HALOS hindi natulog buong magdamag si Zyline. She’s waiting for Hunter to come home. Hindi na din niya muling tinawagan ang asawa para alamin kung anong nangyayari. She was mad. Bakit na kay Tanya ang cellphone nito? Magkasama sila? Magkasama na naman sila? Anong dahilan? Anong pwedeng maging dahilan ni Hunter para makasama ang babaeng mahalaga sa nakaraan nito?
Ngayon patunayan ni Hunter sakanya na hindi ito sinungaling gaya ng sinasabi nito lagi sakanya. What’s his alibi this time? Surely, he can’t deny the thought of them being together. Alangan namang ninakaw ni Tanya ang cellphone ni Hunter. Natural na magkasama ang mga ito at aalamin ni Zyline ang dahilan kung bakit.
He said he loves her. Mahal siya nito. Pero anong nangyayari ngayon? Everything’s fine and happy between them, now this? Sa isang iglap, magkakagulo silang dalawa? ‘Yung pamilya nila? Hindi naman ata siya makakapayag na mangyari iyon. Hindi siya papayag na isang Tanya lang ang sisira sakanilang dalawa ni Hunter.
She was impatiently tapping her fingers on the arm rest of the chair. Patay na lahat ng ilaw sa living room nila at hinihintay nalang niya si Hunter na dumating. She looked at the clock on the wall. 2:16 am.
Madaling araw na.
Madaling araw na pero wala pa din si Hunter. He didn’t even bother to call her, to inform her about his whereabouts. Kung ano na ang nangyayari dito. Ano ba siya? Display sa bahay nilang dalawa?
Sinulyapan din niya ang sofa nila kung saan may dalawang unan at isang kumot siyang inilagay. Dapat bang bigyan niya pa ng unan at kumot ang asawa? Mas tama yatang sa labas na patulugin ang talipandas na lalaking iyon. Mas maganda pa atang saraduhan niya ng pinto, eh.
Halos alas-tres na ng madaling araw nang marinig ni Zyline ang pagdating ng sasakyan ni Hunter. Her heart was pounding inside her chest. It was beating erraticaly.
She didn’t move an inch. She was waiting for him to go inside. She was crossing her legs and leaning on the chair. Naka-roba lang din si Zyline habang inaantay si Hunter.
Maya-maya’y pumasok na si Hunter sa loob ng bahay nila. He was wearing a different shirt. Mas nangunot ang noo ni Zyline. Bakit kailangan magpalit ni Hunter ng damit?
Hindi siya marahil napansin ng asawa dahil nagtuloy-tuloy ito sa paglalakad kaya naman tumikhim na si Zyline. Lumingon naman si Hunter sakanya.
He was surprised to see her at that hour.
“Zyline? Why are you still up?” lumapit ito sakanya at nagtangkang halikan ang noo ni Zyline. Umiwas siya sa asawa.
“Where have you been?” tanong niya dito. She was cold as ice but she doesn’t give a fuck about it. Tumaas ang isang kilay niya kay Hunter.
“I was with Thunder,” sagot naman nito sakanya.
Thunder? So magkaboses na pala si Thunder at Tanya ngayon?
“The truth, Hunter Ezekiel. Where have you been? At bakit ngayon ka lang umuwi?” tanong niyang muli sa asawa. Hoping that he’d tell her the truth.
Kumunot ang noo ni Hunter. “This acquisition is for?” tanong nito sakanya. “What’s this?” takang-tanong nito habang nakatingin sa unan na naroon.
Inilapag nito ang dalang bag sa may couch at umupo. Bumuga ito ng hangin bago sumandal sa upuan. “I was with Thunder, Zyline. You can call him and ask him,” seryosong saad ni Hunter sakanya. “Itanong mo na din kung hanggang anong oras kami magkasama para makalma ka,” dagdag pa nito.
Nagpupuyos ang kaloobang tinitigan ng masama ni Zyline si Hunter. “Bakit iba ‘yung shirt mo?” tanong niya ulit kay Hunter.
“Natapunan ako habang kumakain kami sa meeting. Kinailangan kong magpalit. Nasa sasakyan ang resibo ng damit ko, kung kailangan mo,” ani Hunter na nagsisimula na ding mainis sa mga tanong ni Zyline sakanya. He badly wanted to rest.
Hindi natinag ang nararamdamang iritasyon ni Zyline. “Where’s your phone?” finally, she asked him. Iyon naman ang pinaka-kailangan niyang alamin. Iyon ang pinaka-dahilan ng nararamdaman niyang galit ngayon.
“I lost it,” diretsong sabi ni Hunter.
Mas tumaas pa ang kilay ni Zyline. Lost it? Lost it his ass.
“You lost it?” sarcastically, she asked him again. “You lost your phone?” ulit pa niya. So, he lost his phone, saktong si Tanya ang nakakuha.
Sinungaling.
He heaved a sigh and looked at her. “Bingi ka ba?” tanong sakanya ni Hunter. “I lost my phone. I don’t even know where, okay? I was with Thunder the whole day. May mga meeting kaming pinuntahan para sa kumpanya. Hindi ko alam kung naiwan ko sa meeting o ano. I tried to find it, Zyline. Pero hindi ko nakita. Mamaya pa ako bibili ng bago. Ano pang itatanong mo? Pagod ako, gusto ko ng magpahinga,” hindi na napigilan ni Hunter magtaas ng boses.
Bakit ba kung akusahan siya ni Zyline, parang may ginawa siyang masama?
This sucks.
He was trying his damn best to be the better man she deserves but damn it to hell… sinusubukan na niya pero heto si Zyline, halatang inaakusahan siya sa bagay na hindi naman niya alam kung ano.
“Your phone’s with Tanya,” walang emosyong utas ni Zyline sakanya.
Kumunot ang noo ni Hunter. “Tanya?”
“Yes, Hunter. Si Tanya.” She was observing his reaction. Tila naguguluhan si Hunter sa sinasabi niya dito. Now, what? He’s now a good actor? She’s not buying it.
“I didn’t saw her today,” sabi ni Hunter kay Zyline. And that was the truth. Hindi namam talaga nakita ni Hunter si Tanya. He was with Thunder and Salvador. Nagmeeting sila nang gabi para sa partnership sa farm sa Tarlac, pero wala si Tanya doon. Hindi kaagad siya nakauwi dahil kinailangan pa nilang ayusin ni Thunder ang ilang presentations para sa susunod na Linggo. He decided not to call Zyline para hindi na ito mag-alala na nawala nga ang cellphone niya. He really couldn’t remember where was the last time he saw his phone. Maybe sa restaurant na pinagmeetingan nila Salvador, pero wala naman si Tanya doon.
“Lie better, Hunter,” sabi ni Zyline sakanya.
Dumilim ang ekspresyon ng mukha ni Hunter.
“I’m telling the truth, Zyline,” exasperatedly, he said. “Hindi ko nakita si Tanya ngayon,” ani pa niya sa asawa. Ang huling pagkakataong nakita niya si Tanya ay noong ikinasal sila ni Zyline. Ilang buwan na din ang nakalipas noon.
“Ipaliwanag mo sa akin ngayon kung bakit nasa kanya ang phone mo!” malakas ang boses na sabi ni Zyline sa asawa.
Napatiim bagang si Hunter.
“I already told you my side. Hindi ko nakita si Tanya. I must’ve left my phone at the restaurant. Nauna kaming umalis ni Thunder sa restaurant. Maybe Tanya came in, saw my phone. That’s it,” seryosong saad niya.
Hunter hate this. ‘Yung inaakusahan siya sa mga bagay na hindi niya ginagawa. He wasn’t a good person, yes. Gago din siya, oo. Pero kapag sinabi niya, ginagawa niya. Sinabi niyang si Zyline lang, si Zyline lang.
Hindi nagsalita si Zyline. Hindi siya naniniwala sa asawa. It’s Tanya they’re talking about. Ex ni Hunter. At lahat ng ex, kahit pa ex na, issue pa din ‘yan kahit anong mangyari. Dahil at some point of their lives, nagmahalan sila. At alam niyang hindi lang basta ex si Tanya para kay Hunter. She used to be his everything!
“Aakyat na ako. Gusto ko ng magpahinga,” malamig ang tonong sabi ni Hunter sakanya. Kinuha nito ang bag at iniwan na siyang naroon sa may sala.
Ayaw ni Hunter na mas magkasamaan sila ng loob ni Zyline kaya naman minabuti nalang niyang mauna na sa kwarto nila. He’ll talk to her later. Kailangan lang din niyang pahupain ang inis na nararamdaman niya.
It was crystal clear. It was written on her face. Hindi ito naniniwala sakanya. But he was telling the truth!
Damn.
He was with Thunder. Kahit si Thunder, late nang nakauwi sa bahay nito. He didn’t call Einah, either. They were both focused on the presentation. Tapos ganito pa pala ang maaabutan niya?
Tanginang pagbabago.
He removed his clothes and went to the bathroom. Maliligo lang siya ng mabilisan bago matulog. He was sleepy as fuck but he wants to clean himself first. Pakiramdam niya, lahat ng alikabok, nakuha na din niya nang magpalit pa siya ng gulong bago makauwi.
He stayed in the shower thinking about his wife. Kung paano sila magbabati ni Zyline. Ayaw niyang nagagalit ito sakanya pero hindi niya maiwasang mainis sa inakto nito. It was as if he was cheating on her. Na hindi naman.
Malamig ang tubig na dumadapo sa katawan ni Hunter. It was exactly what he needs to calm his muscles.
Ibinalot lang niya ng tuwalya ang bewang pababa habang pinupunasan ng isa pang tuwalya ang buhok niya.
Paglabas niya ng banyo, nakita niya si Zyline na nasa loob na ng kwarto nilang dalawa.
He sighed. Smelling her scent. Her natural scent.
“Zyline…” he called her. He’s maybe tired but he still have energy to have one round with Zyline at the moment.
Hindi nagsalita si Zyline. Instead of talking, she just removed her robe.
Halos mapamura naman si Hunter nang makita na walang ni isang saplot si Zyline sa ilalim ng robang suot.
So she was arguing with him earlier, without nothing underneath that thin robe.
Tila uminit naman ang pakiramdam ni Hunter dahil doon. His wife never fails to amaze him.
Nakatingin lang si Zyline sa asawa. She was aware of that growing part of Hunter’s body. Halata iyon sa suot nitong tuwalya.
It was hard to resist the temptation, pero kailangan. Her nipples were hardening because of the cold air that was touching her flesh. Dama niya din ang init na lumulukob sa katawan niya dahil sa lalaking kaharap.
“Zyline…”
“Matutulog na ako,” she muttered. Iniiwas niya ang tingin sa katawan ng asawa. Nakakatakam kasi ‘yung dibdib ni Hunter pababa doon sa parteng nabubuhay sa katawan nito.
Umikot pa si Zyline papunta sa kabilang side ng kama kaya dumaan siya sa harap ni Hunter. He caught her arms and pulled her closer to him.
Bumilis ang tibok ng puso ni Zyline nang mapalapit ang katawan sa katawan ng asawa. Her nipples touched his chest and that created a flame between them. And she badly wanted to kiss his lips. Pero kailangan niyang ikontrol ang sarili dahil na rin sa ginawa ni Hunter.
He wasn’t telling her the truth. Ayaw niyang pagdudahan si Hunter pero ang kadahilanang na kay Tanya ang cellphone ng asawa niya, sapat na siguro para magduda siya.
“Let me go, matutulog na ako…” ani Zyline kay Hunter. He was indeed surprised by what she said.
“What?” kunot-noong tanong ni Hunter kay Zyline.
“Bitawan mo ako, matutulog na ako,” ulit pa ni Zyline kay Hunter at tsaka binawi ang braso mula sa asawa at naglakad na papunta sa kama. Sumampa ito sa kama, showing off her sexy ass then cover herself with the comforter.
“What the fuck?” Hunter asked her. “Are you torturing me, Zyline?” tanong niya ulit sa asawang tumagilid pa sa paghiga at hindi siya pinansin.
Naghubad sa harap niya, pinakita ang katawan nito tapos tutulugan siya?
He looked down and saw how hard he was. What a waste.
She strip teased in front of him and left him with a painful hard on. Tanginang ‘yan talaga. He shook his head and removed the towel. Nakahubad naman talagang matulog si Hunter. Kahit noong ‘di pa sila kasal ni Zyline pero dahil pinapasok ni Mika ang kwarto niya, kinailangan niya din na magsuot ng kahit boxers man lang.
He tried to hug his wife but Zy moved away.
Hell. Kahit yakap, ipinagdamot sakanya.
Dahil lang sa cellphone nagkakaganito si Zyline?
“Hindi ako nagsisinungaling sa’yo kung iyon ang nasa isip mo, Zyline,” anang niya sa asawa. Bumangon siyang muli at kumuha ng boxers at damit. “We’ll talk about this later. Goodnight,” hinalikan niya ang sentido ng asawa bago lumabas ng kwarto at lumipat sa kwarto ng kambal.
Narinig ni Zyline ang pagbukas at pagsara ng pinto ng kwarto nila. She sighed heavily. Bumangon siya matapos ang ilang minute at kumuha ng damit sa closet bago lumabas at hinanap kung nasaan si Hunter. She saw him sleeping soundly at the twins’ room. Karugtong lang ito ng kwarto nilang dalawa at may kama doon para kung maisipan nilang dalawa na matulog doon.
Halata ang pagod sa mukha ni Hunter. Zyline sighed again. Inayos nito ang comforter na gamit ni Hunter. Tulog na tulog din ang kambal. Bumalik siya sa kwarto nila at hinayaan nalang muna si Hunter doon. Masama pa din naman ang loob niya sa asawa dahil sa nangyari.
It was almost 10 in the morning when she woke up. Nagising siya nang maamoy ang aroma ng kape sa loob ng kwarto nila. Iminulat niya ang mata at nakita niya si Hunter na nakaupo sa pang-isahang upuan, magulo ang buhok at nakatingin sakanya.
“Morning,” he greeted her.
Nag-iwas ng tingin si Zyline.
“Thunder and his family will be here for lunch,” ani Hunter sakanya. “I don’t like the idea of you doubting me because of something I didn’t do so I invited him.”
“Hindi naman kailangan, Hunter,” sagot naman ni Zyline kay Hunter. Gusto lang naman niyang malaman ang totoo mula dito. Ipaliwanag sakanya.
“I think it is necessary, Zyline…” tumayo na ito at kinuha ang tray na nasa gilid. “You should eat now. Napaliguan ko na ang kambal, wag mo na silang problemahin pa,” sabi pa nito.
Huminga ng malalim si Zyline bago tinignan ang inihanda ni Hunter na almusal. May kasama pa itong isang red rose.
“Babalikan ko muna sila Keij,” sabi ni Hunter. Bago pa siya makapagsalita, nakalabas na ng kwarto si Hunter.
Matapos kumain, naligo na si Zyline at bumaba para makasama ang mag-aama niya. Halos tanghalian na nang dumating si Rain at Thunder kasama si Theon na may dala-dalang Captain America na laruan. He was wearing a Captain America printed shirt as well.
“Hi, Rain, Thunder…” bati niya sa mag-asawa.
“Hi!” Rain greeted her. “I brought a fruit cake. Para sa dessert,” sabi nito sakanya. Inaya naman niya ito sa kusina para makapag-usap silang dalawa.
“Hindi ko alam kung matatawa ako kay Hunter o ano, actually,” sabi ni Rain habang hinihiwa ang dalang cake.
“Naiinis ako, eh. He wasn’t telling the truth!” sagot naman ni Zyline na nakasimangot. Rain smiled at her. “3 am na din nakauwi si Thunder kagabi. Aawayin ko sana, eh. Kaso wala namang dahilan para magsinungaling sa akin si Thunder,” sabi pa nito.
Kay Rain siguro walang dahilan. Eh, sakanya? May dahilan si Hunter. Lalo na kung involved si Tanya.
“Your husband called my husband earlier. 5 am pa lang ata,” natatawang sabi ni Rain. “He was like… ‘Thunder, you’ll explain what happened yesterday to her or I’ll resign.’”
“Seryoso?” tanong ni Zyline kay Rain. Tumango naman ito sakanya.
“Magkasama talaga sila kagabi,” sabi ni Rain. “It’s hard to have a husband like Hunter, I know. Si Thunder ang asawa ko, eh. Ang dami-daming may gusto ‘don pero at the end of the day, pinaparamdam naman sa akin ni Thunder na ako lang, eh. Ako ang mahal niya kaya wala akong reklamo doon. Walang dahilan para pagdudahan ko siya…”
“Pero kasi…” napatingin siya sa wedding ring na suot niya. “It’s Tanya…” Alam niyang kilala na din ni Rain si Tanya.
“So?” Tumaas ang isang kilay ni Rain. “Tanya lang ‘yan. Storm pa nga ang akin, eh…” she smiled again. “Trust Hunter. You already tamed the beast. Wag mong hayaang mawala ‘yung pinaghihirapang pagbabago ni Hunter dahil lang nagdududa ka. Be open, okay?” niyakap siya ni Rain ng mahigpit. “Mahirap talaga mapangasawa ang mga Dela Cruz. Madaming gustong umagaw, eh…”
“Hindi naman tayo papayag,” sabi naman niya bago ngumiti.
Tumango siya dito bago sila lumabas. Theon was looking at the twins. Magkausap naman si Hunter at Thunder. They were talking about business, as usual.
“Naexplain na ba ng asawa ko o kailangang ako pa, Zyline?” tanong ni Thunder sakanya habang kumakain sila.
Hunter looked at her.
“Okay na, Thunder. Salamat nalang,” sabi niya dito. He shrugged at her. Ngumiti namam si Rain sakanya. Masayang makita si Thunder at Hunter na magkausap na ulit. Na parang normal lang. Walang issues sa buhay.
Matapos silang mananghalian, nagstay pa sila Thunder doon dahil natutuwa si Theon sa kambal. He even asked them if he could take one of them because he wants to have a baby brother.
“Ma’am, may naghahanap po kay Sir Hunter,” ani ng kasambahay nila. Napatingin naman si Zyline kay Hunter.
“Sino daw?” tanong ni Hunter dito.
Kumunot ang noo ni Thunder sa kapatid.
“Tanya daw po, Sir. May ibibigay daw po…”
Natigilan si Zyline at tumingin kay Hunter. Bakit ang galing ng timing ni Tanya lagi?
Hunter looked at her. It was as if he’s asking for her permission.
“Let her in,” sabi ni Zyline na nakatingin kay Hunter.
Nangingiti naman bigla si Thunder dahil sa sinabi ni Zyline. Si Rain naman ay pinalo ang braso ni Thunder.
“May bisita ka, Hun… ipaghahanda ko lang. May muriatic pa ata tayo, eh. Natutuwa kasi ako. Natutuwa talaga ako…” masama ang tingin niya kay Hunter.
“Hi!”
Everyone looked at Tanya when she came in.
Dumiretso ito kay Hunter at hinalikan sa pisngi ang asawa niya.
Leaving him a kiss mark on his cheeks.
Hindi naman napigilan ni Zyline na titigan ng masama ang babae.