CHAPTER 50

"Kampay!!" sigaw ni Eliza. Halatang lasing na 'to. Himala, si Eliza ang pinakamatibay sa inuman kumpara kay Karina pero nauna uata itong natamaan ngayon. Ang likot din kasi nito. Sumasakit na tuloy ang ulo sa kanya ni Evo.

"Eliza! Hey! Natatapon ang alak!" Suway ng binata.

"Sh-shaan? H-Hindi naman e-eh, sh-shinungaling k-ka," nauutal nitong sagot.

Napailing-iling na lang si Evo saka napatingin kay Karina na namumula na rin. "Kars, you okay? Baka gusto mo nang magpahinga?"

Umiling-iling ito to disagree. "No, Evo. I-I'm still fine. Hindi masakit ang ulo ko. I-Iba yata ang masakit, e." Napahawak siya sa puso niya. She really easily gets emotional kapag nakakainom siya at hindi na niya iyon kayang ma-control pa.

"Saan?? Saan banda masakit?" nag-aalalng tanong ni Evo. Tumayo na agad ito para mas lalong ilapit ang sarili kay Karina.

"D-Dito sa puso ko. S-Sobrang sakit. Parang binibiyak."

Napayuko si Evo sa sinagot nito. Ang kaninang ngingisi-ngisi na si Eliza, natahimik at biglang nagseryoso. Napatingin din ito kay Evo.

"E-Evo, i-ikaw na ang bahala diyan sa kaibigan ko. H'wag mong paiiyakin 'yan," bulong nito sa binata pero narinig pa din iyon ni Karina. Matalas yata ang pandinig nito.

"Eliza! H-Hindi naman si Evo ang n-nanakit sa akin, e. S-Si W-Winston. S-Sobrang sinaktan n-niya ako, a-alam mo na 'yon?" anito habang umiiyak. Mabilis niya iyong pinahid.

"Kars, huwag mo muna siyang isipin. Please, nandito tayo para magsaya. Bukas aalis ka na, o. Don't be like this. Nahihirapan akong nakikita kang ganito, e." Halos pagmamakaawa ni Evo.

"Iyon na nga E-Evo, e. P-Parang ang h-hirap umalis, h-hindi ko kaya. T-Tama ba ang g-gagawin ko? T-Tama bang iwan ko si Winston nang hindi ko man lang siya pinapakinggan?" naluluha niyang sagot.

Naiyukom ni Evo ang kanyang kamao dahil bigla niya na namang naalala ang sex video nina Winston at Tiffany. Kumukulo ang dugo niya sa t'wing naaalala ang malaswang video na 'yon.

"Hindi pa ba sapat ang video na napanood mo?! What more can you ask for?! Gusto mo pa bang dagdagan ang sakit, Karina? Wake up!!" ani Evo sa kanya habang niyuyugyog ang balikat nito.

Mas lalong humikbi si Karina. "D-Don't shout at me, p-please," she answered while crying.

"E-Evo," ani Eliza na parang binabalaan na ang binata na magsalita pa ulit.

Maging si Evo, naluha na rin. "S-Sorry, Karina. I didn't mean to shout at you. Please, forgive me. Gusto ko lang naman matahimik ka na. Ang buhay mo. Gusto ko lang na malayo ka na sa taong dahilan ng sakit na nararamdaman mo ngayon."

"Kars, don't cry. God has a plan. Sundin mo na lang kung ano ang plano niya. Isipin mo na lang na sa lahat ng ginawa mong desisyon sa buhay, ito ang pinakatama. Imagine, ang tapang mo para abutin ang pangarap mo abroad. This is a once in a lifetime opportunity kaya, nandito lang kami sa likod mo," sagot naman ni Eliza.

Kahit paano, kumalma si Karina. Iyon lang naman yata ang kailangan niyang marinig para pakalmahin ang aligaga niyang puso't isipan na panay si Winston ang tumatakbo. Sigurado naman siyang magiging okay si Winston kahit wala siya, he has everything. Wala siyang problema sa buhay.

"Tama si Eliza, Karina. We got your back kaya huwag kang matakot na magkamali. Isa pa, si Winston naman ang nakagawa ng kasalanan. Siya ang lalapit sa 'yo at hahanap ng paraan para makausap ka. Hindi ko sinasabing huwag mo siyang kausapin for good dahil lang sa may gusto ako sa 'yo. Magkaibigan pa rin kami ni Winston, ang akin lang, mag-focus ka muna ngayon. Palipasin mo muna ang galit mo. I know, hindi ka makakapagdesisyon ng maayos kapag may galit diyan sa puso mo. Kapag handa ka nang makausap siya, saka na lang."

Napa-pout si Karina kasabay ng pagbuhos ng mga luha niya. "Grabe, hindi ko alam kung saan ako pupulutin kapag nawala kayo sa akin!" aniya sabay yakap sa dalawa.

"Uy, tuwang tuwa ang isa diyan. Niyayakap ng bebe niya." Pang-aasar ni Eliza kay Evo.

"Tsk, mabuti naman at nawala na ang kalasingan mo. Iyak lang pala ni Karina ang katapat mo, e." Buwelta naman ni Evo

"Mami-miss ko talaga kayong dalawa, sulat kayo, ha?" ani Karina.

Binatukan naman siya agad ni Eliza kaya napaatras ang luha niya. "Sira! Hindi ba uso whatsapp at messenger? Masyado ka namang old school, Kars."

"Biro nga lang, e. Itong si Eliza nambabatok, Evo, o." Pagsusumbong kunwari ni Karina.

"Ano ba, Eliza, huwag mong batukan 'yang loves ko na 'yan. Aalis na 'yan bukas. Iyan ba ang ipababaon mo?"

"Naku, nagkampihan pa! Matawagan nga si Winston nang masabi ang pag-alis mo."

Namilog naman ang mga mata ni Karina sa sinabi nito. "What??"

"Hehe, joke lang naman, Kars. Ikaw talaga, hindi mabiro." Nag-peace sign pa ito bago tinungga ang huling shot niya.

"Ang bilis lang talaga ng oras. Parang kailan lang, na sa bahay pa ako ng mga Miller at nagta-trabaho. Tapos bukas, biglang mangingibang bansa na 'ko para mag-aral at magpakalayo-layo," ani Karina habang mapait na nakangiti.

"Gano'n siguro talaga ang buhay, Karina. May dadating para turuan tayo magmahal, pero dapat alam na natin na kapag nagmahal tayo, sinusugal natin ang puso natin. Dapat handa na tayong masaktan," sagot ni Evo.

"Bakit kasi kailangan pang masaktan? Required ba 'yon? Bakit hindi puwedeng maging masaya na lang ang lahat."

"Ayan na naman ang drama. Despedida mo ito, Karina 'di ba? Imbes na magmukmok tayo, mag-shot pa tayo! Kampay pa!" sabay taas ni Eliza ng shot glass na hawak niya.

Kinuha iyon ni Evo saka ibinaba.

"Tama na, baka mamaya hindi na magising 'tong si Karina bukas bago ang flight niya. She can't be late. Kailangan niya ng madaming energy."

Muling sinariwa ni Karina ang mga alaala nila ni Winston. Nakaka-miss rin pala ang kasungitan nito. Nakaka-miss rin pala ang pagiging bossy at paminsan-minsang pagiging possessive nito. Nakaka-miss rin pala ang bawat sigaw niya. Ang boses niya na parang musika sa tenga. His husky and manly voice that soothes in her system. Miss na miss na niya si Winston. Minsan, iniisip niya kung totoo bang sincere ito sa paghingi ng tawad sa kanya. At kung sakali man na tanggapin niya ito in the future, may babalikan pa kaya siya? Pwede pa kaya nilang ipagpatuloy ang pagmamahalan nila?

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.