medyo naluluha.
“Shh. No need to thank me. I do all that dahil mahal ko kayo. I will give my life for you and our daughter. Always remember that I love you so much and I will never even think of doing anything para masira ang tiwala mo sa akin. I am forever yours my wife at ganun ka din sa akin.” Nick said in a throaty voice.
She nodded. “Are you still obsessed with me honey?” she teased in a husky voice.
A naughty smile broke his lips.
“You will always be my lovely obsession Mrs. Alcantara…” he said breathily before pulling her by her nape for a kiss.
She is enjoying his kisses nang bigla itong tumigil.
Dumiin ang mga kamay nito na nasa gilid ng mukha niya. She opened her eyes and saw him looking at her with eyes like slits.
“H-Honey? Bakit?” she asked.
“I almost forgot! Saan ka galing?! Who were you with?!” he hissed. “ Don’t tell me that you wanted to get back at me…”
Nakagat niya ang labi. She wants to tease him. When he is angry and jealous, they always have rough sex. Matagal na din naman na walang rason ito para magselos. She misses their wild fuck.
“ Saan?!!” gigil na tanong ulit nito . “ Don’t you fuck with me honey..!”
Hinawakan ni Stacey ang mga kamay ng asawa na nasa mukha niya.
“Sorry I didn’t mean to..please punish me..honey…!” she yelped when he cursed angrily and scooped her in his arms habang namumula ang mukha nito sa galit.
Stacey bit her lower lip to stifle a smile.
Lagot na naman ang kama nila.
THE END