“ZYLINE, baka naman nagpapadalos-dalos ka ng desisyon…” tumabi si Stephanie sakanya at hinawakan ang kamay niya. She changed her mind. Instead of going to her brother’s house, sa bahay ni Stephanie at PJ siya nagpunta kasama ang mga anak niya. Alam niya na kung sakaling maiisip ni Hunter na puntahan siya, ang unang pupuntahan nito ay ang bahay ng kuya niya.
“Steph, may anak siya kay Tanya. What do you want me to do? Tanggapin na magkakaanak ang asawa ko sa iba?” pilit pinapakalma ni Zyline ang sarili kahit pa nga masamang-masama ang loob niya sa asawa. Pinagamit ni PJ sa kambal niya ang isang kwarto sa bahay nito at kasama ng kambal niya ang mga yaya nito habang magkausap sila ni PJ at Stephanie sa may sala.
“Sinabi niya bang anak niya?” kunot-noong tanong ni PJ kay Zyline. “Baka assuming ka lang?” sumandal ito at umiling-iling.
“Heaven…” pinanlakihan ni Stephanie ng mata ang asawa. Instead of helping, nambubuska pa ito.
“Look, PJ. He was with Tanya for two days! Ni hindi umuwi si Hunter. He’s dire worried about her, tapos malalaman kong buntis naman pala si Tanya? And she’s so scared that her husband might find out about her pregnancy…”
“So? Was that enough reason?” PJ asked again. “Natural na natural ang pagiging assuming niyo, no?” he said sarcastically again.
“Paul Jake, umakyat ka na nga doon at puntahan mo nalang si Caryl at Cloud,” tinitigan ng masama ni Stephanie ang asawa nito. Hindi nalang kumibo si Zyline. Hindi ba talaga nila naiintindihan ang nararamdaman niya? Nilang mga babae?
Gusto ng babae na walang kahati sa atensyon ng lalaking mahal nila. Ayaw nilang may binibigyan ito ng importansya o halaga na para dapat sakanila. Normal na sa babae ang maramdaman kung may gusto ang ibang babae sa taong gusto niya. It’s like a gift from God. Para maprotektahan kung ano ang sakanila.
“Zyline, magpahinga ka na muna. Anong oras na din. We’ll talk about this later. Magpahinga ka nalang muna…” hinawakan ni Stephanie ang kamay niya at pinisil ito. “Huwag ka mag-alala, maayos din ang lahat,” ngumiti ang babae sakanya.
Huminga ng malalim si Zyline bago marahan na tumango.
“Sa kwarto nalang din ako ng kambal matutulog, Steph…” mahinang sabi niya sa kaibigan. Ngumiti naman si Stephanie bago tumango at sinamahan siya papunta sa kwarto ng kambal niya. Nasa crib ang mga ito at mahimbing nang natutulog.
Pinagmasdan ni Zyline ang mga anak. Hinaplos ang pisngi ng mga ito. “Everything will be okay, mga anak. Kahit na…” napayuko si Zyline. “Kahit na tayo lang… kahit na may iba na ‘yung Daddy niyo…” pumatak ang luha ni Zyline. Gumalaw naman si Kol at tila inabot ang kamay ni Zyline na nasa pisngi nito. “Mahal na mahal ko kayong dalawa…” hinalikan niya sa noo ang kambal bago nahiga sa kama.
Halos hindi din naman siya nakatulog dahil sa pag-iisip. She was just staring at the ceiling, thinking of what’s happening on her life. Iniisip kaya siya ni Hunter? May balak ba si Hunter na suyuin siya? May balak ba si Hunter ma sunduin sila o talagang hinihintay lang ni Hunter na mangyari ito para maging malaya na itong muli?
Her feelings didn’t change. Mahal na mahal niya pa din ang asawa. Pero sobrang nasasaktan siya sa ginawa nito. Lagi nitong sinasabing mahal siya nito pero dahil kay Tanya, dahil sa babaeng iyon, nawala lahat.
Totoo nga talaga. Mahirap kalaban ‘yung babaeng unang naging parte ng buhay ng taong mahal mo. Mahirap kalaban ang unang minahal nito.
Niyakap niya ang unan at tahimik na umiyak. Iniiwasan niyang magising ang kambal. Kung mayroon man kailangang gawin si Zyline, iyon ay ang magpakatatag para sa mga anak.
Kinaumagahan ay nagising si Zyline dahil sa katok sa pinto ng kwartong inookupa niya. Si Stephanie ang pumasok at bakas ang pag-aalala sa mukha nito.
“Zyline…” umupo ito sa kama. “I hate to wake you now but…” huminga ito ng malalim. “Your brother is here…”
“Si Kuya? Anong ginagawa niya dito?” napatuwid ang likod ni Zyline. Hindi pa niya balak sabihin sa kapatid ang nangyari dahil alam niyang magagalit ng husto si Blue kay Hunter.
“Brother’s code, Zy…” nagkibit-balikat si Stephanie. Hindi napigilan ni Zyline napamura. PJ’s Blue’s best friend. Natural lang na malalaman ng kapatid niya ang nangyari. Pero sana’y hindi siya pinangunahan ni PJ.
“Bababa na ako. Bumaba ka nalang din, ha?” ano Stephanie bago siya iniwan na mag-isa. Iniisip pa ni Zyline kung bababa na ba siya o ano. She’s sure her brother’s mad. Swerte na nga lang niya at hindi si Blue ang umakyat sa kwarto niya para gisingin siya.
Matapos maghilamos at magpalit ng damit, nanlalamig ang kamay na bumaba si Zyline sa sala nila PJ.
Nakaupo si PJ sa tabi ni Stephanie. Naroon din si Cupid na kasama si Cristine, si Thunder na nasa tabi si Rain, si Cyan at ang kapatid niyang titig na titig sakanya.
Napalunok si Zyline. Blue’s really scary when he’s serious.
“Go-good morning…” bati niya sa nga naroon.
“Kumain ka na muna,” sabi naman ni Cristine sakanya. “We brought foods,” nakangiti pang dagdag nito na tila gustong pagaanin ang nangyayari.
“Magkakasama ‘yung mga bata sa AVR…” sabi naman ni Stephanie nang luminga-linga siya para hanapin ang kambal niya.
“Ah…” tila nanuyo ang lalamunan ni Zyline. Hindi pa din siya makatingin ng diretso sa kapatid niya.
“Uhm… Kuya—“
“What the fuck happened?” seryosong tanong ni Blue sakanya. Sinalakay naman ng kaba ang dibdib ni Zyline.
“Hon,” hinawakan ni Cyan ang braso ni Blue ngunit tila walang pakialam ang lalaki doon sa ngayon.
“What happened, Zyline? I am asking you…” may pagbabanta na sa tinig nito habang nakatitig sakanya.
“Asul, kausapin mo ang kapatid mo ng kayo lang,” sabi naman ni PJ sa kapatid niya.
“Blue, just let her explain first, okay?” segunda naman ni Stephanie dito. Blue was still staring at her. It was as if he didn’t heard his friends. “I’ll ask you again, Zyline Cerise. What the fuck happened?”
“It’s just a misunderstanding, Kuya, and—“
“Misunderstanding? That’s bullshit, Zyline!” malakas ang boses na sabi ni Blue na ikinagulat ni Cupid kaya natapon ang iniinom nitong juice.
“Asul, subukan mo kayang kumalma para magkaintindihan kayo at maayos ‘yung problema?” ani Cupid na pinupunasan ang damit na natapunan.
“How can I fucking calm down if that asshole made my sister cry?” tanong ni Blue kay Cupid. Nilingon pa ni Blue.
“Pero alamin ko muna ‘yung nangyari,” sagot naman ni Cupid sa kaibigan. Seryoso ang mukha nito habang nakatingin kay Blue.
“Alamin kong umalis sa bahay ng gagong ‘yon si Zyline dahil may nabuntis na iba?” sarkastikong tanong ni Blue sa kaibigan.
“His name’s Hunter, Blue…” sabi ni Thunder sa kaibigan nito. Nakita ni Zyline ang pagkuyom ng kamao ni Thunder.
“Thunder…” hinawakan naman ni Rain ang kamay ng asawa.
“Wala akong pakialam kung ano ang pangalan ng gagong ‘yon,” sagot naman ni Blue dito.
“He happened to be my brother, Blue,” Thunder’s jaw tightened. “Be sensitive.”
“So? Do you think I would give a damn about it if he’s your brother?" tanong muli ni Blue kay Thunder.
“No. But I was expecting you to be man enough with your actions, Blue. Hindi iyong isa ka pang nagpapaka-isip bata diyan,” tugon naman ni Thunder.
“Blue, Thunder… baka kayo pang dalawa ang mag-away niyan?” tanong ni PJ sa dalawang lalaki.
“Wala namang problema kung kakalma ‘to, eh…” sabi ni Thunder habang nakatingin kay Blue. “You’re not there and there’s always a three sides in the story, Asul. Your sister’s side, my brother’s side and the truth. Try to fucking know the truth first,” dagdag pa nito.
“Why, Thunder? Your brother’s an asshole. Hindi ba iyon ang totoo?” masama ang tingin ni Blue kay Thunder. “He stole your girl before, remember?”
“Blue!” sinaway muli ni Cyan ang asawa.
Tumiim ang bagang ni Thunder. “Blue, that’s too much,” ani Rain dito.
Tumayo naman na si PJ at Cupid at lumapit sa dalawang lalaki.
Nakatayo lang si Zyline habang nakatingin sa dalawang lalaking nagsasagutan. Tila nawalan siya ng kakayahan na magsalita.
“Look, Blue. Hindi sa kinakampihan ko ang kapatid ko, pero inalam ba ng kapatid mo ang totoo? Hindi, diba? She just assumed things. Before you assume things, there’s a method called asking. She should’ve asked her husband before running away!” sabing muli ni Thunder kay Blue.
“Thunder…” sinubukan namang pakalmahin ni Rain ang asawa.
“Nakabuntis ng ibang babae ‘yung kapatid mo. What do you want my sister to do? Stay with him? Gago ka ba?” tinulak ni Blue ang balikat ni Thunder.
“Thunder, Blue!” saway ni PJ muli sa mga kaibigain.
“Siguro nga, gago ako. Pero mas gago ka dahil hindi ka marunong makinig,” tinulak pabalik ni Thunder si Blue. Pilit na pinaghiwalay naman ni Cupid at PJ ang dalawa. Si Cyan ay hawak si Blue, ganoon din si Rain sa asawa.
“Ano ba kayo? Instead of talking, mag-aaway din kayo?” inis na sabi ni Cristine sa dalawang lalaki. “Para kayong mga bata pare-pareho!” dagdag pa nito.
Napamura naman si PJ. “Kung gusto niyong mag-away, sige lang. Tangina niyo. Pero huwag sa bahay ko at sa lugar na makikita kayo ng mga bata.”
“I can call Daniel. Sa gym niya, may boxing ring doon, diba?” sabi naman ni Cupid.
Tinitigan naman ng masama ni Blue si Cupid.
“Seriously guys, walang maaayos kung lahat kayo idadaan sa init ng ulo ang mga bagay,” sabi ni Stephanie. She looked at Zyline. “What do you think, Zy?” she asked her.
Napayuko lang si Zyline.
“Dapat ‘di talaga kita pinayagan na pakasalan ‘yung gago na ‘yon at—“
“Can you just shut the fuck up, Blue Andrew? You think you’re helping? Putangina. Alam ko kung ano ang nararamdaman mo dahil protective din ako sa kapatid ko, lalo na kay Mikaela. But Hunter’s different. Kahit gago ‘yon, alam kong hindi magpapakasal si Hunter kung hindi niya mahal ang kapatid mo!”
“Then explain what happened, Thunder!” bulyaw ni Blue sa lalaki.
“Hindi ba talaga kayo titigil?” PJ asked them.
“Kuya…” she called her brother. Blue looked at her. “Umuwi na tayo, please,” she told him. Tila mas lalong bumigat ang nararamdaman niya dahil sa nasasaksihan niyang pag-aaway ni Blue at Thunder. Bata pa lamang ay magkakaibigan na ang mga ito, kaya alam niyang hindi din gusto ng mga ito na magkasira sila dahil sakanya at kay Hunter.
“Okay,” he replied. Pumiksi ito para matanggal ang pagkakahawak ni Cupid sakanya. Walang paalam na lumabas si Blue ng bahay ni PJ.
“Tangina ‘non, ah?” sabi ni Cupid habang nakatingin sa pinto na nilabasan ni Blue.
“Your language, Cupid. Asawa ko ‘yon,” nakasimangot na sabi ni Cyan dito.
“Inangkin ko? Iyong-iyon na, uy,” ismid naman ni Cupid dito.
Umupo si Thunder at napailing.
“Sana kasi hindi mo nalang pinatulan, eh. Alam mo naman na mainit ang ulo ni Blue,” narinig ni Zyline na sabi ni Rain sa asawa.
“I can just let him say those words, Sweetheart. Kahit naman gago si Hunter, kapatid ko pa din ‘yon,” sagot ni Thunder sa asawa bago bumuntong-hininga.
Napailing nalang din si PJ.
“I’ll just check on Enzo and Lean. Sasabihan ko na uuwi na kami…” paalam ni Cyan sakanila. “I’ll go with you,” prisinta ni Cristine kaya sabay ang dalawa na nagtungo sa AVR ng bahay ni PJ.
Thunder looked at Zyline. He heaved a sigh.
“Can we talk?” he asked her.
“Puntahan ko lang si Theon, Sweetheart,” paalam ni Rain kay Thunder bago ngumiti sakanya. Si Cupid naman ay inaya si PJ na uminom habang si Stephanie ay bumalik sa kusina para tignan ang niluluto nito.
Kumakabog ang dibdib na naupo si Zyline sa pang-isahang upuan at tumingin kay Thunder.
“You hate him, don’t you?” tanong nito sakanya. Hindi naman siya sumagot.
“When PJ called me last night, saying you’re here, I called Hunter. Hanggang ngayon hindi pa niya ako tinatawagan pabalik. Miki’s trying to call him, wala din…”
“Thunder, nabuntis niya si Tanya…”
“Are you sure?” seryoso ang mukha nito. “I don’t know what happened, but we already welcomed you in our family. Alam kong mahal ka ni Hunter.”
“Kung mahal niya ako, hindi niya gagawin ‘yon. Hindi niya magagawa iyon.”
“Kung mahal mo siya, hindi mo siya iiwan.”
Napayuko si Zyline sa kamay niyang nasa may ibabaw ng hita niya. “Of course, I love him…” mahinang sabi niya dito.
Marahas na napabuga ng hangin si Thunder. “I hope you can fix this,” tumayo na ito.
“Thunder…” she called him. He looked at her. He raised a brow on her. “Sorry sa nangyari sa inyo ni Kuya at—“
“Don’t be. Kaibigan ko si Blue, kapatid ko si Hunter. They’re both important to me. I’ll fix my own mess, fix yours…” tumalikod na ito at pumunta kay Rain.
Naiwan naman si Zyline na nag-iisa sa may sala.
Mali ba talagang umalis siya agad? Mali bang iniwan niya si Hunter?
But she was so hurt. Kung mananatili siya, malamang ay mas magkakasakitan lang silang dalawa. Umakyat nalang siya at kinuha ang gamit niya. Hindi na sila doon nagtanghalian dahil na rin sa kagustuhan ni Blue na umalis na. Sa bahay ng mga ito sila dumiretso.
“Siguraduhin niyong hindi makakalapit sa bahay ko ang Hunter Dela Cruz na ‘yon,” ani Blue habang kausap ang head security ng subdivision nila. “I don’t care if he’s a Dela Cruz. Ayokong makakalapit sa bahay ko ang lalaking ‘yon, naiintindihan niyo?” sabing muli ni Blue.
Lumapit na si Cyan sa asawa. “Loosen up a bit, Honey…” hinawakan nito ang kamay at ngumiti. Blue sighed. He was calmer now.
“Magpahinga ka na…” sabi ni Blue sakanya. Natutulog na ang kambal niya kasama ang mga Yaya nito kaya naman mag-isa lang si Zyline sa kwarto niya. Hindi nita maiwasang maguilty dahil sa nangyayari. Pinilit niyang magpahinga ngunit tila bangungot na bumabalik sa isip niya ang nagyari.
Hunter didn’t utter a word. Walang sinabing kahit ano si Hunter. He just stood there, looking at her. He was so concerned about Tanya’s welfare. Malamang ay alam na ni Hunter na buntis si Tanya kaya ganoon nalang ang pag-aalala nito sa babae.
Muling naramdaman ni Zyline ang pagpatak ng luha sa mga mata niya. Masakit pa din. Masakit pa din talaga. Masakit maloko ng taong mahal na mahal mo. Mahal na mahal niya si Hunter. Kaya kahit na maraming may ayaw kay Hunter para sakanya, itinuloy niya ang kagustuhan niya. She was hoping she could change him. Pero hindi. Hindi niya nagawa…
She missed him.
She hates him but she loves him, too. She loves him so damn much that it hurts.
Napalingon siya sa cellphone niya nang magring iyon.
Nagflash sa screen ang mukha ni Hunter.
Nanginginig ang kamay na inabot iyon ni Zyline at tinitigan ito.
“Hunter…”
After a few more rings, nawala ang tawag.
Patuloy ang pagtulo ng luha ni Zyline. Nakakaloko pero umaasa siyang tatawagan siyang muli ni Hunter. Hindi naman naghintay ng matagal si Zyline dahil tinawagan din siya ni Hunter.
It took her almost 10 seconds before she answered the call.
Hindi siya nagsalita.
“Zyline…” he said. His voice was low.
She shut her mouth and tried not to make any noise.
“Zy…” huminga ng malalim si Hunter. “I know you’re listening to me…” muli, huminga ng malalim si Hunter. “I know you’re mad at me. I know you won’t believe anything I’d say…” she heard him cussed.
“But Zyline, I need to stay with her. Kailangan ako ni Tanya ngayon.”
Napakuyom ang kamay ni Zyline.
Tanya pa din.
Kahit minsan ba, hindi pwedeng maging Zyline naman?
She needs him, too.
Siya ang asawa.
“Zyline… just trust me, please? I love—“
“I want an annulment, Hunter…” putol niya sa sasabihin ng asawa. Maging siya ay nabigla sa nasabi niya.
“What?” napamurang muli si Hunter. “What are you talking about? Zyline, makinig ka muna sa akin at—“
“I want an annulment. It’s for you, too…” hindi niya napigilan mapahikbi. “Para makasama mo na ‘yung totoong mahal mo. Ayoko na, Hunter…”
“Zyline…”
“Maghiwalay nalang tayo. Hindi ko na kayang maniwala sa’yo. Hindi ko na kayang magtiwala pa sa’yo…”
“Zyline…”
“I still hate you and I still think you are worthless, Hunter…” humikbing muli si Zyline. “Wala kang kwenta.”
Hindi na nagsalita pa si Hunter sa kabilang linya kaya pinatay na ni Zyline ang telepono niya at niyakap ang isang unan.
Mas inuuna pa din ni Hunter si Tanya.
Mas mainam pa sigurong maghiwalay nalang sila habang maaga pa. Maghiwalay nalang sila habang kaya pa niyang isalba ang sarili niya. Ibinaon ni Zyline ang mukha sa unan at patuloy na umiyak nang umiyak.
Mahirap mahalin ang isang Dela Cruz. Lalo pa’t si Hunter iyon.
Ibinuhos niya ang lahat ng emosyon niya at patuloy na umiyak.