CHAPTER 69

Puspusan ang bawat pag-apply nila ng make-up sa kanilang mukha. Kailangan, hindi sila masyadong magkamali dahil kapag nagkataon at madaming mali, magmumukha silang dugyot at isa pa, kapag contest proper na, for sure may oras iyon kaya hindi puwede na masayang ang oras sa kakaayos ng pagkakamali. Everything must be done smoothly and fine.

“Good job, good job! You learn easily,” malandi na pagkakasabi ni Kevin, tunog bading talaga ito at pumapalakpak pa.

Napangiti naman ang tatlo dahil hindi pa naman sila natatapos sa pagmi-make-up ng kanilang sarili ay napuri agad sila ni Kevin, mas lalo pa silang ginanahan na pagandahin ang make-up nila.

“This time, you are told to follow the kind of make-up that was taught to you during the seminar, right? And since you will be doing the same make up on your face, the only way to identify the winner would bee based on her looks and the quality of make-up that she did.” Paalala ni Kevin.

“But later, there will only be one among the three of you here will be competing for the contest proper and during the contest proper, you are allowed to style your own make-up. That will be the basis for judging. You own style will be judged.”

They all nodded. Grabe, multi-tasking yata ang ginagawa nila. Habang salita kasi nang salita si Kevin sa harap ay panay rin ang pagmi-make-up at paglalagay nila ng kung anu-ano sa mukha nila. Kumbaga, ang isang tenga nila kay Kevin nakikinig pero ang atensyon at mga mata nila ay nasa ginagawa nila.

“You are almost done, girl . . “ Huminto pa saglit si Kevin nang tingnan ang name tag ni Shu-Ching para malaman kung tama naman ba ang sasabihin niya. ‘Shu-Ching,” dugtong nito.

“T-Thank you, Sir Kevin!”

Patapos na talaga si Shu-Ching at nagre-retouch na lang. Si Karina naman ay na sa huling part na ng ginagawa niya, ganoon rin si Su-Wei.

“Guys, later during the contest proper, you must be vigilant of the time, okay? To who ever that will be chosen among the three of you, I know you can do it.”

Literal na napabuga ng hangin si Karina nang matapos siya. Naninikip  talaga ang dibdib niya sa kaba. Ganito siya kapag masyadong nati-tense, e.

“Are you okay, Karina?”

Namangha si Karina dahil alam agad ni Kevin ang pangalan niya, obvious naman ang dahilan kasi may name tag sila, pero aside from that, mabilis lang talaga bigkasin ang pangalan niya.

“I am just slightly tensed, Sir Kevin. But I’m sure I can manage,” sagot niya.

Kevin nodded at saktong kasabay noon ay ang pagtunog ng bell, hudyat na end na ng work shop. Masaya si Karina dahil mula umpisa hanggang natapos sila ay nakaalalay sa kanila si Kevin, hindi sila nito iniwan kahit pa ang dami nilang tanong kung tutuusin. Ipinagdadasal na lang ni Karina na kung sino man sa kanilang tatlo ang mapili ay matatanggap niya ito ng buo, ang importante, she made it here. She is still lucky.

Good thing, hindi na nila kailangan pang umalis sa kinauupuan nila. Ang fifteen make-up artists mismo ang maglilibot ng bawat are ng mga kalahok para hindi maging magulo. Kumbaga, mismong sina Kevin, ija-judge ang gawa nina Karina, Su-Wei, at Shu-Ching. The same goes with the other groups. Para organize at maiwasan ang magkagulo. At kapag nagkataon naman na magkaroon ng tie dahil hindi naman iyon maiiwasan, si Elisse na founder ng company ang magbi-break no’n.

Nanlalamig ang mga kamay ni Karina nang magsimula nang mag-judge si Kevin. Si Kevin pa lang ito, ha? How much more kapag ibang make-up artists na? Hindi alam ng dalaga kung ano naman ba ang pinagsusulat ni Kevin sa kanyang hawak na papel. Basta, malalim itong nag-iisip kung titingnan. Susulyap sa kanilang tatlo na ani mo ay nagko-conceentrate at hirap na hirap talaga.

Mas lalong dumagdag ang kaba ni Karina nang lumipat na sa ibang area si Kevin, the three of them were left with another make-up artist. Kailangan niyang ngumiti ng totoo sa harap nito para kahit sa ngiti man lang siya manalo. Wala,e . Magagaling riin talaga itong mga kaklase niya. Para lang siyang isang kabute na sumulpot bigla at tumubo.

“Looks imressive,” bulong ng babaeng judge habang pinagmamasdan silang tatlo.

“Is Kevin your make-up master?” she asked.

“Yes!” sabay sabay na sagot nila.

“Kevin is really proving something everyday. I love that person,” sagot ng babae na para bang amaze na amaze siya kay Kevin. She said she loves him not the intimate love, ha? She means love kasi napakagaling ni Kevin at mas lalo pa niya itong napatunayan dahil maganda ang naging resulta nito kina Karina.

Ngawit na ngawit na silang tatlo sa pagngiti lalo na si Karina. Todo kung todo na ngiti na ang binigay niya dahil ito na lang yata ang magpapataas ng rating niya. Mabuti na lang at photogenic siya, kasali pala sa ratings ang looks e.

Nang matapos nang umikot sa bawat area ang mga make-up artists, they settled down on a very long table with Ms. Elisse at the center of it. Mangyayari na ang mahaba-habang pagta-tally ng scores individually kaya medyo matagal ito. The speaker adviced the participants to just sit back and relax on the lounge provided for them para makapagpahinga habang naghihintay ng result. Then, their lunch were served on the table. Amoy pa lang niyon ay nakakagutom na. Nakakagutom rin pala ang pagmi-make up. Ani Karina sa kanyang gunita.

“I almost run out of my daily energy just because of that two-hour workshop, huhu!” reklamo ni Su-Wei. Mangiyakngiyak ito at alam na alam mo talaga base sa kanyang mukha that she is totally tired. Mas nakakangawit at pagod kasi kapag ikaw mismo ang mag-aayos ng sarili mo. May konting advantage lang ang part na ito kay Karina dahil nasanay na siyang siya lang ang nag-aayos sa sarili niya simula nang maging marunong siyang mag-make up.

“It is okay, Su-Wei. It is part of this work shop. Don’t worry, it’s finally over now, which only means we got plenty of rest.” Pampalubag loob na sabi ni Karina sa kanya habang minamasahe ang balikat nito nang marahan.

“You are really kind, Karina. But I guess, we can not really relax since tthe selection has not yet happening. They are still tallying our total scores. I can’t relax not until the announcement of the result.”

“Yeah, I feel the same, Su-Wei,” sagot naman ni Shu-Ching.

“Don’t worry, guys. Who ever will be chosen, we will support each other, okay? This is for Kaohsiung University, fighting!” ani Karina trying her best to cheer for her two classmates dahil mukhang pinanghihinaan na ng loob ang mga ito.

Grabe, self, nagawa mo pa rin talagang mag-comfort ng iba, akala mo naman, ikaw hindi ka kinakabahan? 

Ang totoo, ramdam na niya ang pagnginig ng kanyang kalamnan sa kaba. Lalo na nang humawak na ng mikropono si Ms. Elisse. 

Sh*t, announcement na ba?

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.