"Sh*t!! What have I done!!"
Hindi makapaniwala si Winston na pagmulat niya ng mga mata niya, katabi na niya si Tiffany. Kapwa sila mga walang saplot. Hubo't hubad, magkatabi sa isang kama at hindi siya naniniwalang natulog lang sila because he can still remember what happened last night. Unang pumasok agad sa isip niya si Karina.
Naalimpungatan si Tiffany sa pagka-alarma ni Winston. "Hmmm, baby, why are you up so early?"
"Damn, you!! What did you put on my drink?!!" singhal niya dito habang dali-daling sinuot ang boxers at slacks niya.
"Baby, I didn't. Kusa kong ibinigay ang gusto mo. I gave you myself. You should be happy," sarkastiko ay malandi nitong sagot.
"F*ck!!" Nagliparan ang mga gamit sa loob ng kuwarto.
"Hey! Stop that!! What are you doing?!! Stop destroying my room!!"
"You, daughter of a b*tch!!!!" Nasakal niya si Tiffany.
"Aaack!! W-Winston! S-Stop!" nauutal na sagot nito, gasping for air.
Wala na, wala nang mapagsidlan ang galit ni Winston sa kanya. Binitawan niya ito.
Hinabol naman ni Tiffany ang hininga niya. Namumula ang leeg niya sa higpit ng pagkakahawak do'n ni Winston kanina. Tiningnan niya ito ng masama saka siya pilyang ngumiti.
"You think you wi get away with this?! Nai-send ko na kay Karina ang pagsasalo ng katawan natin kagabi, Winston. Sigurado ako, wala ka nang Karinang uuwian pa. I heard umalis na siya sa inyo the day of the ranking. Hmm, may tenga ako sa bahay n'yo, e."
Hindi na siya pinansin pa ni Winston at dali-dali itong lumabas ng hotel na iyon kung saan siya dinala ni Tiffany. Ang sabi nito sa kanya ay pag-uusapan nila ang pag-cancel ng kasal but it turned out the other way around that's why he's mad and furious. Nanggagalaiti siya sa galit. Niloko siya ni Tiffany. She put something on his drink for sure! Alam ni Winston ang tolerance niya sa alcohol. He agreed for a drink pero hindi naman niya naisip na hahantong sa gano'n at gagawin iyon ni Tiffany out of desperation.
Naihilamos ni Winston ang kanyang palad sa sobrang frustration. Paano kung makita na 'yon ni Karina? Wala na siyang mukhang maihaharap. Ano ang sasabihin niya rito?
Nagpakalasing siya sa bar na dati na rin niyang napuntahan. Ang bar kung saan niya nakilala si Karina. Nagpakalunod sa alak. Bakasakaling bukas, paggising niya ay panaginip lahat ng nangyayaring kamalasan sa buhay niya. Akala niya maaayos na ang lahat. Hindi niya alam paano ide-describe ang magiging reaksyon ni Karina kapag natanggap na niya ang video na sinend ni Tiffany. That b*tch is really testing his patience! Lintik lang ang walang ganti!
Gusto niya itong tawagan at tanungin kung totoong umalis na nga siya. O, 'di kaya naman ay kung may natanggap ba siyang video. Ipapaliwanag niya ang lahat. Pero, maniniwala ba agad sa kanya ni Karina? With that video, mahihirapan siyang mapaniwala ang dalaga.
"Aaaagghhh!!!!!" Malakas niyang hinampas ang kanyang kamay sa counter.
Nagulat pa do'n ang bartender pero ipinagpatuloy pa rin nito ang paghahalo niya ng drinks.
Nang makaramdam ng sobrang kalasingan, kahit hilong-hilo ay pinilit niyang tumayo para umalis.
Bago pa man siya makaalis, he saw two familiar persons. Nakatalikod sa kanya ang mga ito. He watched them from a far and it broke his heart seeing Karina with his best friend Evo. Sobrang lapit ng mga ito sa isa't isa. Ramdam niya ang panginginig ng kamao niya sa galit. Parang nawala ang kalasingan niya. Gusto niyang sugurin si Evo at pagsusuntukin, pero wala siyang mukhang maihaharap. Natatakot siya sa puwedeng mangyari kapag nagkaharap na sila ni Karina. Naduwag siya. Naduduwag siyang iharap ang sarili niya because he's guilty as f*ck!! Hindi dapat siya nagpahulog sa bitag ni Tiffany!
Sa nalalapit na pag-alis ni Karina, bawat paghahanda na ginawa niya ay pawang naging masakit. Hindi niya alam kung tama ba ito, pero ito lang ang nakikita niyang paraan para makalimutan na lang niya si Winston.
"Karina,binili na kita ng mga damit. You can use this there. Useful ito. Saka, ibibili na rin kita ng foods and snacks para hindi ka magutom sa biyahe," ani Evo sabay lapag ng mga pinamili niya.
Kararating lang nito at mukhang siya pa ang aalis dahil mas aligaga pa siya kay Karina.
"Evo naman. Akala ko ba, ayaw mo akong paalisin? Tapos ngayon, nakapa-supportive mo naman, ikaw ha?"
"May magagawa ba 'ko para mapabago ang isip mo? Hindi na naman magbabago hindi ba? Kaya ito, I will support you. This is the least that I can do, Karina. Basta ba, siguraduhin mo na uuwi kang successful. Kapag may kailangan ka, i-message mo lang ako, okay?"
Napayakap sa kanya si Karina sa sobrang saya. "Evo, maraming salamat! Ilang araw na lang, aalis na ako. Maiiwan ko na kayo. Mami-miss ko kayo!" anito habang na sa yakap ng binata.
Niyakap siya pabalik ni Evo. "Paano naman kami?Mas mami-miss ka namin, Karina. Nag-iisa ka lang, e."
"Puwede bang makahingi ng favor, Evo?"
Napakunot-noo ang binata. "Favor? Ano 'yon? Sure! Spill it!"
"Sana, paki-tingnan minsan si Tiya Alicia. Message mo ako kung ano na ang nangyayari sa buhay niya. Kahit isang beses lang sa isang buwan, Evo. Puwede ba 'yon?"
Isang malapad na ngiti ang sagot ni Evo. "Oo naman! I will be honored to do that. Feeling ko, ang special ko tuloy kasi sa 'kin mo binibilin ang tiyahin mo." He chuckled.
Mahina siyang hinampas ni Karina. "Sira! E, alangan naman kay Eliza? Busy din 'yon. Saka, alam ko naman maaasahan ka, e."
"You trust me that much?" Evo teased her.
"Oo naman! May tiwala ako sa 'yo. Malaki. At alam kong hindi mo sisirain tulad ng ginawa ni Winston." Nalungkot na naman si Karina. She's been trying to focus in her life after she saw the video. She's been trying so hard to move forward dahil pagod na pagod na siyang masaktan, pero mahirap pala. Hindi pala 'yon gano'n kadali katulad ng iniisip niya. Akala niya, kapag iniyak na niya lahat, kahit isang tabo, o isang baldeng luha pa ang lumabas sa mga mata niya, sapat na para mawala ang sakit. Pero sa lalim nito, mukhang matagal pa itong gagaling. At iyon ang isa sa mga dahilan kung bakit siya aalis. Not just to forget about Winston, but also to make this as a stepping stone para maging matagumpay sa huli. Nang may ikabuga naman siya kay Tiffany.
Inihanda na niya sa gilid ang maleta niya. Nandoon na lahat ng kailangan niya. Hindi naman siya magdadala ng marami dahil tiyak na mahihirapan lang siya.
Her phone rang, an unregistered number is calling her. Sasagutin niya ba? Paano kung ang tiyahin niya 'to? O, si Winston? Or worst, si Mrs. Olivia?
Nagkatinginan sila ni Evo nang patuloy na nag-ring ang cellphone.
"Answer it, Karina."
Napakagat-labi ang dalaga. "Kinakabahan ako. What if isa sa mga tao sa mansyon ng mga Miller ang tumatawag?" she asked with a worried face.
"Hindi mo malalaman kung hindi mo susubukan, Karina. Malay mo, si Kuya Will 'yan?" Pagbibiro pa ni Evo.
"Ikaw talaga, Evo! Nakuha mo pang magbiro, e!"
"Pero seryoso, sagutin mo na. Nagbibigay ng tablet, jacket at cash si Kuya Will, haha!"
Pilit lang na pinagaan ni Evo ang tensyon. Ang totoo, he's only waiting for someone from the mansion na pigilan si Karina na umalis. Pero huwag naman sanang si Winston. He is Karina's weakness.
"H-Hello?" Karina uttered.
"Oh, dear Karina!" bungad sa kanya ni Mrs. Olivia.
Napatakip ng bibig si Karina. Pinandilatan niya ng mga mata si Evo.
"Anong gagawin ko? Si Mrs. Olivia!" she mouthed.
Sumenyas lang sa kanya si Evo na kausapin lang ito.
"P-Po, Mrs. Olivia?"
"Where are you?? Umuwi ka na sa bahay, please. Hindi ka raw makumbinsi ni Marky. I am dead worried about you!" anito at halatang nag-aalala.
Pumakawala ng isang malalim na buntong-hininga si Karina. Naging maganda ang pagsasama nila ni Mrs. Olivia. Oo, naging ina na niya ito sa sandaling panahon, pero hindi ibig sabihin no'n babalik na siya sa mansion.
"Sorry po, Mrs. Olivia. Pero hindi na ako babalik."
"Hayys! I know everything, Karina. I know what you are going through at hindi kita masisisi, Karina. I knew everything from Tiffany, that b*tch set this up. Please, believe me, us!"
"I never heard anything from Winston, Mrs. Olivia. But I wish him a happy wedding. Nagpaubaya na po ako. Kung ano man po ang ginawa niya sa akin, kakalimutan ko na lang po 'yon. Ayaw ko na pong makagulo sa pamilya niyo. Maraming salamat po talaga sa pagtanggap sa akin, pero hanggang dito na lang po talaga."
Kahit masakit, pinilit ni Karina na patayin ang tawag. Muli na namang bumagsak ang mga luha sa kanyang pisngi. She needs to stand with her decision firmly. Hindi puwedeng mabago ng mga sinabi ni Mrs. Olivia ang desisyon niya.
"Evo," she uttered staring straight at Evo's eyes. Nanginginig pa ang kamay niya habang hawam ang cellphone niya.
"Yes, Karina? Bakit?"
"Book me a ticket, as soon as possible. Please."
Parang nabingi si Evo sa mga sinabi nito. Did he hear it right? As soon as possible?
"B-Bakit?" nauutal na sagot ni Evo.
"Gusto ko nang umalis. Please, book me a ticket as early as you can."
A tear fell down Evo's cheeck. Hindi na niya napigilan na yakapin si Karina ng mahigpit. "I will, Karina. Kahit na, masakit. Bakit kasi kailangang ako pa? Parang hindi ko tuloy kayang ihatid ka sa airport," he said while sniffing.
"Umiiyak ka ba? Aish, Evo naman, e."
"K-Kasi naman, e. Ang bilis, Karina. Napakabilis. Let me hug you like this. Mami-miss ko 'to. Mami-miss kita."