CHAPTER 11
-----/////
Nagising ako dahil sa ingay ng phone ko. Nakita kong may message ito at si clara lang pala.
Magrereply na sana ako nang bigla kong naisip na di pa siguro panahon kaya instead na magreply ako ay tumayo na ako at pumunta sa kusina para makapagluto ng hapunan namin.
Yung itsura ko po ngayon ay naka earphone habang naghahanda ng mga gagamitin para sa lulutuin ko.
Habang abala akong maghanda ay panay din ang pagtunog ng cellphone ko na nagsasaad na may message ako pero dahil nga sa may ginagawa ako hindi ko naisipan na tingnan yung mga message dahil sa busy ako.
Fast forward tayo///
..
..
Matapos akong makapagluto ay agad ko na din tinawag ang pinsan ko para sa haponan namin ng may bigla na naman akong nakatanggap ng message
8 Message from someone
Binasa ko yung mga message nya at ramdam kong tinatamad akong magreply kaya sinubukan ko siyang tawagan at yun na nga sinagot niya din naman.
Intro ko palang natawa na siya....
"Tinatamad akong magreply kaya tumawag nalang ako" - intro ko
At rinig ko ang mahina nyang tawa. Pero di ko nalang iyon pinansin at patuloy lang ako sa ginagawa kong pagliligpit ng pinagkainan.
Hanggang sa madami na kaming napag usapan at pakiramdam ko gumagaan ang pakiramdam ko sa t'wing kausap ko siya
Na ikwento ko na sa kanya yung tungkol sa past ko, at binahagi nya din yung tungkol sa nakaraan nya. Ramdam ko yung sakit na nararamdaman niya na naidulot ng past niya. Halos lahat na ay naikwento niya sakin at pakiramdam ko madali lang siya kilalanin ramdam ko kung anong klaseng pagkatao meron siya
Masyado siyang mabait makitungo sakin, masyado din syang pranka, pero para sakin mas mabuti na yun atleast alam ko kung ano ang ayaw niya
Madami na din akong naikwento sa kanya tungkol sa past ko, family ko, friends ko
At sa pag uusap namin di na namin namalayan yung oras at nung makita ko ito 2am na pala.
Nahihiya pa akong sabihin iyon sa kanya baka ma often sya at isipin nyang ayaw ko siyang makausap kaya pinaliwanag ko sa kanya kung bakit kailangan ko ng matulog dahil may trabaho ako pag gising ko at dahil dun pumayag naman siya pero nung bago ko pinatay yung call
May huli pa siyang sinabi.
Wag mo kalimutan bukas huh 3pm magsisimba tayo. Pahabol niya
Kaya bigla akong nataohan at pakiramdam ko parang ayoko ng tumuloy dahil sa dami ng naikwento ko sa kanya parang nahihiya na tuloy akong makita siya.
Haaayst ewan!. Makatulog na nga lang....
After 30mins di parin ako makatulog dahil pumapasok sa utak ko yung itsura nya.
Di ko alam pero pakiramdam kong masaya ako na kausap siya, pakiramdam na di ko maipaliwanag.
Dahil sa di ako makatulog kinuha ko yung cellphone ko at inopen yung gallery lock dahil may mga picture siya na naka save dun
Hehehe honestly patago ko din kinuha yung mga litrato niya.
Nung aktong pagka epen ko ay tumumbad sakin yung mga larawan ng ex ko, yung saya na naramdaman ko ay biglang napalitan ng lungkot
Lungkot dahil alam kong masasaktan ulit ako gaya ng naramdaman ko nuon
Iniwan at pinagpalit lang ako, at alam ko darating din ako sa point na yun
Sinubukan kong i click yung select all para burahin lahat ng laman ng gallery lock ko pero di ko magawang i click yung confirm
Dun ko napagtanto na di ko parin siya kayang burahin sa buhay ko T_T
Gusto ko ng mag move on, gusto ko ng kalimutan ang nakaraan ko na walang ginawa kundi ipaalala sakin lahat ng sakit X-(
Sa sobrang inis ko sa nararamdaman ko inooff ko iyon dahilan para di ko na makita ang pagmumukha ng ex ko.
Gusto ko na siyang kalimutan, gusto ko ng mag move on, gusto ko ng sumaya, gusto ko na gawin yung mga bagay na gusto ko ng di siya iniisip ╯﹏╰ pero di ko yun magagawa hanggat patuloy parin akong umaasa sa pagbabalik niya. (╥_╥)
Ang sakit magmahal ng tao na babalikan ka lang kung iniiwan siya ng taong mahal niya. Kumbaga option ka lang ‘︿’
Biglang tumulo ang luha ko at biglang tumunog yung isang cellphone ko
Kaya dali ko itong inopen at nabasa ko ito
Goodnight ~♥~
Galing sa kanya. Akala ko nakatulog na siya nung pagkatapos namin mag usap kaya pinunasan ko yung luha ko at natulog na din.

.....
Support niyo po sana to
Please follow me na din po 🙏
Don't forget to vote 🤳 and also free to comment 👎
THANK YOU and GOD BLESS ❤❤❤