Chapter IOL 35

Naramdaman niya ang inis at pag-aalala nito sa kanya. Iniisip siguro nito na hindi niya pinahahalagahan ang kalusugan niya. Tumingala siya at hinaplos ang pisngi nito. “I am sorry. Huwag ka nang magalit. Susunod na ako.” Lalo siya nitong hinapit palapit sa katawan nito at yumakap sa kanya. “Hindi na ako galit. Nag-aalala lang ako sa iyo kasi matigas ang ulo mo minsan. Matulog ka na.”

“Hindi ako basta-basta makakatulog. Pwede mo ba akong kantahan?”

Tumawa ito. “Masyado ka na yatang malaki para sa lullaby.”

“Habang nakakarinig pa ako,” pakiusap niya.

“Di ko pansin ang kislap ng bituin kapag kapiling ka, sinta…”

Gumuhit ang ngiti sa labi niya at ihinimlay ang pisngi niya sa dibdib nito. Hindi niya alam kung hanggang kailan na lang niya maririnig ang boses nito. Isa ang boses nito sa mami-miss niya kapag hindi na siya nakarinig pa. She was lucky to have this moment to cherish with him.

Pumikit siya at dinama ang vibration ng boses nito sa katawan nito. Sa ganitong paraan na lang marahil niya ito mapapakinggan kapag nawala na ang pandinig niya. Isang ideya ang kumislap sa isipan niya.

“Kahit na hindi ako nakakarinig kakantahan mo pa rin ako, ha?” pakiusap niya.

“Paano iyon?”

“I will use my other senses.” At pinaglakbay ang kamay niya pababa ng dibdib nito at kinintalan niya ng halik ang leeg nito.

“Toni… hindi ba may masakit sa iyo?”

“Okay na ako.”

“I am trying to be a gentleman here… trying to control my urges.”

She gave him a naughty smile. “It’s just a little kiss and touch.”

“At posibleng hindi lang iyan ang gawin ko. So stop teasing me. Kapag magaling ka na, pakakasalan kita. Then you can freely tease me all you want. I have no reason to stop my urges then. I will make love with you.”

“But for now…”

Kinintalan nito ng halik ang labi niya. “For now, mag-behave ka at kakantahan muna kita. Kakantahan pa rin kita kahit na hindi mo na ako marinig. I know that you will still hear me through your heart. I won’t leave you.”

PINAGKISKIS ni Toni ang dalawang kamay habang papasok sa auditorium kung saan gaganapin ang isang program na nagsisilbing final exam ng mga estudyante sa School for the Deaf. Kailangan kasi i-interpret ang kanta sa pamamagitan ng sign language. Habang siya naman ay kakanta habang nagsa-sign language.

“Huwag mong sabihing kinakabahan ka. Sanay ka namang mag-perform sa harap ng maraming tao. You even wowed your critics,” sabi ni Rushmore na kasabay niyang naglalakad.

“Iba naman ito. This is something new to me.”

“Na-practice na natin ‘yan kagabi. Magaling ang performance mo,” anito at ginagap ang kamay niya. “I am sure you will impress them.”

Naabuso na yata ang piano kapa-practice nila ni Rushmore sa piyesa niya para sa presentation. Kakanta kasi siya habang nagsa-sign language at hindi ganoon kadaling pagsabayin ang dalawa. It takes practice and expertise. Kailangan kasing maintindihan din iyon ng audience at matiyak na naiparating ang tamang mensahe ng awitin.

“Natural lang na sabihin mo ‘yan. Boyfriend kita, eh.”

Bigla itong nagseryoso. “At kailan naman ako naging mapagbigay sa criticism dahil lang boyfriend mo ako? It’s my expert opinion. Walang kinalaman ang pagiging guwapong boyfriend ko doon. Kapag sinabi kong magaling ka, magaling ka. Kailangan mong paniwalaan ang sarili mo.”

Huminga siya ng malalim. Mula nang mapasok siya sa sitwasyong iyon ay nahubad na ang star persona niya. Kinailangan niyang itapon ang lahat ng natutunan niya at magsimula sa baba. At ganito rin ang pakiramdam niya nang unang beses siyang tumapak sa stage.

Sinenyasan siya ng teacher niya na pumunta na sa backstage. Kinintalan niya ng halik sa pisngi si Rushmore. “Thank you!” At saka siya tumakbo papuntang backstage.

The backstage was a mass of nerves. Isinantabi niya ang sariling kaba at kinausap isa-isa ang mga ito bilang pagbibigay ng suporta. Ang kaklase niyang si Ruan ang higit na nakakuha ng atensiyon niya. Nasa sulok lang ito ng backstage at tahimik na umiiyak. Wala halos nakapansin dito.

Umuklo siya sa harap nito. “Ruan, what’s wrong?” tanong niya.

Sumenyas ito na hindi ito makakapag-perform dahil kinakabahan ito. Malungkot daw ito dahil iyon ang death anniversary ng mga magulang nito.

Ulilang lubos na ito nang mamatay sa bakbakan ng militar at rebelde ang mga magulang nito. Nakita nito kung paanong mamatay ang mga magulang nito sa mismong harap nito kaya na-trauma ito at mula noon ay hindi na nakapagsalita. Ang alam niya ay isang orphanage ang nangangalaga dito.

Naiintindihan niya ang pakiramdam nito. Naranasan din niya kung gaano kahirap mag-isa at walang karamay. At natatakot siyang gumawa ng kahit ano.

Ngumiti siya. “Get up on stage and perform for them. Matutuwa sila kapag maganda ang naging performance mo dito,” pagpapalakas niya ng loob dito.

Sumenyas ulit ito. Gusto man daw nito pero naiwan nito ang CD na gagamitin nito. Walang itong piyesang gagamitin para sa performance nito. Hindi naman nito masabi sa teacher nito dahil nahihiya ito.

“Wait here,” aniya at lumapit sa teacher nila. “Teacher, ano pong piece ang gagamitin ni Ruan sa presentation?”

“You’ll Never Walk Alone.”

“Naiwan po kasi niya ang CD niya. Pwede po bang ipag-print ninyo ako ng music sheet ng kanta? Gusto ko po sana ako na ang kumanta para sa kanya.”

“Talaga? Gagawin mo iyon?” gulat na tanong nito.

“Death anniversary po ng magulang niya ngayon. Ayaw niyang mag-perform dahil pakiramdam niya mag-isa lang siya. Gusto ko po sana samahan siya sa stage kung pwede po.”

“S-Sure. Sandali at magpapakuha ako ng music sheet,” excited nitong sabi at nagbilin sa ibang teacher at staff ng mga dapat gawin.

Nilapitan niya si Ruan at pinahid ang luha nito. “Stop crying. Nagpakuha na ako ng piyesang gagamitin mo sa presentation.”

Sumenyas ito na kinakabahan ito. Na baka daw hindi nito kaya.

Umiling siya. “Its okay. Makakasama mo naman ako. Ako ang kakanta para sa iyo,” sabi niya kasabay ng pagsa-sign language.

Nanlaki ang mga mata nito at bakas ang kaligayahan sa mga mata nito. Niyakap siya nito ng mahigpit. Hindi man ito nakakapagsalita pero damang-dama niya sa yakap nito ang kaligayahan at pag-asa. And for once, she felt that she did something right for someone else. Hindi para sa sarili niya.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.