“NAGLAKAD ka papalayo? Why, Zyline Cerise? Why?” Malakas ang boses ni Cyan habang kausap si Zyline sa telepono. Malakas ang ulan sa Tarlac kaya naman nasa loob lang ng kwarto niya si Zyline at nakaupo sa kama. Ibinigay na sakanya ni Hunter ang cellphone niya dahil ang sabi nito’y baka nag-aalala na siya ng husto sa kambal. Ibinalik nito iyon sakanya noong makabalik sila pareho sa bahay. Naunang bumalik si Zyline kaysa kay Hunter. Wala na siyang ibang narinig pa kay Hunter mula noon. Hindi din ito nagpapakita sakanya.
She’s worried about the twins, yes. Pero sinabi naman ni Hunter na maayos ang kalagayan ng dalawa at naniniwala siya doon. Matapos niyang kamustahin kay Rain ang mga anak niya, si Cyan naman ang sunod na tinawagan niya. She tried to call Bobbie, but he’s not answering his phone. Siguro’y busy ito sa trabaho.
“Eh, kasi naman hindi pa din niya sinasabi ‘yung tungkol kay Tanya…” napahugot ng malalim na hininga si Zyline. Hindi naman nawala ang pagmamahal niya kay Hunter. Mahal na mahal pa din niya ito. Pero hindi pa talaga niya magawang ibigay ang sarili sa lalaki ng katulad noon dahil hindi pa rin naman malinaw kung anong koneksyon nito at ni Tanya. Kung bakit kailangan pa nitong samahan si Tanya. Kung sino ba talaga ang ama ng pinagbubuntis ni Tanya.
Nananalangin siya na sana, sana talaga ay hindi si Hunter ang ama ng bata dahil kung ang lalaki ang ama ng dinadala ni Tanya, iyon na siguro ang magiging dahilan ng pagpilit niya sa sarili na kalimutan na si Hunter ng tuluyan at lumayo na.
“Nagtatanong ka ba?” tanong ni Cyan sakanya. Kahit na hindi niya nakikita’y alam niyang pinanlalakihan siya ng mata nito.
“Hindi,” mahinang sagot niya habang tinatapik-tapik sa sahig ang paa. Malamig ang panahon dahil na rin sa malakas na ulan. Ang sabi ni Hunter kanina’y baka may bagyong paparating.
“Eh, paano mo malalaman kung hindi ka magtatanong, Zyline?” tanong muli ni Cyan sakanya. Napasimangot si Zyline.
Natural na madali sa posisyon nito na sabihin iyon. Pero hindi sa posisyon niya. Napakahirap magtanong ng bagay na may posibilidad na masaktan ka lang naman. Mahirap magtanong kung mahal ka na ba, kung may posibilidad na sasabihing hindi naman. Mahirap magtanong kung dahil sa tanong mo, maaring magbago ang lahat. At kung minsan, mas pinipili nalang ng mga tao na huwag magtanong dahil natatakot sila sa magiging sagot. Natatakot silang masaktan sa magiging sagot.
“Zyline…” narinig niya ang paghinga ng malalim ni Cyan.
“Paano kung anak niya ‘yon?” tanong ni Zyline dito. Hindi naman siya papayag na may kahati sa atensyon ang mga anak niya sa tatay ng mga ito.
“Paano kung hindi?” tanong naman ni Cyan pabalik sakanya.
She groaned a little.
“Paano nga kung anak niya?” giit naman ni Zyline sa kaibigan. Humiga siya sa kama habang nakasayad ang dalawang paa sa sahig habang nakikipag-usap dito.
“Ano ba? Gusto mo bang anak niya ‘yon o hindi?” tila naiinis naman na sabi ni Cyan sakanya. Kilala niya ito, alam niya na kapag nagiging sarcastic na si Cyan at tumataas ang boses, hindi na magandang hindi umayos ng sagot dito.
“Siyempre ayokong anak niya ‘yon, Cyan,” sagot naman ni Zyline. Ayaw na nga niyang isiping ilang babae na ang nakakita sa katawan ni Hunter noon, eh. Ilang babae na ang napasukan nito. Tinanggap nalang niya na ganoon ang lalaki noon… noong hindi pa sila kasal. Kaya kung sakaling ginawa iyon ni Hunter nang kasal na sila’y talagang mahihirapan siyang patawarin ito.
“Iyon naman pala. Then do something about it!” Cyan snapped. Napabuga nalang ng hangin si Zyline.
Napapitlang si Zyline nang biglang kumulog at kumidlat ng malakas. Tumayo siya para tignan ang labas ng bintana. Malakas ang ulan at halos wala siyang makita. Kung bakit ba kasi hindi man lang alam ni Hunter na may paparating palang bagyo, ay hindi alam ni Zyline.
“May bagyo ba diyan?” narinig niyang tanong ni Cyan sakanya.
“Yeah, I guess so and—hello? Cyan?” kumunot ang noo niya nang tila magloko ang linya ng telepono. Inilayo niya ang cellphone mula sa tainga at tinignan ito. Nawawalan na nga siya ng signal.
“Cy? Hello? Cyan?” anang niyang muli hanggang sa nawala na ng tuluyan ang tawag.
“Ugh! Great! Now, wala na ding signal,” ibinagsak ni Zyline ang katawan sa kama at inilagay ang braso sa may noo.
“Nasaan na kaya si Hunter?” tanong niya habang nakatingin sa may kisame. Tanging ang malakas na hampas ng hangin at malakas na buhos ng ulan ang naririnig ni Zyline. Hindi naman siya takot sa kidlat ang kulog kaya hindi siya nagkukumahog bumaba para hanapin si Hunter.
“Hindi man lang ba niya ako aakyatin dito?” kumunot ang noo niya. “Tss. Why would he? Eh, nilayasan ko siya noong nagpropose siya…” sagot niya sa sariling tanong.
“But still, hindi ba niya ako aakyatin man lang? Kung okay lang ba ako? Ang lakas-lakas ng bagyo dito. Wala ba siyang pakialam sa akin?” napabangon siya at tumingin sa pintuan. She’s waiting for the door to open… pero walang nangyari.
Iniisip niya kung lumabas ba si Hunter. Pero kung lumabas naman ito, saan naman ito pupunta nang ganoong malakas na malakas ang ulan?
Humiga na lamang ulit si Zyline sa kama habang pinagmamasdan ang kisame. Wala namang interesanteng bagay ang naroon... pero wala naman kasing ibang magawa si Zyline maliban sa titigan ang kisame.
Muling kumulog ng malakas.
Tumayo na si Zyline at napagdesisyunan na lumabas. Maghahanap nalang siya ng kahit na anong mailuluto dahil nagugutom na siya. Hindi man lang siya dinalahan ni Hunter ng pagkain o ‘di kaya’y inalok man lang.
“Nasaan kaya ‘yon?” muling tanong ni Zyline habang naglalakad papunta sa kusina.
Palihim siyang lumilinga-linga para hanapin ang lalaki ngunit kahit anino o hibla ng buhok nito'y wala siyang makita.
“Baka naman iniwan na ako ‘non at bumalik na siya sa Manila?”
Natigilan si Zyline sa naisip. Hunter won’t do that. Gago lang talaga ito pero alam ni Zyline na hindi magagawa ni Hunter ang bagay na iyon. Hindi nito magagawang iwan siya. Pilit niyang pinakalma ang isipan at inisip na baka nasa kung saan lang si Hunter at nagpapahinga.
Dumiretso nalang siya sa kusina at tinignan kung ano ang maaring iluto niya. Mabuti na lamang at may nakita naman siyang sangkap para sa carbonara na gusto niyang kainin doon. Inabala niya ang sarili sa pagluluto ngunit naiisip niya pa din kung nasaan ba si Hunter. Kung ano na ba ang ginagawa nito.
Matapos magluto ay mag-isang kumain si Zyline. Madami ang niluto niya at hindi naman niya kayang ubusin. Of course, she's waiting for Hunter.
Pero nakaubos na ata si Zyline ng dalawang plato’y wala pa din si Hunter.
“Nasaan na kaya ‘yong gago na ‘yon?” nakasimangot na sabi ni Zyline. Inilagay nalang niya sa refrigerator ang natirang pagkain at hinugasan ang mga ginamit niya.
Hustong natapos na siya nang biglang may nagsalita sa likod niya at halos mapatalon si Zyline sa gulat.
“What are you doing?”
Nilingon niya si Hunter na basang-basa. Mula ulo hanggang paa nito’y basa at tumutulo pa ang tubig mula sa katawan nito. Puro putik din ang paanan ng lalaki.
“Saan ka galing?” tanong ni Zyline kay Hunter. “Lumabas ka? Nakita mo naman na ang lakas-lakas ng ulan, diba?” dagdag pa niya.
Hindi naman siya sinagot ni Hunter at pabalewalang hinubad ang damit nitong basang-basa.
“What are you doing?” tanong niya kay Hunter.
“What do you think?” he asked her, coldly.
“Pwede ka namang sa kwarto mo magbihis, bakit dito pa?” pasungit na tanong niya sa lalaki. Kailangan ba talagang sa harap niya ito maghubad?
“You’re occupying my room, Zyline,” sabi muli ni Hunter. Kagaya kanina, malamig ang pakikitungo nito sakanya.
“Sana sinabi mo agad, pwede namang sa ibang kwarto ako matulog, eh. Pero ‘don mo ako nilagay noong nagpunta tayo dito at—“
“Ba’t ba ang ingay mo?” putol ni Hunter sa sinasabi niya. Tanging boxers nalang ang naiwang suot nito at maging iyon ay basang-basa kaya naman bakat na bakat doon ang parte sa gitna ng hita ni Hunter.
“Ewan ko sa’yo, diyan ka na nga!” naglakad papalabas si Zyline at dumiretso sa kwarto niya at nagkulong doon.
Naiinis siya kay Hunter.
Kanina lang, napaka-sweet nito at halos hindi siya padapuan sa lamok o kahit langgam man lang. Ngayon naman ay halos ayaw siyang tignan nito.
“Because you rejected him… gaga!” muling sabi naman niya habang nakatingin sa salamin.
“Ineexpect mo bang magiging sweet pa din siya, eh, tinakbuhan mo palayo noong nagpropose sa’yo…” sinimangutan niya ang repleksyon sa salamin.
“Pero kasi naman, biglang naging cold. Nakakainis…” anang niyang muli.
Iniisip ni Zyline kung saan kaya nanggaling si Hunter. Umuulan ng malakas ngunit sinuong nito iyon. Siguro’y napakahalaga ng pinuntahan nito.
Sino bang mahalaga ang nasa Tarlac at—“Taga-dito si Tanya…”
Natigilan si Zyline.
Baka umuwi si Tanya dito at nalaman ni Hunter kaya ganoon.
Bumigat ang pakiramdam ni Zyline dahil sa naiisip.
Kahit napakalakas ng ulan, sinuong nito iyon para lang magpunta kay Tanya.
Tinignan niya ang cellphone niya kung may signal na ba para tawagan ang kapatid at sunduin na siya doon ngunit nabigo lamang siya. Walang signal ang phone niya at kahit anong taas pa ng kamay niya para maghanap ng signal ay wala siyang mapala.
Humiga na lamang siya at pinilit ang sarili na matulog. Kahit na nakakabahala ang lakas ng ulan, alam naman ni Zyline na ligtas siya sa bahay na iyon.
Wala pang dalawang oras na nakatulog si Zyline ay nakaramdam naman siya ng uhaw kaya bumaba siya para kumuha ng tubig.
Katulad kanina, tahimik ang buong bahay at wala siyang makitang kahit na sino.
Dumiretso nalang siyang muli papunta sa kusina at kumuha ng tubig.
Maya-maya’y nakarinig siya ng mahinang pag-ungol.
Kumunot ang noo ni Zyline.
Sino naman ang uungol sa bahay na ito?
Sinundan niya ang mahihinang ungol na naririnig hanggang sa makarating siya sa isang kwarto doon sa ibaba. Idinikit ang tainga sa pinto at pinakinggan ang mga ungol.
Hunter…
Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto at nakita niya si Hunter na nag-iisa at balot na balot ng kumot. “Hunter?” agad siyang lumapit sa lalaki at hinawakan ang noo nito. “Oh my God, ang taas ng lagnat mo!” anas niya nang madama na ang init-init ni Hunter.
“Sandali lang, babalik ako…” paalam niya dito ngunit hinawakan naman ng mahigpit ni Hunter ang kamay niya.
“Don’t go…” halos walang boses na sabi ni Hunter.
“Hunter, babalik din ako. Kukuha lang ako ng maligamgam na tubig at gamot, okay?” hinawakan din niya ang kamay nitong nakahawak sakanya.
“Don’t leave me, Zy…” kahit hirap ay malinaw ang pagkakasabi ni Hunter ng mga salitang iyon. “Don’t leave me again…”
Parang may kung anong kumurot sa puso ni Zyline dahil doon.
“I won’t leave you…”
Tsaka lamang tila nakampante si Hunter at bahagyang lumuwag ang pagkakahawak sa kamay niya. Maya-maya’y binawi ni Zyline ang kamay para na rin makakuha ng bimpo at tubig at ng gamot nito. Dapat kanina’y naisip na niya ang posibidad na magkasakit si Hunter. He was soaking wet!
Gumawa na din siya ng lugaw na makakain ni Hunter.
Pagbalik niya sa kwarto’y natutulog pa din si Hunter. Lumapit siya dito at dinama ang noo. Mainit pa din talaga. Agad niyang sinimulang punasan ang lalaki. Kumuha na din siya kanina ng damit na pamalit nito.
“Hmm…” ungol ni Hunter habang pinupunasan niya ito.
“Just stay still, Hunter,” ani Zyline habang patuloy sa pagpupunas ng katawan ng lalaki.
“I miss you…” Hunter said. His eyes were still closed. Hindi tuloy malaman ni Zyline kung nananaginip ba ito o hindi.
“Ako o si Tanya?” mahinang sabi ni Zyline habang patuloy sa pagpupunas ng braso ni Hunter.
“You…” sagot ni Hunter sakanya. “I miss you, my Zyline Cerise…”
Natigilan si Zyline sa ginagawa at pinagmasdan ang mukha ni Hunter. He looked tired.
“Magpalit ka na muna ng damit. Kumain ka na din muna para makainom ka ng gamot…” sabi na lamang ni Zyline jay Hunter. Inalalayan niya si Hunter pero tumanggi ito.
“Hunter, okay lang maging mahina. Huwag ka na ngang maarte. Hayaan mo ‘kong tulungan ka. Asawa mo ‘ko, diba?” pinanlakihan niya ng mata si Hunter ngunit natigilan din nang marealize niya ang implikasyon ng sinabi niya.
Nilingon siya ni Hunter at tinignan. Namumungay ang mga mata nito at may maliit na ngiti sa mga labi. “Oo. Asawa kita…” sagot nito sakanya.
“Ikukuha lang kita ng tubig…” nag-iwas ng tingin si Zyline at lumabas na ng kwarto.
Ang bilis-bilis ng tibok ng puso niya.
Pagbalik niya’y nakaupo pa din si Hunter. Halos nangalahati naman ang laman ng mangkok.
“Uminom ka na ng gamot,” inabot niya iyon sa lalaki at maging ang baso ng tubig.
“Thank you,” mahinang sabi ni Hunter.
“Magpahinga ka na. Malakas pa din ang ulan. Kung bakit kasi naisipan mong umalis pa, eh. Buti sana kung importante ‘yang pinuntahan mo para magpakamatay ka ng ganyan…” iiling-iling na sabi ni Zyline.
“It is…” sagot naman ni Hunter.
Gustong magtanong ni Zyline kung ano ba ang pinuntahan nito pero pinili na lamang niyang huwag ng kumibo pa.
Matapos magligpit ay umupo nalang si Zyline sa gilid ng kama. Hindi niya alam kung babalik na ba siya sa kwarto niya o babantayan si Hunter. Hindi pa din bumababa ang lagnat nito kaya maya’t maya ang pagpupunas niya dito.
“You can leave if you want, Zyline,” sabi ni Hunter nang magising ito nang bandang ala-una ng madaling-araw.
“Do you want me to leave?” tanong niya sa lalaki.
“Alam mo ang sagot ko diyan,” seryosong sabi ni Hunter sakanya.
“Then don’t tell me to leave. Hindi kita iiwan,” huminga siya ng malalim bago isinandal ang likod sa headboard ng kama.
“Don’t be too cute, Zyline…” anang ni Hunter habang nakatingin sakanya.
“Hindi naman ako nagpapacute…” sagot naman niya kasabay ng pag-irap sa lalaki.
“I’m too weak to kiss you, that’s why I’m asking you not to be too cute. Alam ko namang hindi mo ako hahalikan…” ngumiti ng maliit si Hunter.
Tinignan naman ito ni Zyline.
“Matulog ka na nga. Magpahinga ka na…” sabi na lamang niya dito.
“Can I ask you something?” tanong muli ni Hunter sakanya. Nilingon niya itong muli. “What is it?” tanong niya dito.
“Can I kiss you tomorrow? Baka mas malakas na ako bukas…”
“Hunter…”
“I love you, Zy…” hinawakan nito ang kamay niya at dinala sa mga labi nito at hinalikan. Huminga naman ng malalim si Zyline.
“Magpahinga ka na. Hindi ako aalis sa tabi mo…” sabi niya dito.
Ngumiti naman si Hunter sakanya bago ipinikit ang mga mata. Kahit may pagkakataon si Zyline na umalis dahil binitiwan na ni Hunter ang kamay niya, hindi niya ginawa. Binantayan niya lang ang lalaki hanggang sa medyo bumaba ang lagnat nito.
Unti-unti din siyang hinila ng antok.
Nagising siyang wala na siyang ibang kasama sa kama. “Hunter?” agad siyang bumangon para alamin kung nasaan na ito. Malakas na ba ito? Magaling na? Bakit ba bigla-bigla itong nawawala?
Lumabas siya para tignan kung saang parte na ng bahay nakarating si Hunter. Hindi naman siya nahirapan nang makita niya itong nasa kusina at nagluluto.
“What are you doing?” tanong niya dito. Nilingon naman siya nito at ngumiti.
“Good morning…” bati nito sakanya. Agad siyang lumapit dito at hinawakan ang noo. Hindi na ito mainit.
Napabuga ng hangin si Zyline. “It’s a relief you’re not that hot anymore…”
“I’m always hot,” ngumisi ito sakanya.
“Magaling ka na nga,” napasimangot si Zyline. “Ako na diyan, baka mabinat ka pa at—“
“Ako na. Maupo ka nalang, pwede ba ‘yon?” masuyong sabi ni Hunter sakanya.
“Baka mabinat ka kasi at—“ dumampi ang labi ni Hunter sa labi niya. Marahan din nitong kinagat ang pang-ibabang labi niya.
“Ako na…” sabi nitong muli sakanya.
Tinalikuran nalang niya ito at umupo na.
“Saan ka ba kasi nagpunta kahapon? Kita mo na ngang ang lakas ng ulan, eh…” sabi niya sa lalaki na abala sa pagluluto.
Nagkibit-balikat ito.
“You said it’s something important. Gaano ba kahalaga ‘yon?” tanong niyang muli. Lumingon lang si Hunter sakanya at ngumiti.
“By any chance… nandito din ba si Tanya sa Tarlac?” tanong niyang muli. Kung ayaw umamin ni Hunter, mas mabuti na hulihin nalang ito.
“Hindi ko alam.”
Zyline rolled her eyes.
“Si Tanya ba ang pinuntahan mo kahapon? Talaga bang mahalaga siya sa’yo?” diretsong tanong na niya dito. Hindi umaamin, ayaw din magpahuli. Mas mabuti nga yatang diretsuhin nalang ng tanong ang lalaki. “Nagtatanong pa ako, obvious naman ang sagot. Si Tanya ang pinakamahalaga sa’yo.”
Lumapit sakanya si Hunter at tinitigan siya ng seryoso.
“Wala akong ibang babaeng pinuntahan kahapon…” ani Hunter sa mababang tinig. “The reason why I left, was because of the ring. Sa sobrang inis ko na bigla kang tumakbo palayo, naibato ko ‘yung singsing. Kailangan kong hanapin ‘yon bago pa man umulan. Pero hindi naging madali kaya inabot na ako ng anong oras.”
Natigilan si Zyline.
“Hindi ba talaga sapat ‘yung pinapakita ko, Zyline? Para lang makita mong mahal kita. Para makita mong hindi si Tanya ‘yung mahal ko kundi ikaw?” tanong ni Hunter sakanya. “Oo. Nagkamali ako. Sinamahan ko si Tanya, hindi ako nagpaliwanag agad sa’yo, pero Zyline, nakakainsulto pala…” ngumiti ng mapait si Hunter. “Kasi parang kahit anong gawin ko, ‘di mo kayang paniwalaan lahat ng sinasabi at ipinapakita ko. Parang kahit naman anong gawin ko, kulang na kulang ako sa’yo.”
Hindi nakakibo agad si Zyline. Nakatingin lang siya kay Hunter.
His jaw tightened. “Iniisip mo na ako ang tatay ng anak ni Tanya, diba?” tanong nito sakanya. “Dalawa lang ‘yung anak ko, Zyline. Si Kol at Keij. At kung dadagdagan ko sila, ikaw pa din 'yung gugustuhin kong magiging ina. Hindi ko anak ‘yung dinadala ni Tanya. Wala akong anak sa iba.”
“Hunter…”
“Siguro nga, karma ko na ‘to. Napakagago ko kasi, eh. Napakawalang kwenta ko…” he smiled bitterly again. “Siguro nga hindi ko na din talaga deserve na pagbigyan mo pa ako. Hindi ko deserve na bigyan mo pa ako ng pagkakataon. Kasi tangina, sinaktan kita, eh. Ikaw lang ba may pakiramdam dito?” tanong ni Hunter sakanya.
Muli, hindi magawang kumibo ni Zyline. Walang salita ang nais kumawala mula sa labi niya.
“Magpapahinga nalang muna ako ulit. Kumain ka na. Kapag maayos na ang panahon bukas, babalik na tayo,” bumalik si Hunter sa loob ng kwartong inookupa nito at iniwan siyang mag-isa sa may kusina.
Napasandal siya sa may upuan.
Sumusobra na ba talaga siya?
Talaga bang nagiging matigas na siya para sa lalaki? Na ayaw niyang maniwala kahit na alam naman niyang hindi gagawin ni Hunter ang mga ginagawa nito kung hindi siya mahalaga?
Kahit na nawalan na ng gana ay pilit pa ding kumain si Zyline dahil alam niyang nag-effort si Hunter na magluto kahit pa masama ang pakiramdam nito.
Pag-akyat sa kwarto niya’y walang ibang nasa isip si Zyline kundi ang sinabi ni Hunter. At kung gaano niya nakita na nasasaktan ito.
Gusto niyang humingi ng tawad sa lalaki pero hindi naman niya alam kung saan magsisimula. Sabi nito’y kapag maayos na ang panahon bukas ay babalik na sila. Gustong hilingin ni Zyline na sana… sana patuloy pa din ang malakas na malakas na ulan upang hindi sila makaalis.
Maghapong tahimik ang kabahayan. Bumaba si Zyline para magluto nang tanghalian pero nakaluto na si Hunter. Inalok niya itong kumain ngunit malamig na “Tapos na ako,” ang isinagot niyo sakanya.
Tinanong niya din ito kung kamusta na ba ito, sumagot lamang si Hunter na okay lang siya. Hindi niya maiwasan na masaktan sa ipinapakita ni Hunter sakanya na kalamigan.
Hanggang noong gabi’y hindi siya kinikibo ni Hunter. Bumaba siyang muli para alamin kung kamusta na ito at naabutan niya si Hunter na nakaupo sa may sala.
“Hunter…” tawag niya sa lalaki. Nilingon naman siya nito.
“Are you okay?” tanong niya. Naglakad siya papalapit dito.
“I am,” tipid na sagot ni Hunter.
Wala na namang masabi si Zyline.
“Matulog ka na. Babalik na tayo bukas.”
“Hunter, about what I said earlier, I’m—“
“It’s okay, Zy. Naintindihan ko na.” Nag-angat ng tingin si Hunter sakanya. He smiled sadly.
“Hunter…”
“Pagbalik natin sa Manila, pipirma na ako sa annulment papers. Papalayain na kita.”
Iyon lamang at tumayo na si Hunter at iniwan siyang nag-iisa.