"Patrice? Kumusta?" tanong ni Jude.
Kakadating lang ni Pat sa gym. May usapan sila ni Matt na magkikita sila ngayon. Madalas na bonding nila is working out.
"Hi Jude. Andito ako sa gym. Okay naman. Ikaw?"
Nakaipit ang phone niya between her right ear and shoulder. Nilalagay niya sa locker ang gamit niya. She will take a shower before exercising.
"Ahh..Patrice pwede kitang puntahan sa bahay niyo later? What time ka matatapos mag-gym?"
Pat smiled. So mag-uumpisa na ding manligaw si Jude.
"Okay lang ba sayo? Kasi baka mga 9 na ako makauwi. Kung gusto mo bukas na lang." she suggested.
"Sige. Sunduin na lang kita? Gusto mo bang lumabas?" he asked.
Nag-isip si Pat. Parang tamad naman siyang lumabas. "Sa bahay na lang tayo." Sabi niya.
"Okay. Sunduin kita sa opisina mo bukas." Jude offered.
"Sige! See you!" she said.
***
Paglabas ni Pat sa shower room, she saw Jenna and Lia. Sabay siyang binate ng dalawa.
"Grabe Pat!" umiiling si Lia as she looks at her. "Parang lalo kang sumesexy! Kumakain ka pa ba ?Ako tumataba na naman." Sumimangot ito habang nakatingin sa toned abs niya.
Pat is wearing a gray sports bra and black leggings. Naka-black siyang medyas and gray na rubber shoes. Labas ang maganda niyang abs.
"Oo. Pero in moderation pa din. Pag hindi ako nakakapag-gym, I run around the park near our house." she said. "Nga pala andiyan na ba si Matt?" tanong niya as she hangs her towel on the rack.
"Wala pa! Pero grabe! May mga bagong members yata! Ang yummy nung isa!" kilig na sabi ni Jenna.
Natawa na lang siya. "So magagamit mo na naman ang Light Flirting 101 mo niyan!"
"Pwede!" Jenna giggled bago ito mag-umpisang magpalit ng pang-exercise. Nailing na lang si Pat.
"Mauuna na ako ha? Wait ko na lang kayo sa labas." paalam niya kay Lia at Jenna habang nilalagay ang earphone niya and sinuksok ang ipod sa bewang niya.
Dumiretso siya sa treadmill to warm-up. May malaking salamin sa harapan niya and while walking on the machine, she checked her body. She let out a smile. Worth it ang pagpapagod niya.
"Pare,yun ba ang pinopormahan mo? Hanep sa katawan!" tanong ni Ron kay Alex.
Nasa leg extension machine ito while Ron is using the calf machine.They are at the far end of the gym. They have a full view of the room. Alex stopped exercising and glared at Pat. Hindi sila nakikita nito. He gritted his teeth. Masyadong sexy ang suot ng dalaga. Pwede namang hindi sports bra ang isuot nito.
Bakit kailangan pang ibalandra Buti na lang wala pang masyadong tao sa gym. Galit na tanong niya sa sarili. He cursed quietly.
Ron also stopped exercising. Pare,kaya naman pala kahit medyo malayo sa unit mo, dito mo pa napiling mag-gym. Sulit naman pala!" sabi nito na sumipol pa ng mahina.
"Pare! Kung ayaw mong mag-away tayo stop staring at her!" inis na sabi ni Alex. Akmang tatayo ito to go to Pat when a man in white sando and red board shorts came in .Mukhang may hinahanap ito. Nang makita si Pat ngumiti ito.
"Angel!" Medyo malakas ang tawag ni Matt kaya napalingon agad si Pat. Her face broke into a smile. Tinanggal niya ang earphone sa tenga. She stopped the machine then lumapit si Matt para alalayan siyang bumaba.
"FUCK IT!" anas ni Alex. Naningkit lalo ang mata niya.Why the hell is that asshole calling her angel?
"Naku pare,may dumating na asungot." palatak ni Ron na lalong nagpagalit sa binata.
"Hi Matt! Late ka! " she pouted.
"Sorry angel. May tinapos pa ako." he apologized. Matt is a branch manager sa isang kilalang banko.
"Sige na ilagay mo na yang gamit mo sa men's locker." She suggested.
"Enchong!" tili ni Jenna. Gaya ng kuya niya, Enchong din ang tawag nito kay Matt since hawig nga nito ang sikat na artista.
"Jenna!" bati din ni Matt."Hi Lia!"
"Porke hindi nag-gym si Pat ng dalawang gabi, hindi ka din sumulpot. Takot ka yatang mahalay ko?" biro ni Jenna.
Natawa si Matt, "Busy lang! Sandali pasok ko lang ito sa locker ko." nilingon nito si Pat, "Wait angel ha?"
Pat just nodded then stepped on the treadmill again when she heard Lia and Jenna giggling.
"Girl.....lalapitan yata tayo.." kilig na sabi ni Lia.
Pat frowned then tinignan niya kung sino ang sinasabi ng dalawa.
OMG! Si Alex! Anong ginagawa niya dito? At bakit mukhang galit ito?
"A-Alex..?" hindi pa din mag-sink in sa kanya na nasa harapan niya ito. Galit ang hitsura pero katakam-takam pa din. Labas ang biceps ng binata dahil naka itim na sando ito at puting board shorts.
Kunot ang noo nito. "Patricia! Pwede ba tayong mag-usap?" His voice sounded pissed.
"H-Ha?" she asked at parang narinig niya na nagmura si Alex then naramdaman na lang niya na hinawakan siya nito sa braso para alalayang bumaba sa treadmill. Pat felt na medyo mahigpit ang pagkakahawak nito sa braso niya but she didn't say anything. Nakatingin kasi sa kanila sila Lia and Jenna na mukhang gulat na gulat.
Hinila siya ni Alex palabas ng gym.
"Where are we going?" tanong ni Pat. Alam niya hahanapin siya ni Matt.
Hindi nagsalita si Alex. Ni hindi nga siya nilingon. She saw na papunta sila sa parking lot kung nasaan ang Fortuner ng binata.
"Alex,hindi ako pwedeng umalis." sabi niya.
"Mag-uusap lang tayo!" matigas na sabi nito.
Pinindot nito ang susi to unlock the car. He then opened the passenger's door and Pat slid in. When he got in, binuksan nito ang makina to turn on the ac.
Nakatingin lang si Pat sa binata. "Alex,why are you here?"
Tinignan siya nito ng masama. "Nag-member ako! Dito na ako mag-ggym." he said tonelessly.
She frowned. "Bakit?Medyo malayo ito sa unit mo."
Hinawakan ni Alex ang batok then looked up tapos tinignan siya ulit. "Do I have to spell it out?" inis na tanong nito.
Na-speechless siya. Naman,naman! Mukhang babakuran siya ni Alex! A part of her wants to get annoyed kasi wala namang karapatan ito na gawin yun.
"Akala ko wala kayong relasyon ng Matt na yun?Why the hell is he calling you angel??!" Alex sounds as if he wants to strangle her. Medyo natakot si Pat.She avoided his eyes.
"H-Hindi ko naman talaga siya nobyo .Friends lang kami." she explained.
"So pwede ding kitang tawaging baby? Kasi hindi mo ako friend! Manliligaw mo ako! Mas may karapatan ako kesa sa kanya .Siya kaibigan mo lang samantalang ako, magiging boyfriend mo."
Walang maisagot si Pat sa sinabi ni Alex.
"Alex balik na tayo. Hahanapin ako ni Matt." pagiiba niya ng usapan. Hindi ito nagsalita.
When he spoke, malamig na malamig ang boses nito.Nakatingin ito sa windshield, "Patricia,sinabi ko sayo na liligawan kita. Pero as I have told you, hindi talaga ako marunong manligaw. Liligawan kita para maipakita ko sayo na kaya kong gawin lahat para suyuin ka to be mine. I will do this the right way. Perohindi mahaba ang pasensiya ko. I can be very possessive too! So kung ayaw mong makita ang bayolenteng side ng pagkatao ko ,huwag mo akong bigyan ng dahilan. Dahil pag napuno ako..kayang-kaya kitang daanin sa dahas!" he looked at her with steely eyes.
Medyo napasiksik siya sa pintuan ng kotse. OMG! Parang bigla siyang natakot kay Alex. Sabagay dati pa naman may side na ito na parang si Jake din. Si Shelly dati may Jake na pero Alex had shown his possessive side towards her. Lalo na ngayon sa kanya, wala siyang bf so sobrang lakas ng loob ng binata na bakuran siya. Idagdag pa na muntik ng may mangyari sa kanila kagabi. Napapikit si Pat. Ano ba ang pinasok niya? Binigyan niya ng dahilan si Alex para umasa ito na hindi magtatagal , sasagutin din niya ito.
"Hindi madali ang ginagawa ko Patricia kaya huwag mo akong gagaguhin!" pagbabanta nito.
Hinawakan ni Alex ang baba niya para magtama ang mga mata nila. "Are we clear about that baby?" he asked sa medyo gigil na boses.
Napatango na lang si Pat. She feels na hindi ito ang tamang oras para kontrahin niya si Alex. Mukhang isang maling sabi lang niya, he would do something to punish her.
"Paano mo nalaman ang gym na to?" she asked.
His face came closer. "I have my resources." he whispered then claim her lips.
Kanina pa nito gustong halikan ang dalaga pero talagang uminit ang ulo nito when he saw what she has on. To add insult to injury dumating pa ang Matt na yun. Hindi ito papayag na maulit pa ang ganun. Sooner or later..he will make her his. Walang may ibang karapatan kay Patricia kung hindi ito lang.
Kahit nagulat, Pat responded after a few seconds. Hindi niya papalampasin ang French kiss with Alex. Kung tutuusin nabitin talaga siya kagabi. Hinapit ng binata ang likod ng ulo niya para mas lumalim ang halikan nila. His other hand began to touch her breasts then slid down her toned abs. Her hands are also busy roaming on his body. One of them is on his six-pack, yung isa on his biceps. He is really so yummy. Ang tigas ng katawan nito. Pat likes running her hands on his body.
They both have a strong desire to pleasure each other. Only their muffled moans can be heard. The heat inside the car is really at its highest.
"Angel!!" A male voice called from outside.