CHAPTER 18

Hirap maglakad si Karina kinaumagahan paggising niya. Wala na naman si Winston sa tabi niya. Pakiramdam niya tuloy, laruan lang siya na kailangan para mapaligaya ang binata at kapag sawa na ito ay aaywan na niya. A tear fell down her cheeks. Marahan niya agad iyong pinahid. She can't help but get emotional this time.

"I hate you, Winston," aniya sa kahanginan.

"What? You hate me?" Iniluwa ng kanyang pintuan si Winston na may dala-dalang tray ng pagkain.

Wait. . .what? Hindi siya makapaniwala sa nakikita niya. Si Winston? Dinalhan siya ng breakfast? For real? Akala ko ba galit ito? Aasa na naman ba si Karina?

Napaatras ang dila ni Karina. Isang matalim na titig ang ibinigay niya kay Winston bago niya iniwas ang kanyang tingin.

"Breakfast, gusto mo?" Alok ni Winston.

"Ayaw ko, hindi ko kakainin 'yan." Pagsusuplada niya.

"Inaalok lang naman kita. I didn't say I'll give it to you," sagot ng binata. He smirked. Inaasar niya si Karina.

"Umalis ka nga dito!" Pagtataboy ni Karina sa kanya.

"Why?" kunot-noong tanong ng binata sabay subo ng baccon sa plato niya.

"Kusina ba 'tong kuwarto ko? Bakit dito ka kumakain?"

"Because after my breakfast will be my dessert." Tiningnan niya ng mariin si Karina. Dessert? Bakit sa 'kin siya nakatingin? Wika ni Karina sa isipan niya.

"D-Dessert?" Pag-uulit niya.

"Nakakabingi ba ang bawat ulos na ginawa ko sa 'yo kagabi? Mukhang mas may karapatan akong mabingi sa tindi ng ungol mo. Masarap ba, Karina? Did you enjoy it?"

Nanlamig si Karina. Hindi niya alam kung pang-iinsulto ba 'yon o ano. Pero, nakangisi si Winston sa kanya.

"Sagot!" pagalit nitong sigaw na ikinagulat ng dalaga.

Sa gulat niya ay tumulo ang luha sa kanyang mata. It caught her heart this time.

"Sapat na ba ang pagpapaligaya ko sa 'yo kagabi para hindi ka na sumama pa kay Evo? Ha, Karina?" Biglang naging kalmado ang boses nito.

Pero patuloy lang ang pag-agos ng luha ni Karina. Hindi naman siya humihikbi, pinipigil niya iyon dahilan para manikip lalo ang dibdib niya. Ni hindi pa nga niya maikilos ng mabuti ang katawan niya sa nangyari kagabi sa pagitan nila ni Winston.

"I'm done with my breakfast," saad niya saka tumayo at hinubad ang t-shirt niya.

Nagsalita si Karina.

"Napapasaya ako ni Evo kahit hindi sa kama. Kung para sa 'yo, sa kama lang liligaya ang tao, nagkakamali ka. Because when I was with Evo, naramdaman ko kung paanong maging masaya. Kasiyahan na hindi mabibili ng pera. Kasiyahan na hindi nadadaan sa kama."

Natigilan si Winston. He saw sadness in Karina's eyes. Gano'n ba kasakit ang binitawan niyang mga kataga? Hindi ba siya nakapag-preno? But that's his personality. Marahas talaga siyang magsalita. Is there someone who coud love him just the way he is? Someone to love his flaws?

"Okay, then. Du'n ka na," malamig na sagot ng binata saka binalibag ang pinto. Nagulat pa si Karina sa biglaang pagbalibag niya no'n.

Nakahinga siya ng maluwag nang makalabas si Winston. She felt sorry for him, pero masisisi niya ba si Karina? Nasaktan siya. She felt insulted. Oo, mahirap lang sila, wala pa siyang mga magulang. Pero hindi naman ibig sabihin no'n na hahayaan na lamang niya ang ibang tao na insultuhin siya.

Kinahapunan ng araw na 'yon, she went to Winston's room. Mabuti at wala doon ang binata dahil maglilinis lang naman si Karina ng binagyong kuwarto ni Winston. Grabe! Mukhang dumoble ang lilinisan niya. Sinadya ba ni Winston na mas lalong magkalat rito? May mga basag na bote. Iyon ang nagpakaba sa kanya. Ano ba naman ang ginawa ni Winston dito.

Matiyaga niya iyong winalis. But unfortunately, nasugatan siya. Hindi niya napansin ang matatalim na dulo ng basag na boteng dinampot niya. Nagdugo iyon. Medyo may kalaliman kaya't napatigil siya sa paglilinis.

Nataranta siyang pumasok sa banyo ng binata para linisin ang sugat niya. Bukas ito kaya mabilis lang siyang nakapasok do'n. Sobrang gulat niya at halos lumuwa ang puso niya nang makitang nandoon sa loob si Winston at nagsha-shower. Nanlalaki rin ang mata nito nang pumasok si Karina.

"What the f*ck! You startled me!" sigaw ni Winston.

Hawak-hawak ang nagdudugong kamay ay nataranta si Karina.

"S-Sorry!"

Napatingin si Winston sa kamay ng dalaga. Napako ang tingin niya sa dugong tumutulo mula roon kaya't nagtapis siya ng tuwalya saka mabilis na hinawakan ang kamay ni Karina.

"The hell, what happened to your hand?" nag-aalala nitong tanong.

Napaiyak si Karina sa hapdi no'n. Hinugasan iyon ni Winston. Marahan ang pagkakahawak niya sa kamay ng dalaga na para bang isa itong babasagin na bagay. He gently washed her wound with water. Naiilang si Karina. Mabilis ang pagtibok ng puso niya dahil sa lapit ng mukha nila ni Winston sa isa't isa.

Napalunok siya habang pinagmamasdan ang mukha ni Winston. His jawline is on fleek. Napakaguwapo. Ang tangos ng ilong nito at makapal rin ang kilay.

"Lumabas ka muna. Kukunin ko lang ang first aid. Gagamutin kita," maotoridad na utos ni Winston kaya maagap naman na lumabas si Karina. Ang kaninang kamay na hawak-hawak niya, ngayon ay puso niya naman. Humagangos siya sa bilis ng tibok niyon.

"Concern na ba siya sa 'kin, no'n?" kunot-noo niyang tanong sa sarili.

Umupo siya sa tabi ng kama ni Winston habang hinihintay itong lumabas.

Nakadamit na ang binata paglabas nito. Natulo pa ang tubig mula sa basa niyang buhok. Lakas maka-guwapo ng wet look sa kanya, bukod sa given naman talaga na guwapo siya.

"Ano ba ang ginawa mo?" tanong ni Winston.

"Lilinisin ko sana ang mga basag basag na bote sa kuwarto mo," sagot ni Karina.

Nakaramdam naman ng guilt si Winston. Sa galit kasi niya, pinagbabasag niya ang bote ng alak sa kuwarto niya. Hindi naman niya inasahan na masasaktan si Karina. He doesn't want to hurt her this way.

"I'm sorry."

Napakurap-kurap si Karina. Tama ba ang naririnig ko? Si Winston Miller? Nagso-sorry sa mismong harapan niya? Ito ngang paggamot nito sa sugat niya hindi pa rin siya makapaniwala, e.

Nilagyan ni Winston ng benda ang sugat na 'yon ni Karina. Maingat at dahan-dahan lang paea hindi ito masaktan. But still. . .

"Ouch, ang sakit," daing ni Karina.

Hinipan iyon ni Winston para maibsan ang sakit nito. Nakatitig lang sa kanya si Karina. Bakit napaka-gentle mo ngayon, Winston? Ano bang kinain mo? Sana kainin mo na 'yan araw-araw. Aniya sa isipan.

"Anong nakain mo?" tanong ni Karina.

"Why?" malamig na sagot ni Winston habang patuloy ang paghipan nito sa sugat niya.

"Sana kainin mo araw-araw."

"Your p*ssy." Pang-aasar nito.

Mabilis na namula si Karina at naihampas ng mahina si Winston. He chuckled seeing Karina's face turned red.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.