Chapter Thirteen

SI Hunter ang naghatid kay Zyline pauwi sa bahay niya. Sinabi din nito sakanya na may inutusan na ito para dalhin ang sasakyan niya sa condo niya dahil iniwan niya ang sasakyan niya.

Hindi siya nagsalita habang nasa biyahe silang dalawa ni Hunter. She didn’t know what to say. Minabuti nalang niyang huwag nalang magsalita dahil unang una sa lahat, hindi naman niya alam kung ano ba ang sasabihin niya dito. Hindi niya alam kung anong dapat nilang pag-usapan dahil matapos nitong sabihin na hindi siya nito pakakawalan, hindi naman na nagkomento muli si Hunter doon. Hindi niya malaman kung seseryosohin ba niya ang sinabi nito o hindi.

Hunter looked at her and she heard him laughed softly. “You’re scared?” Hinawakan ni Hunter ang hita niya at nahigit niya ang hininga niya nang pisilin ni Hunter ito.

“Chill, my lady. I won’t eat you,” he grinned. “Unless you want me to…”

She closed her eyes as she tried to calm herself. Simpleng hawak lang ni Hunter, naaapektuhan na siya. Bakit ba nagkaganoon nalang bigla ang sitwasyon? The last time she checked, she just like him. Bakit ngayon, tila naman sobra ang nagiging epekto sakanya ni Hunter? She’s scared, yes. Pero naiisip niya na kung paiiralin niya ang takot na sumubok, paano siya sasaya?

But being with Hunter won’t be as easy as 123 or ABC. Alam niyang hindi magiging madali ang lahat. Maraming paniniwala si Hunter na kailangan niyang patunayang mali. She might get hurt, too. Pero walang nagmahal na hindi nasaktan.

“What’s your plan about Mika’s condo?” she said in a calmest voice she could muster. Napakahirap kumalma kung ang kamay ni Hunter ay hinahaplos ang hita niya pataas! Hindi ba ito nadidistract sa pagmamaneho nito? O sanay lang talaga itong manghalay ng babae habang nagmamaneho? She couldn’t help to grimace.

Nagtatayuan ang balahibo niya sa buong katawan dahil sa ginagawa nito. Gusto tuloy niyang mainis kay Bobbie na short shorts ang dala nitong damit niya he could’ve brought her jeans or something long. And she needed to call him, too. Ayaw niyang magkasira sila ng kaibigan. Alam niyang may tampo ito sakanya. Maybe because she didn’t call him, but hell! Paano naman siya makakatawag kung kasalukuyan silang gumagawa ng milagro ni Hunter?

“I haven’t talked to her…” he said. “Kasama niya si Kerko, diba? You know my sister. She’ll forget everything when she’s with that guy.” Napailing nalang ito. Isang kamay lang ang gamit nito sa pagmamaneho dahil abala nga ang kamay nitong damhin ang hita niya.

“She’s in love, Hunter. Natural sa babae ‘yon. When we’re in love, we’re in love. Wala kaming ibang nakikita maliban sa lalaking mahal namin at—“

“And then get hurt in the end?” putol nito sa sinasabi niya. Hindi mapigilan ni Zyline mapakunot ang noo.

Bakit ba laging dulo na ang iniisip ni Hunter? Was he scared to commit because of that thought? Kasi iniisip nito na masasaktan lang siya? That’s bullcrap. Like what she said, walang taong nagmahal ang hindi nasaktan.

She’s scared, too. Pero nandito siya, nagtake ng risk. Because in her mind, this will all be worth it.

“Hunter, love comes with pain and—“

“And that pain makes everyone around me miserable, Zyline.” Tumingin ito sakanya. Bigla siyang nakaramdam ng lamig sa tingin ni Hunter. “So, no. I don’t believe in that crap. Don’t get me wrong I do love my family, but romantic way of love? No, thank you. I am fine.”

Tinanggal nito ang kamay sa hita niya at nagpatuloy sa pagmamaneho. She didn’t know his story. Was he hurt before? Pero paano siyang masasaktan, he was the one who stole his brother’s girl. Inagaw ni Hunter ang girlfriend noon ni Thunder, that makes him the black sheep. That makes him the bad guy.

Pero may nangyari ba sa past nito kaya nagkaganyan si Hunter? Hindi alam ni Zyline kung para saan ang nararamdaman niyang awa at ayaw niyang maramdaman iyon. Walang tao ang gustong kinakaawaan sila. Lalo na siguro si Hunter.

She can see it now. Hunter’s alone. He’s covering that loneliness by being a bad ass. Alam niyang hindi malapit si Hunter at Thunder, si Mika nama’y walang problema sa mga kapatid niya liban sa pagtutol ng mga ito sa boyfriend nito, iyon lang ang alam niya. She doesn’t know that much about them, magkaibigan ang kuya niya at kapatid ni Hunter, kaibigan niya si Mika, that’s it.

Walang may pakialam kay Hunter. For them, he’s just Thunder’s brother. A beast that makes a girl fall for him and them leave her after. Wala ni isa sakanila ang nagbalak makipagkaibigan dito. At ayaw niya ding maging kaibigan si Hunter. Sa nararamdaman niya ngayon para dito, ayaw niyang hanggang doon lang ang magiging relasyon nila.

“Do you want to eat first or you want to go home straight?” he asked her. Napalingon naman siya sa binata. May problema ba sa pagkain ‘tong lalaking ‘to? He loves to eat, but hell! Ang ganda pa din ng katawan.

“Home. Doon nalang tayo kumain,” she replied. Well, she doesn’t have enough strenght to argue with him. Ang dami pa niyang iniisip at hindi pa nagsisink in ang lahat.

May nangyari sakanila ni Hunter.

He said he’ll never let her go.

Hinahatid siya nito ngayon sa condo niya.

He’s holding her hand.

He’s kissing her lips.

Pero ano bang relasyon nila?

Hindi malinaw, eh. Hindi naman nilinaw ng binata.

Fuck buddy? No, thank you. She’s a De Guzman. Wala siyang planong masali sa mga taong ganoon ang gawain. Kaya kailangan niyang linawin ang sitwasyon kay Hunter.

Mamaya, kapag nasa condo niya na sila ay kakausapin niya ito. Aalamin niya kung anong sitwasyon nila. Hindi niya din dapat hayaan na maulit ang nangyari sakanila kung wala naman silang label.

Yes, she’s taking a risk, but she’ll protect herself, too. Hindi naman dahil sinabi niya na worth it ang pagtake ng risk, papayag nalang din siyang pumasok ulit si Hunter sakanya ng malabong usapan ang meron sila.

“Your phone, my lady…”

Tsaka niya lang napansin na nagriring pala ang cellphone niya nang magsalita si Hunter. It was her brother who’s calling her.

Iyon pa pala! Si Blue! Paano niya sasabihin sa kuya niya ang nangyari? O dapat bang sabihin niya pa?

Nilingon muna niya si Hunter bago sinagot ang tawag ng kapatid niya.

“Hello, Kuya?” she greeted him.

“Where are you? Mom’s looking for you, Zy,” Blue said.

Nakatingin lang din si Hunter sakanya. Nakahinto ang sasakyan nila dahil sa traffic.

“I’m on my way home,” she said. She didn’t know why her lips were trembling. Baka dahil sa titig ni Hunter. God, ano ba namang epekto ni Hunter ang nangyayari sakanya? Daig pa niyang nag-drugs at si Hunter ang drugs.

“Where were you last night? I was calling you. Sinong kasama mo?” Blue asked her again. She sighed. Of course, she couldn’t say she was busy moaning last night, could she? That would wake the monster inside Blue knowing how protective his brother was.

“I was…” she bit her lower lip. Hunter smiled at her. “I… uhm, I was with…” she sighed. “I was with Bobbie…”

Bigla’y nawala ang ngiti sa mukha ni Hunter dahil sa sinabi niya.

“Your gay friend?"”Blue asked her. Kilala ni Blue sa Bobbie dahil wala namang kaibigan si Zyline na hindi nito kilala. She’s honest about everything, too. Minsan na siyang nanloko noon dahil naging makasarili siya, she doesn’t want to feel that again. Na magalit sakanya ang taong pinahahalagahan niya dahil makasarili siya.

“Yes, Kuya,” she said.

“Okay, just rest, then. I’ll just see you tomorrow. Cyanelle wants to see you, too.”

Matapos magpaalam ay ibinaba na niya ang tawag. Hindi pa din maipinta ang mukha ni Hunter. Hindi na tuloy niya napigilan magtanong.

“Anong problema mo?” tanong niya dito nang hindi na ito magsalita pa.

“Wala,” he shook his head and then turned his head back to the road again. Gusto pa sana magtanong ni Zyline pero wala naman atang balak sumagot ng maayos ang binata. Pinili nalang niyang manahimik hanggang sa makarating sila sa Makati. Hindi naman malayo ang Greenhills sa Makati kung tutuusin lalo pa’t may sarili silang kotse na gamit pero dahil traffic, halos hapon na din sila nakarating sa condo niya. Buti nalang ay nakapag-late breakfast/early lunch silang dalawa ni Hunter.

“Do you want anything?” she asked him. Umupo si Hunter sa sofa na naroon at pinagmasdan ang kabuan ng bahay niya. She decorated her own abode. Inilibot niya din ang mata at tinignan kung may mali ba sa mga ito.

“No, I’m fine…” he said.

Kahit sinabi nito na wala itong gusto, kumuha na din si Zyline ng juice at mamemerienda ng binata. Buti nalang talaga’y may stock din ng pagkain si Zyline.

“Magbibihis lang ako,” paalam niya sa binata matapos ilapag ang merienda sa center table.

“I prefer you naked, Zyline.”

She rolled her eyes. Ilang lalaki na ba ang nagsabi ng ganyan sa mga babae? And seriously? Alangang maglalalakad naman siyang nakahubad. Hindi pa siya nasisiraan ng bait.

Hindi nalang niya ito pinansin at dumiretso sa kwarto niya. Mabilis lang siyang naglinis ng katawan at nagbihis. She texted Bobbie to call her, too. Papapuntahin niya nalang ito mamaya sa condo niya para mas makapag-usap sila. What Hunter did earlier was rude. Kulang nalang kasi’y sabihin nito na umalis na ito dahil nakakaistorbo ito.

Paglabas niya’y naroon pa din si Hunter. “Are you going to stay for dinner?” she asked him. Well, lagi nalang ito ang nagluluto para sakanya. Wala naman sigurong masama kung siya naman ang magluluto.

“Do you want me to? O may iba kang plano?” he asked her, too. Hindi niya malaman kung para saan ang parang paghihinala sa boses nito.

“Wala akong planong umalis, Hunter. I’m too tired to go to Blue’s Haven tonight. What I want to do is to sleep…” I sighed. “And think.”

Kumunot ang noo niya. “Think about what?” tumayo ito at lumapit sakanya.

She sighed again.

“Us, Hunter. About us,” she looked at his eyes. Tila naman mas kumunot pa ang noo nito sa sinabi niya. His eyes were darker, too.

“Us? What about us?” he whispered. Inilapit nito ang mukha sa mukha ni Zyline.

Damn, paano ba siya makakapag-isip ng matino kung ganito ang ginagawa ni Hunter?

“Hunter, I’m serious…” sinubukan niyang lumayo pero nakabig na siya ni Hunter palapit sakanya. Nakahawak ang isang kamay nito sa leeg niya habang ang isang kamay nito’y nasa bewang niya.

“I am, too, and I don’t want to stay for dinner, my lady…” he whispered. “I want you for my dinner.”

Nanlaki ang mata niya pero bago pa siya nakapagreact ay napaglapit na ni Hunter ang mga labi nila.

He kissed her with hunger. His lips were needy, his kisses were as intense as before.

Hindi niya napigilang mapaungol ng mahina nang maramdaman niya ang pagpisil ng kamay nito sa bewang niya.

He pulled her closer to him.

She parted her lips and welcomed his tongue. Narinig din ni Zyline ang mahinang pag-ungol ni Hunter dahil sa ginawa niyang pagpapaubaya.

Pinutol nito ang halik at tinitigan siya sa mata. “I want you again,” he said then kissed her lips again.

“Hunter…” she tried to say her protests. But Hunter just kissed her lips again and possessively wrapped his arms around her waist.

“Hunter…”

Nakukulong lang ang mga protesta niya sa labi nito. Kailangan niya munang malinawan! Kailangan niya ng assurance!

“Hunter!” mahinang itinulak niya ang lalaki. Halata namang nabigla si Hunter dahil sa ginawa niya, pero kailangan niya itong kausapin.

“What?” naiinis na tanong nito sakanya. She filled her lungs with air.

Lumayo din muna siya sa binata. Pakiramdam niya kasi, sa tuwing ganoon siya kalapit kay Hunter, nag-iiba ang takbo ng isip niya. Kailangan niya munang malinawan.

“What the fuck is your problem now?” Hunter asked again.

Nilingon niya ito. “Ano bang meron tayo, Hunter?” tanong niya sa binata. His forehead creased. “What do you mean?” tanong nito na tila hindi naintindihan ang sinabi niya.

“This. What is this, Hunter? We had sex, yes. Twice! And I don’t have any idea kung anong meron tayo. I don’t even know kung meron bang tayo!” Iniwas ni Zyline ang tingin sa binata. “You like me, I like you… but damn, that’s not actually enough to have sex! Pero nangyari sa ating dalawa, eh. And now, I want to know if what is this we’re having….” she looked at Hunter.

“No, please. Don’t come near me.” Pigil niya nang makitang humakbang si Hunter palapit sakanya.

“You know I don’t do that kind of relationship thing. After Storm, I never had a girlfriend again…” he said. “I don’t want to commit because I don’t want them to put up a standard that I can’t even meet.”

“Ano palang balak mo sa akin?” bravely, she asked. Kung ayaw nitong maging girlfriend siya, so fuck buddy talaga ang magiging papek niya? No way. Hindi siya papayag.

“Zyline, this is all I could offer. Hanggang doon lang ang—“

“What, hanggang sex lang?” putol niya sa sasabihin nito. Nakaramdam siya ng pait sa bawat salitang sinabi niya.

“Yes, but—“

“Then whatever we’re having, Hunter, tinatapos ko na.” Hindi alam ni Zyline kung bakit ba nag-iinit ang sulok ng mata niya. Kanina lang, umaasa siya na iba ang iniisip niya sa realidad, eh. Worth it si Hunter, diba? Pero paano magiging worth it kung wala naman pala siyang aasahan kahit kaunti sa binata?

Papayag siya sa gusto nito, tapos kapag nagsawa na si Hunter, iiwan nalang siya? Masyado naman ata siyang maganda para lang mangyari sakanya iyon.

“What the fuck?” Hunter hissed. “Zyline, we’re both matured enough. What happened to us, it was normal. Hindi naman kailangan ng label para lang magsex ang dalawang tao. You were a virgin, yes, pero hindi naman ikaw ang unang virgin na papasok sa ganitong relasyon.”

She couldn’t believe him. She guessed that it was the beast who’s talking to her now.

“Hunter, hindi mo naiintindihan. I gave you my virginity, tapos ano? You just want me to become your fuck buddy? No, thank you. I like you and this hurts. ‘Yung sinabi mong gusto mo ako, ngayon alam ko na. You don’t like me, really. You just want to have sex with me, at ako naman si tanga, alam na ngang wala ka namang ibang alam gawin kundi maglabas-masok sa babae, pumayag pa.” Hindi na niya napigilang mapaluha. Agad niyang pinalis iyon nang maramdaman niya sa pisngi niya.

“Zyline, don’t be so dramatic.” Hunter shook his head. “That’s how complicated your mind was. Kayong mga babae. Napakadrama niyo.”

“Why, Hunter. May kapatid kang babae, diba? Gusto mo ba na hanggang sex lang ang relasyon ni Mika kay Kerko? Gusto mo ba na iyon lang ang tanging ginagawa ni Kerko sa kapatid mo?” she asked. Nakita niya ang pagtiim ng bagang ni Hunter. Alam niyang hindi nito nagustuhan ang sinabi niya.

“Hindi, diba?” she said. She sighed again. “I want an assurance. I want a label. I want a relationship. I want a commitment. At alam natin pareho na hindi mo kayang ibigay lahat ng iyon…”

Pakiramdam ni Zyline ay may kung anong tumutusok sa puso niya.

Hindi pa nga nagsisimula ang love story niya, ending na agad.

“Salamat nalang sa lahat, Hunter. Pero hindi ako papayag na hanggang doon lang. Hindi ako papayag na ibaba ang sarili ko ng ganoon.”

Hindi nagsalita si Hunter. He just looked her. Tila nag-iisip ito ng sasabihin sakanya pero mas pinili nalang na manahimik.

“Makakaalis ka na…” she said. Hunter stared at her again. She just heard him ‘tsked’ and then went towards the door.

Hindi na niya napigilan mapaiyak. Nakakabwisit naman talaga ‘tong pag-ibig na ‘to.

It’s not about time, really. Hindi mahalaga kung gaano mo nakasama ang isang tao para magkaroon ka ng feelings, eh. Kahit pa nga ang sama-sama sa’yo ng isang tao, hindi pa din nasisiguro na hindi ka magkakafeelings, eh. Ano pa kaya kung si Hunter ‘yung lalaki?

He’s bad. He’s an ass. He’s a bastard. But hell, she likes him so bad.

Naupo nalang siya sa sofa at niyakap ang tuhod. Kanina lang, magkasama pa sila. Kanina lang, they were actually happy. He was teasing her, he was kissing her. Now, she just told him to leave her life.

She wanted to call Hunter. Gusto niyang bawiin ang sinabi niya pero para na din siyang pumayag sa gusto nito. Ayaw niya talaga.

Hindi dahil may mararamdaman ka sa isang tao, ibababa mo na ang sarili mo. Pinaghirapan siyang buhayin ng mga magulang niya para maging masaya. Hindi para saktan ng iba.

Nawalan na din siya ng ganang kumain kaya naman humiga nalang siya sa kama niya. Nanunuod siya pero wala doon ang atensyon niya.

Why is it so hard to forget someone? Bakit ba ang hirap makalimot agad? Bakit kung sino pa ang hindi mo na dapat iniisip, ‘yon naman ang hindi mo makalimutan?

Sana ‘yung paglimot, kasing dali lang nang paglimot mong magset ng alarm. O kaya kasing dali nang pag-iwan mo ng isang bagay kasi nawala sa isip mo. Kaso hindi, eh. Ang hirap kalimutan ng taong mahalaga sa’yo.

“Come on, Zyline. You’re a De Guzman. Wala sa lahi niyo ang ganyan. Huwag mo namang tularan ang kuya mo noon…” kastigo niya sa sarili. His brother was in love with Stephanie before who’s now PJ’s wife. Kaibigan din ni Blue. Ang tagal bago nakamove-on ito. Ayaw niya na mangyari sakanya iyon ng dalawang beses. Moving on from Cupid was hard. Pero sila ni Cupid, nagkarelasyon naman. Eh, sila ni Hunter? Bukod sa malanding relasyon, wala na.

“Ugh!” Bumangon siya at ginulo ang buhok. “I need to wake up! I need to forget him!” Lumabas nalang siya ng kwarto niya at kinuha ang ice cream sa ref niya. Uubusin nalang niya ito kesa isipin si Hunter. Maybe after she ate her tub of ice cream, marerelax na ang isip niya.

Nangangalahati na ang pagkain niya nang marinig niya ang doorbell niya. It was almost midnight. Sino naman kaya ang bibisita sakanya ng ganitong oras? Hindi naman nagreply si Bobbie sakanya kaya nga mas lalo siyang nada-down.

Naglakad siya papunta sa pinto at binuksan ito. She was shocked when she saw Hunter. Ano namang ginagawa nito sa labas ng condo niya ng ganitong oras?

“What are you doing here?” she asked.

He looked at her and sighed.

“Ayoko talaga mag-girlfriend…” he said. She rolled her eyes. Alam na niya ‘yon.

“Oh, tapos?” she asked him again.

“Ayokong mag-girlfriend at—“

“Alam ko na ‘yon, bakit kailangan mong ulit-ulitin?” naiinis na tanong niya sa binata.

“Fuck, Zyline, let me finish first!” he retorted. Tumaas ang isang kilay niya sa lalaki.

“I don’t want to have a girlfriend. Because a girlfriend is annoying. A girlfriend is demanding. A girlfriend is a nagger. I don’t want to be controlled by anyone. I control my life…” he paused. “But fuck, why are you being like that?” he asked her.

“Anong ginawa ko sa’yo?” she asked him, too. Ano bang sinasabi ng lalaking 'to?

“I can’t get you out of my mind, damn it!”

Kung titignan si Hunter, para din siyang naguguluhan sa sitwasyon.

“That’s not my problem anymore,” sagot ni Zyline. Pareho lang naman sila. Hindi niya din maalis ang binata sa isip niya. “Hindi ako papayag sa gusto mo. Ayoko na ganoon lang ang label ko. Umalis ka na.”

“Zyline, let me—“

“Hunter, I don’t want to be your fuck buddy or sex buddy or whatever. Ayoko. Hear me, ayoko. Umuwi ka na. Good night.”

She’s hoping that, that will be the last time she’ll see him. Alam niyang imposible pero iyon dapat. Iiwas nalang siya.

Natigilan siya nang hawakan ni Hunter ang kamay niya.

Napatingin siya sa binata. He was looking at her, too. Magsasalita sana siya pero naunahan siya nito.

“Be my girlfriend, then.”

Natigilan siya. Did he just said…?

“Silence means yes, Zyline Cerise…”

Hindi siya lalo nakagalaw nang bigla siyang hilahin ni Hunter at halikan sa mga labi.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.