"S-Sige papasok na ako. Papalabasin ko na lang si mama." sabi niya.
"No! Ako ang papasok!" malamig na sagot ni Alex. She silently pleaded to him with her eyes.
"I said ako ang papasok.." matigas na sabi nito.
Tahimik lang na nagmamasid ang kuya niya Palipat-lipat ito ng tingin sa kanila. Nagbaba ng tingin si Pat then sighed. Bahala na.
"Pat!" tawag ng mama niya bago tumayo. "Kanina pa naghihintay si Matt sayo."
"Tita,good evening po." bati ni Alex na kasunod niya.
Her mother's face lit up ng makita ang "manok".
"Alex! Magandang gabi iho. Salamat sa paghatid mo kay Pat."
Tumayo din si Matt. Ang guwapo nito sa suot na black polo at dark maong. "Angel." nakangiting tawag nito sa kanya.
Sumulpot bigla ang kuya niya. "Parang nangyari na dati ito. Yung nagkasabay na..."
"ALLAN!" saway ng mama nila. Nag-peace sign lang ang kuya niya.
"Tita, bukas po ng umaga susunduin ko si Patricia .Hahatid ko din po ang kotse niya .Iniwan po kasi namin sa basement parking ng unit ko." casual na sabi nito na para bang normal lang nilang ginagawa yun.
Napapikit si Pat. Naman! Naman! Why does he have to say that?
Napaubo ang kuya niya. Kumunot naman ang noo ni Matt.
"Tsaka ipagpapaalam ko din po ulit siya . May get-together po kami bukas ng gabi ng mga kaibigan ko nung high school. Isasama ko po sana siya so they can meet her."
Napatango na lang ang mama niya. "Sige iho .May tiwala naman ako sayo."
"Sige po mauuna na ako. Thank you po tita. paalam nito. Pat felt his hand on her back pero hindi niya ito nilingon, "Huwag kang magpupuyat Patricia. Maaga kitang susunduin bukas." he said loud enough for Matt to hear.
OMG! Sabi na nga ba niya either may gagawin or sasabihin si Alex to let Matt know that she is his. Mag-uusap sila bukas! Binabakuran na naman siya nito!
Malcon: Girl, pasalamat ka nga hindi niya inupakan si Matt.Be grateful for small mercies..tsss.
"Ah sige Alex, salamat ulit sa paghatid kay Pat. Hatid ka na namin ni Allan sa labas." sabi ni Mrs.Sandoval.
"Thank you po tita. Be good Patricia." pahabol pa nito na talagang pinarinig kay Matt.
"Go Alex! Masyado ka ng gagabihin sa daan." may lakip na inis ang pagkakasabi niya.
"I'll call you pag nasa condo na ako." he said then touched her lower back before walking out. Hindi pa din ito nilingon ni Pat. Bwisit na bwisit siya sa mga sinasabi nito. Sa harap pa ng pamilya niya at kay Matt! Ang galling-galing talaga ng lecheng chinito na ito! She angrily thought.
"Maiwan muna namin kayo ha?" sabi ng mama niya sa kanila ni Matt. Tumango na lang ang huli.
Pagkaalis ng tatlo, "Matt, let's sit."anyaya niya. She knows sa gilid na ng bahay dadaan ang mama at kuya niya to give them a little privacy.
"Nobyo mo na ba siya? Bakit iniwan mo ang kotse mo sa basement parking ng condo niya? Palagi ka bang sumasama sa kanya?" Sunod-sunod na tanong ni Matt. He sounds jealous.
"Hindi ko siya nobyo. May bubuksan silang bagong coffee shop ng kaibigan niya. Sa amin sila kukuha ng gamit. Nag-usap kaming tatlo kanina. Ayaw mag-start ng kotse ko kaya nag-offer si Alex na ihatid na lang ako." pagsisinugaling niya. Hindi ito nagsalita. Nakatitig lang sa kanya. She told him na pinuntahan siya ni Ella. Surprise registered on his face, "Inaway ka ba?" he sounds worried.
"She was very insulting. Ayaw ko ng magpanggap na nobya mo." She told him.
"Angel." mahinang tawag nito bago tumayo to sit next to her. "Please totohanin na lang natin."pakiusap nito.
"Matt, hindi tayo titigilan ni Ella. Mas mabuti pang maging magkaibigan na lang talaga tayo." Sabi niya at nakita niya ang lungkot na bumalot sa mga mata ng binata.
"Ayaw ko ng magulong relasyon. Your ex is still into you. Let's just stay friends."
Malcon: Naku 'te! Idahilan ba si Ella? Keribels mo naman ang gulong dala nung babae na yun eh! Ang hindi kaya ng powers mo ay pag nag-Incredible Hulk si baby Alex! Sa ayaw at sa gusto mo lalo ka ng walang takas sa kanya! Lalo na ngayon. Am I right? O tama ako? Oo na! Pareho lang ang tanong ko! Pero walang basagan ng trip! Moment ko to eh!
***
Hindi pa siya bumabangon kahit kanina pa siya gising. Magmumuni-muni muna siya. She 's not regretful na may nangyari na sa kanila ni Alex. Ginusto naman niya yun. Nasa tamang idad naman na siya. Besides kay Alex lang naman niya balak gawin yun. Pero as much as possible kasi, ayaw niya sana muna ng commitment. She considers her relationship with him as MU with benefits. Basta in her book, hindi pa siya nito nobya unless she says so. She wants to enjoy the little freedom she has. Kahit hindi pa kasi sila, naghihigpit na ito. Ini-off niya ang cp niya kagabi pa. She knows Alex will call her to ask about her conversation with Matt. He has to wait. Tutal susunduin din naman siya nito maya-maya. She felt bad ng makita niya ang sobrang lungkot sa mukha ni Matt pag-alis nito kagabi.She just hopes na mabalik sa dati ang samahan nila as friends. Tumayo na siya to take a shower. Nakita niya sa salamin na tadtad siya ng lovebites sa dibdib. Napailing na lang siya. At least tumupad naman si Alex na hindi siya lalagyan sa leeg. Ayaw niyang magka-isyu na naman si Alex sa susuot niya sa opisina so she chose to wear a dark blue short-sleeves blouse and pencil cut skirt na below the knee. Magba-black wedge na lang siya. Magdadala siya ng wrap around white top and black bootleg at strappy heels para sa get-together ng mga ka-batch nito.
Since hindi makahirit si Alex kanina dahil andun ang mama niya, she expected na pagsakay pa lang ng kotse mag-uumpisa na ang interrogation.
"Why did you turn off your phone last night?" malamig na tanong nito .
Hindi kumibo si Pat. She's trying hard not to look at him. Sa sobrang guwapo at bango nito ngayong umaga, baka mawalang saysay na naman ang mga pinraktis niya na sasabihin dito. Nakakawindang ang yumminess nito! Lichi na pisti pa! Nakakasira ng control!
"PATRICIA!" pasigaw na tawag nito.
"ANO?! " inis na sagot niya.
Malcon: Wow tapang mo 'te! Sige tignan natin kung hanggang saan yan!
"Kanina din pagkagising ko, tawag ako ng tawag sayo, pero unattended pa din!" annoyed na sabi nito while looking on the road.
"Na-lowbat na kasi! Antok na ako kaya kaninang umaga ko lang chinarge." she lied without looking at him.
"Anong oras umalis ang gagong bisita mo?"
She sighed. Naalala na naman niya ang malungkot na mukha ni Matt. Kung may magagawa nga lang sana siya...
Nagmura si Alex. He turned right to park the car on the side of road.
"Why are we stopping? Alex, I'll be late!" she asked in horror.
"I asked you a simple question pero hindi mo agad masagot?! And what the hell is that heavy sigh for?! Para kang may pinanghihinayangan!" his eyes are like daggers. He took hold of her arm.
"Aray! Nagiging brutal ka naman! Nasasaktan ako!" pinilit niyang tapangan ang boses niya.
Talagang galit na galit ito . Kagabi pa ito kating-kating bugbugin si Matt. Kung nagkataong wala dun ang mama ni Pat, baka nasa ospital ngayon si Matt. And to make matters worst, ini-off pa ni Pat ang telepono kaya kung ano-ano na tuloy ang pumasok sa isip nito.
"Then answer me! Dammit! Anong oras umalis ang asshole na bisita mo?!" he asked while gritting his teeth.
"Hindi kita sasagutin unless you let go of my hand!" bumabangon na din ang inis niya. Ginawa na nga niya ang gusto nito na bastedin si Matt eh. She thought that he will not release her but after a few seconds, he did. She almost gave out a sigh of relief.
"Speak up!" bulyaw nito.
She tried to look brave as she looks at him, "I did what you asked me to do! Binasted ko na nga si Matt kagabi! Ano pa ba ang ikinagagalit mo?" galit na sabi niya.
Alex's eyes narrowed, Totoo ba yan?" he asked.
Tumaas ang kilay niya" Pinagdududahan mo ba ako?" inis na tanong niya. He leaned forward to be closer to her.
OMG! Ang sarap ng amoy ni Alex.Nakaka...ump! she thought.
Biglang tumigas na naman ang expression nito. "Bakit parang nanghihinayang ka?! Masama sa loob mo na binasted mo?!” mas inilapit nito ang mukha sa kanya and took hold of her chin para matitigan siya ng deretso sa mata.
"Alex! Matagal kong kaibigan si Matt. Hindi naman yung pambabasted ko sa kanya ang pinanghihinayangan ko. Yung friendship namin. I don't even know kung maibabalik pa yung dati naming samahan." Napasinghap siya cause his lips is very near hers.
"Now that you're with me, hindi na din pwede ang friendship niyo! " he said before he claimed her lips.
Sino ba namang mortal na babae ang hindi mahuhulog sa lalaking ito? May pagka-bipolar nga minsan pero saksakan naman ng sarap. Ang sarap hunalik. Ang galling sa kama! Ang guwapo-guwapo pa! Almost perfect! At As usual sabik na sabik na naman ito sa kanya.
Malcon: Sure ka 'te na si baby Alex lang ang sabik? Orocan ka!
His hands are starting to touch her body. "Alex.." bulong niya ng pinakawalan nito ang mga labi niya to kiss her neck.
Ano ba ang meron sa mga kotse at bakit pag magkasama sila palagi silang nagmamake-out? O baka naman talaga kasing pag magkadikit sila, hindi maiwasan ang spark? She thought.
Malcon: SUS! Sinosyal mo pa! Spark ka diyan! Sabihin mo L as in.. l-i-b-o-g! Sabagay ano naman ngayon di ba? Pareho kayong young and wild and free and yummy! So magpaulan ng libog! EL pa more!!
They kissed and touched each other for a couple of minutes before Alex released her. Humihingal silang pareho.
"I don't want to take you here baby. Pag hindi pa tayo tumigil, I just might do that." sabi nito as he holds her face between his hands.
Pat bit her lower lip. Nagiging adik na yata siya kay Alex! Hindi niya ito matanggihan Palagi siyang nawawalan ng kontrol. Mas malakas pa nga ang kontrol nito sa kanya. Naman! Naman! What's happening to me? Is this good or bad? She asked herself.
He gave her a smack on the lips for a few seconds then said, "Pagbalik ni Cindy from Bora, I will get my spare key. You can have it.Para anytime, pwede mo akong puntahan sa condo."
Napaawang ang bibig niya.
Malcon: Yun o! Magpunyagi ang pechay! Manginig ang peanut! Shining shimmering and sparkling ang peg ng sex life mo niyan’ te! Bottomless dyug-dyug! Happy new year!