Chapter Last

IT’S been a week…

Isang linggo na ang nakalipas mula noong umalis si Hunter.

Napabuntong-hininga na lamang si Zyline. Itinaas niya ang kamay at tinignan ang singsing na naroon. Napangiti siya.

She’s still Mrs. Dela Cruz. Kahit pa umalis si Hunter, nananatili siyang asawa nito. Iyon nalang ang nasa isip niya. Kinausap niya si Blue at Thunder na hindi matutuloy ang annulment. Sinabihan pa niya si Thunder na kung gusto ni Hunter na gawin iyon, ito ang magdala sakanya ng papeles. Pero kahit naman gawin iyon ni Hunter, hindi siya pipirma.

Hindi naging madali sakanya na tanggapin na bigla na lamang itong umalis. Ang sabi ni Thunder ay hindi na din nila macontact ang lalaki. Ni hindi ito nagsabi kung nasaan na ito... walang may alam ni isa sakanila. Wala din itong tinatawagan sino man sakanila. Kahit si Daniel na pinsan nito ay inaalam kung nasaan na ang asawa niya.

Bumangon na siya at umupo sa kama. posible pala iyon… ang makaramdam na meron ka ng lahat, pero para kang walang-wala. She felt empty… she felt lost. Pakiramdam niya ay ang laking bagay ang nawala sakanya. She felt like there’s a big hole in her chest…

Pero laging iniisip ni Zyline si Keij at Kol. Kaya pinipili niyang maging matatag. Nilingon niya ang singsing ni Hunter na nasa tabing lamesa ng kama niya. Naroon din ang picture nilang mag-asawa. Mayroon ding picture nilang buong pamilya. Alam niyang babalik si Hunter… babalik ito dahil na din sa kambal.

Bumalik na sila ng mga anak niya sa bahay nila. It was the same house, but she felt different. Wala na ang mga tawa ni Hunter… ang mga ngiti na sumasalubong sakanya sa umaga. Ang mga yakap nito tuwing nakikita siya. Ang pag-aalaga nito sakanya. Ang pangungulit nito, pang-aasar, maging ang pagyayabang nito kung gaanoo ito kagaling sa kama… wala na lahat.

God, sobrang nagpakabulag ba siya? Hindi niya nakita ang mga ginagawa ni Hunter para sakanya. Naging selfish siya at sarili lang niya ang inintindi niya. She was busy dealing with her feelings… hindi niya naisip na nasasaktan din si Hunter.

Muli, nagpakawala ng malalim nabuntong-hininga si Zyline at tumayo na mula sa kamang hinihigaan niya. Nagtuloy siya sa banyo para maghilamos at magsepilyo bago pinuntahan ang mga anak niya. It’s another day… panibagong araw na aasa siya na makikita si Hunter at magiging maayos na ang lahat…

“Ang gwapo naman ng kambal ko…” ani Zyline nang makita ang dalawang bata. Napaliguan na ito ng mga yaya nito at nabihisan na din. Kasalukuyan itong gumagapang at nagkukulitan. Kinakagat-kagat ni Keij ang braso ni Kol habang pilit namang lumalayo ng huli sa una.

“Kumain na ba sila?” tanong niya sa mga yaya nito. Tinanguan naman siya kaya ngumiti nalang siya. “Naka-ready na ba yung gamit nila? Para mamaya sa Sweet Desire, kapag sinumpong ‘tong dalawang ‘to, hindi na tayo matataranta…” ani Zyline na kinarga si Keij dahil nanggigigil na ito sa pagkagat kay Kol.

Noong nakaraan kasi na lumabas sila'y nataranta ang mga yaya nang ayaw tumahan ni Keij sa kakakaiyak. Sinundan pa ito ni Kol.

Nanahimik lamang ang mga ito nang aksidenteng maidikit ni Zyline sa dalawa ang panyo na ginagamit ni Hunter.

Kahit hindi pa nakakapagsalita, dama ni Zyline na miss na miss na ng mga anak niya ang asawa. Siya man… miss na miss na niya ito. Kaya lagi na din silang nagdadala ng kahit na anong gamit ni Hunter.

Matapos asikasuhin ang kambal, bumaba na si Zyline para kumain. Mamaya lang ay magpupunta na sila sa Sweet Desire. Ang sabi sakanya ni Stephanie ay may client daw na magbibirthday at iniinvite silang lahat. Naisipan daw nitong sa Sweet Desire nalang magcelebrate dahil paborito nito ang mga gawa nila Stephanie. Dahil wala namang ibang gagawin si Zyline ay pumayag na lang siya. Maganda na din iyong lumalabas siya. Para din hindi siya malungkot masyado.

Kumakain na siya nang tawagan siya ni Cyan.

“Good morning. I’m still alive, don’t worry…” natatawang sabi niya dito. Isang linggo na din siyang tinatawagan nang tinatawagan ni Cyan tuwing umaga. Inaalam kung buhay pa ba siya o ayos lang ba.

“Loka. Kamusta?” tanong nito sakanya. Ngumiti siya. “Magkasama lang tayo kahapon, Cyan. Miss mo na ako agad. Baka naman pagselosan na din ako ni Kuya niyan?” sinundan niya ng tawa ang sinabi.

“I heard you,” boses ni Blue ang narinig ni Zyline. Malamang ay naka-speaker ang tawag. Napailing nalang siya. “Hi, Kuya,” bati niya sa kapatid.

“Susunduin ka namin mamaya?” tanong muli ni Cyan sakanya matapos utusan si Blue na tignan ang mga anak nito.

“Hindi na. I’ll drive. Kasama ko ang kambal at ang yaya nila, eh,” pagtanggi niya. “Don’t worry, I’ll be fine. Hindi ako suicidal, Cyan.”

“Zyline, everything will be fine, okay? Everything will be—“

“Cyanelle.”

Biglang tumahimik sa kabilang linya. Napakunot ang noo ni Zyline. “Cy? Are you still there?” tanong niya dito.

“Cyan?” tawag niyang muli. Tinignan niya ang phone niya at active pa naman ang tawag.

“Cyanelle Louise Clemente De Guzman?” pang-aasar niya dito.

“Hey, sorry. May sinabi kasi si Blue. Nasaan na nga tayo?” ani Cyan pagbalik nito.

“Sige na. Kumakain pa ako. Magkikita naman tayo mamaya sa birthday, diba? Mamaya na tayo magkwentuhan,” sabi niya dito.

“Yeah. Sige, sige. Laters, Zy…” paalam ni Cyan sakanya. Nagtataka man na tila nataranya si Cyan ay hindi nalang pinansin iyon ni Zyline. Nagpatuloy nalang siya sa pagkain.

Tinignan niya din ang instagram niya kung saan nakita niya ang mga posts ni Bobbie. Napangiti siya. Isang linggo pa lang ang kaibigan niya sa States pero halatang nag-eenjoy ito. Alam niyang sisikat si Bobbie sa pagmomodelo. Higit lalo pang dadami ang babaeng magkakagusto dito. At may pagkakataon na din sila dito. Sana lang ay makahanap ito ng babaeng magpapasaya sakanya…

Matapos kumain ay nakipaglaro pa si Zyline sa mga kambal. Alas-singko pa naman ang usapan sa Sweet Desire kaya naman hindi kailangan magmadali ni Zyline. Inasikaso nalang niya ang mga anak niya.

Kung minsan ay naiisip ni Zyline na nagpaka-irrational siya ng husto. Masyado niyang itinaboy si Hunter. Hindi na niya naisip ang mga anak nila. Pansarili niya lang ang inisip niya.

Pinuno niya ng hangin ang dibdib bago tinignan si Keij na hinihila-hila ang puting damit ni Hunter.

“You missed him, Keij?” tanong niya sa anak. Lumingon naman si Keij sakanya at ngumiti. Itinataas pa nito ang hawak na damit ni Hunter.

“I missed him, too…” sabi niya sa anak. Tumawa naman si Keij sakanya. Na tila sinasabi na miss na din siya ni Hunter… pinapagaan nito ang loob niya.

Si Kol naman ay hinahawakan ang kamay niya… partikular ang singsing niya.

“Why, baby?” tanong niya sa anak. Tinignan naman siya ni Kol, pabalik sa singsing niya.

Ngumiti siya. “Yes, baby. I am still your daddy’s wife. Hindi kami maghihiwalay,” sabi niya sa anak. Ngumiti naman sakanya si Kol na tila naiintindihan nito ang sinabi niya.

Nang magtanghalian ay pinakain na niya ang mga anak. Pinatulog na din muna ito para naman hindi sumpungin kapag nagpunta sila sa Sweet Desire.

Alas kwatro na ng hapon ay tulog pa ang kambal kaya hindi pa sila pwedeng umalis. Kapag nagigising kasi sa biyahe si Keij ay iiyak ito ng iiyak. Ayaw na ayaw ng anak niya na naiistorbo ang tulog.

“Nasaan ka na ba kasi?” tanong sakanya ni Cyan nang tumawag ito bandang alas-kwatro y media.

“Bahay pa din,” sagot namann niya habang nakaupo sa may couch at nanunuod ng TV.

“Zyline, mag-aalas singko na!” malakas ang boses na sabi ni Cyan sakanya.

“So? Hindi ko naman birthday iyan,” natatawang sabi ni Zyline. “Tulog pa kasi si Keij. Baka malate na kami ng dating. Okay lang naman siguro ‘yon,” sabi pa niya dito.

“Mga anong oras kayo darating?” tanong nito sakanya.

Natawa na naman siya. “Kapag andyan na si Hunter,” pabirong sagot niya. “Sige na. Titignan ko kung gising na si Keij,” iyon lang at ibinaba na niya ang tawag. Bago siya tumayo ay tinawagan niya muna si Thunder.

“Hello, Zy?” sagot ni Thunder sa tawag niya. Hindi naman siya kaagad nakapagsalita.

“Zy, hindi pa din siya tumatawag. Wala pa ding may alam kung nasaan siya.”

Bumuntong-hininga siya. “Alam ko naman. I was just hoping… baka sakali, naisipan na niyang bumalik, Thunder…”

“Wala pa ding balita, Zy, eh…” sabi ni Thunder. Magsasalita pa sana siya nang magsalita si Thunder. “I have to go, Zy. May kakausapin pa ako, eh.”

“Sige.”

Ibinaba niya ang tawag pagkatapos. Sumandal siya sa couch at pumikit.

Nasaan na ba si Hunter?

Matapos huminga ng malalim ng ilang beses, tumayo na din siya at nagbihis para sa pupuntahan. Buti nalang din at gising na ang kambal kaya bandang alas-singko ay bumiyahe na sila papuntang Sweet Desire.

Hindi naman malaman ni Zyline kung bakit traffic kaya inabot pa sila ng halos isang oras sa daan.

Mag-aalas siyete na nang dumating sila sa Sweet Desire. Pinauna na niya ang dalawang yaya at ang mga anak niya dahil ipapark niya pa ang sasakyan niya. Biglang sinakalay ng matinding kaba ang puso niya nang may makita siyang sasakyan doon nang makababa siya.

Hummer.

Katulad iyon ng Hummer ni Hunter. Hindi niya naipaliwanag ang bilis ng tibok ng puso niya.

Pero ganoon nalang ang panlulumo niya nang makita niya ang plate number noon.

DDC716

Kay Daniel.

Iniling-iling niya ang ulo at naglakad na papasok sa Sweet Desire.

Imposibleng nandito si Hunter. Gaya ng lagi nitong sinasabi, hindi naman ito ang group of friends nito. Wala siyang dahilan para makihalubilo sa mga tao doon.

Papasok na siya nang may makabangga siyang babae.

“Sorr—Storm?” natigilan siya nang makilala ang babae.

“Oh. Hi, Zyline,” nakangiting bati nito sakanya. Kumunot ang noo niya. Ano namang ginagawa ni Storm dito?

“What are you doing here?” tanong niya sa babae. “Kakilala mo ba ‘yung—“

“Yes…” maagap na tugon nito sakanya. “Ang sabi niya, dito na ako tumuloy, eh.”

Tumango-tango siya dito. Wala siyang maisip na sabihin. Ex ito ng asawa niya. Ano ba ang dapat niyang sabihin?

“I’ll go ahead,” muling ngumiti si Storm sakanya at nauna ng pumasok sa loob. Huminga naman ng malalim si Zyline bago pumasok na din sa loob.

“Zyline!” malakas ang boses na tawag sakanya ni Cyan. Nilapitan siya nito at agad na hinila papunta sa lamesa ng mga ito. Sa tabing lamesa naman nakaupo ang mga yaya ng anak nila kasama ang mga bata.

“Ang chicks mo ba? May pa-late effect ka pang nalalaman,” pang-aasar ni Cupid sakanya nang makaupo na siya.

“Gwapo ka ba? Epal ka kasi ng epal,” inirapan naman niya ito.

“Gusto mong sagutin ko ‘yan?” natatawang sabi naman ni Cupid.

“Kilabutan ka nga, tangina mo. Kala mo party mo. Umeeksena ka na naman,” binato ni PJ si Cupid ng tissue.

“Ang insecure mo na naman, PJ,” sagot ni Cupid dito.

“Seriously, Cupid. Ang pangit mo, manahimik ka,” nakasimangot na sagot ni PJ dito.

“Here we go again with their bromance…” nakangiting sabi ni Stephanie.

“Palipatin niyo kaya ng bansa si Cupid? Sagot ko na ticket,” sabi naman ni Thunder.

“One way lang dapat,” segunda naman ni Blue.

“Tangina niyo po,” inismiran ni Cupid ang mga kaibigan. Napailing nalang si Zyline. Kahit papaano’y nakakalimot siya sa problema dahil sa apat na lalaki.

“Steph, I saw Storm earlier…” sabi niya sa katabi nang maalala niya ang babae. Nagkatinginan naman ang mga kasama niya sa lamesa.

“Don’t worry. Hindi ko naman inaway. Nagulat lang ako…” ngumiti siya.

“Hayaan mo siya,” sabi nalang ni Rain bago ipinulupot ang kamay sa braso ng asawa.

Nagsimula na naman sila ng panibagong kwentuhan at si Cupid na naman ang nabubully. Tawa sila ng tawa sa mga kwento nila lalo na kapag nababara ito ni Cristine.

“Nasaan pala ‘yung may birthday?” tanong niya sa mga ito.

“Parating na daw,” si Thunder ang sumagot.

“Birthday ba ‘to? Akala ko pro—“

“Sarap ng cake, Itik, no? Oh, kainin mo ng buo!” isinubo ni Cristine kay Cupid ang isang buong cake slice.

“Ang gago talaga, puta,” iiling-iling na sabi ni PJ.

“Doon ka nga sa malayo, tangina mo,” sabi naman ni Thunder dito.

“Itatakwil na kitang kaibigan,” ani Blue.

“Ewan ko sa inyo,” napapailing nalang na sabi ni Zyline. “Punta lang akong CR,” paalam niya sa mga ito bago tumayo at nagpuntang CR.

Matapos magretouched ay lumabas na si Zyline sa banyo. Natigilan siya nang may makitang pamilyar na bulto ng katawan.

“Hi, Storm.”

Pamilyar maging ang boses nito.

Bumilis ang tibok ng puso niya.

Naglakad siya papalapit.

“Ang tagal mo, ha? Naiinip na ako dito,” sabi naman ni Storm dito. Nakatalikod sakanya ang lalaki.

Pero hindi siya pwedeng magkamali.

“May dinaanan pa kasi ako,” sagot ni Hunter dito.

“Kanina pa nandito si Zyline,” sabi ni Storm sakanya. Hindi nagsalita si Hunter.

“Let’s go?” sabi ni Hunter sa babae sa halip na magsalita ng tungkol sakanya.

Nakabalik na pala siya…

Nandito na siya…

Pero si Storm naman ang kasama niya.

Tinignan niya ang dalawa nang makihalubilo ito sa mga bisita.

Huminga siya ng malalim.

Bumalik siya sa CR. Humarap siya sa salamin. Inilugay niya ang buhok niya ay nagpatong muli ng lipstick. Pulang-pula.

“Time to be with my husband again…” she smiled on her reflection.

Paglabas niya ng banyo ay hinanap niya agad si Hunter at Storm pero wala siyang makita.

Bumalik siya sa lamesa nila.

“Oh, Zyline? Saan ka nasubsob?” tanong ni Cupid sakanya.

“I saw Hunter.”

Natigilan ang lahat.

“He’s with Storm. Kailangan ko siyang mahanap,” determinadong sabi niya.

“Baka namalikmata ka lang?” tanong ni Thunder.

“No! Alam ko ang katawan ng asawa ko. Alam ko ang amoy niya. Alam kong siya ‘yon!” pinanlakihan niya ng mata si Thunder.

“Sabi sa inyo, ikadena niyo, eh…” ani PJ bago sumipol. Wala siyang panahon intindihin ang mga sinasabi ng mga ito. Hinahanap niya si Hunter at Storm.

“Sit down, Zyline,” sabi naman sakanya ni Blue.

“Kuya, nakita ko si Hunter! Hindi ako pwedeng umupo lng dito!” sagot naman niya kay Blue habang lumilinga-linga pa din. Hindi niya makita si Hunter. Kahit si Storm ay wala.

“Okay, we’ll try to look for him and—“

“Oy, ba’t nandadamay ka? Ang sarap-sarap ng pagkakaupo ko dito at—“

“Tatayo ka diyan Kupido o sasapakin kita?” ani PJ na nasa likod na ni Cupid at hawak ang balikat nito.

“Tangina niyo po talaga,” iiling-iling na tumayo si Cupid at magkakasamang umalis ang apat.

“Are you sure it’s Hunter?” tanong ni Stephanie. Nagtinginan ito at si Cristine.

“Oo nga. Baka miss na miss mo na kasi kaya naman akala mo siya ‘yon,” sabi ni Cristine sakanya.

“Sigurado ako,” anang Zyline. Huminga siya ng malalim. “Kailangan ko siyang makausap.”

“Oo, tapos pulahan pa natin ang labi mo,” komento naman ni Cyan. “Inubos mo na ba ang lipstick mo, Zyline?” tanong nito sakanya.

“Dapat sinamahan ka na namin sa CR kanina, eh…” sabi naman ni Rain.

Napasandal siya. Sigurado siyang si Hunter ang nakita niya. Hindi siya maaring magkamali.

Mahigit isang oras na ang lumipas pero hindi na niya muling nakita si Storm o si Hunter man lang. Laglag ang balikat na tumingin siya sa mga kasama sa lamesa. “Magpapahangin lang ako,” ani Zyline.

“Samahan ka na namin,” sabi naman ni Cyan sakanya.

“No. Gusto ko mapag-isa,” tanggi niya bago lumabas ng shop. Nagpakawala siya ng malalim na buntong-hininga habang naglalakad papunta sa well sa labas ng Sweet Desire.

Umupo siya sa isang upuan na naroon.

“Hay, Hunter…” tumingin siya sa langit. Wala siyang makitang mga bituin. Parang pag-asa niya na makikita si Hunter… wala na.

“Come on, Daniel. Ayusin mo ‘yan!”

Napalingon si Zyline nang may marinig.

“Hunter?” kumunot ang noo niya.

“Yes, bro. Basta paglabas mamaya…”

Boses nga ni Hunter!

Agad na tumayo si Zyline at nagpunta sa gawing iyon ng Sweet Desire. Madilim doon.

Dahan-dahan siyang naglakad. Mabilis ang tibok ng puso niya. Tila nais nitong kumawala sa puso niya.

Hunter…

Nakita niya itong nakatalikod sakanya at may kausap sa cellphone.

“Alright. Call Thunder later, okay? Sige na.”

Ibinaba nito ang tawag. Nakita niya kung paanong bumuntong-hininga ang lalaki bago inilagay sa bulsa ang cellphone. Humarap ito sakanya. Bakas ang gulat sa mukha nito nang makita siya.

“Hunter…”

“Zy-Zyline…” nakatingin lang ito sakanya. “What are you doing—“ agad niyang nilapitan si Hunter at hinalikan ang mga labi nito.

“Zyline…” hinawakan siya nito sa bewang at akmang inilalayo sa katawan nito pero ipinulupot niya ang mga kamay sa leeg nito at pinalalim pa ang halik.

“Fuck…”

Nasasaktan siya na para bang ayaw siyang halikan pabalik ni Hunter… pero hindi siya nagpatalo sa sakit. Kanya si Hunter. At gagawin niya ang lahat ng kaya niya para bumalik ito sakanya.

Itinulak niya si Hunter papunta sa pader na naroon habang patuloy na hinahalikan ito. Idinidikit niya ang katawan sa lalaki.

“Zyline…”

Sinamantala ni Zyline ang pagkakataon. She pushed her tongue inside Hunter’s mouth and teased his tongue.

“Ah, shit…” iyon lamang at hinila na din siya ni Hunter papalapit. Iniyakap nito sakanya ng mga kamay. Pinipisil ang katawan niya.

Bumaba ang halik ni Hunter sa may leeg ni Zyline. Damang-dama ni Zyline ang init ng labi ni Hunter. Pinaglalandas nito ang dila sa madaanang balat ni Zyline. Mas lalong nag-init ang pakiramdam ni Zyline dahil sa nangyayari.

“Hunter…” muling hinawakan niya ng mukha ng lalaki at hinalikan ito sa labi. May halong pananabik ang bawat halik na iginagawad ni Zyline sa labi nito.

Madilim sa parteng iyon ng Sweet Desire kaya naman alam ni Zyline na walang makakakita sakanila. Isinandal niya si Hunter at sinimulan niyang tanggalin ang pagkakabutones ng suot nitong polo.

“Zyline…” halos walang boses na sabi ni Hunter.

“I missed you…” sabi niya bago hinalikan muli ang lalaki. Mula sa labi nito ay bumaba ang labi niya sa leeg nito at marahang sinipsip ang balat ni Hunter… pababa sa dibdib nito. She licked and sucked his nipple. Hunter moaned sexily.

Hinawakan naman ni Hunter ang magkabilang pisngi niya at ito na ang humalik sakanyang muli. Natanggal na niya ang lahat ng butones ng suot nito ngunit hindi iyon tuluyang hinubad.

Ang mga kamay ni Hunter ay dumako naman sa dibdib ni Zyline. Sa kabila ng suot nito’y damang-dama niya ang init ng palad nito. He was kneading and pinching her nipples agains the material of her dress.

“Hunter…” kumapit siya sa balikat ng lalaki.

“Turn around…” bulong ni Hunter kay Zyline. Sumunod naman si Zyline sa sinabi nito at tumalikod siya sa lalaki. Ang isang kamay ni Hunter ay dinadama ang dibdib niya habang ng isa’y itinaas ang laylayan ng suot niyang dress.

“Hunter…”

“Let’s see how wet you are, my Zyline…” he said sexily before cupping her sex.

Napakislot si Zyline nang maramdaman ang kamay ng lalaki sa pagkababae niya. Alam niyang basang-basa na siya.

Hunter pushed a finger inside her. She let out a loud moan.

“Hunter…”

His lips were on her neck, kissing and licking her.

He doubled the finger and pushed them deeper. Patuloy naman ang pag-ungol at paghalinghing ni Zyline.

“Fuck, I missed you,” he breathed. Hinayaan lang ito ni Zyline na halikan ang leeg niya, pisilin ang dibdib niya at maging ang mga daliri nitong ipinapasok sa loob niya.

Maya-maya’y, inikot ni Hunter ang posisyon nila. Nakaharap siya sa may pader.

“I’ll take you this way, Zyline…”

Tila naman may kung anong kiliti ang naramdaman si Zyline dahil sa sinabi nito. Napahawak siya sa pader na naroon. Itinaas ni Hunter ang laylayan ng bestidang suot niya.

Inakala niyang huhubarin nito ang suot na underwear ngunit hindi. Sa halip ay iniusog lamang nito ang suot niya. Magsasalita pa sana si Zyline ngunit naramdaman na niya ang kahabaan ni Hunter.

“Hmmm… Hunter…”

He was rubbing his cock on her wetness. The tip of it was teasing her folds.

“Hunter…” napapapikit si Zyline dahil sa ginagawa ni Hunter.

In one swift move, Hunter filled her in.

He was inside her.

And she felt so good.

“Ahhh…” ungol niya nang magsimulang kumilos si Hunter. Hindi nila tuluyang hinubad ang mga damit nila.

“Fuck… ahhh…” umuungol din si Hunter. Nakahawak ito sa bewang niya at pinipisil iyon.

“Hunter… ahhh… faster…” patuloy ang paghalinghing ni Zyline.

Hunter moved faster. He was thrusting deeper and harder. Sagad.

It was easier to ease in and out because Zyline was so wet. Mas binibilisan ni Hunter ang pagkilos, mas lumalakas ang ungol ni Zyline.

Napapakagat si Zyline sa labi niya habang sunod-sunod ang pag-ulos ni Hunter sa loob niya.

She’s close.

Tila naman mas nabaliw pa siya nang maramdaman ang kamay ni Hunter sa pagkababae niya. He was teasing her clit with his fingers.

“I’m coming, Zyline…” he growled.

He pushed himself harder.

“Ako din…” sabi niya kay Hunter.

Mas binilisan ni Hunter ang pagkilos hanggang sa maramdaman niya ang paglabas ng semilya nito sa loob niya.

Hingal na hingal na sumandal si Zyline sa pader. Nakayakap naman sakanya si Hunter.

Matapos nitong hugutin mula sa loob niya ang pagkalalaki nito’y humarap na muli si Zyline kahit pa nanlalambot ang mga tuhod niya.

“I missed you,” bulong niya sa lalaki.

“Hindi mo dapat ginawa ‘to, Zyline…” huminga ng malalim si Hunter. Inayos nito ang sarili. Kumunot ang noo ni Zyline. “What do you mean? Asawa kita!” sabi niya kay Hunter.

Hindi ito nagsalita.

“Hunter…”

Tumingin ito sakanya.

“I saw you with Storm…”

“You think I’m cheating again?” he asked her. “Cheating is a choice, not a mistake. And I will never cheat on you, you hear me? Never, Zyline…” seryosong saad nito. “Pero hindi mo dapat ginawa ang ginawa mo ngayon,” huminga ng malalim si Hunter.

“Bakit? Anong problema at—“ natigilan siya nang magliwanag ang paligid ng Sweet Desire.

Lumapit sakanya si Hunter sakanya at sinigurado nito na maayos ang itsura niya.

“Fuck. Hindi ko nasabing tawagan ako…” bulong ni Hunter.

“Hunter…”

Napalingon siya sa lalaki.

Naglabasan na ang mga tao sa Sweet Desire. Habang tumutugtog ang Lego House.

Hinawakan ni Hunter ang kamay niya at inaya siyang maglakad papalapit sakanila.

They were all smiling at her.

May mga hawak silang letra at isa-isa silang humilera.

Si PJ ay M.

Si Stephanie ay A.

Si Cupid ay R.

Si Cristine din ay R

Si Blue ang may hawak ng Y.

Si Cyan ay hawak ang letrang M.

Hawak naman ni Thunder ang E.

Hawak ni Rain ang letrang Z.

Habang si Daniel naman ang may hawak ng letrang Y.

Tumakbo si Theon papalapit at may inabot kay Hunter. Ginulo nito ang buhok ng pamangkin at bumalik na si Theon sa yaya nito.

“Hunter…”

“Nagpunta ako ng US last week dahil dito. Kasi gusto ko, pagbalik ko, magiging akin ka na ulit,” simula ni Hunter.

Kumunot ang noo ni Zyline. “Pero ang sabi ni Thunder…” nilingon niya si Thunder. Nag-iwas naman ito ng tingin sakanya. “Gago talaga,” nakasimangot na sabi niya.

“Tss. As expected. Kaya ayokong humingi ng tulong sakanila, eh…” iiling-iling na sabi ni Hunter. Sumeryosong muli ang mukha ni Hunter. “Don’t be mad at Storm, Zyline. She helped me. Kung hindi niya ako tinulungan ay baka sa isang buwan pa ako makabalik. Asawa ni Storm ang may-ari ng jewelry shop na pinagpagawaan ko nito…”

Tinitigan niya ang mukha ni Hunter.

“I want to ask you again this time, Zyline. Pangatlong beses na ba ‘to? Hindi ko din alam. Pero kung kailangan kong paulit-ulit na magpropose, gagawin ko, Zyline. Gagawin ko...”

“Hunter…” hindi niya alam ang sasabihin. Walang ibang pumapasok sa isip niya noong mga oras na iyon.

Lumuhod ito sa harap niya.

“Marry me again, Zyline Cerise. Pakasalan mo ulit ako. I’ll do my best to make your every day the happiest day of your life. Pakasalan mo lang ako ulit. Tanggapin mo lang ako ulit. Pangako ko sa’yo, papaligayahin kita hanggang sa huling hininga ko.”

Pumatak na ang luhang kanina pa pinipigilan ni Zyline.

“Marry me again, Zyline… please?” ngumiti si Hunter sakanya.

Tumango siya dito habang nakangiti at patuloy na tumutulo ang mga luha. “Oo, Hunter. Magpapakasal ako ulit sa’yo. Papakasalan kita ulit.”

Ngumiti na din si Hunter at isinuot sakanya ang singsing at hinalikan siya sa mga labi.

“Mahal na mahal kita…” bulong ni Hunter sakanya.

“Mahal na mahal din kita…” sagot niya sa asawa.

Napatingin si Zyline sa kalangitan nang nagkaroom ng fireworks doon. Napatingin siya kay Hunter. Nakatingin ito sakanya.

“I love you…” bulong ni Zyline kay Hunter.

“I love you.”

Nakahawak sa bewang niya si Hunter habang pinagmamasdan nila ang fireworks.

Napalingon naman silang lahat nang umiyak si Keij. Bitbit ito ng yaya nito.

Napangiti si Zyline. “Mukhang miss na miss ka na niya…” sabi niya sa asawa.

Lumapit naman si Hunter kay Keij at binuhat ito. Tumahimik naman agad ito at yumakap sa ama nito. Kinuha din ni Zyline si Kol.

“Hunter…” untag niya sa asawa.

Lumingon ito sakanya.

“Ikaw ang pinakagagong tao sa mundo. Pero mahal na mahal kita. Lagi mong tatandaan ‘yan.”

Ngumiti si Hunter.

“Gago ako, Zy. Gago ako at sa’yo lang ako. Sa’yong sa'yo lang ako…” lumapit itong muli sakanya at hinalikan ang mga labi niya.

Isinandal niya ang ulo sa balikat ni Hunter habang nakatingin sa fireworks, kasama ang mga kaibigan niya... na kaibigan na din ni Hunter.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.