Chapter THE WAY YOU LOOK AT ME

CHAPTER 13

Nagising ako na basa yung unan ko, nabasa ito dahil sa mga luha ko.  Sa sobrang sama ng panaginip ko pati sa totoong buhay napaiyak ako ! lalo na ng bigla kong naisip yung mga magulang ko

"kamusta na kaya sila naaalala pa kaya nila ako?" tanong ko sa aking sarili

Flashback /////

Pareho kaming nag aaral ng kapatid ko sa mahal at kilalang school. Nung una ok pa yung takbo ng pag aaral namin hanggang sa malapit na matapos yung first sem  at kasabay din dun ang paghihirap namin sa kadahilanang nagretero na si papa at nagkasakit pa ito kaya kailangan ng maintenance na gamot para mapabuti ang kalagayan niya.

Hanggang sa isang araw bigla akong kinausap nila kuya at ni mama.

"Anak, paubos na yung pera na naipundar namin ng papa mo dahil sa pag-aaral niyo, alam mo naman yung sitwasyon natin di ba?  Yung papa mo may maintenance pa. Kailangan mo munang huminto sa pag aaral nak kasi di kaya ni mama at papa tustusan ang pangangailangan ninyong magkakapatid". Mahabang paliwanag ni mama

"Kailangan mo munang huminto sa pag-aaral! total babae ka naman at hindi naman ikaw ang maghahanap buhay para sa pamilya" sabi ni kuya Azarian

Si kuya Azarian ay kapatid ko at one year lang gap namin at para kaming aso at pusa kung magbangayan. Kilala siya ng marami dahil sa taglay niyang kagwapohan.

Alam kong narinig ito ni papa at alam ko na ayaw niya akong huminto sa pag-aaral.

Biglang tumulo ang luha sa mga mata ni papa kaya agad ko siyang nilapitan.

"Paaaaa, ayoko pong tumigil sa pag-aaral. May mga pangarap din po ako. Pa at gusto ko din po makapagtapos ng pag aaral" -hikbi ko

Nang biglang dumating yung isa ko pang kuya at yun ay si kuya lance na may dala-dalang cartoon

Mas matanda siya sakin ng two years at kilala siya ng marami dahil palakaibigan siya, tahimik lang siya pero pag kinausap mo siya parang sirang plaka na ayaw ng tumigil kakadada

Dumating siya na may dala-dalang dalawang cartoon. Nung natanaw ko na ito sa malapitan ay nakita kong cartoon ng cellphone ang mga iyon. Hinintay ko lang na makalapit siya kina mama.

"ma nandito na yung bagong phone, dalawa na binili ko para sa amin ni azarian" -masayang sambit ni kuya lance kay mama

Di na ako nangialam sa kanila o kahit tingnan sila ay di ko ginawa.

Tiningnan ko si papa na patuloy paring naluluha. Nang bigla itong magsalita

"Nak, ikaw ano gusto mong cellphone? Kahit ano, bibilhin ni papa para sayo." - sabi ni papa

"pa, ayoko po ng cellphone, pa kahit di niyo ako bilhan ng cellphone basta paaralin nyo lang po ako". Mahinahon kong sabi kay papa

Alam ko naman na wala kaming sapat na pera para sa pag aaral namin pero desidido akong mag aral at magagawan naman yan ng paraan!

Nilapitan ko si mama habang masayang kausap ang dalawa kong kapatid na may dala-dalang bagong cellphone.

"Ma, kahit di niyo po ako bilhan ng cellphone basta paaralin niyo lang ako". Pagmamakaawa ko.

Sino ba may sabing bibilhan ka ng cellphone? Sabat ni kuya azarian

Di na ako nagsalita pa at tumalikod na ako dahil konti nalang alam kong tutulo na luha ko!

Dahil sa gusto kong makapag-aral at makapagtapos,  tinawagan ko ang kapatid ni papa.

Ring......ring.....ring......

"Uncle, yung tungkol po sa sinabi ninyong papaaralin mo ako. Tinatanggap ko na po. Tugon ko

"ihanda mo na mga gamit mo, sa makalawa darating kami para kunin ka dyan. Sagot ni uncle

Di na ako nakapagsalita pa at binaba na ni uncle.

Pumasok na ako sa loob ng bahay.

at nadatnan ko silang lahat na nagtatawanan sa loob ng kwarto na kung saan nandun din si papa.

"Tumawag na ako kay uncle, darating sila sa makalawa. Ayokong huminto sa pag aaral kaya dun na muna ako sa kanila dahil papaaralin nila ako" mahaba kong paliwanag

"dun ka?! Gagawin ka lang ng katulong dun!! Sige dun ka! Tingnan natin kung di ka uuwi ng luhaan dito!! Galit na sigaw ni mama sakin

Di ka man talaga makaintindi ng sitwasyon! Babae ka naman di mo na kailangan makapagtapos dahil sa bahay ka lang naman! Taga alaga ng magiging anak mo! Galit na sabi ni kuya Azarian

Hayaan niyo yan! Uuwi din yan pag napagod dun! -kuya lance

Sige dun ka! Wag kang mangiyakngiyak pag dating ng araw huh!

End of flashback _--//

"sana kahit minsan maisip din ako nila ni mama." bulong ko

Nag-aral ako without their support at three years na ako dito sa bahay ng uncle ko.

nagtyaga ako para makapag tapos ng pag aaral at ngayon ay nasa third year college na ako!

Kahit isa sa kanila ay Di alam ang totoong dahilan ko kung bakit ko tinanggap ang offer ni uncle at kung bakit mas pinili ko ang ganitong buhay.

Ayoko lang kc na pagkaawaan ako! kaya dinahilan ko nalang sa kanila ay di ko pa limot yung dati kong kasintahan.

FAST FORWARD

Hinanda ko na ang sarili ko dahil ilang minuto nalang ay magkikita na kami ni Mr. right!!! Este ng mga bago kong kaibigan.

Pagkatapos kong maligo ay agad akong pumunta sa kwarto at nagbihis, Simpleng damit lang sapat na dahil sa simbahan lang naman punta ko at di naman kailanga ng naka gown dun.

Isang fitted na damit at pantalon lang. (no to palda be like) nag ayos na ako at simpleng paganda lang pulbo at lipstick na light lang okay na! kaya agad na akong lumabas ng bahay at sumakay ng masasakyan.

At ngayon ay napadpad ako sa simbahan na puno ng mga tao

Di ko mahanap ang mga katext ko o should i say na mga ka-chat ko! di ko alam kung saan sila nakaupo kc di ko ugaling magdala ng cellphone sa loob ng simbahan kaya di ko sila maitext. Iniwan ko yung cellphone ko sa bahay. At ayun umupo nalang ako sa gilid dahil magsisimula na din ang mesa.

Nung nasa peace sign na! pakiramdam ko may tumitingin sakin! Pero di ko alam kung saan banda basta ramdam ko lang kaya tumingin ako sa bandang left ko..

Wala naman.........

Dun tayo sa right!

OMG!!¡ (●˙—˙●)!!!!!!

Ngayon ko lang napansin na nasa iisang upuan lang pala kami at saktong paglingon ko sa kanya ay nakatingin din ito sa deriksyon ko at ang kanyang pinsan...

Jusmeeeee! Mga salitang gustong kumawala sa bunganga!!!!

Di ko namalayan na iisang upuan lang pala kami.!!!

TADHANA NA BA TOOOO????

pagkatapos ng mesa ay di na ako nagpaalam sa kanila at agad na akong umalis dahil nahihiya ako baka kausapin ako nila at matameme lang ako. HAHAHA paki ba nila? Gusto ko ng umuwi eeh hahaha

Nang makalayo ako sa kanila dali-dali akong naghanap ng masakyan kaso walang dumadaan!!!

Takte naman oh!! Ngayon pa! Maaabutan ako neto ehh!

Nagsilabasan na ang mga tao sa may gate at tanaw ko na din na palabas na sila....!!!

Natataranta ako habang nakatayo, pakiramdam ko sobrang lamig na ng mga kamay ko! At ang lakas ng tibok ng puso kooo kaya naging dahilan ito para mas lalo akong mataranta!

Pagkalabas nila ng gate ay saktong may huminto na sasakyan sa harap ko kaya dali-dali akong sumakay dito para di na ako maabutan ng magpinsang yun. hahaha dahil sobrang nakakahiya!!!!

Umandar na yung sinakyan ko at medyo may kalayuan na din sa kanila dahil di ko na sila makita nang bigla akong nakatanggap ng mensahe.

Please support my story and follow me po @syndilagnoto 🙏

Don't forget to vote 🤳 and free to comment 👎

Thank You and God Bless 💕

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.