CHAPTER 13

Nakaabang na si Evo sa labas ng bahay nina Winston kinahapunan. Hindi niya maipaliwanag ang pagka-excite na nararamdaman niya. Bakit gustong-gusto niyang makita si Karina. Gusto niyang masilayan ang ngiti ng dalaga oras-oras.

Ilang sandali pa ay bumukas na ang gate ng bahay nina Winston. Lumabas na si Karina. Nakasuot siya ng isang purple body hugging dress na isa sa mga pinagshopping ni Winston sa kanya sa mall nila. Halos hindi na kayang alisin ni Evo ang titig niya sa kagandahan ni Karina. Napakaganda nito at labas ang ganda ng hubog ng kanyang katawan.

"Evo!" masiglang tawag ni Karina saka inayos ang damit niya.

Naiilang ito ng kaunti sa suot niyang damit.

"K-Karina. . .you look, stunning," hindi makapaniwalang sabi nito. Napako na yata ang mga mata niya sa dalaga.

"Totoo? Naiilang kasi ako, e. Ang iksi, saka napakapikit?" sagot ni Karina.

"Saka, hindi ba labas masyadong labas ang cleavage ko? Nakakahiya naman sa 'yo," prangkang tanong ni Karina. Parang bang wala lang sa kanya.

"Hindi, ah. Let's go?" ani Evo saka inilahad ang kamay niya..

Iniabot iyon ni Karina saka siya inalalayan ni Evo papasok sa kotse nito.

"Saan tayo pupunta, Evo?" tanong niya rito nang makapasok siya sa loob.

"Saan ka pa ba hindi nakakapunta?" nakangiti nitong sagot.

Napaisip si Karina. Saan nga ba? Sa sobrang dami, hindi niya na matumbok kung saan ang una niyang gustong puntahan. Bahay at bar lang kasi ang lagi niyang destinasyon. Noong bata naman siya, palagi naman siyang nakakulong sa bahay nila at inaalipin sa mga gawaing bahay. Ang Tiya niya ay walang ibang ginawa kundi ang pagtrabahuhin siya sa mura niyang edad. Mulat na si Karina sa lupit ng mundo dahil mismong sa Tiya niya, naranasan na agad niya ito.

"Okay ka lang ba?" tanong ni Evo dahil biglang natahimik si Karina.

"W-Wala akong ideya, Evo. Hindi ko alam kung anu-ano ang mga lugar dito. Hindi naman kasi ako gala, e."

Napa-pout si Evo. Ang cute tuloy nito sa pag-pout niya.

"Bakit?" usisa niya.

"Noong bata kasi ako, sa bahay lang talaga ako, e. Doon lang ako sa bahay gumagawa ng mga gawain na inaatas sa 'kin ng tiyahin kong malupit. Araw-araw niya akong sinasaktan sa kaunting pagkakamali ko lang. Ni hindi ko nga naranasan na maglaro sa labas tulad ng ibang mga bata. Nakakulong lang ako sa apat na sulok ng bahay ng Tiya Alicia ko."

Malungkot ang pagkakasabi no'n ni Karina. Ramdam ni Evo ang kalungkutan sa boses nito. Ayaw na sana niyang magtanong pa pero naging interisado siya lalo na makilala pa ang buong pagkatao ni Karina.

"Hindi ko alam na ganyan pala ang pinagdaanan mo. Atleast now that you're with the Miller's, alam kong gumaan na ang buhay mo kahit paano. Wala nang pagpapahirap na naranasan mo sa tiyahin mo," ani Evo na pilit na pinapagaan ang loob ng dalaga.

"Oo, Evo. Kahit papaano naman ay komportable ako do'n, 'yon nga lang, masungit rin talaga ang boss ko."

Evo chuckled.

"Si Winston? Hindi na bago."

Sabay silang natawang dalawa.

"Hindi mo pa nakikilala ang daddy niya. Mas suplado iyon ng sampung beses. Mabuti nga itong si Winston, namana pa ang kaunting kabatian ng mommy niya," dugtong ni Evo.

Kinabahan bigla i Karina. Pinagdasal niya na sana ay hindi na nga nuya makasagupa o makilala manlang ang ama ni Winston. Baka kasi mapahiya siya rito. Alam kaya nila na may personal assistant ang anak nila? Alam kaya nilang nag-e-exist si Karina?

"Saan tayo pupunta ngayon, Evo?" tanong na lamang ni Karina upabg maiba na lang ang usapan.

"Gusto kong dumiretso tayo sa isang ice cream store, doon mismo sa mall ng mga Miller."

Tumango-tango si Karina. Naalala niya, doon rin sila nagkakilala ni Evo. Napangiti siya sa pag-aalala no'n. Unang kita niya pa lang rito, magaan na agad ang loob niya sa binata at hindi niya inakalang magiging kaibigan niya ito ngayon.

"Talaga? Gusto ko 'yan! P-Pero, w-wala pa akong sweldo, e. I mean, alam mo na. Baka wala akong pambayad," nakatungo niyang sagot.

Natawa si Evo sa naging reaksyon ni Karina.

"Ano ka ba. Ako ang nagyaya sa 'yo na lumabas kaya syempre, ako na ang bahala sa 'yo. Sagot na kita, Karina," he said and winked at her.

Lihim na napangiti ang dalaga. Ano ba naman 'tong si Evo, masyadong ginagalingan. Madalas niya akong pinapangiti. Mamaya, mahulog ako sa 'yo at mapatay ako ni Winston. Aniya sa sarili.

"Nako, salamat, ha. Alam mo ba, wala ako halos na kaibigan. Pero merong isa, kaso lang naiwan ko siya sa dun sa bar, e. Parehas kaming doon nagtatrabaho bago pa man ako namasukan sa mga Miller."

Tumango lang si Evo.

"Gusto mo bang daanan natin siya mamaya?" tanong nito.

Lumiwanag ang mukha ni Karina.

"Talaga? Hala, ang dami ko nang utang sa 'yo, kapag nagkataon."

Mahinang tinapik ni Evo ang balikat ng dalaga.

"Ano ka ba, wala lang 'yon basta para sa 'yo."

Pagkarating nila sa mall ng mga Millers ay hindi pa rin talaga magsink-in sa utak ni Karina na ang napakalaking gusaling 'yon ay pag-aari ng amo niya. Hanggang saan kaya aabutin ang yaman nila?

"Let's go inside?" ani Evo.

The ice cream shop inside the mall isn't just a simple ice cream shop. Ito na yata ang ice cream shop na aakalain mong nasa candy land ka. Napakalaki no'n. Sobra sobrang pagkamangha ni Karina. Para siyang bata na ngayon lang nakakita nito. Sa totoo lang naman kasi ang ngayon lang talaga.

"Woah! Grabe! Totoong giant candy ba itong nasa paligid natin, Evo?" tanong ni Karina na nanlalaki pa rin ang mga mata.

"Nope. Haha, those are just toys, Karina. Tara na doon," sagot sa kanya ni Evo saka siya hinila nito.

Ayaw pa sanang paawat ni Karina sa paghawak-hawak ng mga higanteng candy figurines pero natakam na rin siya sa ice cream dala ng tamis ng scent sa loob ng shop.

"Ano ang gusto mo?" tanong ni Evo saka niya pinakita kay Karina ang hilera ng ice cream flavors. Halos maglaway na agad ito sa nakikita niya.

"Puwede bang pagpatong-patungin lahat ng flavors na 'yan sa cup ko? Gusto kong matikman lahat, e."

Halos manlaki ang mata ni Evo sa gulat. Seriously? Ang ganito ka-sexy na babae, malaki ang sikmura para tikman lahat ng flavors ng ice cream? Unbelievable!

"S-Sigurado ka ba?! K-Kaya mo 'yon?!" hindi makapaniwalang sagot ni Evo.

"Hindi ko sure, pero malakas akong kumain, Evo. Hindi ba halata?"

Sinuri ni Evo lalo ang katawan ni Karina. Her waist is thin and small. Malaki rin ang legs at boobs nito. Saan napupunta ang kinakain niya kung sinasabi niyang malakas siyang kumain? Hindi makapaniwala si Evo.

"Hindi talaga halata, I swear!"

Hinampas siya ng mahina ni Karina sa balikat sabay tawa nito.

Nagpasya na lamang silang maupo habang naghihintay ng order. Maging ang upuan nila ay chocolate inspired rin. Pakiramdam tuloy ni Karina, nakaupo siya sa isang chocolate bar. The place is really designed for kids, pero hindi nagsisi si Evo na dito niya unang dinala si Karina. Hearing her story, alam niyang kailanman ay hindi pa ito nararanasan ng dalaga. She wants Karina to be happy, atleast kahit papaano alam at nakikita niya na napasaya niya ito sa sandali lamang.

"Here's your order!" masiglang wika ng service crew saka inilahad iyon sa mesa nilang hugis pabilog na lollipop.

"Ang cute! Ang daming toppings!" excited na sabi ni Karina.

Simple siyang kinukunan ni Evo ng larawan. Napangiti si Evo na nakuha niya ang perfect shot ni Karina. Nakangiti ito habang mukhang takam na takam sa gabundok niyang ice cream sa dami ba naman ng flavors na titikman niya.

"Ang ganda mo rito!" ani Evo sabay pakita niya ng larawan na kuha niya kay Karina.

"Hala! Burahin mo 'yan. Ano ba 'yan, nakakahiya," ani Karina sabay agaw sana ng cellphone ni Evo.

"Bleehh,ayaw ko nga. Ipo-post ko ito sa IG ko," sagot ni Evo saka bumelat sa kanya.

Napa-pout na lamang si Karina sabay kain ng ice cream.

"I-Ikaw ang bahala, basta ako kakain na 'ko ito ng ice cream. Grabe! Ang sarap, Evoooo!" sagot ng dalaga na parang kinikiliti sa sarap at lamig ng ice cream na kinakain niya.

Evo posted the picture right away at umani iyon ng comments and likes sa instagram niya. Nag-picture pa sila ni Karina dalawa na magkadikit ang mga mukha. May pictures din sila sa iba't ibang giant candy figurines. Sobrang saya ni Karina nang hapon na 'yon pakiramdam niya, it was the best day of her life. Thanks to Evo!

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.