Chapter 16

Pat hurriedly entered the gym. "Matt!" she called.

Napalingon sa kanya ang dalawang lalake including Alex's friend. Nakakunot ang noo ni Matt while Alex's face became darker.

"Matt," tawag niya ulit. Lumapit siya sa kanila "I forgot to ask you something. Can we talk sandali sa labas?"

Hindi kumibo si Matt but he nodded. Pat's face turned pale ng makita niya kung gaano kapula ang leeg at mukha ni Alex.

OMG! She needs to say something to him.

She has to pass Matt to reach Alex. She touched the former’s arm then said, "Please wait for me sa usual place." Tumango lang ito and he walked towards the door.

She is a few steps from Alex. Somehow pasimpleng nakaalis ang kaibigan nito. Buti na lang walang masyadong tao sa gym since it's the middle of the week.

"A-alex..."she began.

Without saying anything,Alex left. Napapikit na lang si Pat.

Ang usual place na sinabi niya kay Matt ay sa cafe na malapit sa gym. Dito sila palagi tumatambay bago umuwi after nila sa gym.

Nakatingin lang sa kanya ang binata .His eyes are without emotion. "You could have told me angel." malamig na sabi nito.

"Matt, he's not my boyfriend." mahinang sabi niya.

Sumandal ito, " That's not the impression I got. He was giving signals na off limits ka na."

"Ganun lang talaga siya. Please believe me. Nanliligaw pa lang siya sa akin."

Natawa ng pagak si Matt. "I can't imagine pag kayo na. So paano yan? Do I have to stay away from you?"

Pat shook her head from side to side. "No! Wala siyang karapatang bawalan akong makipagkita sayo. Besides he knows na magkaibigan tayo."

Matt put his elbow on the table. "So sinabi mo na magkaibigan lang tayo?" he asked and she nodded.

He leaned a little forward, "Angel..what if I want us to be more than friends?" seryosong tanong nito.

***

"Bakit hindi mo binugbog pare?" tanong ni Jake. Alex called Jake kung okay lang na dumaan siya sa bahay ng mga ito. Sobrang bad trip talaga siya.He needs to talk someone na kilala si Pat.Si Shelly ang mas nakakakilala sa kanya.Ayaw naman niyang kitain ito ng silang dalawa lang.Alam niya kung gaano kaseloso si Jake.

"Huwag kang makikinig sa sinasabi ng asawang kong to Alex." payo ni Shelly.

"SHIT! Gigil na gigil na talaga ako kanina. Kung hindi lang ako nagpigil talagang uupakan ko na ang Matt na yun eh!" kunot na kunot ang noo ni Alex.

(Shelly)

Napailing na lang si siya. These two men right here have something in common. Pareho super seloso at possessive. Lamang lang siguro ng isang paligo ang asawa niya. At least naman si Alex napipigilan pa ang sarili. Si Jake, upak agad. But pag hindi tumigil si Alex sa paghingi ng payo sa asawa niya ,hindi malayo na mambugbog na din ito. Sa dami ba naman ng karibal nito kay Pat malamang mapuno na talaga ito. Tapos gagatungan pa ng asawa niyang magaling.

Nakaupo sa bar stools ang dalawa while she is seated on the sofa across them. Shelly has to tell Alex about Matt. Hindi naman sa ibebenta niya ang kaibigan niya. Sa tingin niya seryoso si Alex kay Pat. He needs all the info he can get about her bestfriend. Tomorrow she will talk to her too .Kung mag-peplay cupid siya dapat alam niya ang saloobin ng dalawa.

"Hindi mo pwedeng galawin si Matt. Magagalit talaga sayo si Pat." sabi niya.

Lalong dumilim ang mukha ni Alex. "Ano ba ni Patricia ang Matt na yun?"

"Si Matt ang tumulong kay Pat na magpapayat. Siya ang umalalay sa kanya sa umpisa pa lang. Mukhang si Pat pa nga yata ang dahilan kung bakit naghiwalay si Matt at ang gf niya. Nagseselos kasi yun kay Pat." she revealed.

Pumalatak si Jake tapos uminom ng whiskey. "Pare,mabigat pala ang karibal mo. Through thick and thin sila ni Pat. Kung tutuusin mas matagal silang magkasama kesa sayo." Komento pa nito.

Alex clenched his fist na nasa bar counter.

"Kung liligawan mo si Pat, gawin mo ng maayos. Lumaban ka ng patas." Shelly suggested.

"Paano ako makakalaban ng patas kung mas matagal ang pinagsamahan nila ng lalaking yun?" himutok ni Alex. He gulped down his whiskey.

"Pare,daanin mo na lang sa dahas kasi!" sabi ni Jake.

"Babe! Isa pang sabi mo ng ganyan, matutulog ka sa guest room!" galit na sabi ni Shelly.

"Sorry babe." Jake raised both his hands.

"Ganyan naman talaga ang balak ko pare.Pag hindi ko makuha sa santong dasalan, sa santong paspasan na lang!" banta ni Alex.

Shelly rolled her eyes.

"Alex, kahapon ka lang yata official na nanligaw grabe ka ng mambakod .Di ba alam mo naman na madami ang nanliligaw kay Pat ngayon? Why not give her a chance to meet other people? Tutal if kayo, kayo din sa huli." paliwanag niya.

Her husband let out a sigh as if disagreeing with what she said but he didn't say anything. Takot lang nitong hindi maka-iskor sa kanya mamaya.

Umiling si Alex. "Hindi ko yata kaya. Kating-kati na nga ang kamay ko na bugbugin ang Matt na yun eh! Meron pa ngang isa, yung sinama ni Patricia sa kanila dati!" gigil na sabi ni Alex.

Jake chuckled."Welcome to my world,pare!" sabay tapik sa balikat ni Alex.

***

Hindi makatulog si Pat.She can't forget how Alex reacted. Ang gulo ng utak niya. Alam niya na ayaw niyang magwala si Alex sa selos kanina pero she was sort of expecting it din .Instead he just walked away. Ni hindi man siya nito kinausap. Kung ikukumpara kasi niya ang mga nakita niyang ginagawa ni Alex dati kay Shelly parang hindi pa nangalahati sa ginagawa nito ngayon for her. So sa tingin niya iba pa din ang level ng pagkagusto ni Alex sa kaibigan niya .Yung sa kanya tira-tira na lang. Tumayo siya para maglakad-lakad sa kwarto niya. She has to admit to herself na mahal pa niya si Alex. She came to realize it now. Yung pagresponde ng katawan niya sa yakap at halik nito, yung madalas na nakakalimutan niyang iharang ang wall sa pagitan nila ng binata at yung selos na nararamdaman niya pag may ibang babae na tumitingin dito. Lahat yun nagtuturo sa katotohanan na she is still into him. Padabog na umupo siya sa kama. She covered her face with her hands.

Naman,naman! Halos isang taon niyang binago ang sarili niya tapos ilang araw pa lang natapon na lahat yun! Isang kalabit lang ni Alex halos bumigay na siya .Muntik na niyang ibinigay ang sarili sa binata. Kung hindi pa si Alex ang umayaw malamang hindi na siya virgin. What's worst ang lalaking mahal pa din niya at the same time kinamumuhian din niya ang makakakuha. Masyado naman talagang maswerte ang bwisit na pervert na yun!

Hiyang-hiya si Pat sa sarili niya.Siguro pinagtatawanan siya ni Alex ngayon .Kasi naman isang tingin lang nito sa kanya, halos ihain na niya ang sarili dito. She made a decision. Bukas, babalik na siya ulit sa bagong Pat. Ang Pat na maraming nagkakagusto but wala pang balak mag-nobyo. She will just enjoy all the attention. Tama na yung nakaranas na siya ng first kiss and first heavy petting niya. At least magaling sa ganun ang una niya so sulit din naman.

She's sure na sa dami ng na-sex ni Alex sa America nung bumalik ito dun, malamang siya ang pinaka-bokya sa performance .But she doesn't really care. Wala man siyang karanasan alam naman niya na malamang siya ang pinaka-yummy. Pero sorry na lang si Alex,hindi na siya nito matitikman ulit.

She has to give Jude and Matt a chance. Ngayon pa na inamin na din ni Matt na gusto na nitong lumampas sila sa friend zone. Hindi lang si Alex ang katakam-takam na lalake sa mundo. Ayaw ni Pat na maging rebound chick nito. Susulitin na niya ang panahon na madaming nagkakagusto sa kanya. There should be no room for Alex Llamarez in her life. He hurt her in the past though unintentionally. Tama na yun. Hindi naman siya masochist.

“There will be no you and me Alex.” Bulong niya sa hangin.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.