Chapter Forty

WALANG kibo ang ni isa sakanilang dalawa habang nasa biyahe sila pabalik sa Maynila. Maraming tanong at agam-agam sa isip ni Zyline magmula nang nag-impake sila ng gamit hanggang sa umalis sila ng asawa niya. At hindi niya mapigilang mainis kay Hunter. Bakit ba tila sinilihan ang pang-upo nito nang malaman na nasa ospital si Tanya? Kulang nalang ay liparin na nito ang daan papuntang ospital.

At hindi din niya mapigilang sabunutan sa isip niya si Tanya. Bakit kailangang si Hunter ang tawagan kung may emergency dito? May asawa naman ito, eh. Bakit asawa ng iba ang kailangan nito ngayong nasa ospital ito? She should make sure this is something important or serious. Dahil kung hindi, she will surely inject that girl a drug na makakapagpatulog dito habang-buhay! Wala itong karapatang sirain ang bakasyon nilang mag-asawa.

Nilingon niya si Hunter na seryoso pa din ang mukha habang nasa daan ang tingin. Mas mabilis kaysa sa normal ang takbo ng sasakyan nilang dalawa.

“Hunter,” untag niya sa asawa. Mabilis lang na lumingon ito sakanya bago ibinalik ang tingin sa daan. “What is it?” tanong nito habang mahigpit ang hawak sa manibela.

“Makakarating din tayo sa ospital. Wag mo namang ipakitang excited kang makita si Tanya,” hindi gustong maging sarkastiko si Zyline sa pagkakasabi noon pero hindi niya napigilan. It was really as if she’s battling between life and death para magkumahog ng ganoon si Hunter. Ni hindi nga nila alam kung anong nangyari sa babaeng iyon. Paano naman kung sinok lang iyon? O di kaya’y nahirinan lang?

Kapag nalaman ni Zyline na nag-iinarte lang si Tanya, siya mismo ang gagawa ng paraan para maospital ito ng totohanan.

“Zyline…” huminga ng malalim si Hunter. Of course he’s aware that Zyline’s mad at him. Alam niya at itinatak niya na sa isip na babawi siya sa asawa.

He just couldn’t help himself to be worried about Tanya. Wala ng pamilya ang babae at alam ni Hunter na nasa Hongkong si Salvador ngayon para sa negosyo nito. Bago pa man sila nagbakasyon ni Zyline, alam na niya iyon dahil dapat kasama siya sa Hongkong pero kinausap niya si Thunder na hindi siya sasama para makasama niya si Zyline.

Technically, Tanya’s all alone now.

He’s very much informed, too, that the woman beside him was silently stabbing his chest. Pinutol niya ang bakasyon nila para kay Tanya, pero kailangan niya lang talagang asikasuhin si Tanya.

Everything’s a mess but he’s going to fix it. Ipapaliwanag nalang niya kay Zyline kung bakit. At pagkatapos nito, babawi nalang siya sa asawa. Kung kailangang magtrabaho siya ng Linggo para payagan siya ulit ni Thunder na umalis ng Maynila, he’ll do it. Kapag negosyo pa naman ang usapan, walang kapatid-kapatid kay Thunder. He’s brutally serious about that.

“Do you want me to drop you off first?” tanong nalang ni Hunter sa asawa. Alam niyang galit ito kay Tanya kaya iniisip niyang ayaw nitong makita ang babae.

Tumaas ang kilay ni Zyline. “Gusto mong mapag-isa kayong dalawa?” She’s now really hurt by his question. Is this his way of shutting her out? Dahil lang kay Tanya?

Humugot ng malalim na hininga si Hunter. Hindi naman kasi iyon ang ibig niyang sabihin. “Zyline, that’s not—“

“No, sasama ako sa’yo,” putol niya sa sasabihin ng asawa. Sumandal siya at tumingin sa labas. She won’t give them the satisfaction of seeing her hurt. Asawa niya si Hunter at hindi siya papayag na isang katulad lang ni Tanya ang sisira sa relasyon at sa pamilyang binubuo nilang dalawa ni Hunter.

Walang traffic sa dinaanan nila ni Hunter kaya naman mas mabilis kaysa sa inaasahan ang pagdating nila sa ospital. Idagdag pa ang mabilis na pagmamaneho din ni Hunter.

He’s really that excited and worried. Hindi mapigilang mapaismid ni Zyline.

After asking the nurse at the information table, hinawakan na ni Hunter ang kamay ni Zyline at iginiya siya papunta sa elevator. Hindi pa din siya kumikibo kahit pa tinatanong siya ng asawa kung ayos lang ba siya.

Of course she’s not fine! Kailangan pa ba talagang itanong sakanya ni Hunter kung ayos lang siya? Pupunta sila sa ex-girlfriend ng asawa niya. Bakit ba napaka-significant ng mga exes? Yes, she came back for Cupid before, too. Ito ba ang karma niya ngayon? Na isang ex din ang sisira sa relasyon niya sa asawa niya? But the situation is different. It is way different! Asawa na niya si Hunter. Noong nagbalik siya para kay Cupid, hindi pa ito ikinakasal kay Cristine.

When the elevator stopped, she felt Hunter squeezed her hand gently. It was like he was assuring her that everything’s okay.

Yeah, right. Everything’s okay. Because they’re going to meet his ex. Okay lang talaga ang lahat.

Kahit pala may tiwala ka sa isang tao, kapag wala kang tiwala sa kakausapin nito, hindi mo maiiwasan mag-isip ng kung ano-ano. May tiwala siya kay Hunter. Wala siyang tiwala kay Tanya. At nawawalan siya ng tiwala kay Hunter kung involved si Tanya.

Because seriously, no matter how he assure her with his words, kung ipapakita naman nito na hindi nito kayang panindigan ang mga salita nito, mas mainam pang huwag nalang siyang magsalita at mangako ng kung ano-ano. His words will be pointless. Masasayang lang ang laway nito kung ganyan lang din ang gagawin nito.

Makalipas ang paglalakad sa mahabang pasilyo ng ospital, huminto silang dalawa sa harap ng isang kwarto. Nilingon niya si Hunter. Nakatingin din ito sakanya.

“What are you waiting for? Ako pa ba ang magbubukas ng pinto para makita mo si Tanya?” Damn. Hindi niya talaga mapigilan maging sarkastiko. She should stop talking for the meantime. Walang lalabas na maganda sa bibig niya kung ganitong masama ang loob niya.

“Zyline…” huminga ng malalim si Hunter.

Inirapan lang ito ni Zyline at siya na ang nagbukas ng pinto ng kwarto ni Tanya. She was expecting to see her awake and waiting for Hunter. Pero natigilan siya nang makita si Tanya na natutulog at may benda sa bandang ulo nito.

Sumunod sakanya si Hunter at maging ito ay natigilan sa nakitang kalagayan ni Tanya.

Pumasok silang dalawa sa loob at lumapit sa kama ng dalaga. Hunter was ahead of her, of course. Nakamasid lang siya sa kilos ng asawa. Pinagmasdan lang ni Hunter ang babaeng nakahiga bago iginiya siya papunta sa sofa na naroon sa loob ng kwarto.

“What do you think happened to her?” tanong ni Zyline kay Hunter. He shook his head. “I have no idea,” tugon nito sakanya.

“Mukha siyang naaksidente,” sabi ni Zyline. Hindi kumibo si Hunter. “Baka kasi may iba pa din siyang lalaki maliban kay Salvador kaya—“

“Zyline…” putol nito sa sinasabi niya. She just rolled her eyes. She had a point. Paano kung hindi naman pala aksidente. Na baka kasi may iba pang lalaki si Tanya at nalaman noong asawa? That’s possible.

Makalipas lang ang ilang minuto, may dumating na nurse para icheck si Tanya. Hunter asked the nurse what happened and she was right. Naaksidente nga daw ang babae. Ayon sa nurse, may nabaling buto ang babae. She actually asked the nurse kung bakit si Hunter ang tinawagan nila at hindi ang asawa ni Tanya. Ang sabi nila, si Hunter daw kasi ang nasa recent log ng babae kaya iyon ang tinawagan nila.

Ibig sabihin, it’s either she’s calling him or he’s calling her.

Alinman sa dalawang iyon, hindi natutuwa si Zyline.

Nagpaalam si Hunter na bibili lang ito ng makakain nilang dalawa. Labag man sa kalooban niyang maiwan kasama si Tanya—kahit pa sabihin na natutulog ito—wala siyang nagawa. She just start texting Bobbie. Baka sakaling narito sa Maynila ang kaibigan niya. She was hoping wala itong ibang pinuntahan dahil kailangan niyang maglabas ng sama ng loob sa kaibigan. She will invite him to have dinner with her at kung maaari, magpapasundo nalang din siya doon sa ospital para sunduin nilang dalawa yung kambal niya sa bahay nila Rain.

She was busy typing when she noticed Tanya moved. Napalingon siya sa babaeng nasa kama. Nagtatalo pa ang isip niya kung tatawag siya nurse o papabayaan si Tanya nang bumukas ang pinto at pumasok si Hunter na may bitbit na paperbag na may tatak ng isang fastfood chain.

Napatingin ito sakanya at kay Tanya. He was surprised to see her awake.

“Tanya…” tawag ni Hunter sa babae.

Hindi naman kumibo si Zyline. Naunang lumapit sakanya si Hunter bago lumapit kay Tanya.

“How are you feeling?” tanong ni Hunter kay Tanya. “Do you need anything? Wait, I’ll just call a doctor…” sabi nito bago muling lumabas. Naiwan lang na nakatayo si Zyline habang nakatingin sa pintong nilabasan ng asawa. Ilang segundo lang ay bumalik na si Hunter na may kasamang doctor at nurse.

Bumalik sa sofa si Zyline at pinagmasdan ang mga ito habang nakapalibot kay Tanya… kasama ang asawa niya.

She should calm down. She should understand the situation. Naaksidente si Tanya, eh. Pero hindi niya maintindihan ang pagkapit ni Tanya kay Hunter. Bakit kailangan mangunyapit ito sa braso ng asawa niya habang nakikipag-usap sa mga nurse?

Binalikan nalang niya ang pagtetext kay Bobbie. Desidido na siyang magpasundo nalang sa kaibigan. Tutal naman, tila nalimutan na ng asawa niya na kasama siya nito.

Na kay Tanya naman na lahat ng atensyon nito.

Maya-maya pa’y nag-alisan na ang doctor at nurse. She was so occupied talking to Bobbie, at hindi na niya naintindihan o narinig man lang ang mga sinabi ng mga ito.

At kung tutuusin, wala naman siyang pake. Maybe if Tanya’s not Hunter’s ex, siguro kung hindi ito papansin, at siguro kung mabuting tao ito, mag-aalala siya. Pero hindi. Masamang damo naman si Tanya. Matagal pa bago makuha ang babaeng iyon.

“Thank you for coming, Hunter…” naulingan niyang sabi ni Tanya kay Hunter. Napatuwid ang likod ni Zyline bago nag-angat ng tingin at tinignan si Hunter na nakatingin din sakanya. Na tila humihingi ng permisong makipag-usap kay Tanya.

Hindi siya nagsalita o kumilos man lang.

“What happened?” Hunter asked Tanya instead. Nakaupo ito sa may silyang malapit sa kama.

“I actually can’t remember. Ipapark ko dapat ang sasakyan pero nagkamali siguro ako ng tapak dahil umabante ako ng mabilis. The steering wheel hit my chest, kaya siguro may bali ako sa rib…” sabi ni Tanya.

Napaismid na naman si Zyline. Hindi naman pala marunong magdrive. Bakit ba nagdadrive pa?

“Pinatawagan ko na sa mga nurse si Salvador,” ani muli ni Hunter.

“Why?” tanong ni Tanta. Nabakas ang takot sa mukha ng babae na hindi maintindihan ni Zyline kung para saan. Salvador’s her husband. Anong nakakatakot sa lalaking iyon?

“He’s your husband, that’s why…” nagkibit-balikat si Hunter bago tumayo at lumapit kay Zyline. Nakatingin lang si Zyline kay Hunter.

“Are you okay?” he asked her.

“Are you okay?” ibinalik ni Zyline ang tanong sa asawa na may halong kasarkastikuhan.

“Zyline…”

“Nagpasundo na ako kay Bobbie. He’ll be here any minute. Susunduin namin si Keij at Kol. Mukhang matatagalan ka pa dito, eh…” nilingon ni Zyline si Tanya na nakatingin sakanilang mag-asawa.

“Zyline…” hinawakan ni Hunter ang kamay niya pero binawi niya ito.

He should stop showing her that reaction. Na para bang importanteng-importante si Tanya dito. Asawa siya nito. May anak sila. For Christ’s sake, hindi dapat ganyan ang reaksyon ni Hunter dahil masakit sa parte ni Zyline.

Masakit magkaroon ng kahati sa atensyon ng taong mahal mo. At iyon ang ginagawa nito sakanya. Harap-harapan pa.

“I’m fine, Hunter. Nakausap ko na ang kaibigan ko kaya wala kang dapat alalahanin pa. Makakauwi kami ng mga anak mo ng ligtas kahit manatili ka dito kasama ni Tanya.”

“Ako na ang maghahatid sa’yo at susundo sa kambal. Tell Roberto to stay at his home,” tila naiinis na sabi ni Hunter sakanya. At ito pa talaga ang may karapatang mainis. Hindi naman ata makatarungan iyon.

Nakarinig silang dalawa ng katok sa pintuan kaya nilingon nila iyon at si Bobbie ang sumungaw sa loob. He told her his location earlier. Tamang-tama naman na malapit lang ito kaya pumayag itong sunduin niya ito.

Nakita ni Zyline ang pagkuyom ng kamay ni Hunter. He looked at her like it was if she’s fucking his brain’s out. Tinaasan lang niya ito ng kilay.

“Hi, Hunter. Zy texted me…” pumasok na ito at may dala pa itong isang basket ng prutas. “Get well soon, Tanya,” sabi nito nang ilapag ang basket sa may lamesa.

“You can go home now, walang sasama sayo paalis sa lugar na ‘to,” malalim ang boses na sabi ni Hunter kay Bobbie.

Bobbie looked at Zyline.

“No, Bobbie. I’ll go with you,” sabi naman niya bago damputin ang bag at naglakad papunta sa kaibigan. Hinawakan naman ni Hunter ang kamay niya para pigilan siya.

“Zyline, come on. Don’t be stubborn. Ako na ang maghahatid sa’yo at—“

“Kailangan ka ni Tanya, diba? Bitawan mo na ako. Pupuntahan ko pa ang mga anak ko,” hinila niya ang kamay niya pero hindi siya binitiwan ni Hunter.

“Pare respect your wife’s decision…” sabi ni Bobbie na pumagitna na sakanilang dalawa.

“Ano bang pakialam mo dito?” tila napikon namang tanong ni Hunter kay Bobbie.

“I am Zyline’s friend, so don’t expect me to just stand here and watch you hurt my friend,” Bobbie’s jaw tightened and held her hand and pulled her away from Hunter.

“Zyline…”

“Let’s just talk kapag umuwi ka na,” sabi niya kay Hunter bago nagpatiuna na sa paglalakad palabas.

“Zyline!” Malakas ang boses na tawag ni Hunter sakanya pero binalewala nalang niya iyon. She was expecting she’d cry the moment she stepped out of that freaking room. Pero wala.

Hinawakan ng mahigpit ni Bobbie ang kamay niya. “Are you okay?” tanong nito sakanya nang makasakay na sila sa elevator.

She nodded. Yes, she’s fine.

Nararamdaman niya ang panginginig ng cellphone niya sa bag niya pero hindi niya iyon pinapansin. Nagiging unreasonable na ba siya? Nagpapakachildish? Stubborn?

Pero she had all the right! She’s his wife! Pero harap-harapan naman nitong pinapakita sakanya kung gaano kahalaga si Tanya para dito.

Maybe… just maybe, if that’s not Tanya, maybe her reaction would be different. Kaso si Tanya ‘yon, eh. The person who once mean the world to Hunter. The one who Hunter promised forever with. The reason why Hunter became heartless.

Hindi siya kumikibo hanggang sa makarating na sila ni Bobbie sa bahay nila Thunder. She was excited to see the twins. Sinabi naman niya kay Rain ang nangyari kaya siya lang ang sumundo sa kambal. Hindi din nagustuhan ni Rain ang ginawa ni Hunter. Sana man lang daw naghanap ito ng ibang magbabantay kay Tanya o kung di man, sana man lang hindi nito masyadong pinakitang alalang-alala ito kay Tanya. She told her she would make Thunder suffer for weeks kung sakanya ginawa iyon.

Matapos makipagkwentuhan ng saglit, umalis na din si Zyline at Bobbie at dumiretso sa bahay nila. Natutulog si Keij at Kol kaya naman nagpatulong si Zyline kay Bobbie na magluto. She missed her best friend, too. Namimiss niya na din naman ang luto nito.

Abala silang dalawa ni Bobbie nang lumapit ang kasambahay nila. “Ma’am, si Sir Hunter po, hinahanap kayo…” sabi nito sakanya.

Nawala naman ang ngiti sa labi ni Zyline. “Tell him I’m busy,” sagot naman niya dito.

Tinignan siya ni Bobbie. Nagpakawala lang siya ng malalim na hininga at nagpatuloy na sa pagluluto.

Instead of calling her, bakit hindi ito umuwi? Hindi talaga nito maiwan-iwan si Tanya?

She shrugged the thought and continue cooking. Si Bobbie na ang tumapos sa pagluluto dahil naglinis siya ng katawan. Inaya na din niya si Bobbie na doon kumain. Siya ang nag-ayos ng lamesa habang si Bobbie ay tinignan ang kambal niya.

“Zyline, bakit ‘di mo muna kausapin ng mahinahon si Hunter? Nagpaparanoid ka na naman, eh…” sabi ni Bobbie sakanya habang kumakain sila. Ikinuwento niya sa kaibigan ang nangyari.

And Bobbie being Bobbie, laging in between ito. Hindi sa hindi siya nito kinakampihan. Of course, Bobbie will always be on her side. Pero lagi din nitong ipapaliwanag sakanya ang nangyayari. Ang possibilities.

“He stayed there. Instead of following me, wooing me, he fucking stayed with Tanya!” hindi niya mapigilang mapa-angil.

“Zyline…” inabot ni Bobbie ang kamay niyang nasa lamesa. “Give him a chance to explain. You’re jealous. It’s normal. Pero sigurado akong ‘di ka naman papayag kung makikipaghiwalay siya sayo, diba?”

Hindi siya nagsalita.

“Tanya’s his friend—“

“Ex girlfriend,” pagtatama niya sa kaibigan.

Napailing naman si Bobbie. “Okay, Tanya’s his ex-girlfriend. And you’re his wife. Learn to trust your man.”

“I trust him—“

“You don’t trust him enough.”

Napasandal nalang si Zyline sa upuan at tinignan si Bobbie. “I love him.”

“You should trust him, Zyline. Mahal mo nga, wala ka namang tiwala. Anong kalokohan ‘yon?” tanong nito sakanya. “As much as I wanted to tell you to leave him, I know that’s not what you want. Kaya hindi iyon ang gagawin ko.”

“Bobbie…”

“Talk to your husband, okay? Magtiwala ka kay Hunter…”

“Pero it’s Tanya, okay?” giit niya pa rin. “May tiwala ako sakanya. Pero hindi nawawala ang takot ko na magiging madali sakanyang iwan ako. Ayokong mangyari ‘yon…”

“Be open with him. He’s opening up with you. And understand him, Zyline. You love him, right? Don’t give up that easy.”

Hindi na nagsalita si Zyline pero patuloy ang pagtakbo ng mga sinabi ni Zyline sa isip niya.

He’s right.

She’s being unfair.

So what if that’s Tanya? She’s his ex. Siya, future siya ni Hunter. Mas may lamang siya sa babaeng iyon.

Matapos kumain ay nagpaalam na si Bobbie sakanya. Sinabi nitong babalik nalang ito bukas. She checked her phone. Maraming mensahe ang galing kay Hunter, maging tawag ay marami din. Minabuti nalang niyang huwag magreply dito. Uuwi naman ito mamaya. Mamaya nalang niya kakausapin ang asawa niya. Matapos bihisan ang kambal, sinamahan na niya itong matulog kahit pa nga nangungulit pa si Keij sakanya. Maybe, he missed her.

Nakatulog nalang si Zyline sa loob ng kwarto ng kambal. Nagising siya ng bandang alas-tres ng madaling araw. Iniisip niya kung dumating na ba si Hunter o hindi pa.

Lumabas siya sa kwarto ng dalawa at nagpunta sa kwarto nila.

Wala si Hunter.

Hindi ito umuwi?

Kinuha niya ang cellphone ay naupo sa may kama. Nanginginig ang kamay na tinawagan niya si Hunter. Makalipas ang ilang ring, sinagot nito ang tawag niya.

“Zyline…”

“Where are you?” tanong niya kahit pa alam naman niya kung nasaan ang lalaki.

“Zyline, I’m sorry hindi ako makakauwi. I need to stay with Tanya and—“

“Okay,” putol niya sa sinasabi nito.

“Zyline…” she heard him sighed heavily. “I’ll be home later, okay?”

“Yeah,” tila nawalan siya ng ganang makipag-usap dito.

He opted to stay with Tanya. Kahit pa nga gusto niyang intindihin si Hunter, nagbibigay naman ito ng rason para masaktan siya.

“Hunter…” narinig niya ang boses ni Tanya. Parang may malamig na kamay ang bumalot sa puso ni Zyline.

“Uuwi ako mamaya, I promise. I love you, Zyline,” sabi nito sakanya.

“Sige na. Baka kailangan ka na ni Tanya.” Hindi na niya hinintay ang pagsasalita nito dahil ibinaba na niya ang tawag.

Bakit ba pakiramdam niya, biglang parang ang layo na ni Hunter sakanya? Dahil lang kay Tanya. Bumalik nalang siya sa kwarto ng kambal niya at nahiga sa kamang naroon.

Magtitiwala siya kahit nasasaktan siya. Aasa siyang walang iba bukod sakanya. Sana lang hindi nito sayangin ang pagmamahal na ibinibigay niya. Dahil ang babae, ilang beses munang masasaktan at magtitiis bago bumitaw at ayaw niyang dumating ang puntong bibitaw siya. Ayaw niyang maghihiwalay sila.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.